Lux Solaris

Galing kay Weeny_Lassie

960K 26.9K 1K

I lived a life full of darkness for so long that it suffocates my soul. But just like any other species, it... Higit pa

Prologue
Chapter 1
Chapter 2:wizards academy
Chapter 3:The Wand
CHAPTER 4:Miss Foolish
CHAPTER 5:Mission
CHAPTER 6: Start of Friendship
CHAPTER 7:Dance with him
CHAPTER 8:together
CHAPTER 9:Meet the Elementals
CHAPTER 10:EDLYN
CHAPTER 11:Dangerous Man
CHAPTER 12:HISTORY
CHAPTER 13:HIS BRIGHT SIDE
CHAPTER 14:The Deal
CHAPTER 15:Legal Couples
CHAPTER 16: Being Couples
CHAPTER 17:Gorgeous Girl
CHAPTER 18:Ms. Jealous
CHAPTER 19:Feelings
CHAPTER 20:Danger
CHAPTER 21:The Key
CHAPTER 22:Revenge
CHAPTER 23:Family
CHAPTER 24:E Corre Diu
CHAPTER 25:The Past
CHAPTER 26:Shot
CHAPTER 27:Gift
CHAPTER 28:Race
CHAPTER 29:Return
CHAPTER 30:Her
This is not an Update
CHAPTER 31:Dream
CHAPTER 32:Connections
CHAPTER 33:Blind
CHAPTER 34:Riddle
CHAPTER 35:Countdown
CHAPTER 36:Jelly Ace
CHAPTER 37:Partner
CHAPTER 38:12:00
CHAPTER 39:RUNAWAY
CHAPTER 40:TRAINING
CHAPTER 41:GOOD AND BAD SITUATION
CHAPTER 42:ENGAGEMENT
CHAPTER 43:ELEMENTAL'S GROUP
CHAPTER 44:POWERFUL
CHAPTER 45:PUNCH
CHAPTER 46:NIGHT
CHAPTER 47:EYES
CHAPTER 48:ISLAND OF TRUTH
CHAPTER 49:Sword of Aquarius
CHAPTER 50:Garden
CHAPTER 51:TIME
CHAPTER 52:GOOD BYE
CHAPTER 53:MASTER
CHAPTER 54:COVER
CHAPTER 56:SNOWGLOBE
CHAPTER 57:REYAH'S PLAN
CHAPTER 58: FIGHTING
CHAPTER 59:START OF WAR
CHAPTER 60: WAR II
CHAPTER 61:WAR III
CHAPTER 62:WAR IV
CHAPTER 63:WAR V
CHAPTER 64:WAR VI
CHAPTER 65: WAR VII
CHAPTER 65:WAR VIII
CHAPTER 67:WAR IX
CHAPTER 68:WAR X
CHAPTER 69:WAR XI
CHAPTER 70:WAR XII
CHAPTER 71:WAR XIII
CHAPTER 72:CHANGE
CHAPTER 73:LAST CHAPTER
EPILOGUE
Author's Note
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 55:JUST ACT

8.9K 233 11
Galing kay Weeny_Lassie

Reyah's POV

Bigla na lang akong nagising dahil sa may nakatok sa pintuan.

"Mahal,gising ka na ba?"sambit ni Cold sa labas.

Bumangon ako at hindi nagsalita.

Nakakabwisit,umagang-umaga nasira agad ang araw ko.

Bigla na lang bumukas ang pinto at ang una ko agad na nakitang mukha ay si Cold.

"Magandang umaga mahal ko."sambit nya at may kasunod na mga bata.

"Mga alipin paglingkuran nyo na ang mahal na prinsesa"Masayang sambit ni Cold.

Tinignan ko ang mga bata at nakita ko na kasama si Lucinda.

"Teka Cold," malumanay na sambit ko sa kanya.

"Nagsalita ka na rin.ano yun mahal ko?"masayang sambit ni Cold sa akin

"Gusto ko sanang maging alalay si Lucinda."sambit ko ng maayos.

Dapat ay mapapayag ko sya para masimulan ko na ang plano ko.

"Ayun yung unang hiling ko sayo Cold."malumanay na sambit ko.

Bigla naman syang naupo sa kama ko at hinawakan ang buhok ko.

Gustong-gusto kong hawakan at baliin ang kamay nya pero kailangan kong sumakay sa gusto nya para masunod ako.

Ngumiti ako sa kanya at hunawakan ang pisngi nya.

"Nakapag-isip na ako kagabi Cold."malambing na sambit ko

Bigla naman syang ngumiti at tumayo.

"Buti naman at napagtanto mo na rin yun. Sige,pagbibigyan kita sa nais mo para naman may mapaglibangan ka."sambit nya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at niyapos sya para kunwari ay masayang-masaya ako.

"Salamat,ma-hal."sambit ko sa kanya.

Nasusuka ako sa mga pinag sasasabi ko pwe!

Bigla naman syang nagulat sa sinabi ko.

Niyakap nya rin ako at hinimas ang buhok ko.

Putik!kung hindi lang talaga dahil sa plano ko ay malamang bali-bali na ang katawan nito.

Kumalas naman ako at ngumiti ng pilit.

"Sige na mahal,babalik ako."sambit nya sa akin at umalis na.

Sumunod naman sa kanya ang mga bata maliban kay Lucinda.

Nang makaalis na sila ay huminga ako ng malalim at sinipa ko ang dingding.

"Bwisit!muntikan na akong masuka!"bulong ko sa hangin.

"Ate,"malungkot na sambit ni Lucinda.

"Bakit?"sambit ko dito

"Ate,hindi mo na gusto si kuya Ace?"paiyak na sambit ni Lucinda

Lumapit ako dito at ngumiti.

"Kunwari lang yun.para lagi na kitang kasama."bulong ko sa kanya na ikinasigla nya.

"Phew!akala ko po gusto nyo rin sya ehh.ang galing nyo po,parang totoo."sambit nya sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Teka lang mag-aayos lang ako tapos ikaw naman,puntahan mo si Cold at may sasabihin ako sa kanya."sambit ko kay Lucinda.

"Sige po Ate!"sambit nya at umalis na.

Agad akong nag morning routine at naupo sa may upuan malapit sa bintana.

Ilang saglit lang ay may narinig na akong papaakyat.

huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

Kailangan kong makalabas dito para malaman ko kung totoo ang nasa drawing.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto.

"Ano yun mahal ko?bakit hindi ka kumain?"sambit sa akin ni Cold.

Huminga ulit ako ng malalim at tumayo.

"Ma-hal,gusto ko sana na sa labas tayo kumain,ayoko dito gusto kasama kita."malungot na sambit ko.

Sana kainin mo ang pain,sige na

Bigla itong ngumiti at hinawakan nya ako sa wrist.

"Akala mo ba maloloko mo ako??!gusto mo lang tumakas!!"sigaw nya sa akin.

Putik!!Reyah,Reyah,think.

Aha!I got it.

"Anong bang pinagsasasabi mo!gusto lang kita makasama!akala ko pa naman matutuwa ka pag kumain tayo ng sabay!yun pala pag bibintangan mo lang ako!"sambit ko at tinanggal ang kamay nya.

Luha,luha,bilis!!lumabas ka.

Tumingin ako sa kanya ng matagal habang hindi kukukurap

Maya-maya ay bigla nang tumulo ang luha ko.

Yes!!Perfect!!sige tulo pa.

"Ma-hal patawa------"hindi pa tapos ang sasabihin ni Cold ng sumabat na ako.

"Akala ko pa naman gusto natin ang isa't-isa,yun pala ako lang!"sambit ko at tumalikod.

Yes!!!buti na lang at natutunan ko ang pagluha dahil sa mga pabebe kong kaklase.

"Mahal patawad,akala ko ay nililinlang mo lang ako ." malungkot na sambit ni Cold

Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay hinarap ko sya.

"Bakit mo pa ako papakasalan!huh!ano laro-laro lang sayo?mas gusto kita kesa kay Ace tapos ginanto mo lang ako!dapat di na lang kita ginusto!"sambit ko at nagpatulo ulit ng luha.

Haha!yes!!ang galing ko talaga,nagpapasalamat ako sa mga maarteng babae sa room namin.

Bigla nyang pinunasan ang luha ko.

"Mahal,patawad tama ang desisyon mo,mas nararapat ako sa pagmamahal mo."sambit nya sa akin.

"Tama nga ba??"sambit ko sa kanya.

"Oo mahal,sige pumapayag na akong kumain tayo."sambit nya sa akin.

"Talaga??baka napipilitan ka lang?"sambit ko sa kanya.

"Umiling naman sya.matagal ko nang pinapangarap to."masayang sambit nya.

Ngumiti naman ako at pinunasan ang mukha ko.

"Tara na."sambit nya sa akin.

Nag nod naman ako at sumunod.

Haha yes!!!ang galing ko talaga!!grabe,ang hirap pala talagang umarte.buti na lang at gumana yung pagluha ko.

Ng makalabas kami ay tinignan ko ang pinto at mayroon itong drawing na isang dragon at nakapulupot ito sa isang rosas.

Pagtingin ko sa hallway na ito ay nakita ko ang isang vase.

Tama nga ang nasa drawing,ito nga yun.

Bumaba kami sa hagdan ng tore at nakita ko sa bandang kanan ay mayroong isang kulay pula na gate.

Hmm,yun ang kulungan.

Bumaba ulit kami sa hagdan at may dalawang daan ito.isa sa kanan at isa sa kaliwa.

Dumeretso lang kami at nakarating na kami sa hagdaan papunta sa trono.

Nilagpasan namin ang trono at
Pumunta kami sa kaliwang bahagi.

Pagpasok namin ay mayroon na namang dalawang daan.

Isa sa kaliwa at sa kanan.nagpunta kami sa kanan at nandoon ang isang malaking lamesa.

"Ito na ba ang hapag-kainan?"malumanay na sambit ko

"Oo mahal,"sambit nya sa akin.

"Hmm,mahal patawad sa nangyari kanina."sambit sa akin ni Cold.

Nag nod naman ako.

"basta wag ko na ulit gagawin yon."sambit ko sa kanya.

"Pangako."nakangiting sambit naman nya.

Pagkalipas ang ilang oras ay natapos na kami kumain.

"Hmm,mahal may gusto ka bang gawin?"sambit sa akin ni Cold.

Gusto ko nang umalis dito.yung ang gusto kong sabihin pero hindi pwede.

"Hmm,gusto ko sanang ayusan natin si Lucinda para naman maging maayos ang itsura nya."sambit ko kay Cold.

"Hmm,sige ipapatawag ko ang mga manggagawa ng kasootan para din magawan na tayo ng isusuot sa kasal."sambit niya sa akin

Ang nod naman ako.

Fuck!ayoko pa mag pagawa ng damit,gusto ko lang maging maayos ang itsura ni Lucinda. Nakakabwisit naman.

"Pero mahal,mag-iintay pa tayo ng matagal.ano bang gusto kong gawin?"sambit nya sa akin.

"Hmm,gusto ko sanang maglibot-libot sa palasyo.
para makasigurado ka na hindi ako tatakas ay lagyan mo ako ng spell para di ako magamit ang kapangyarihan ko."sambit ko sa kanya.

"Hmm,hindi na kita lalagyan.magkita na lang tayo sa labas mamayang paglubog ng araw."sambit sa akin ni Cold.

"Salamat."sambit ko at nginitian sya.

'Tara na Lucinda." Sambit ko at tumayo na.

Ng makalabas na kami sa hapag kainan ay may nararamdaman akong sumusunod sa akin

Tssk.hindi pala lalagyan huh

"Hmm,Lucinda ano tong kaliwang daan?"tanong ko dito.

"Ahh,dyan po yung mga tirahan naming mga alipin."sambit nya dito.

Habang nilalagpasan lang namin ang trono ay napansin ko na wala yung daan na nasa drawing.

Hmm.

Nagpunta naman kami sa kanang bahagi.

"Ate,ito pong daan papuntang kanan ay ang library. Tapos yung kaliwa naman po ay ang mga lalagyan ng mga sandata."sambit sa akin ni Lucinda.

Hmm,pumasok ako sa library at nagulat ako ng makita na hindi lang basta libro ang nandoon.

May mga mapa rin ng teka?mga mapa ng loob ng bawat palasyo?

Bakit meron sila nito?

Hmm,ang dami pala ng mga palasyo

8 pala ito lahat.

Naglakad ako papunta sa dulo nito at napansin ko na lahat ay dikit-dikit ang mga shelves maliban dito sa dulo sa kanang bahagi.

Hmm.

Bwisit kasi tong spell na to.hindi ko tuloy malapitan.

Ahh!! alam ko na

Lumakad ako papuntang kaliwang shelf at kumuha ng libro.

Pagkakuha ko ng tatlong libro ay naglakad ako.

Kunwari akong natisod at inihagis ko papunta sa may walang shelf.

"Ate ayos ka lang??"sambit sa akin ni Lucinda.

Nag nod lang ako sa kanya.

Tumayo ako at pumunta sa mga libro.

Pagkakuha ko ng isang libro ay pinagmasdan ko ang baba nito.

Napansin ko na may maliit na guhit ito .

Ng kinuha ko naman ang pangalawang libro sa may tabi ng kanan na shelf ay tinignan ko ulit ang pader sa kanang bahagi at nakita ko na ang linya nito ay nakatago sa may shelf.

Pagkatapos ay kinuha ko na ang pangatlong libro at tumayo na.

"Tara."sambit ko kay Lucinda pero umiling sya.

"Bawal ka Ate na magbasa ng libro."sambit nya sa akin.

"Ahh sige. "malungkot na sambit
ko

Phew!buti na lang at bawal.nagkaroon tuloy ako ng dahilan para hindi magbasa ng kunwari.

Pagkalabas namin sa library ay nagpunta naman kami sa mga lalagyan ng sandata.

Pagkapasok namin ay nakita ko na ang mga sandata nila.

Ito ay mga Armpole,sword at arrow.

Habang nagmamasid ako ay napansin ko na ang kanila namang armor ay walang pananggalang sa leeg at tyan.

Kaya lang ito parang may pananggalang ay dahil sa tela na kakulay ng armor.

"Tara na,ayoko dito wala manlang kakaibang sandata."sambit ko at umalis na kami.

Umakyat naman kami sa taas at nagpunta sa kaliwang bahagi.

Ate,yung una pong silid ay ang kwarto ni Reyna Minerva.

"Ang pangalawa naman po ay ang kwarto ni Prinsipe Cold at ang pangatlo po ay ang kwarto ni Haring Wildard. "Sambit sa akin ni Lucinda.

"Ahh.huwag na tayo pumasok dyan kasi mga silid nila yan."sambit ko ng malakas dahil nakita ko si Cold na papaakyat.

"Mahal!"tawag sa akin ni Cold.

"Ano yun??"sambit ko naman.

"Mahal,andito na ang kasuotan ni Lucinda pero wala pa ang mag gagawa ng damit natin.may sakit daw."sambit sa akin ni Cold.

"Ahh,sayang naman.pero sige ayos lang yon."sambit ko at ngumiti ng totoo.

Yes!!!hindi tuloy ang pag gawa!!!haha in your face!!!!hay nako buti naman at sinuwerte ako

Bumaba na kami at kinuha ang damit ni Lucinda.

Pagkakuha namin ng damit ay naghikab-hikaban ako.

"Mahal,"tawag ulit sa akin ni Cold.

"Bakit?"malumanay na sambit ko.

Nakakainis na huh!!lagi na lang mahal.arghh.kung hindi lang talaga dahil sa plano ko!!!!.

"Magpahinga kana.baka pagod kana."sambit nya sa akin.

"Salamat."sambit ko at ngumiti.

Inihatid na ako sa silid ko habang si Lucinda ay kumukuha ng damit at pagkain ko.

"Sige na,matulog ka na rin."sambit ko at hinawakan ang kamay nya.

Nag nod naman sya.

"Paalam."sambit nya at hinaplos ulit ang buhok ko.

Pagkapasok ni Lucinda ay kumain lang ako ng prutas at sa kanya na ang natira.

Nagbihis lang ako at naupo sa kama.

Pagkatapos kumain ni Lucinda ay nagbihis na sya at natulog sa tabi ko.

Kinuha ko ang pocket book sa may punda at tinignan ko ulit ang mapa.

Tama nga ako.dapat ay may silid din dun sa may likod ng trono.

Hmm,matalino pala si Wildard katulad ni Ace.pero mautak naman ako.

"Talo ng MAUTAK ang MATALINO."sambit ko at itinago na ulit ito


































Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

79.6K 4.2K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
670K 21K 52
Mavherus, a land where extraordinary people live. They all have different kind of power that made them unique. Do you want to be one of them? Mavheru...
91.9K 2.5K 56
Aleah Diaz lives in the magical world of Torniquo. She was a watch in her past life. She knows the exact time of certain things. BUT Aleah Diaz is...