Confessions Of Our Guilty Hea...

By EnergyStarsss

496K 4.5K 464

They sworn to secure and protect, not fall and fall in love! More

Confession 1
Confession 2
Confession 3
Confession 4
Confession 5
Confession 6
Confession 6: Part 2
Confession 7: Beautiful Target
Confession 8: Happy First Day!!!
Confession 9: Chocolate Love
Confession 10: I Know You Know
Confession 11 (Part 2): Little White Lies
Confession 12: I Got A Boy
Confession 13: First Day, First Love
Confession 14: Second Day, Happiness?
Confession 15: Third Day, Glad You Came
Confession 15 (Part 2): Back For You
Confession 16: Fourth Day, Crazy Thing.
Confession 17: Caught Up In You
Confession 17 (Part 2): Sorry, Sorry
Confession 18: You And I
Confession 19: Just A Feeling
Confession 19 (Part 2): Beautiful Goodbye
Confession 20: Why Goodbye?
Confession 21: Just A Little More US
Confession 21 (Part 2): A Little More You
Confession 22: More Than This?
Confession 22 (Part 2): Is There Anybody Out There?
Confession 23: Half Alive
Confession 24: Half A Heart
Confession 25: Change My Mind
Confession 26: All My Love Is For U
Confession 27: Wouldn't Change A Thing
Confession 28: Love Love
Confession 29: Loving U
Confession 30: Oh My My My
Confession 31: Better Than Revenge
Confession 32: Better Than Words
Confession 33: Me and You TOGETHER
Confession 34: A Step Closer
Confession 35: Closer This Time
Confession 36: Love with Pain
Confession 37: Dzi Loverz
Confession 38: Wait a Minute!
Confession 39: Round of Applause
Confession 40: Wala eh!
Confession 41: Ring Ding Dong
Confession 42: Girls Girls Girls
Confession 43: Scream!!!
Confession 44: I Know, you Know.
Confession 45: Boom Boom
Confession 46: Tonight is the Night
Confession 47: Vulnerable
Confession 48: It's You All Along
Confession 49: You LOVE me Anyway
Confession 50: Its Up To You!
Confession 51: It's Me or It's You?
Confession 52: C-R-U-S-H
Confession 53: Think What To Think! (Feel It In Your Heart)
Confession 54: You Got My Heart...
Confession 55: What Now?
Confession 57: Way To Go.....
Confession 58: Stonger
Confession 59: Forget Forever
Confession 60: Out Of Goodbyes
Confession 61: Talk Dirty
Confession 62: Daylight
Confession 63: 정말?
Confession 65: Yearning Heart
Confession 66: She Was Mine
Confession 67: Cordially Invited
Confession 68: Who you?
Epilogue
Me. You. Us.

Confession 56: Love Never Fails

4.2K 74 8
By EnergyStarsss

#Kim'sPOV

“Miks? Ba..baki—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap. Niyakap ng mahigpit. “Akala ko ba magpapaiwan ka?” Hinagod ko na ang likuran niya baka naman kumalma siya sa kakaiyak niya. “Tahan na…”

Umupo na kami sa upuan namin habang nakayakap pa rin siya sa akin at iyak ng iyak. “Ate Kim…” Iyak nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Papatayin ba niya ako sa higpit ng pagkakayakap niya?

“Shhh… Sandali saan ba ang seat mo?” Tanong ko sa kanya. Baka naman kasi masungit ang katabi ko diba?

Napatingin siya sa akin at pinunasan ang luha niya. “28A po.” Niyakap niya ulit ako.

Ayos! Magkatabi lang kami.

“Shhh!” Hinagod ko na ang likuran niya ulit. “Bakit tumuloy ka pa? Mahal mo siya di ba?”

Humarap siya sa akin kaya kita ko ang lungkot bigla sa mga mata niya. Ang hindi matigil-tigil na luhang pumapatak galing sa mga mata niya. Sumandal siya sa upuan niya at niyakap ako patagilid. “Mahal na mahal ko po siya pero bakit naman po ako magpapaiwan di ba? Ano naman po ang babalikan ko sa kanya? Siya na mismo ang nagsabing umalis ako kasi ito ang tama. Hindi po niya ako mahal.”

Huminga ako ng malalim. Ang mga tao talaga ngayon eh! Ang nega. Isa na rin ‘to. Hinagod ko na lang ulit ang likuran niya. “Shhh… Tahan na. Kung nandito si Ara ngayon malamang binatukan na tayo ngayon. Tahan na. Ayaw ni Ara na umiiyak ka.”

Tumingin naman siya sa akin habang kinukusot ang mga mata nito. “Ano bang pakialam niya ate? Wala na nga siyang pakialam sa akin eh!” Sabay tingin nito sa bintana.

Nagtap na lang ako sa balikat niya at tumingin ng diretso sa harapan ko. “Handa ka bang iwanan siya? Handa ka na bang kalimutan ang meron kayo? Handa ka na bang pakawalan siya?” Sabay tingin ko kay Mika.

Tumitig siya sa akin at naluluha na naman. Hay! Mika. Lumingo ito sabay punas sa mga mata nito. “Ayaw. Hindi. Hindi pa. Hindi ako magiging handa sa mga bagay na ‘yan kasi sisiguraduhin ko na sa pagbalik ko, kukunin ko siya pabalik. Kahit ano pang mangyari ay kukunin ko ang taong mahal ko.”

Ngumiti na lang ako sa kanya at hinagod ang likuran nito. “Good…” I mouthed. She took a blanket and covered herself with it. Matutulog na siguro ‘to. “Pahinga ka na muna.” Tumango na lang siya at sinara na ang mga mata niya.

Tumingin ako sa kanya. Kakayanin mo ang lahat, Mika. Maghirap ka para pagbalik mo dito sa Pinas ay makukuha mo na ang taong mahal mo. Maging matatag ka lang at kumapit ka. Bilog ang mundo Mika. Maaring ngayon ay nasa ibaba ka pero darating ang panahon na makakarating sa sa itaas. Napangiti na lang ako. Matatag siyang tao. Kaya niya ‘to basta para kay Ara. Kakayanin niya ‘to.  

“Ikaw? Handa ka na ba?” Napatingin ako kay ate Lhian na nagbabasa lang ng magazine niya. “Sabihin mo nga…” Binaba niya ang hawak niyang magazine at tinupi ito. “Handa ka na ba?”

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan itong pinakawalan. “Matagal na, Ate. Matagal na.” Nakangiti kong sambit.

“Handa ka na bang iwan siya? Handa ka na bang kalimutan siya?”Tumingin ulit ako sa kanya na hindi man lang nakatingin sa akin.

Hindi ko na alam kung ano ang isasasagot ko sa kanya. Ano nga ba? “Kaya ko, ate. Kakayanin ko.” Binalik ko na lang ang tingin kay Mika na mukhang nakatulog na ata.

“Kakalimutan mo siya? Iiwan mo na dito ang mga alala niyo? Ipagwawalang ba—“

“Pakialam niya, ate?” Napatingin si ate Lhian sa akin. Bigla akong kinabahan. Bigla akong nakaramdaman ng hingal. Huminga na lang ako ng malalim bago sumagot sa kanya. “Pakialam ko rin sa kanya, ate? Masaya na siya sa piling ng boyfriend niya. Bahala na siya kung ano ang gagawin niya. Nasaktan ko na siya at hindi na ako maghahangad pa ng babalikan niya ako. Mabuti pang lumayo ako kasi kung baka sakali ay makalimutan na niya ako.”

“Alam mo matalino ka eh! Magaling kang magbigay ng payo sa love life pero sarili mong love life hindi mo alam kung ano ang ipapayo mo sa sarili mo.” Kinuha niya ang inumin niya at kinalahati ito. Tama naman ang ginawa ko di ba? “Kung mahal mo siya bakit iniwan mo siya? Bakit hinayaan mo siya sa kamay ng iba? At ikaw pa ang gumawa ng paraan para maging sila.”

“Kasi mahal ko siya.” Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga katagang ‘yan. Napatigil ako habang nakatingin lang ng diretso sa harapan ko. “Kasi mahal ko siya, ate. Gusto kong sumaya siya at mawala na ang meron sa amin. Ang awkward something namin. Mahal ko siya at gusto ko siyang sumaya. Pinakawalan niya ako para makamit ang kasayahan ko kaya ako naman ang magpapakawala sa kaya ng tuluyan para tuluyan din siyang sumaya.”

“Hindi.” Napatingin ako kay ate Lhian na lumilingo pa. Hindi? “Hindi siya ang sumaya eh! Ang karibal mo ang sumaya. Hindi ka lumaban para sa kanya. Hinayaan mong manalo ang kaaway mo na ikaw rin ang may gawa para manalo siya.”

“Ang hirap kasi ate pag-isa lang ang lumaban tapos ang isa ay nagpakawala na pala. Ang hirap pag ikaw lang ang lumalaban sa relasyon niyo. Baka nasasakal na rin siya. Ate, mabuti na rin ‘to para makalimutan ko na siya. Makalimutan ko na siya ng tuluyan.” Paliwanag ko sa kanya.

“Paano pag sinabihan ka niya na mahal ka niya?” Napatangin ulit ako sa kanya. “Paano pag mahal ka niya?”

Joke ba ‘yan? Tatawa na ba ako? ‘yan lang ang isasagot ko sa kanya. There is no way that she will take me back and there is no chance in this world that I will hear those 3 words from her ever again.” Kinuha ko na ang kumot at nagtalukbong na lang. “Gusto kong magpahinga muna ate. Pagpahingahin ang sarili ko sa mga sakit na nandito. Gusto kong makalimut muna.”

Hindi na siya sumagot, mabuti na man. Mukhang nagisa ako don. Wala na akong magagawa. Bahala na siyang pasayahin ang sarili niya. Bahala na siya kung anong gagawin niiya. Bahala na siya kung paano niya papasayahin ang sarili niya.

Pinikit ko na ang mga mata ko. Sana pagmulat ko ay makalimutan ko na ang lahat. Gagawa ako ng bagong buhay ko. Gagawin ko ang lahat para makalimutan kung anuman ang meron sa amin.

_ . _ . _

#Ara'sPOV

Kahit na late na ako ay pumasok parin. Ganyan ang mga estudyante eh! Mga mababait na estudyante. Napatingin ako sa paligid. Ang saya ng lahat parang walang problema. Ako lang ba ang meron? Ang may malaking problema?

Galit ako sa agent? Hindi na 'no. I texted them para makapagbonding naman kami. Kahit na sinira ni Thomas ang pangalan ng mga agents, nawala rin naman. Sinabi ko na rin sa kanila na gusto kong makipagkita eh tsaka, tinext na rin ata ni Jessey about sa akin, sa amin ni Mika. 

“ARA….”

Napalingon ako at agad tumayo galing sa pagkakasandal sa sasakyan ko. Nakita ko na ang kambal na naglalakad papalapit sa gawi ko. Mukhang hindi lang ata ako ang may problema. Mukhang magkakapantay lang ang mga problema namin. Lalo na si Camille na parang binuhusan ng malamig na tubig. Si Cienne? Ewan parang wala naman.

“Hi. Long time no see.” Mahinang sinuntok ni Cienne ang kaliwang balikat ko kaya napangiti na lang ako. “Kilala ko ‘tong sasakyan na ‘to ah!” Umikot na siya sa sasakyan. Napatayo lang ako habang nakatingin lang sa kaya na parang pulis na naghahanap ng drugs.

“Ah! Bigay ni Mika…” Kamot-ulot kong sambit. Napatingin naman ako kay Camille na wala lang sa sarili niya. “Anong nangyari sayo?” Tanong ko sa kanya at nginitian niya lang ako.

“Ito nga ‘yon. Nice. Mabuti naman at binigay na niya sayo para magamit.” Pumunta naman siya sa harapan namin ni Camille.

“Bakit? Hindi pa ba ito nagagamit?” Tanong ko sa kanya. Pinindot ko na lang ang unlock button kaya agad na kaming nakapasok sa loob.

Umupo na si Cienne sa back seat habang si Camille naman ang nasa tabi ko. Tulala parin. “Nope. Hindi pa. Dati pa namin gustong sakyan ‘to pero ayaw ni Mika kasi ibibigay raw niya sa taong mahal niya. Ikaw pala ‘yon di ba, Cams?”

Napatingin naman ako kay Camille na mukhang wala parin sa sarili. “Ha? Ah! Oo. Sabi niya ‘yon kaya hindi na namin kinukulit kasi baka wala na kaming masasakyan.” Sabay ngiti nito ng pilit.

“Pansin ko lang kambal ah?” Umayos ng upo si Cienne, inilagay niya ang kanya mga siko sa likuran ng mga upuan namin at nagsumandal dito. “Kanina ka pa wala sa sarili mo simula nong sa dorm.”

Napatingin kaming dalawa ni Cienne kay Camille na parang hindi parin alam ang ginagawa niya. Mukhang nasa lupalop pa ang isipan. “Ah! Wala lang.” Ngumiti na lang si Camille sa amin pero halatang may problema parin.

“Ah! Bahala ka na nga. Ayaw mo naman akong kausapin eh!” Sumadal na si Cienne sa upuan niya. Mukhang hyper si Cienne ngayon ah. Masaya ba siya kasi umalis na si ate Kim? “Saan pala tayo, Ara?”

“Mall tayo?”

* * *

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa mall. Hindi maiwasang tignan ng mga tao dito kasi sa sasakyan dala namin. Kasalanan ko bang mayaman si Mika? Napapalingon ang mga taong nadadaanan namin dahil na rin siguro sa amin. Hahaha!

Bumaba na kami ng sasakyan at kahit dito ramdaman parin namin ang mga tingin ng tao. Hahaha! Bahala sila. Naglakad lang kami ng kambal papunta sa kung saan namin trip.

Naglakad ako ng mas mabilis sa kanila at agad humarap dito. Napatigil naman sila sa paglalakad at tumingin sa akin. “Saan tayo?”

“Hmm!” Tumingin ako kay Cienne na nag-iisip lang habang si Camille naman ay emotionless ang mukha. Ano bang peroblema nito?

“Kain muna tayo. Nagugutom ako eh!” Sabi ni Camille. Gutom lang ba siya the whole time? Kaya pala wala sa sarili eh!

Tumango na lang kaming dalawa ni Cienne. Wala na kaming nagawa at sinundan lang namin si Camille na naglalakad papunta sa Ice Cream parlor. Craving for ice cream? Umorder na kami ng pagkain at ako ang taya. Ang laki ng kinuha ni Camille kaya nagkatinginan kami ni Cienne. Gutom nga ba o depress?

Naglakad-lakad na lang muna kami at window shopping sandali. Wala kaming imikan. Nilalasap namin ang tamis ng gma kinakain naming ice cream.

“Tanong ko lang ah?” Tumingin kami kay Cienne sabay subo nito ng ice cream niya. “Bakit ang tahimik natin?”

Napangiti ako sabay iling. Hahaha! “Kayo? Bakit ang tahimik niyo?” Binalik ko ang taong sa kanila. Tahimik ako kasi nagsisisi ako at namimiss ko si Mika. “At ikaw, Cams?”

“Hmm?” Tumingin ito pariho sa amin sabay taas ng kaliwang kilay nito. “Kasi ang tamis ng ice cream.” Wala talaga siyang balak magshare ah!

Tumingin naman ako kay Cienne na parang hindi mapakali. “Ikaw? Bakit ka tahimik?”

Napatigil siya sa pagsubo at tumingin sa amin. “Kasi naiihi ako.” Binigay niya sa akin ang ice cream niya at tumakbo na papasok ng CR. Buti na lang at malapit kami sa CR nakahinto.

Tumingin ako kay Camille na nakayuko lang at pinaghahalo ang ice cream niya. “May problema ka ba, Cams?” Tanong ko dito.

Napaangat ang ulo niya at ngumiti ng pilit. “Hmm? Wala naman.” Sagot nito at bumalik sa pagkakayuko. Hindi! Meron eh!

“Hmm! Cams, if you don’t mind me asking about sa, you know.” Inangat niya ang mukha niya at tumingin sa akin ng diretso. “Carol.”

Halatang nagulat ata siya pero ngumiti lang ito. MMali ba ang binuksan kong topic? “Hmm! No. Not at all.” Sumubo siya ng ice cream niya kaya napatingin ako sa kanya nong nagsalita na siya. “Update lang naman di ba? Mahal ko na siya.”

Bigla ko na lang nailuwa ang ice cream ko at buti na lang hindi natapon ang ice cream ni Cienne. Baka patay ako don. “Ha? Hoh! Hoh! Lamig. Sandali lang…” Hinagod naman ni Camille ang likuran ko. Walang ‘ya ‘to si Camille. “Walangya ka. Binigla mo naman kaagad.” Mahina kong sinuntok ang braso niya.

“Hahaha! Sorry naman kasi. Ayaw ko ng patagalin pa ‘no.” Hinahagot parin niya ang likuran ko. Buti naman. Ang sakit ng lalamunan ko ah! “Tsaka doon na rin papunta ‘yon.”

Tinignan ko na lang siya ng bigla siyang natahimik at ngumiti sa akin. Bakit na naman? “Bakit?”

“Hmm?” Napatingin siya sa akin habang kagat ang lower lip niya. “Ah! Wala. May iniisip lang. Ngayon naramdaman ko na ang magmahal ng isang manhid. Ang sakit pala.” Ngumiti siya ngunit halata na may sakit parin sa mga mata niya.

“Nagseselos ka sa kanila ni Justine ‘no?” Tanong ko sa kanya.

“Hmm! Oo.” In love na nga siya. “Pero hindi na kasi mukang mutual naman sila. Parang sila na ata.” Bigla ko na namang naibuga ang ice cream ko. Grabe ah! Kanina pa ‘to si Camille. Nasasayang tuloy ice cream ko. “Okay ka lang?” Hinagod na naman niya ang likuran ko.

“Si..sila na?” Nagtataka kong tanong. “Kailan pa?”

“Hmm? Ewan. Kanina lang.” Napayuko siya habang nilalaro ang ice cream niya. “Wag na nga nating pag-usapan.”

Ngumiti na lang ako sa kanya at hindi na nagpumilit. Baka umiyak pa siya pagkamalan pa akong inagawan siya ng ice cream niya. Inubos na kasi niya ang sa kanya tapos sa akin dalawa kasi hawak ko ang kay Cienne. By the way, “Nasaan na pala si Cienne? Bakit ang tagal niya? Ayaw na ba niya tayong makita?”

Binigyan naman ako ni Camille ng come-on look niya. Nagkibit-balikat lang ako. Baka kasi ano ng ginawa non. Naglinga-linga na lang ako habang si Camille ay napapatingin sa likuran ko. Baka may nakita maganda ang isang ‘to. Hindi! Baka may nakitng pwede pamalit kay Carol. Wag namang. Walang ng CamVeza.

“Hoy! Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya nang makita ko na bigla na lang bumilog ang mata niya at nagulat ata sa nakita niya. Knowing her, chinita eh! Himala na ganito talaga ang reaction niya kung hindi talaga siya gulat o ano. “Hoy!” Gusto ko siyang sapakin pero hindi ko magawa kasi baka hindi lang sapak ang aabutin ko sa kanya. “Anong—“

Bilga niyang hinawakan ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. Hahalikan ba niya ako? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Parang sasabog na ang puso ko. Ano ba ‘to, Camille? Napalunok na lang ako. Hoh! Ara. Hoh! Kaya mo ‘to. Bigla niyang iniliko ang mukha ko at napatingin ako sa likuran. Huh? Wala naman eh!

Hinarap ko na lang ulit ang mukha ko kay Camille.

O_O

_ . _ . _

#Cienne'sPOV

Hmm! Saan pala sina Camille? Oops! Hindi ako nag-ano sa CR huh? Nawala lang ako kaya natagalan ako sa paghahanap sa kanila. Saan na ba nagsususuot ang dalawang ‘yon? Hmm! Baka iniwan na nila ako? Papatayin ko si Camille. Wag si Ara, takot ko lang kay Mika di ba? Hahaha! Seriously, nasaan na ang dalawang ‘yon?

Naglakad na lang ako at napalinga-linga. Baka kasi nasa paligid lang at tinataguan ako. Tsk! Timingin ako sa relo ko, gabi na rin pala. Saan na ang dalawang ‘yon. Tumingin na lang ako sa gitna ng mall. Yes naman! Nakita ko na lang silang nakaupo at parang problemado. Lalapitan ko na lang ‘to. Baka gutom.

“Hoy!” Sigaw ko sa kanila.

“Ha? Ah! Tawag mo ko?” Napakunot na lang ang noo ko sa tanong ni Ara. Sana pala hindi ko nalang iniwang ang dalawang ‘to na magkasama kasi nahawa na rin si Ara kay Camille.

“Ako ba?” Turo ni Camille sa sarili niya. Anong nangyari dito?

Humarap ako sa kanila nang nakapamiwang at tinaasan sila ng kilay. “Anong nangyari sa inyo? May sakit ba kayo?” Hinawakan ko ang noo nila. Mukhang mainit sila, hmm! Sa lamig lang ata ng Mall. Nagkatinginan sila ni Ara at Camille, parang nag-uusap na ano ba? Bigla na lang silang tumingin sa akin na nababahala ang mukha.

“Kain tayo?” Tinaasan ko lang ni kilay si Camille. Himala at unang nagsalita ngayon ah!!! “Tara?”

“Ah? O...Oo nga, Cienne. Kain na tayo.” Bigla ng tumayo ang dalawa at binigay naman ni Ara pabalik sa akin ang ice cream ko. Tumingin ako dito baka kasi kinainan ni Camille eh!

Naglakad na silang dalawa habang nag-uusap. Hindi ko rin maintindihan eh! Nakasunod lang ako habang kumakain pa ng ice cream ko. Sayang din kasi eh! Hindi ko maiwasang makinig sa pinag-uusapan nila eh! Nag-uusap sila ng mahina pero hello? Pabulong pero abot dito? Iba ‘yan ah!

“Ah! Order lang ako. Hanap na lang kayo ng upuan natin.” Tumango lang si Camille pero bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ni Camille. Agad niya akong pinaupo sa isang upuan.

Hindi ko alam kung may sakit si Camille pero hindi kasi siya mapakali eh! “Okay ka lang?” Tanong ko sa kanya.

“Ha?” Bigla niyang inangat ang mukha niya at halata parin ang pagkabalisa niya. “Uhmm! O…” Hindi na natapos ang sasabihin niya ng biglang magulat ang mukha  niya.

“Ano bang—“

“WALA!” Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at hinarap sa kanya bago pa ako makalingon. Anong meron sa kanila? “Ah! Wala.” Umayos na siya ng upo. Anong meron sa kanya?

“Water Ma’am?” Napatingin ako sa waiter na nasa tabi namin. Tumango lang ako at ngumiti. May sakit ba si Camille? Bigla na lang siyang nagulat at halata na kinakabahan sa mga susunod na mangyayari. Bakit ba? Ang weird nila ah!

“Hoy!” Sigaw ko kay Camille nang makaalis na ang lalaki.

“Ha?” Sagot niya kaagad at halata ang pagkabalisa kanya. “Na… ah! Nandiyan na si Ara.” Tumango na lang ako at tumingin parin sa kanya na may halong pagtataka.

“Pizza lang inorder ko ah at pearl coolers na din.” Sabay lagay ni Ara sa pagkain sa table namin at umupo na sa tabi ni Camille. “Kain na tayo.”

Nagsimula na kaming kumain at nilantakan ang pizza dito sa Shakey’s. Hindi ko alam kung gutom ba ‘tong dalawa pero sunod-sunod kasi ang kuha nila ng pizza. Parang kakaubos ko lang ng isang slice, nakadalawa na sila. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ah!

“Kuha lang ako tissue.”

“WAG!!” Bago pa ako makalingon ay nagsalita na ang dalawa. Humarap na lang ako habang nagkakatinginan naman sila. Humarap sila sa aking ng sabay at halos hindi na mapakali.

“Sandali..” Sabi ni Ara sabay inum ng pearl cooler niya. “May sasabihin ako…” Uminom na naman siya ng tubig. “Alam ko na kung bakit hindi na ako galit sa mga agents.”

“Talaga?” Puno ang bibig na tanong ni Camille.

“Yup.” Sabay punas ni Ara sa bibig niya. “Wala kinalaman ang mga agents sa pagkamatay ng ate. Well, half of it. Kay Thomas ako dapat magalit. Siya ang hawak ng baril ng gabing ‘yon. Nagmatch na rin ang bullet ng baril niya sa nakita sa katawan ni ate Cyanne.”

Magugulat pa ba ako sa narinig ko kay Ara? Si Thomas lang naman kasi ang may kapal ng mukha na magpakita ng kabutihan, kasamaan pala ang alam. Simula pa lang ay gusto ko ng patayin ‘yang taong ‘yan.

“Si Th..Thomas? Ang kapal ng mukha niya ah! Sarap niyang patayin.” Nanggigigil na sambit ni Camille.

“Tsk! Sarap niyang tirisin hanggang mamatay.” Nanggigigil na rin ako ah!

“Hmm! Ako? Gusto ko siyang ilibing ng buhay ngayon.” Nanggigigil na rin si Ara habang pinapatay ang pizza sa plato niya.

“Chill guys. Chill.” Papapakalma ko sa kanila at sa sarili ko na rin. “Kay Thomas tayo galit, hindi sa pizza natin.” Kawawa na ang pizza sa plato namin.

Napatingin na kami sa sa plato namin at sa pizza. Kung tao palang ‘to kanina pa namin nilibing dahil pira-piraso na. Kinain na namin ang pizza at muling natahimik. Hindi ko lang magets ang dalawa na sa tuwing lilingon ako, sisigaw o di kaya ay hihilihin ako ni Ara para may ipakita na nonsense nila.

“Pansin ko lang ah? Bakit ayaw niyo akong lumingon?” Sabay sandal ko sa upuan ko.

“Ah! Kasi…” Nagkatinginan naman silang dalawa at parang nababalisa sila ah!

“Nagkataon lang na may ipapakita ako sayo. Hindi naman sa iniiwasan pero nagkakataon lang talaga.” Ngumiti lang ako sa kanila.

“Talaga lang ha?”

Bigla naman akong lumingon. Wala naman pala. Baka may pogi at ayaw nila akong palingunin para sila ang makapagpantasya. Grabe ah! Binalik ko na ang mga tingin ko sa kanila at nakitang nakangiti na sila.

“Uhmm! Cienne? Tawagan mo kaya si Van.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ara.

“Ngayon mo lang ata na banggit ang pangalan ni Van ah. Pero sige.” Kuniha ko na ang phone ko at agad na tinawagan si Van.

Napatingin ako kay Ara na nakangiti habang si Camile ay busy kakatingin sa likuran ko.  Ni-loudspeak ko para makarinig sila.

(Hello?)

“Ah! Van….”

“Hi! Van si Ara ‘to. Nasaan ka ngayon?” Nakangiti nitong sambit.

(Ah! Sa…. Uhmm! Dito lang sa ah.)

“Dorm?” Singit naman si Camille.

(Ah! O…Oo. Ba.. bakit?) Ba’t nauutal ‘to?

“Parang nakita kasing nakita ka namin ni Ara dito sa mall eh.” Nakangiting sambit ni Camille.

(Ha? Hahaha! Ba’t naman ako pupunta sa mall ng ganitnong oras?)

 Nakita kong nagkatinginan naman si Ara at Camille. I smell something’s not right.

“Wala lang. Nagbabakasakali lang kasi.” Sagot ni Ara.

(Ah! Ganon ba? Pwede ko na bang ibaba? Mag ginagawa pa kasi ako eh!)

“Bye.”

Binaba na nga niya ang phone niya. Napatingin ako sa kanila na hindi ko alam kung ano ang iisipin.

“Time Zone tayo?”

_ . _ . _

#Camille'sPOV

Alam ko ang iniisip niyo, bakit kami acting weird ni Ara? Wala lang. Trip namin. Hindi naman kami nagkahalikan katulad ng iniisip niyo. Baka kasi isipin niyong mayginawa kami ni Ara. Ang kay Mika ay kay Mika. Besides, si Ara? Hmm! Ipaparamdam ko na lang kay Carol kung gaano siya kamanhid ngayon.

“Saan tayo?” Tanong ni Cienne.

“Doon tayo sa rides.”

Yup. Nasa timezone kami ngayon. Gusto kong aliwin ang mga sarili namin. Masyado na kasing maraming problema eh! Pumila na kami para sa ticket. Hmm! Saan maganda puntahan pagkatapos nito? Nagliwaliw ang mga tingin ko kung saan na lang.

Then something caught my eye.

“Sandali lang ah!” Nagtap ako sa balikat ni Ara na tinanguan lang din naman ako.

Naglakad ako papalapit sa kanya. Tinapik ko siya sa balikat at nagulat siya nang makaharap ako. Ngayon lang ba nakakita ng maganda?

“Talaga lang ah?”

_ . _ . _

#Mika'sPOV

“So, dito na tayo? London it is.” Napatingin ako kay ate Kim na nakapikit at huming ng malalim.

Nandito na kami. Ito na ang tihanak ko. Dito ko na sisimulang mamuhay ng wala siya. Ng wala akong kakilala. Bagong buhay na ba ‘to?

“Sure ka ba, Miks? Hindi ka na sasabay sa amin?” Tanong ni ate Lhian.

Lumingo na lang ako. “Opo. May sundo naman po ako.” Tinuro ko ang sasakyan na nakaparada malapit sa amin.

“So, hindi ‘to last ha?” Niyakap ko na si ate Kim at ate Lhian. Nagsimula na ring ilagay ng lalaki ang mga bag ko sa sasakyan.

“Hahaha! Opo. Bye po. Ingat.” Kumaway na ako sa kanila at ganon din sila sa akin. “Ah! Ate..” Bago pa maisara ni ate Kim ang pinto ay hinabol ko na siya’t pinigilan. “Uhm! Wag niyo pong sabihin na nagkita tayo.”

Tumango siya sa akin at niyakap ako. “Naiintindihan ko, Miks.” Kumawala na siya sa yakap at pumasok na sa loob ng sasakyan. “Bye. Sasabihin ko sa kanila hindi mo na ako wala na tayong contact sa isa’t isa.” Tumango na lang ako at sinara na ang pinto.

Nakikita ko na ang pag-alis ng sasakyan nila. Nakikita ko na rin ang mga tao dito. Buti na lang at medyo matangkad ako kaya hindi ko masasabing I fell so short. Naglakad na ako papunta sa sasakyan ko at pumasok na kaagad dito.

“Good afternon, Ms. Mika. How was your flight? Do you want to have lunch or we’ll go straight to your drom?” Mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili kong mag-nosebleed nito.

“Uhmm!  Dorm is much better, I want to have a rest. Jet lagged makes me my head spin around. I'll have lunch there.”

“Okay, Ms.”

Hindi na sumagot ang driver at nagmaniho na nga. Binuksan niya ang radio para hindi naman masyadong tahimik sa loob ng sasakyan.

I wanna run wanna run away-ay

I’m dreaming of a place called home

I could try but I’m stuck in today

I’m dreaming of a place that’s

3000 miles away

Feels like it’s forever

Seems like yesterday

We were running ‘round town together

This place, just ain’t the same

I miss the stormy weather

I’m not okay

3000 miles away

I miss the place so much. Namimiss ko na si Ara. Gusto kong bumalik na pero ang layo di ba? Ano naman ang babalikan ko doon? Kung ang team lang at ang pamilya ko, okay naman sila. Kung si Ara? Baka pagbalik ko doon ay pabalik lang niya ako. Siya pabibili ng ticket ko.

If I could go back for the weekend

Or just for a day

To see familiar faces, that’s all it would take

But it’s too far

3000 miles away

Feels like it’s forever

Seems like yesterday

We were running ‘round town together

This place, just ain’t the same

I miss the stormy weather

I’m not okay

3000 miles away

Ang layo ko pala sa kanila. Ngayon palang namimiss ko na ang lahat na malapit sa akin. Kahit na si baby Josh. Nasaan na pala ‘yon? Sigurp pagbalik ko malaki na siya?

“Ms, we’re here.” Napatingin ako sa kanya at lumabas na ng sasakyan.

May lumapit na mga kalalakihan sa akin at tinulungan ako sa bags ko. Binigyan ko na ng bayad ang lalaki at umalis na rin naman siya. Ito na ang buhay ko ngayon. Hmm! Kaya ko ‘to ng walang druga.

“Ms. Reyes? Let me lead you to your room.” Sinundan ko lang ang babaeng nagsalita. Mukhang mabait naman kasi. Habang naglalakad kami ay salita siya ng salita. Hindi ko rin siya maintindihan eh! “This is your key. You’ll be having two room mates, Reese and Skye. Be friendly.”

Kinuha ko na ang susi at binuksan ang pintuan na nasa harapan ko. Hmm! Not bad ang room ah! Malinis naman. Sana mabait ang  dorm mate ko. Sinara ko ang pinto at pinasok ang mga bags ko. Napangiti na lang ako ng makakita ako ng isang sticky note sa salamin.

‘Welcome whoever you are. Enjoy your stay. We’ll be back for lunch. –Reese & Skye’

Lalaki ba sila? Hahaha! All girls naman ‘to. Inayos ko na lang ang mga damit ko sa isang room na vacant. Ito lang kasi ang nakita kong nakabukas kaya malamang sa akin din ‘to. Parang isang bahay naman ang dorm namin. 3 persons lang at hiwa-hiwalay ng kwarto.

Umikot ko sa loob. May maliit na sala, kitchen and so on and so forth. Lahat maliit eh! Pag-estudyante talaga. Binuksan ko na lang ang TV at nag-order na lang din ako ng pizza. Pang lunch na din. Mamaya na lang ako matutulog. Mukhang kaya ko pa naman.

“Hi!” Napalingon ako at nakita ang isang babae. Yes naman. Babae. Hahaha! “You must be ah!” May kinuha siya sa bulsa niya na isang papel. “Mika… Hi! I’m Skye.” Inilahad niya ang kamay niya at nakipagkamay sa akin. Sina-career ko na ang Mika Reyes ah!

“Mika. Mika Reyes. You don’t mind if I…” Tinuro ko naman ang TV na nakabukas.

“Nah. We paid the same amont of money so what’s here is also yours.” Ngumiti ako sa kanya at tinulungan kong mag-ayos ng mga pinamili niya.

“Did you alredy ate lunch?”

“Not yet. Well, pizza. I ate pizza.” Tumingin naman siya sa likuran ko at nakita ang isang kahon ng pizza.

“Hmm! Good. I’ll cook for lunch. Just wait here.” Lumabas na siya. “Just don’t drink the milk.” Pahabol niya at nag-thumbs up lang ako pabalil. Inayos ko na lang ang mga pinamili niya. Mukhang sa fridge lang naman ilalagay lahat eh!

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae parin. Nagbihis siya? Ang bilis niya ah! Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko at hindi na siya ininda.

“Wow. You’re here.” Napatingin ako sa kanya at nakitang gulat siya nang makita ako. Kakakita lang namin ah! “You must be Mika. Nice to see you. Your cute.”

Napakunot na lang ako at tinaasan siya ng kilay. Huh? “Hmm! Yeah? We just meet a while a—“ Nanlaki na lang ang mga mata ko ng bigla niyang buksan ang gatas.

Siya may sabing wag inumin tapos inimun niya? Ang labo ah! Napalunok na lang ako. Mukhang mood swings ang isang ‘to. “Hmm! Reese by the way.”

Inlahad niya ang kamay niya at nakipagkamay naman ako. Umupo siya sa upuan at pinatong ang mga paa nito sa mesa. Inayos ko na lang ang pagkain.

“I’ll change my shirt.” Tumango na lang ako at umalis na siya. Nakatingin parin ako sa fridge habang inaayos ang mga gamit.

“What do you want cheese or—YOU DRUNK THE MILK?”

“Aw!” Nagulat ako ng biglang may nagsalita kaya nabangga ang ulo sa sa itaas ng ref. Napatingin ako sa kanya habang himas-himas ang ulo ko. Ang sakit ah! “You di—“ Nakita ko siyang nakapamiwang. Iba na ang shirt niya. Ano ba ‘to? Nakakahilo na ah!

Lumingo lang ako at itinaas ang mga kamay ko na parang susuko na. “REESE!” Bigla niyang sigaw. Ano ba ‘to?

“Yeah!”

“Oh! Shezz.” Nagulat na lang ako ng may biglang magsalita. Sinundan ko siya ng tingin ng tumabi siya sa kamukha niya. “Oh! I get it. Twins.” Kumalma na ako. Buti naman nalaman ko na kambal sila. Namimiss ko an tuloy ang kambal.

“Yeah. I’m Skye and this is Reese.” Umalis na siya at pumunta na sa shink para mahugasan ang kung anong huhugasan. Umupo na ako sa upuan na katabi ni Reese ba ‘to. Basta siya. Nakita kong tinatakpan niya ang tinga niya habang nagsasalita ang kamukha niya. Kambal talaga.

“She talks to much about things that I don’t want to hear.” Bulong niya sa akin. Tumango lang ako. Namimiss ko na sila.

“Uhmm! You’re a Filipino right?” Tanong ni Skye ba ‘to sa akin.

“Uhmm! Yeah.” Sagot ko sa kanya.

“Huh! Sana sinabi mo kaagad para hindi na ako mawalan ng dugo kakausap sayo kanina. Grabe ka ah! May accent ka na kahit bago ka palang dito.” Filipino sila?

Tumango lang si Skye sa akin. “Yup! Well, not a full blooded. Our father is a Filipino and our mother is a Korean.” Paliwanang ni Skye. Mabuti naman para hindi na rin ako mawalan ng dugo dito.

Tumayo na lang ako at tumabi sa kanya. “Kaya pala ang puti niyo.” Sabi ko sabay harap kay Reese na nilalantakan na ang pizza ko.

“You don’t mind…?” Lumingo na lang ako sa kanya at ngumiti. “So, what’s for lunch?”

Humarap na si Skye at may dalang malaking bowl. Gagawa ata ng vegetable salad. “You’re not eating lunch.” Tumango lang si Reese. Mukhang sanay na ah! “Can you set the table for TWO.” Napatawa na lang ako ng biglang nabilaukan si Reese.

“Seriously? No lunch for me?” Sabay subo nito ng pizza. "Life is so unfair!"

Naglakad naman si Skye palapit sa mesa at nilapag ang bowl. “Yes.” Kalmang sagot nito. Nilagay ko na ang mga plato at kubyertos na rin.

“Urgh! Fine. Hey! Can I borrow someone’s laptop?” Napatigil ako at tumingin sa kanya. “Please? I just need to email something to Mr. Proffesor. He’s the devil in this university. I’m giving you an advice.” Sabay turo nito sa akin.

“Don’t scare her!” Singit ni Skye at umupo na sa harapan namin ni Reese. “Let’s eat!”

Nagdasala na kami at kumain na rin. “You can borrow mine. It’s on the sofa.” Tumayo naman siya at kinuha na ata ng laptop ko. Ang sarap ng salad ah!

“This taste great!” Puri ko sa salad. Seryoso, masarap kas eh! Grabe. Balance ang flavours nito. “Real good.”

Ngumiti siya sa akin mukhan nagblush ata. Napatuloy lang kami sa pagkain at biglang dumating si Reese na bitbit na nag laptop ko.

“Woah! Who’s this chic…?”

“Let me see.” Tumabi naman si Reese kay Skye at pinakita ang laptop ko. Hindi ako nagsisisi na ginawa kong siyang wallpaper. Hahaha! Nakakamiss kasi paghindi ko siya nakikita. “Woah! She'a beautiful and handsome at the same time.”

“Mind telling a story?” Napatingin ako kay Reese na nakangiti sa akin.

“She’s Ara. Ara Galang she is my ahh!”

“Girlfriend?” Singit ni Skye pero lumingo lang ako.

“Best friend?” Tanong naman ni Reese, at lumingo lang ako.

“Ah! Friend.” Pero lumingo lang ako.

“Dorm mate?”

“A criminal?” Lumingo lang kasi pariho ni Skye sa kanya. “What? Just saying.”

“Fiancee?”

“Crush?”

“Oh! Wife?”

“Ano? Maid?” Lumingo na lang ulit ako. Mukhang wala naman silang maidip eh! “Ano, Miks?”

Napatingin ako sa kanila at sumubo muna ng salad. Sumandal na rin ako sa upuan ako. Ano ko nga ba si Ara?

“Hmm! She’s my Ex-Girlfriend.” Napataas ang kilay ni Skye habang nganga naman si Reese. “I love her though but I have to bro… uhm! She broke up with me…”

Nakita ko ang mukha nila na nabigla ata sa pangyayari. Hindi ko alam eh! Ang sakit parin isipin na wala na kami. Na wala na kaming pag-asa pero pagbalik ko. Kung kaya ko, kukunin ko siya.

“Mind sharing…?”

“Sorry for your lost.” –Reese

“The hell, Reese?” –Skye

~ ~ ~

Good night readers...

Sorry kung na disaapoint kayo ng TODO ha? Ito lang talaga ang kinaya ng utak ko eh! 

Favor naman oh? Pwede PM niyo ako about sa insight niyo sa story ko or maybe a review. Comment rin pero PM lang siya. May paggagamitan lang ako. Pwde kayong magcommnet sa baba kung gusto niyo. Kung ayaw niyo ng PM, okay lang. Hindi ko naman kayo pinipilit eh! Sino lang ang may gusto. Thank you..

Enjoy reading...

Vote

Comment

Thank you....

Continue Reading

You'll Also Like

25.5K 539 23
Why does it hurt to lose her, when she's not mine to begin with?
41.3K 1.4K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...