Confessions Of Our Guilty Hea...

By EnergyStarsss

496K 4.5K 464

They sworn to secure and protect, not fall and fall in love! More

Confession 1
Confession 2
Confession 3
Confession 4
Confession 5
Confession 6
Confession 6: Part 2
Confession 7: Beautiful Target
Confession 8: Happy First Day!!!
Confession 9: Chocolate Love
Confession 10: I Know You Know
Confession 11 (Part 2): Little White Lies
Confession 12: I Got A Boy
Confession 13: First Day, First Love
Confession 14: Second Day, Happiness?
Confession 15: Third Day, Glad You Came
Confession 15 (Part 2): Back For You
Confession 16: Fourth Day, Crazy Thing.
Confession 17: Caught Up In You
Confession 17 (Part 2): Sorry, Sorry
Confession 18: You And I
Confession 19: Just A Feeling
Confession 19 (Part 2): Beautiful Goodbye
Confession 20: Why Goodbye?
Confession 21: Just A Little More US
Confession 21 (Part 2): A Little More You
Confession 22: More Than This?
Confession 22 (Part 2): Is There Anybody Out There?
Confession 23: Half Alive
Confession 24: Half A Heart
Confession 25: Change My Mind
Confession 26: All My Love Is For U
Confession 27: Wouldn't Change A Thing
Confession 28: Love Love
Confession 29: Loving U
Confession 30: Oh My My My
Confession 31: Better Than Revenge
Confession 32: Better Than Words
Confession 33: Me and You TOGETHER
Confession 34: A Step Closer
Confession 35: Closer This Time
Confession 36: Love with Pain
Confession 37: Dzi Loverz
Confession 38: Wait a Minute!
Confession 39: Round of Applause
Confession 40: Wala eh!
Confession 41: Ring Ding Dong
Confession 42: Girls Girls Girls
Confession 43: Scream!!!
Confession 44: I Know, you Know.
Confession 45: Boom Boom
Confession 46: Tonight is the Night
Confession 47: Vulnerable
Confession 48: It's You All Along
Confession 49: You LOVE me Anyway
Confession 50: Its Up To You!
Confession 51: It's Me or It's You?
Confession 52: C-R-U-S-H
Confession 53: Think What To Think! (Feel It In Your Heart)
Confession 54: You Got My Heart...
Confession 55: What Now?
Confession 56: Love Never Fails
Confession 58: Stonger
Confession 59: Forget Forever
Confession 60: Out Of Goodbyes
Confession 61: Talk Dirty
Confession 62: Daylight
Confession 63: 정말?
Confession 65: Yearning Heart
Confession 66: She Was Mine
Confession 67: Cordially Invited
Confession 68: Who you?
Epilogue
Me. You. Us.

Confession 57: Way To Go.....

4.1K 71 9
By EnergyStarsss

#Camille'sPOV

“Sorry po…”

“Excuse me…”

“Padaan po…”

Waaaaaaaahhh! Late na ako. Bakit ba ang daming harang papuntang gym? Papatayin na ako ni coach nito. Balik training na pala kami. Tumatakbo na ako papunta sa gym ngayon. Takbo lang naman ang pwede kong gawin. Kung kaya kong lumipad, kanina ko pa ginawa. Huhuhu! Paano na ‘to? Malilintikan ako kay coach nito ah!

“So…sorry, Co…coach!” Sumandal ako sa pinto ng gym habang naghahabol pa rin ng hininga. Hoh! Ang laki kasi ng La Salle eh! “Sorry.” Nakayuko na ako habang hawak ang mga tuhod ko.

“Camille. In my office.” Tinuro naman ako ni coach ang office niya kaya sumunod na rin ako. Buti na lang at kalam ang pagkakasabi ni coach kaya hindi ako masyadong napahiya. Nakatingin parin sila sa akin.

“Sorry coach..” Sinara ko na ang pinto ng office niya at umupo na rin ako sa upuan na nasa harapa niya.

Umupo na rin siya sa upuan niya at tumingin sa akin. “I just want to tell you that we’re cutting Mika’s connection to the team except for Cienne and you.” Bakit naman?

“H..huh? Bakit naman coach?”

“Para makalimutan na niya ang buhay na nandito siya. Para makalimutan na niya ang mga taong involve sa buhay niya dito. Para makabuo na siya ng buhay niya doon.”

“Coach, mahal na mahal niya si Ara. At kahit na ilang taon pa o century ang dumaan, kung in love talaga sila sa isa’t isa hinding hindi nila ito makakalimutan. Hindi madaling mawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Love na eh! Tumatak na sa puso’t isipan nila.”

“Alam kong hindi madaling kalimutan si Ara at alam kong hindi niya ito makakalimutan. I just want her to take a break kaya niya tinanggap ang London di ba?”

“Well, ang sinabi niya ay ayaw na raw siyang makita ni Ara kaya siya umalis. Masyado siyang nasakyan kaya siya umalis. Kailangan niyang umalis eh!”

“Hay! I’m still cutting it.” Tumayo na siya sa upuan niya at naglakad na papunta sa pinto. Tumayo na rin ako at pinagbuksan niya ako ng pinto. “You’re 45 minutes late so your extended. Iligpit mo na rin ang mga bola pagkatapos mong gamitin.”

Lumabas na kaming dalawa ni coach at nakisali na rin ako sa practice nila. Serving ako ngayon. Pero biglang 5 minutes break kaya umupo na muna kami. Biglang nagtap si Ara sa balikat ko at umupo na rin sa tabi ko.

“Just close your eyes from the thing you don’t want to see.” Inayos naman nito ang sapatos niya.

Napatingin naman ako ulit kina Carol at Justine. Well, they’re sweet. Normal naman ‘yan sa mga mag-on di ba? Nagsusubuan, nagsasalo ng inumin at kung ano pang kasweetan na meron sa mundo di ba?

“Sabing pikit eh!” Napangiti nalang ako kay Ara at napailing na lang din.

Pwede akong magselos di ba? Tsk! Nakita ko na lang ng tinatayo ni Carol si Justine. Nagkalapit ang mukha nila at nakikita mo ang hindi nila pagkakailang sa isa’t isa. Hmm!

“Back to training…”

Tumayo na kaming lahat at bumalik na ako sa serving line. Matagal-tagal na rin akong hindi nakalaro eh! Buti kung aabot pa ‘to. Wala pa akong warm up eh! Mabuti ang takbo pero wala pa rin eh!

Pinalo ko na ang bola…

“AHH!” Napasigaw ang lahat sa dismaya ng hindi pumasok ang bola. Tsk! Sabing hindi na ‘to papasok eh!

Bumalik na lang ako sa pwesto ko at nakitang nadismaya na si coach sa nakita niya. Halata naman kasi.

* * *

“Good game everyone. That’s all for today.”

Umalis na kaming lahat at nagshower na. Nagpaiwan na ako aksi kailangan ko pa ng training. At serving pa talaga ah! Nakaalis na ang lahat at nagseserve parin ako ng bola.

Pangsampo ko ng serve ‘to at walang isang bola ang pumasok sa kabilang court. Huhuhu! Kaya ko ‘to. Huminto na muna ako at hinawakan lang ang bola. Tumingin ako sa bola at sa court na rin. Ano bang pwedeng isipin para lumakas ang palo ko?

“Bye Justine.”

Napalingon ako at nakitang hinalikan ni Carol ang pisngi ni Justine. Gusto kong umiyak. Gusto kong.. Urgh!

Pinalo ko na lang ang bola at tumalbog na ito. Umabot na ito sa kabilang court. Yes!

Inisip ko na lang lahat ng sakit. Sakit. Mga pangyayaring pwede kong ikagalit. Ibinuhos ko na ang lahat ng galit ko sa pagpalo ng bola. Lahat na ata ng enerhiya ko ay nainuhos ko na sa pagpalo ng bola. Tsk!

Last na ‘to. Pinalo ko na lang ang lahat ng bola ng mabilisan. Gusto kong mawala lahat galit ko dito.

 #Ara'sPOV

Magkasama kami ni Cienne ngayon sa dorm. Bored na bored ka kaming dalawa. Si ate Mich at ate Abi kasi busy sa thesisi nila. Kaya dorm alone kami ni Cienne.

“Ang magandang gawin, Ara?” Napatingin ako kay Cienne na nakaupo na patiwarik sa couch namin. Kambal nga sila ni Camille. “Hmm?”

“Umayos ka ng upo please!” Umayos na nga siya ng upo. “Punta tayo 7/11? Bili tayo pagkain tapos movie marathon tayo?”

Ngumiti siya at biglang lumapad ang ngiti nito. “Sige. Sige. Para pagbalik nina Cams dito, hindi na rin siya na bored.” Sabay takbo nito papunta sa taas. “Magbibihis lang ako.”

Tumayo na ako at kinuha ang susi ng sasakyan. Naka-PJ’s lang ako at T-shirt. Ano bang pakialam nila kung ganito ang isuot ko di ba? Walang basagan ng trip guys. Nakababa na rin si Cienne at nagpunta na kami kaagad sa 7/11.

7/11

0512 PM

Namili na kami ni Cienne kung ano ang gusto naming kainin. Siya ang sa mga pagkain habang ako ang sa mga inumin. Walang alak. Ayaw naming lasingin ang sarili namin and besides, may pasok bukas. Nagpunta na ako kay Cienne na nagmimili parin sa pagitan ng Nova at Piattos.

“Kunin mo na lang kaya ang dalawa.” Sabi ko kaya napalingon siya sa akin. Inilagay ko na rin ang mga kinuha ko sa basket.

“Hmm! Pagpipilian ko lang kung ano ang mas maganda ang kulay.” Come on, Cienne.

Napailing na lang ako at kumuha na lang nga mga pagkain sa kabilang section. Ako na lang kaya ang kukuha kas mukhang busy si Cienne kapipili ng colors niya. Napatingin ako bigla sa mga nakatalikod. Mukhang familiar sila ah!

“Ah! Cienne. Sama mo na rin ‘to.” Tumango na siya kaya inilagay ko na lang. “Cienne? Kilala mo sila?” Tumingin sa akin si Cienne at itinuro ko naman sila.

“Ah! Si Van at cousin niya.” At binalik lang niya ang tingin niya sa pagkain. Walang pakialam ‘tong isang ‘to? “Ay! VAN!” Tawag niya at agad naman itong lumingon.

Nice! Natigil sila sa kalandian ginagawa nila, humarap sila samin na may gulat na mukha. Oh-ow! “Cienne! Ara!”

“Nakakita ka ata ng multo, Van? Anong meron?” Tanong ko dito kaya kinabahan na siya lalo. “Hi there. You must be his cousin. Pleasure to meet you.” I offer my hand for a handshake pero tinignan niya ito. Malinis kaya kamay ko. OA ka ah!

“Hi, hon!” Sabay halik nito sa pisngi ni Cienne.  Yuck!

“Ah! Fretch this is uh! Ara and this is Cienne, my girlfriend.” Pagpapakilala niya. At sa wakas nakipagkamay na rin siya sa akin. Arte nito. Mukhang b@tc#.

“Ano?  B*tch?” Nagtatakang tanong ko habang hawak ko pa ang kamay niya.

“Excuse me?” Taas kilay nitong tanong. Taray!!

“Fretch kasi…” Bulong ni Cienne sa akin.

“Ah! Akali ko kasi b*tch. Hearing problem.” Tumango na lang siya at halatang may galit sa akin. “If you don’t mind me asking, how are you related to this person?” Sabay turo ko kay Van na parang natatae o ano ba.

“Uhm! His a close friend of mine.” Pairap na sagot nito. Sumplada ka ah!

“Hmm! Close friend? How close? I though she’s your cousin?” Ang gulo ng mundo ah! Sama mo pa ‘tong si Cienne.

Napakatinginan kami ni Cienne at sabay kumunot ang noo namin. “Hindi ba pwedeng maging close friend ang cousin?” Tanong ni Van.

Tumingin ako sa kanya at mukhang magpapakatatag pa ‘to ah! “Hindi. Kasi kung friend kayo pwede niyong patulan ang isa’t isa at kung cousin naman, may sayad ka sa utak kung papatulan mo siya.”

Nakita kong napalunok ang dalawa at mukhang kinabaha ata. Napabitaw nga bigla ang kamay nilang magkahawak. Told ya! Hindi na sila friends ah! “Look, ayaw namin ng away o gulo. Tawagan na lang kita, hon.” Hinalikan na niya ang pisngi ni Cienne at umalis na.

Sinundan lang sila ng tingin ni Cienne. Akala ko ba friends? Ba’t may agbay-agbay something? Binalik naman ni Cienne ang tingin niya sa akin.

Am I in trouble?

“Mogu mogu?” Napailing na lang siya at bumalik nasa pagkain niya. “How about with nata de coco?”

Humarap siya sa akin at binigyan ako ng matamlay na tingin. “Are you trying to be cute? ‘cause it’s not working.”

OUCH HA!!

Ouch talaga....

#Carol'sPOV

“Bye, Justine.”

Hinalikan ko na siya sa pisngi. Wala lang. Nakasanayan lang simula nong araw na may dumaan na shooting star. Galing din ‘no? Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at umalis na rin ito.

Nakatingin lang ako sa sasakyan habang papaalis na ito. Grabe ah! Nakagawa na kaagad si Majoy ng move niya. Wala pa namang nagtapat sa kanila pero mukhang ganon ng nga. Hindi ko alam kung saan dadalhin ni Majoy si Justine ngayon. Sana naman sa puso niya. Hahaha! Medyo cheesey lang?

“SH!T.” Napatingin ako sa nagmura. Kanina pa si Camille diyan ah! “ARGH!”

Wala siyang lakas? Hindi kasi umaabot ang mga palo niya.

Umupo na lang ko sa bench kung saan hindi niya ako makikita. Baka kasi umiit ang ulo pag nakita ako. Hahaha! Nakatingin lang ako sa kanya habang busy siya kapapalo.

Kahit anong pilit kong kalimutan siya, hindi ko magawa eh! Kahit anong pilit ko na mawala ang awkward something namin, lumalala pa eh! I’m over her. Yup! Pero not completely, maybe a half of it. Hindi naman kasi madaling kalimutan ang taong naging mahalaga sayo di ba? Naging mahalaga siya sa akin kaya hind madali eh!

Mukhang lumalakas na rin siya eh! Umaabot na sa kabila ang mga service niya. Inaaral ata niya ang line ball na service. Good para may magamit kami. Para service palang, puntos na. Bumabalik na rin naman. Ako kaya? Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas para makalimutan na siya?

Bigla kong tumayo sa kinauupuan ko nang makita ko siyang nakaupo na sa sahig habang hawak ang bola. Naka-upo siya habang nakatingin lang sa bola, lumapit ako sa kanya at don ko nakita ang pag-iyak niya. Ang pagtulo ng luha niya sa bola.

Sa bawat pagtulo ng luha niya sa bola ay parang dinudurog ang puso ko. Parang dinudurog na pinupunit na tinatadyakan na hindi ko alam. Basta ang alam ko ay masakit tignan siyang umiiyak. Masakit tignan sa tuwing tumutulo ang luha niya.

Hindi ko na natiis at lumapit na ako sa kanya. Bakit hindi ko maitiis ng maging mataray sa kanya? Bakit hindi ko matiis na maging cold sa kanya? Bakit hindi ko matiis ang iwasan siya? Bakit hindi ko magawang kalimutan siya?

Bakit hindi ko magawang alisin ang pagmahahal sa kanya na hindi nya kayang ibalik?

“Shh! Cams…” Hinawakan ko ang kamay niya. Bakit na nginginig siya? Hinawakan ko lang ito pero patuloy parin ang panginginig nito. “Tahan na….” Inangat niya ang mukha niya at nakita ko ang pamumuo ng luha niya.

Patuloy kong hinawakan ang kamay niya habang nakatingin siya sa akin at patuloy ang pagluha niya. Nakikita ko na rin ang pagpatak ng mga luha niya sa mga kamay namin. Ngayon ko lang nahawakan ang kamay niya. Parang nanlalambot ako pagnahahawakan ko siya.

Ilang sandali pa ay mukhang kumalma na siya at nawala na ng kunti ang panginginig ng kamay niya.

“Ca…Carol?”

Hindi na ako nakapagsalita pa. Bigla na lang niya akong niyakap.

Ano ba? Yayakapin ko ba siya? Nasa giliran ko parin ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mas humigpit na ang yakap niya sa akin, mas humagolhol na rin siya ng iyak kaya wala na akong nagawa! Niyakap ko na rin siya pabalik.

“Ca…Caro..ol”

Paano ba magpatahan ng umiiyak? Nakatingin ako sa mga kamay ko ngayon na nanginginig na rin. Nahawa na ata ako. Hinagod ko na rin ang likuran niya. Ganito ba?

“Ah! So..rry.”

Kumawala na siya sa yakap at pinunasan ang luha niya. Hindi ako nakareact kaagad. Ano ba ang irereact ko? Magagalit ba ako? Gusto ko rin naman eh! Magsasaya ba ako? Magmukha akong timang nito.

“Uhm! Hi..hindi ka pa ba uuwi?” Kamot-ulo kong tanong at napayuko na lang. Bakit ako na ang awkward?

Tumalikod siya sa akin at pinunasan na naman ang luha niya. “Uhm! Ah! Mamaya na. Kailangan ko pang iligpit ang mga bola.” Nagsimula na rin niyang pulutin ang mga bola.

Tutulungan ko kaya siya? Ayaw ko namang tumayo lang dito ‘no. Kinuha ko na lang ang lalagyan ng mga bola at isa-isang inilagay don. Ang boring ah. Kahit na may ginagawa na kami. Hindi parin maiiwasan ang awkwardness.

“Ah! Ako na, Carol b—” Sabay kaming naming naiangat ang mga mukha namin at nagkalapit ito. Hind ko alam kung dahil ba sa kakalakad ko kaya mabilis ang tibok ng puso ko o ano. Mabilis lang talaga siya.

“Ako na.” Kinuha ko ang bola sa kamay niya. Hindi na rin siya nakapalag at binigay niya sa akin.

Kinuha ko na lang ang mga bola na malapit sa akin. Hmm! Bago pa ako makalapit ay umatras na ako. Nakita ko ring napatingin si Camille sa akin. Umayos na ako ng tayo. Inilahad ko na ang bola. Parang serving position. Pinalo ko na ang bola at tumalbog ito papasok sa lalagyan. Galing ko ah!

“Hmm! Nice.” Napatingin ako kay Camille na ngumiti lang sa akin.

WAG MO AKONG NGITIAN NG GANYAN. PLEASE LANG! WAG. WAG. NAHUHULOG AKO SAYO EH! AAAAHHH!

“I’ll tell you what…” Kinuha ko ang isang bola at humarap sa kanya. “Kung sino ang may pinakamaraming maipasok na bola sa lalagyan, siya ang ililibre ng ice cream pagkatapos nito.”

Gabi na, ice cream pa rin? Adik sa ice cream 'to. 

Napatingin siya sa akin at sa lalagyan ng bola. “Ayaw ko nga. May naipasok ka na tapos ikaw ang naghahamon ah. Baka magalit pa si Justine na gabihin ka.”

“Huh? Bakit naman magagalit si Justine? Sa dorm natin ako umuuwi, sa kwarto mo pa nga eh!” Binigyan niya lang ako ng nakakamatay na tingin. “Come on, wag mong sabihin na ang isang Camille Cruz agent 1117 ay natatakot matalo?”

Bigla siyang humarap sakin. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?”

Napakunot na lang ang noo ko. “Hello? Dorm mate, classmate, roommate kita tapos hindi kita kilala? A—“

“Not that.” Bigla niyang binato sa akin ang bola, buti na lang at nasalo ko. “I mean the agent 1117.”

“Ahh! Sinabi ni Thomas sa amin nong nangyari ang—“

“I get it.”

“So? Ano? Game?” Tanong ko sa kanya at pinaktia ang bola.

“Fine. Give me that.” Agad niyang kinuha ang bola. Tumayo na siya sa kinatatayuan ko kanina at pinalo ang bola. “Challenge accepted.” Proud nitong pagkakasabi. Naipasok lang eh!

#Kim'sPOV

“Hey, you sure you don’t want to come?” Tanong ni Marge sa akin. Dorm mate ko siya.

“Nah! I still have to finish this thing.” Nakangiti kong sambit. “Just enjoy yourselves. “

“Okay then.” At sinara na niya ang pinto para tuluyan ng makaalis.

Ilang araw na rin ako dito. One or two, maybe. Grabe na ang pagnonosebleed ko dito. Hindi naman sa hindi ako marunong pero ang fluent kasi nila. Ilang araw na rin akong lumipat sa dorm na ito. May contact parin ako kay Mika ‘no. Papatayin ko ‘yon kung wawalain niya.

So far so good, everything is fine. Schooling, I meet couple of friends, I got a new devil like Prof and some places to hang out. Everything is going smoothly. No problems, no troubles and I survived. Maybe, I miss my friends back in the Philippines. Her? As much as possible, I’m not thinking about her. Well, at least. I’m not completely over her for just you know, days?

I heard something beeped and quickly took a peck. Face time babies!!

“KIIIIIMMMM!!!” Narinig kong tumitili na si ate Mich. Hahaha!

“Hello din po.” Bati ko sa kanila. Naging magalaw kaya malamang ay dinala na nila ang laptop sa sala. Nakatambay na naman sila don.

“Hoy! Musta ka na? Grabe ka ah! Mukhang pumuti ka o sa ilaw lang ‘yan?” Bully pa rin.

“Ate Abi naman eh! Pero hahaha. Okay lang naman po dito, di maiwasang mapapanosebleed sa kanila. Grabe. Big word palagi. Hahaha! Kayo po musta diyan?”

“Okay naman. Okay lang kami. Nakakamiss ka rin grabe.”-ate Mich.

“Oo nga po eh! Musta na po siya? Alam na ba niya?” Hindi ko lang talaga maiwasan. Nakita ko na lang silang nagkatinginan eh!

“Hmm! Mukhang alam na niya. Sinabi na kasi ng lahat ng Prof na handle ka, so alam na niya." -ate Abi.

“Mabuti na rin po. Hahaha! Okay lang di ba?”-ate Mich

Okay lang ako di ba? Okay lang naman ako. Bigla kaming natahimik. Ilang ulit ko bang sasabihin sa sarili ko na okay ako pero hind ko magawa. Hahahaha! Bahala na nga. Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Ara.

“ATE KIIIMMMM…” Sigaw nito at biglang tumalon sa gitna ni ate Mich at ate Abi.

“Hyper ka ngayon, Ara ah!”

“Hahaha! Ganon talaga. Nagkita ba kayo ni Mika diyan?” –Ara.

“Hmm? Nandito rin si Mika?”

Pa-insonte para hindi mahalata. Magsinungaling pa...

“Oo. Grabe kayo ah! London talaga kayo.” –Ara

“Hahaha! Hindi ko kasi siya nakita eh!”

Hay! Sorry, Lord. Sorry, Ara. Sorry, guys. Sorry, myself! Sorry sa lahat.

Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Cienne na nakatingin lang sa akin. Napalunok na lang ako habang nakatingin sa kanya. Kalma, Kim. Everybody needs to move on.

“Hi!” Nakangiti kong bati.

“Hi din.” Bati niya. Hindi parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Hmm!

“Ah! Saan kayo galing, Cienne.” Nakipagdate ‘yan kay Van malamang.

“Uhmm! Bumili lang ng pagkain para sa movie marathon raw sabi ni Ara.” –Cienne

“Halika ka Mich, tulungan mo akong mag-ayos ng mga binili niya at ‘nak. Sama ka na rin.” Tumayo na si ate Abi at hinila na ang dalawa. Nice ate ah!

Umalis na nga sila at naiwan kami ni Cienne dito. Umupo siya sa harapan ng laptop. Sht. Ganda pa rin niya. Mas lalo pa siyang gumanda ah! Ngumiti lang ako sa kanya at ganon na rin siya.

“I miss you.”

Napataas na lang ang kilay ko sa sinabi niya. Tama ba naring ko? Sandali! Mukhang mali ata. Mukhang pinagti-tripan lang niya ako. Mukhang mali talaga eh! Mali talaga. Ikaw na assuming, Kim.

“Excuse me?”

Nakakagulat naman ‘tong taong ‘to. Pero ano raw?

“Hmm! I miss you. Mukhang napapasarap ang buhay mo diyan ah!”-Cienne

“Ah! Ha? Hahaha! Hindi naman. Wala paring papalit sa sarap ng buhay diyan.”

“Eh ba’t ka umalis?”

“Kasi gusto kong makalimutan ka..."

#Camille'sPOV

“URGH! AHHHH!” Sigaw niya.

“Hahaha! Maghahamon ka pa?” Pang-asar ko sa kanya. “Paano ba ‘yan?” Lumapit na lang ako sa lalagyan at kinuha ang mga bola.

“Oo na. Cookies ‘n Cream. Alam ko.” Na-iinis niya sagot. Napangiti na lang ako. Hmm! Alam niya.

“Tara na nga ibalik na natin ‘to para mabilhan mo na ako ng ice cream.”

Hindi na siya umimik at hinila na namin ang lalagyan para mailagay ang mga bola sa stock room at para maligpit na rin. Pinunasan na namin ang mga bola bago tuluyang maibalik sa lalagyan nito. Baka kasi pagalitan kami ni coach kung may pawis sa bola niya hahaha!

(DOOR CLOSES)

“Ba’t mo sinara? Ang dilim tuloy.” Bulaslas ko.

“Anong ako? Wala akong ginagawa ah!” Pagtatanggol siya sa sarili niya. Tumingin ako sa paligid. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan. Pinuntahan ko ang pinto at parang nakalock na ito. Lang ‘ya naman. “So, kulong tayo dito?”

Hinwakan ko ang pinto at inikot-ikot ito. Mukhang wala ng pag-asa ah. Inalog-alog ko ito baka naman kasi may something lang. “Pretty much.” Humarap ako sa kanya na nakatingin lang sa bintana at sa buwan.

“Pahiram nga ng cellphone mo.” Sabi nito. Agad ko namang kinapa ang bulsa ko. Sh.t “At naiwan mo sa labas. Nice. Tititigan na lang natin ang buwan baka makalabas na tayo dito.”

Umupo na lang ako katabi ng box at sumdal dito. Hay! Bakit dito pa? Bakit kasama ko pa siya? Hay!! Nakatingin lang ako sa kanya habang naktingin siya sa labas at nakapamulsa. Ang astig niyang tignan ah!

“Pwede bang tumabi?” Tanong nito sa akin. Buti na lang full moon na nagbibigay ng ilaw sa amin. Tumango na lang ko at tumabi na nga siya sa akin.

Nakakabinging katahimikan. Hindi ko alam. Wala kong mabuksan na topic eh! Ano bang magandang topic?

“Hmm! Carol?” Napatingin naman siya sa akin na nakayuko lang. “Hmm. Magtatanong lang sana ako, ka..ah! Kayo ba ni.. ah”

“Justine?” Napatingin na lang ako sa kanya at tumango. “Hmm. Hindi.”

Para akong nabunutan ng isang malaking tinik sa puso ko. Hoh! Bumalik na lang ako sa pagkakayuko at nilalaro ang mga kamay ko. Sandali! “Umamin si Justine sayo di ba?”

Napatingin siya sakin ng nakakunot ang noo pero bigla na lang napangiti. “Kaya ba bad trip ka?”

Napataas na lang ako kilay ko. OO. GRABE!! “Huh?”

“Hahaha! Wala namang umamin sa akin eh! Tsaka hindi ko kukunin si Justine kay Majoy ‘no. Kahit na maganda, sexy, makulit, mabait, matalino, mapagmahal, sweet...” Sige lang!! “...kahit pa naging crush ko siya…” Fvck? “…may pagkakaiba pa rin ang mahal sa paghanga lang. At mabuting kaibigan si Justine, ayaw kong mawala ang friendship namin. Ang kay Juan ay kay Juan.”

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. “Hindi ba ako mabuting kaibigan kaya nawala ang friendship natin?”

“Ikaw? Mabuti kang kaibigan. Sobra nga eh! Kaya ako nagkagusto sayo di ba? Friends naman tayo at ayaw ko lang masira ang friendship natin dahil sa tingin ko sayo ng higit pa don. Alam kong nag-iiwasan tayo this past weeks, days? Para naman pagkaharap na kita, katulad ngayon, kaya ko ng pag-usapan ang mga bagay noon ng walang kirot sa puso.”

Wala na ba talaga? Wala na ba talagang pag-asa? Wala na bang kahahantungan ang kahibangan ko?

“So, wala na? Pw.. ah! Pwede na tayong maging friends ah! Friends ulit?”

“Oo naman. Friends.” Inilahad niya ang kamay niya. Ayaw ko. Ayaw kong maging friends tayo. “’yan. Friends na ulit tayo hahaha!”

Kusa na lang gumalaw ang kamay ko.

“Friends na tayo.” Ngumiti siya sa akin at tumango. Hay! Friends na kami. Friends lang kami. Hindi naman nawala ng friendship natin diba?

“At friends na tayo ulit…” Tumayo na ito sa kinauupuan niya at nagpagpag na. Napatingin ako sa kanya at pumunta sa may naiilawan na bahagi.

Bigla siyang nagshadhow play. Gumawa siya ng ibon gamit lang ang mga kamay niya. Tinapat niya ito sa pader at somewhat, ang ganda tignan. Lumapit ako sa kanya at tumabi dito. Napapangiti na lang ako. Mukha talaga siyang totoo na ibon, parang siyang ibon na lumilipad.

“My kwento ako…” Napatingin siya sa akin pero patuloy pa rin ang paglipad ng ibon niya. “Turuan mo muna ako niyan.”

Ngumiti siya at tumango. Nag-indian seat siya habang nakaharap sa akin. “Ganito lang ‘yan…” Hinawakan niya ang kamay ko at ginawa kung ano ang ginaw niya kanina. Ginagalaw ko ang kamay ko kaya nagmukhang lumilipad ang ibon. Hmm! Napangiti na lang ako ulti ng makita siyang nakangiti. “Spill. Ano ‘yong kwento mo?”

Napatingin ako sa kanya at napangiti. May interest siya sa kwento kong gawa-gawa. Tumingin lang ako sa ibon na nasa pader. “May magkabigan. Sabi ng lalaki na aalis na sila kasama ang pamilya niya. Dahil magkaibigan sila, naging mahirap sa kanila para pakawalan ang isa’t isa kaya nangako sila na pagkatapos ng apat na taong ay babalik sila sa tagpuan nila.”

Ano ba ang kasunod?

“At anong nangyari sa kanila?” Ngumiti lang ako sa kanya at patuloy parin na pinapalipad ang ibon ko. “Nagkita ba sila?”

“Oo nagkita sila. Pero hindi na kilala ng lalaki kung sino ang kabigan niya. Wala na siyang maalala sa kanila noon. Alam ng lalaki na may mahal siyang kaibigan na higit pa sa kaibigan. Gusto niyang sabihin pero hindi siya sigurado kung ang babaeng kaharap niya ay ang kaibigan niya ba. Ilang araw ang lumipas, namatay ang babae. Grabe ang sakit na naramdaman ng lalaki kasi sa araw pa ng naging sigurado na siya, doon pa nawala ang mahal niya. Ang una at huli niyang minahal.”

Napatingin siya sa akin habang nakatuon parin ako sa mga kamay ko. “The end?”

“The end.”

“No happy ever after?”

Napatingin ako sa kanya habang nilalaro parin ang kamay ko. Mukhang nasasayahan na ako dito ah! “Hindi lahat ng ending ay masaya.” Katulad ko. Bumalik ang friendship natin kaya hindi na kita kayang mahalin pa. Sht.

“What an idiot.” Bulaslas niya at tumingin na lang kami sa ibon na nasa pader. “Bakit hindi niya sinabi na mahal na niya kahit na hindi siya sigurado?”

“Alam mo ba ang salitang takot? ‘yon ang naramdaman niya.” Paliwanag ko. “Natatakot siya na baka magkamali siya at baka mapaasa niya lang ang babae. Nanaig ang takot sa kanya. Fear rule over him.”

Napatingin ako sa kanya habang nakatingin lang din siya sa akin. Hindi na naman namalayan na nagkalapit na pa lang ang mga kamay namin. Nagkalapit na parang dalawang ibon na masyang naglalakbay. Dahan-dahan naming binaba ang mga kamay namin.

“May sasabihin din ako…” Yumuko siya at umusog palayo sa akin para magkaharap kami.

Nakatingin ako sa kanya kasi naman ang seryoso ng mukha niya. Anong sasabihin mo? Mahal mo ako? Pwes. Mahal rin kita alam mo ba? Mababaliw na nga ako dito kaiisip na mahal kita eh!

Tumingin siya sakin habang seryoso parin ang mukha.

“Ang namatay na babae ay nasa likuran mo.”

Bigla may umihip na hangin sa likuran ko. Hanging malamig. Napaulok ako at nakitang seryoso si Carol. Seryoso talaga siya. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Kinabahan na ako. Hindi na talaga ako makagalaw. Nanlaki na lang ang mga mata ko. Pero biglang may sumagi sa isipan ko.

“May diyos at alam kong buhay siya. Walang kahit sino ang pwede manakit sa akin o sa ‘tin.”

Napangiti siya at tumango. Kung nananalig ka sa diyos, bakit may kinakatakutan ka? Wala ka bang tiwala sa kanya?

“Lumingon ka nga…”

Panalunok na ako at dahan-dahang lumingo. Hoh! Wala naman pala. May biglang nag-igay kaya napatingin ako ng mas malapitan sa bola. Biglang may tumapat na ilaw dito kaya bigla akong kinabahan. Hoh! Wala, Cams. Tinatakot ka lang ng isa diyan.

Humarap na lang ako kay Carol.

“WAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!”

“AHHHHHHHHHHH!”

Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw. Napatili na lang ako habang siya ay tawa parin ng tawa.

“Hahahaha!”

“Wa…walang ‘ya k…ka.” Nagsimula na akong umiyak. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong hiningal. Bigla akong nanlamig. Papatayin ba niya ako? “Pa..patay..yin k..kit..a huhuhu! Huhuhu!”

“Camille. Cams. Camille, sorry.” Lumapit na siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Walang ‘ya ka. “Sorry, Cams. Sorry talaga.”

“Wag m..mo ak..ong ha..hawakan. Bi..bitawan m..o ak..o.” Iniwaksi ko na ang kamay niya at tumayo na. Hindi ko siya mapapatawad.

Tumayo na rin siya at sinusundan na ako. “Cams, Camille. Sorry. Sorry kasi tinakot kita.”

“Wag mo nga akong hawakan…” Inalis ko ang pagkakahawak  niya sa braso ko. “Wag mo nga ako—“

Bigla niya akong hinila. Nagkalapit ang mukha namin. Nahawak lang ang mga kamay niya sa likuran ko bilang suporta habang ang mga mga kamay ko naman ay nakahawak na lang sa kanya. “Ayaw kasi. Sorry na kasi.” Mahina kong pinalo ang dibdib niya per bago ko pa ito magawa ay niyakap na niya ako ng mahigpit.

Nakaramdam ako ng kung anong electricity sa katawan ko. Nakaramdam ako ng pagkawala ng galit sa kanya. Namimiss ko na talaga siya. Sht. Friends na kami. “Sorry.” Bulong niya sa akin. Ang lamig ng boses niya.

Niyakap ko parin siya ng mahigpit. Ayaw kong kumawala sa yakap niya. Gusto ko ang mga kayap niya sakin. Para akong pinoprotektahan ng mga yakap niya. Grabe! Kaya kita mahal eh! “Sorry.” Bulong niya ulit.

Huminga ako ng malalim ng kumawala na siya sa yakap. Nadismaya na ako ako. Gusto ko pa siyang yakapin. Nakahawak parin siya sa beywang ko habang ang mga kamay ko ay nakapulupot sa leeg niya. Hindi ko alam kung bakit kami napunta sa ganong posisyon. Gusto ko rin naman hahaha!

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Kita ko ang parin ito kahit na medyo madilim na ang lugar. Ang pogi niya sht. Mas nilapit niya ang katawan ko sa kanya. Nagdikit na ang katawan namin. Nakaramdam na ako ng sobra pa sa kilig. Sasabog na ata ako.

“Can I…” Hindi na natapos ang sasabihin niya. I met her half way. Ngayon ko lang natikman ang labi niya, ang malalambot niya labi.

This kiss is something I can’t resist your lips is undeniable. Sabi pa ng kanta. Ito nga ‘yon. Matamis ang labi niya. Hindi ako marunong humalik kaya nagpapadala na lang ako sa bawat galaw ng labi niya. Ang matatamiss niyang labi.

Napakapit na lang ako sa batok niya para mas madiin ang halik habang napapakapit rin siya sa beywang ko at mas inilalapit ang katawan namin. Napapangiti ako sa tuwing napapakapit siya. Naramdaman ko na lang ang kung anong matigas sa likuran ko. Nasandal na pala niya ako sa pader. Pariho na kaming nakapikit ngayon.

Mas napakapit pa ako sa kanya sa tuwing nagtatagpo ang mga dila namin. Lalo ng umiinit ang nangyayari dito.

“I love…”

Natigilan ako pero patuloy parin kami. Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Napangiti ako hahaha!

Bigla kong nakatgat ang labi niya kaya napatigil siya. Sht. Hindi ko mapigilan kasi naman sa sensayon na nararamdaman ng katawan ko ngayon. Kumawala na kami at parihong naghahabol ng hininga. Nasa may leeg parin niya ang mga kamay ko at nanatili muna kami sa ganong posisiyon.

“Sorry.” Nakayuko niyang sambit at umatras na. “Sorry…”

“Kanina ka pa sorry ng sorry.” Tumayo na ako ng tuwid at inayos ang sarili ko. “We’re both sorry.”

Natahimik na kami bigla at lumapit na ako sa pintuan. Paano ko ba ‘to mabubuksan? Napatingin ako sa itaas na may lalagyan ng kung ano. May nakita akong pin para sa bola. Got it! Agad ko itong kinuha habang nakatingin si Carol sa akin.

Pinasok ko ito sa butas ng door knob at agad naman itong bumukas.

“Something I learned from the training.”

#Cienne'sPOV

“Gabi na ah ba’t wala pa ang dalawa?” Sabay subo ko ng popcorn na kinakain ko.

“Baka naman may inasikaso pa.” Sagot ni Ara habang nakatingin lang sa TV.

‘KIM!’

Napalunok ako na marinig ko ang pangalan na ‘yan. Oo. Nag-usap kami kanina. Humingi ako ng tawad sa nangyari sa amin nong nasa kwarto kami. Nong nagkasigawan kami. Alam kong may kasalanan rin ako. At alam rin naman niya na may kasalan na rin siya. Come on, everybody needs to move on. Nakamove na ata siya. Ako na lang ba hindi pa?

“Yes or No.” Nagising ako ng biglang nagsalita si ate Mich na nasa tabi ko.

Oo. Nanonood kami ng Yes or No ngayon. A Thai Lesbi movie. Ito ang nakita naming maganda kanina sa shop kaya nirentahan na namin. Si Ara ang namili sa mga pinapanood namin ngayon. Kanina pa iyak ng iyak ang mga tao dito. Hindi ako makafucos eh!

Pansin ko lang, hindi sa pinagyayaban at pagkakapal ng mukha. Mukhang ako ang babae. Hehehe! At Kim pa ang pangalan ng partner ko. Meant to be ba kami ni Kim? Hahaha! Feeler.

“Pasok na!”

Napatingin ko sa pinto at nakita si Camille at Carol na sabay pumasok habang kumakain ng ice cream. Gabi na ah! Trip nila.

“Kumain na kayo ng hapunan?” Tanong ni ate Abi.

“Opo.” Sagot naman ni Camille sabay upo sa tabi ko.

Humarap naman si Ara sa kanila habang puno ang bibig nito ng kinakain niyang popcorn. Grabe ‘tong batang ‘to. Inispoiled ni Mika masyado. Napapalitpalitp ang mga tingin niya sa kanila. “Nagdate kayo?”

“Ara. Lunukin mo muna.” Saway ni ate Abi sa kanya. Nilunok na nga niya at ngumiti.

“Ha? Hindi ‘no. Extended ang training ko at kailangan kong iligpit ang mga bola. Tinulungan ako ni Carol kaya libre niya ako ice cream.” Paliwanag ni Camille.

“Wala bang nangyaring masama sa inyo?” Tanong naman ni ate Mich.

Nagkatinginan silang dalawa at parang nag-uusap lang. “Wala naman.” Sabay nilang sagot.

“Eh, masarap? Meron?” Taas baba ang kilay ni Ara.

Gulat kaming lahat sa sinabi ni Ara kaya napatingin kami sa kanila. Natigilan si Carol habang nagblush naman si Camille. Mukhang may masarap na nangyari ah!

“Ara, ‘nak. Bata ka pa.”

“Hehehe! Nagbabakasakali lang kasi.”

“Alam na this. May masarap na nangyari.”

~ ~ ~ ~

"Sometimes moving on with the rest of your life starts with good bye..."

"Time has made me strong. I'm starting to move on. I'm gonna say this now, your time has come and gone...."

"We always ignore the one who adore us and adore the ones who ignore us..."

~ ~ ~ ~

Thank you kay ANNCHELLE_29. Thank you po sa quotes. Grabe ka ate ah. Tinamaan na ako sa quotes mo. Ang sakit na kasi. Kait matagal na masakit parin eh. Alam ko ako ang may mali, tinatanggap ko na ang kamilian ko at tanggap ko na ein na mahirap ibalik ang DATI. Kasi dati na...

May traing kami kanina pero pinuwi ako ng maaga. Kaya wattpad na lang muna. Wrong timing ang injury ko. Walang 'ya. Bukas pa  naman ang game namin. Wrong timing talaga. Nag-WATTPAD na lang ako kaysa naman magmukmok ako sa tabi. Ginawa ko ang chapter na 'to kanina. Thank you sa lahat readers, fans? (may fans ba?) at sa lahat ng nagbasa...

Love love kayo ni Author.

Sakit talaga ng injury ko. Pray po for healing, thank you. Kahit prayer lang okay na. Mas matindi ang prayer kaysa medicine...

Thank you sa lahat.....

Continue Reading

You'll Also Like

18.1K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
25.5K 539 23
Why does it hurt to lose her, when she's not mine to begin with?
815 51 37
Who's the MI in MiChaeng? Let's find out.
220K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...