Things I Cannot Say

By JeromeCaliente

9.3K 267 49

Can two broken people, mend each other's hearts? Makayla Zobel doesn't have any idea that the travel to Stras... More

Things I Cannot Say
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
KabanKata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16

Kabanata 3

549 16 0
By JeromeCaliente

Kabanata 3

City lights almost blinded me as I walk down the pavement, letting tears fell down my cheeks. My shoulders were shuddering and I don't know if its because of the cold January or because of my continous sobbing.

Or maybe both.

Sa tuwing nakakarating ang mga luha sa sulok ng aking bibig, nalalasahan ko kung gaano kapait ang buhay na ibinigay sa akin. I never knew that my life would turn out like this. I was just a normal probinsyana at my hometown before I went here. All my life, I pictured myself going to Manila to pursue my dreams. Hindi ko naman akalain na hindi pala Manila ang pupuntahan ko kundi isang bansa na kontinente ang pagitan.

Some of you might wish to be here in France. Some of you might think that I'm really dumb to end my life despite of having an opportunity to be here. But we're an entirely different people with different experience.

I want something different. You might want something else. You might want to experience luxury, to experience the life of being French, and visit all the local coffee shops that serve the best Machiato. Or just to visit the city of love.

But me? All I want is to be finally home. I want to be back to where I am supposed to be.

"Pansamantala lang 'to Makay. Pagkatapos nito, babalik na tayo sa Pilipinas." Mabilis ang mga galaw ng kamay ni Mama habang pinapasok ang mga damit sa kaniyang maleta. "Dalian mo! Mag impake ka na Makayla!"

Confusion filled me that time. Hindi ko alam noon kung bakit kinakailangan pa namin hanapin ang aming buhay sa France. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa namin lisanin ang Cebu, kung maayos naman ang buhay dito.

"Pero bakit Ma? Ayaw mo na ba dito?" I felt weak as I shoved some clothes inside my baggage. With hesitation of course.

"Hindi tayo yayaman dito Makayla. Hindi tayo yayaman sa pagsasaka lang ng Papa mo. . . sana maintindihan mo." Puno ng kapaitan ang tono ni Mama.

Gusto kong lumaban noon. Gusto ko siyang sabihan na sana matuto na lamang siyang makuntento. Sana matuto siyang ipagpasalamat na lamang ang kayang ibigay ni Papa. I am very proud of my Papa at gusto ko rin na maging ganoon si Mama. 

The sound of a beeping car brought me back to present. Agad akong humakbang palayo upang padaanin ang sasakyan na muntik nang makabunggo sa akin. Pinanood ko ang pag alis ng asul na Sedan. Kung hindi na sana nagbigay ng pansin ang nagmamaneho ng sasakyan, siguro mas magiging madali na lang ang lahat para sa akin.

I stopped by near an already closed store. Isa itong bookstore na pinagigitnaan ng isang Bristo at isang PUB. Sa reflection ng bintana ng bookstore ay pinagmasdan ko ang sarili. The coat that hangs on my shoulders made me look twice my weight. Malayong malayo sa weight kong 50 kilograms sa pagkakatanda ko. My jodine suede high boots made me look tall as well. Even though its dark, I can bet that I really look pale.

Marahas na hinampas ng hangin ang buhok ko. I shook my head to brush away the green strands that tickles my cheeks. Gustuhin ko mang hawiin, ang dalawa kong kamay ay nakayapos sa box na naglalaman ng aking mga gamit.

"She looks lovely, just like you." My step dad told my mom the first he saw me.

I wasn't comfortable around him but I managed to show a polite smile. His name is Ibrahim Gregorie. During those times I still don't have any idea that his surname will be mine someday. I thought he is just doing us a favor sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa amin sa kaniyang apartment. Kaya nang magpakasal sila ni Mama, para bang isang pundasyon akong unti unting nagiba at nadurog. I was severely crashed, thinking on what will happen to my papa who doesn't have any single idea that mama is already planning to be married to another man.

Hindi rin nagtagal ay dumating din naman sa puntong nalaman ni Papa ang lahat. Of course you cannot marry someone new if you're not yet divorced with your previous partner. Just imagining the horror on papa's face when he received the letter made my heart ache. At mas lalong umigting iyon nang malaman kong pumayag si Papa sa agreement. How I wish that he didn't. Maybe things would turn out differently.

I stared at the box that I am carrying. Clueless on what should I do with it. Siguro ay ibibigay ko na lamang ito sa isang pulubi na karapat dapat makatanggap nito. It will be pointless if I will bring this with me if I am planning to commit suicide. 

Karamihan sa mga pulubi ay lalaki. Mga matanda na kung tumingin ay aakalain mong nakahubad ka na.

Hinihintay kong maka encounter ako ng babaeng walang tirahan o mga bata na nasa lansangan at kinalimutan na ng kanilang mga pamilya upang mapakinabangan naman nila ang mga damit na mayroon ako. I walk and walk until I reach the Strasbourg station without any luck. Maybe I can just spend the rest of the night here. Or maybe I can take my own life using the approaching train.

Smokes coming from the cigarettes filled the train station as soon as I entered. I coughed after inhaling the rest of it.

Nang maupo ako sa bench sa tapat ng rail ay namataan ko ang dalawang lalaki na nasa bench at naninigarilyo. They are looking at my direction making me question my decisions on why am I still sitting there alone.

For the rest of the minute, I was being attacked by my grim thoughts and annoying anxiety. Gusto kong tumayo at umalis pero hindi ko na magawang ibangon ang sarili. Dahil ba sa pagod o dahil ayaw kong mahalata nila na nahahalata ko at apektado ako sa kanilang tingin?

I kept my eyes straight, not even trying to blink. I should avoid looking at them.

Then suddenly, there's a sound of something solid hitting the concrete in a rythm. Tap. Tap. Tap. Left right, left right. The silence is deafening that it echos the footsteps of these two men. I held my breathe for something that might come. If I'm going to die in this way, tatanggapin ko na lang kahit labag sa kalooban.

"Pourquoi es-tu seul ce soir?" A baritone voice said. Nang iangat ko ang tingin ko ay dalawang lalaki ang nakatayo sa aking harapan. They were the guy I saw earlier. May mga sigarilyo pa rin na nakasalpak sa kanilang bibig.

"A la recherche d'amusement?" This time, ang lalaking may hawak ng baguette naman ang nagsalita. Kinagatan niya ang baguette na hawak niya. He is chewing very loud, flaunting his lack of etiquette that he must get from living on streets or slams. Ang sigarilyo niya ay nasa semento na at kaniyang tinatapak tapakan.

"I can't understand I'm sorry." Umiwas ako ng tingin. Both of my hands slid inside my pockets, trying to conceal its shakiness. Don't be afraid.

Tumayo ako sa kinauupuan ko upang umalis na lang sa station. It was so sudden that I was in a state of shock by my own action. My heart is hammering wildly inside my chest and I feel like the weight above me is getting heavier. I was about to leave when they blocked my way out, teasing my claustrophobia.

"Tu as l'air perdu. Peut-être que nous pouvons vous aider." His mouth smells like wine and fish. Worse, his face is just several inches away from me.

Umiling ako kahit wala akong naintindihan. Umiling kahit hindi ko alam kung tanong ba iyon. Question or not, it doesn't matter right now. I have to get out. I don't want to die losing what's left in me. "I need to go."

"Facile, ma dame. Nous ne voulons pas de mal."

I tried to get passed them but the huge ones with a beret on his head gripped my arm tightly. I took a quick glance on his eyes. Its bloodshot. I don't know if its just irritated or just because of lack of sleep.

"Ne soyez pas impoli."

My breathing was already ragged. Instincts were already kicking in.

They stood still but there are footsteps that can be heard. I don't know if its approaching or leaving. I tried to look for it but their huge frames are blocking the source of it.

"Hey! Connard!" The voice is in a high pitch to be a man. The guys parted, revealing the voice behind. Hindi ako nagkakamali, isang babae ang pinag mulan ng boses na iyon. Judging be the unnatural accent that she got, it's really obvious that she is not a french woman.

I could almost float by the release of weights I've got nang lumapit ang babae sa amin.

The men looks puzzled when she shoved her right hand on her cluth.
Mula roon ay inilabas niya ang kaniyang kamao tinapat ang isang bagay mula roon sa mukha ng dalawang lalaki. Pepper spray, I realized.

"Degage!" A nut cracking could be hard after.

I flinched at the disturbing sound it produced.

Things escalated quickly, so quick that I didn't realize that she was already grabbing my arms away from those two strangers.

Patakbo kaming lumabas ng Strasbourg station, kapwa sinusumpa ang mahabang hagdan na kailangang baybayin paitaas.

Oo alam kong suicidal ako, pero hindi ko naman hahayaan ang sarili ko na mamatay sa ganoong paraan.

Mahigpit pa rin ang hawak ng babae sa braso ko hanggang sa makalabas na kami ng station. Bahagyang lumuwag iyon nang bumagal din ang aming pag takbo.

"Est ce que ça va?" Tanong ng babae nang makalayo na kami. Hinihingal kaming tumigil sa tapat ng isang police station. Seeing the officers having a small chit chat in front of their building sent an odd relaxing effect all over me. "Vous ont-ils fait du m--."

Natigilan ang babae nang humarap ako sa kaniya. Her eyes became wider than it should be. Mas umigting ang ginhawa na naramdaman ko. Ganoon pala ang pakiramdam ng pag asa. "Makay!!!"

I gave her a smile. That's all what I got with me.

"Its me. Rosalind! My goodness!" Humalakhak siya at tinanggal ang fedora sa kaniyang ulo. Mula roon ay nalaglag ang iilang hibla ng kaniyang itim na buhok.

Memories crashed my mind as soon as she mentioned her name. Kapit bahay namin siya sa Cebu. Isa siya sa mga tumutulong sa amin kapag may mga bayarin kaming hindi nababayaran. Mayaman ang pamilya niya. Ang mga Alcozar ang may ari ng lupa na aming sinasakahan. Malaki ang utang na loob ng aming pamilya sa kanila at heto, mukhang madagdagan naman.

Pinagmasdan ko siya habang binabalikan niya ang pangyayari sa station na agad kong pinalampas. The way she carry herself, the way she dress, mapagkakamalan mo siyang french. Malayo sa itsura niya sa Cebu na isang haciendera. She is wearing a pink padded parka and a pair of white jersey ankle boots. Nakaka distract din ang kaniyang diamond tassels. With her in front of me, I feel like I am just a rat talking to a lioness.

"Its been a year Makayla. . . Look at you." Pinasadahan niya ako ng tingin. Her eyes were full of astonishment. Hindi ko alam kung napapansin niya ba ang durog na imahe sa likod ng labing nakangiti.

Pinasadahan pa rin niya ako ng tingin na nahinto box na hawak ko. Ang ngiti na nakaukit sa kaniyang mukha ay agad na naglaho na para bang isang pintura sa pader na unti unting pinawi ng ulan. "What happened Makay? Bakit may dala dala kang ganyan?"

Naglakad kami patungo sa hindi matukoy na direksyon. Alam kong may lakad pa siya na dapat puntahan pero nandito siya at naabala ako. Gusto kong sabihin sa kaniya na mauuna na ako. Gusto kong sabihin na kailangan kong mapag isa kahit alam ko sa sarili ko na kailangan ko rin ng kausap at mapaglalabasan ng problema. Ang bigat lang sa pakiramdam kapag alam mong mayroon kang taong naabala at hindi mo alam kung totoo ba ang kanilang pinapakita. Maybe its just my mind being used to betrayal kaya kahit ang kabaitan na pinapakita niya ngayon ay pinagdududahan ko pa.

"Wala lang." Tinapunan ko ng tingin ang mga dala. Hindi ito maayos na nakasalansan sa kahon.

"Makay. . . kung may problema sabihin mo lang." Ngumiti siya. Iyong ngiti na sinisikap na sabihin na magiging okay ang lahat. "Now tell me Makay, bakit dala mo ang mga gamit mo? Nasaan ba ang mama mo? Si Ibrahim? Nasaan?"

So alam na niya ang tungkol kay Ibrahim. At naalala kong ugali pala ni Mama ang mag post sa facebook tungkol sa buhay namin dito sa France upang ipag mayabang lang ang mga bagay na narating na namin. Habang si Papa ay hindi namin alam kung ano na ang balita. Marahil kumakayod pa rin ngayon. Hindi na para sa pamilya kundi para sa sarili na lamang niya. Social media can make great wonders. At marahil sirang sira na si Mama sa mga nakakakilala sa amin doon.

Kinwento ko ang lahat kay Rosalind kahit may pag aalinlangan sa una. Pag aalinlangan dahil iniisip ko na baka naaabala ko siya at nahihiya lang siya umamin dahil kaibigan ako ng pamilya nila. Nang matapos kong ibigay ang kailangan nyang malaman, gumaan ang pakiramdam ko. Para bang isang mabigat na tao ang tumayo mula sa pagkakaupo sa puso ko. It feels nice to know that there is someone who is willing to talk to me, to let me vent out these feelings that were remained sealed for a very long time. But of course, there are some things that I left unsaid. Tulad ng pagpaplano kong tuldukan ang lahat.

"Sorry kung naabala pa kita sa lakad mo." Tinignan ko ang mga iilang French na naglalakad sa daan, abala sa kani kanilang cellphone at yosi.

"Naku wala 'yon. Hindi rin naman ako nagmamadali e. . ." A pause. Then a sigh was heard. "Makay, pakatatag ka. Sorry ngayon ko lang nalaman ang nangyari. Wala rin naman kasi nag sabi sa akin e."

Ngumiti ako nang pilit at sinubukang ibahin ang usapan upang hindi na muling mabudburan ng asin ang sugat na naka awang. "Saan ba ang lakad mo?"

"Sa kaibigan ko. Susunduin ko kasi siya kasi sasabay siya sa akin papuntang Mexico bukas." There's a sudden change of tone on her voice. It became sad, far from the cheerful tone that she showed earlier.

Mas umigting lang ang nararamdaman kong hiya. "Hala sorry."

"Ano ba okay lang naman 'yon."

Ngumiti na lang ako. For a twenty five year old woman, lubhang napaka laki na ng narating ni Rosalind.

"Makayla . . . I really want to help you." Inilagay niya ang isang kamay sa balikat ko. Tinignan ko iyon at ngumiti sa kaniya. "Mag stay ka na lang kaya sa bahay ko rito. Ayoko namang bumalik ka kay Ibrahim. Mahirap na at baka saktan ka pa 'non." Napatingin ako sa bigla niyang pag alok. Hindi ako umimik, hindi ko rin naman alam ang sasabihin. "Wala rin naman titira doon. Aalis na kasi ako rito. Nag stay lang ako for a one month travel. Sayang naman kung walang papalit."

That is a very nice offer. But to live isn't on my plans. "Hindi mo naman kailangan gawin 'to. Salamat pero-."

"Makayla huwag ka na mahiya. Its all yours now. Bayad na rin ito dahil naging mabait ang pamilya mo sa pamilya ko. Sa amin."

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tumanggi dahil hindi niya ako pinakinggan kahit gusto kong sabihin sa kanya na Sorry, hindi ko ito matatanggap.

I was given another chance to live. Noong una, iyong lalaki na nagbigay ng isang note na saglit na nagpigil sa akin sa aking mga desisyon. At pangalawa, itong hindi inaasahang pagkikita namin ng isang taong minsan nang tumulong sa pamilya ko. Ang daming chance na ibinigay sa akin na paulit ulit ko lang sinasayang. May iilang tao na hinihila ako palayo kay kamatayan at ako lang tong nagpupumilit lumapit sa kaniya.

What if. . .

What if it isn't my time yet?

What if the time of my death isn't really on my hands? On our hands? That death isn't really something that I am the one who will decide?

Gusto kong umiyak. Gusto kong umiyak sa harapan ni Rosalind. Gusto kong ilabas ang lahat. Lahat ng lungkot, ng galit, ng pangungulila at bigat sa dibdib na hindi ko nailabas simula  nang mawala si Mama. Ako 'tong sumusuko sa laban ng buhay, ako 'tong umaayaw pero paulit ulit na binibigyan ng pagkakataon na mabuhay. May mga taong gustong mabuhay pero pinagkakaitan ng mga ganitong pagkakataon pero pinipilit pa ring lumaban. Bakit ako? Bakit hindi na lang sila?

Niyakap ko si Rosalind. Pinigilan kong lumabas ang mga luha sa mga mata ko. Pinigilan ko.

Pero hindi ako nagwagi sa labanan dahil mas matindi ang emosyon na kinakalaban ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...