Kabanata 5

413 17 0
                                    

Kabanata 5

I couldn't believe that I am still alive and staring at this white ceiling. Even though I had a five hour sleep, I still feel tired and my feet feels sore from a long walk last night. I don't have an appetite to get up and start my morning even though its already nine o clock.

Humikab ako at pinanood ang pag lipad ng mga ibon sa tapat ng casement window. May mga nyebe na naipon sa gilid ng bintana. Patuloy pa ring naiipon ang nyebe roon sa bawat pag patak ng bawat segundo.

I held my comforter against my body for warmth. The room isn't air conditioned and yet I am freezing to death due to the weather outside. Hindi ko alam kung paano iyon natitiis ng mga taong walang matirhan sa labas.

10:30 am I finally had the courage to get up. Iniunat ko ang bawat muscles ko. Isang bagay na akala ko ay hindi ko na magagawa. Marahil kung wala si Rosalind, matagal na akong nanigas sa labas. At kung wala ang lalaki na nagbigay ng sulat sa akin, marahil ay nabalita na ako sa LCI bilang isang nagyeyelong bangkay.

Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang refrigerator na punong puno ng magnetic stamps. Bumungad sa akin ang tatlong itlog na natira at isang lalagyan ng camembert cheese. Isinara ko iyon at binuksan ang top cabinets. Halos wala na itong mga laman maliban sa isang papaya at isang paperbag ng mushroom. Nakakamiss din pala ang kanin ng Pilipinas. Here in France, there is no rice. I know right, how sad.

I decided to cook myself an omelete. Nakakatawang isipin na ang isang suicidal na babae ay eto at ipinagluluto ang kaniyang sarili upang maipsan ang gutom.

Sa sala ko napag desisyunan na kumain. Kanina pa ako palipat lipat ng mga tv station, nagbabakasaling makahanap ng magandang palabas.

Puro mga documentary ang nasa tv kaya pinili ko na lamang patayin ang flat screen. Sa gilid ng sofa ay naroon ang stereo na naisipan ko naman buksan. Nakailang lipat ako ng station pero ang mga kanta na puro maririnig ay puro mga kanta ng French na wala naman ako naintindihan. Kaya sa huli ay binuksan ko na lang ang tv. Hindi para manood, kundi para alisin lamang ang katahimikan ng buong silid.

Tumungo ako sa banyo upang maligo. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin pero nagpapatangay na lang ako sa agos ng mga pangyayari. Kagabi ay hinihiling kong mamatay na sana ako, pero ngayon ay gumagawa ako ng paraan para mabuhay. Siguro ay isang paraan na lang upang makisama sa kung sino man ang paulit ulit na nagbibigay sa akin ng pagkakataon na ipagpatuloy pa ang buhay ko. Kung mamatay man ako ngayon, so be it. I'm not entirely closing the doors from death. If it came knocking, I will still welcome it.

I wore my flannel shirt and a simple jeans. Pinatungan ko ang mga ito ng padded parka bilang proteksyon sa malamig na weather paglabas ko ng apartment. Sinuot ko na ang suede ko at naglakad patungo sa salamin ng kwarto. And yep, I still look really pale as usual. Ang tanging nagbibigay ng kulay sa akin ay ang faded green kong pixie hair.

"Bakit mo ginupitan?" I can still remember the irritation in my mom's voice nang makita niya ang bago kong haircut. It was the day they got married. The day I became a Gregorie.

"Its for a change." Even though I'm hurting, I still managed to fake a smile I could muster.

Nang lumabas ako nang apartment ay sinalubong agad ako nang sagad sa butong lamig. My teeth were chattering as I made my way to the other side of the street.

Rosalind was right. Hindi nga mahirap hanapin ang bookstore na tinutukoy niya. Librairie Bildergate is just across my apartment.

The entrance door chime the moment I pushed it. May mga customers na nagbabayad na sa counter at ang iba naman ay namimili pa rin sa mga shelf. The whole store smells like pages which is my favorite smell of all. It signifies calm and my youth. Those times I'm not yet Makayla Gregorie.

Things I Cannot SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon