Confessions Of Our Guilty Hea...

By EnergyStarsss

496K 4.5K 464

They sworn to secure and protect, not fall and fall in love! More

Confession 1
Confession 2
Confession 3
Confession 4
Confession 5
Confession 6
Confession 6: Part 2
Confession 7: Beautiful Target
Confession 8: Happy First Day!!!
Confession 9: Chocolate Love
Confession 10: I Know You Know
Confession 11 (Part 2): Little White Lies
Confession 12: I Got A Boy
Confession 13: First Day, First Love
Confession 14: Second Day, Happiness?
Confession 15: Third Day, Glad You Came
Confession 15 (Part 2): Back For You
Confession 16: Fourth Day, Crazy Thing.
Confession 17: Caught Up In You
Confession 17 (Part 2): Sorry, Sorry
Confession 18: You And I
Confession 19: Just A Feeling
Confession 19 (Part 2): Beautiful Goodbye
Confession 20: Why Goodbye?
Confession 21: Just A Little More US
Confession 21 (Part 2): A Little More You
Confession 22: More Than This?
Confession 22 (Part 2): Is There Anybody Out There?
Confession 23: Half Alive
Confession 24: Half A Heart
Confession 25: Change My Mind
Confession 26: All My Love Is For U
Confession 27: Wouldn't Change A Thing
Confession 28: Love Love
Confession 29: Loving U
Confession 30: Oh My My My
Confession 31: Better Than Revenge
Confession 32: Better Than Words
Confession 33: Me and You TOGETHER
Confession 34: A Step Closer
Confession 35: Closer This Time
Confession 36: Love with Pain
Confession 37: Dzi Loverz
Confession 38: Wait a Minute!
Confession 39: Round of Applause
Confession 40: Wala eh!
Confession 41: Ring Ding Dong
Confession 42: Girls Girls Girls
Confession 43: Scream!!!
Confession 44: I Know, you Know.
Confession 45: Boom Boom
Confession 46: Tonight is the Night
Confession 47: Vulnerable
Confession 48: It's You All Along
Confession 49: You LOVE me Anyway
Confession 50: Its Up To You!
Confession 51: It's Me or It's You?
Confession 52: C-R-U-S-H
Confession 53: Think What To Think! (Feel It In Your Heart)
Confession 54: You Got My Heart...
Confession 56: Love Never Fails
Confession 57: Way To Go.....
Confession 58: Stonger
Confession 59: Forget Forever
Confession 60: Out Of Goodbyes
Confession 61: Talk Dirty
Confession 62: Daylight
Confession 63: 정말?
Confession 65: Yearning Heart
Confession 66: She Was Mine
Confession 67: Cordially Invited
Confession 68: Who you?
Epilogue
Me. You. Us.

Confession 55: What Now?

4.6K 82 18
By EnergyStarsss

 

 

 

#Camille'sPOV

Nakapasok na ako sa paaralan ngayon. Kahit na wala pa ang Prof namin kasi maaga pa naman. Pumasok na ako dito sa classroom at naupo. Gusto kong makaalis sa dorm. Ayaw kong makita ang taong nandoon.

Umalis na si ate Kim. Sino na ang pagsusumbungan ko ngayon? Sino na ang magbibigay sa akin ng mga payo? Sino na ang tutulung sa akin pina-realize kung sino ang mahal ko? Sino na? Babalik siya. Oo. Babalik siya. Mamimiss ko siya. Ang galing niyang magbigay ng payo per parang sarili niya hindi na mabigyan ng payo. Galing ‘no.

Alam mo ‘yong masakit kasi nagagalit ka pero walang kayo? Ramdam mo ba ang ‘yong selos na nadarama ko? Kahit na simpling bagay sya parang ang laki ng sa akin. Ganito ba ang nagmamahal?

“Good morning class…” Naputol ang pagmumuni-muni ko ng biglang pumasok ang prof namin. Umayos na ako ng upo at dumating na ang mga kaklase ko. “Today, we will talk about…” Napatingin naman ako sa white board na nakapalumbaba lang. “L. O…. Ms. Cruz?”

“Yeah!” Nagulat na lang ako ng biglang matumapik sa akin at nakitang nakatingin si Mrs. Prof sa akin. “Uhmm! V.E.” Pagpapatuloy ko sa sinabi niya.

Humarap naman siya ng tuluyan sa akin at tumayo na rin ako sa kinauupuan ko. “Can you read it loud?”

 

“LOVE!”

Love. Ano nga ba ang love? ‘yon ba ‘yong tipong hindi ka makapag-concentrate sa klase kasi busy kakasulat ng pangalan niya at last name mo? ‘yon ba yong tipong nasasaktan ka pagmay kasama siyang iba? ‘yong ba yong tipong masaya ka pag nandiyan siya? ‘yong ba ‘yong tipong malungkot ka paghindi ka niya na replyan o ano? ‘yong ba ‘yong tipong kahit wala siyang ginagawa ay napapasaya ka niya? ‘yong ba yong may nararamdaman kang kilig factor?

Umupo na lang ako sa upuan ko at tumingin sa labas. Nagpatuloy na rin ang prof namin sa pagsasalita ng mga bagay na wala akong maintindihan.

“Love is a reaction of brain blah blah blah blah blah blah. And the brain produces some hormone that make you feel electrified or kikiligin blah blah blah blah blah….”

Alam mo ‘yong gusto mong makinig pero ayaw mo kasi masyadong patama? Ako ‘yon. Ayaw kong makinig  kasi alam kong ganyan na ang nararamdaman ko. Gusto kong makinig kasi alam kong lalabas ito sa test namin. Oo naniniwala ako ng galing nga sa utak ang lahat. Pero para sa akin puso eh! Kung nakakaramdam ka ng kilig factor. ‘yon na ‘yon.

Tumigin na naman ako sa labas na nakapalumbaba. Hindi ko alam kung gusto ko bang makinig ngayon o ayaw. Saktong pagtingin ko ay dumaan ang dalawang love birds. Carol and Justine. Just right. Hawak ni Carol ang kamay ni Justine habang hila-hila niya ito kung saanman sila papunta.

Somewhat, nakaramdam ako ng kirot. Alam mo ‘yong parang heartburn? Napahawak na lang ako sa dibdib ko at hinagod-hagod ito. Masyadong masakita eh! Biglang huminto si Carol at humarap kay Justine, nagkalapit ang mukha nila ng ilang inches na lang. At dito pa talaga?

Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Ang paglapat ng labi ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko non. Alam mo ‘yong nasa alipaap ka? Cloud 9 kung baga? Napahawak na lang ako sa labi ko at napangiti. Shocks! First kiss ko.

“Ms. Cruz?”

 

“Ms. Cruz?”

 

“Ms. Cruz?”

 

“Ms. Cruz?”

 

“Huh?” Napatingin ako sa Prof naman sa harapan na nakapamiwang at naririnig ko na rin ang pagpipigil ng tawa ng mga kaklase ko. “Ano po?”

“For you, what symbolizes love?”

Ano nga ba? Hearts? Cirlce? Rectangle? Square? Ano pa bang geometric figure diyan? Tumayo na ako habang nakatingin lang sa mga kaklase ko na nakatingin din sa akin. Parang isa ako sa mga taong may malaking kasalanan.

“For me, rain symbolizes love.” Nakita kong napataas ang kilay ng prof namin at nagpipigil naman ng tawa ang mga kaklase ko. Rain? Are you insane? Bakit nga ba rain? Tumingin lang ako sa Prof namin na tinignan din na para sa isang “explaination”.

Rain? Because rain doesn’t know where it would land yet still falls. Parang tayo, kahit na hindi tayo pwedeng ma-in love sa taong ‘yan kasi kaibigan mo siya o taken na siya, pero hindi natin pwedeng pigilan eh! Nahuhulog at nahuhulog ka sa kanya. Hindi mo alam kung bakit ka na huhulog sa kanya. Pafall ba siya o talagang mahal mo lang talaga siya. Heart? Kung heart man lang pwede itong mabasag o di kaya ay mamatay. So, for me, rain symbolizes love.”

Natahimik ang lahat. Napatingin ako sa mga kaklase ko na nganga at ang Prof ko rin. Tama ba ang sinabi ko? Tama naman di ba? “Well said.”

Umupo na lang ako sa upuan ko at ngumiti sa kanila. Wala na rin silang kibo kaya hindi ko na rin sila pinansin eh! Wala naman silang ginagawa na masama kaya walang kaso. Hay ano po ba ‘to? Love na ba ito? Feeling ko inspired ako sa sagot ko kanina eh!

Napahawak na lang ako sa tiyan ko ng bigla itong tumunog. Wala pa pala akong almusal. Huminga na lang ako ng malalim at makikinig na lang ako sa Prof ko kahit wala namang pumapasok sa utak ko. Hay!! Ano ba naman ang nangyayari sa akin?

_ . _ . _

 

 

 

#Cienne'sPOV

Pumasok na ako sa class ko ngayon. Ito ‘yong class na nagpagawa ng thesis about music something. Remember that? Yup! ‘yong magkasaklase kami ni Kim? ‘yon nga. Hay! Hindi ko alam na magkaklase pala kami non.

Umupo na lang ako sa normal seat ko at wala lang. Chillax. Nagsisimula na magsalita ang Prof namin ng kung ano pumasok lang din sa isipan niya. Bahala na nga siya diyan. Sumadal na lang ako sa upuan ko at pilit na makikinig sa mga sermon niya.

“Okay. I have an announcement to make. First, I want to congratulate everybody for the jod well done on their thesis. I was inspired at what Ms. Fajardo and Ms. Cruz’s output. They combined the love, hatred and hope. Let give them a round of applause.”

Kami ba? Tumingin na lang ako sa mga kaklase ko na nagpapalakpakan na. Nakipalakpak na lang din ako. Ano bang meron? Napailing lang ang Prof namin at tinignan ko ng may halong pagtataka. Ano bang meron?

“Enough now. Sad to say that Ms. Fajardo already dropped her subjects. She will transfer to an International School outside country, and I think she shifted to different course. Let’s just hope for the best. ”

Sandali!

Dropped? Drop? Anong drop? Pwede pa ba siyang magdrop? Pwede pa ba siyang magtransfer? Halos kalahati na ng school year ‘to ah! Titigil na siya sa pag-aaral?

Sad to say that Ms. Fajardo already dropped her subjects.

 

Sad to say that Ms. Fajardo already dropped her subjects.

 

Sad to say that Ms. Fajardo already dropped her subjects.

Halos pabalik-balik na ‘yan sa utak ko. Parati ko na lang naririnig. Wala na akong maintindihan sa mga pinagsasasabi ng Prof namin ah! Wala na ring pumapasok na kung anong pwedeng pakinabangan sa utak ko. Puro na lang ‘Sad to say that Ms. Fajardo already dropped her subjects.’ Ang naririnig ko.

(BELL RINGS)

Lumabas na kami kaagad ng classroom. Yes naman. Lunch break na. Ang bilis ‘no? Parang ilang minuto lang lunch break na kaagad? Nagpaiwan muna ako dito sa classroom. Ngayon ko lang naalala na birthday pala ni Mika kahapon. Ayaw niyang magpabati kasi raw baka malaman ni Ara. Anong problema non?

Tumayo na lang ako at lumabas ng nakaramdam na ako ng gutom. Tumingin ako sa pilid at wala pa ang sundo ko ah! Wala pang anino ni Van ang nandito.

“Ang swerte niya no? Maganda girlfriend niya.” Napatingin na lang ako sa dalawang lalaking nag-uusap papalapit sa gawi ko.

“Hmm! Alin ba don? Si Raven ba o ang bet nila?” Tanong naman ng lalaki.

“Ah… Hindi. ‘yong si—“ Hindi natapos ang sasabihin ng lalaki ng makita niya ako. Bigla silang tumigil sa paglalakad, parang natulala at nakakita ng multo at the same time. Ako ba tinutukoy nila? “Cienne!” Bati sa akin ng lalaki.

Tumango ako sa kanila. “Ah! Hi! Nakita niyo ba si Van?”

Nagkatinginan silang dalawa at parang nagulat sa tanong ko. “Ah! Eh! Kanina pero hindi na namin alam eh!” Sagot naman nito.

“Ah! Ganon ba?” Tumango na lang ako at yumuko. Saan ba ba ‘yong taong ‘yon?

“Ah! Una na kami.” Tumango lang ako sa kanila at nilagpasan na ko. Nakikita ka pa silang nagtatalo eh! Hindi ko naman alam kung bakit. Gusto kong malaman kung ano ang pinagtatalunan nila pero ayaw ko namang isipin nila na FC ako or chismosa di ba?

Naglakad na lang ako palabas. Saan ako kakaain ng lunch nito? Hmm! Sasabay na lang ako kay Camille. Oo. Hindi parin mawala sa isip ko ang pagdrop ni Kim sa mga subjects niya. Kaya ba namamaga ang mga mata nila kanina? Ngayon ba ang alis niya? Anong oras ang flight niya? Tsk! Bakit ko ba siya iniisip?

Oo team mate kami, roommate at dorm mate kami. Mag kaklase narin. Pero bakit hindi ko alam? Wala naman kaming malisya di ba? Kahit pa naging ex ko siya ay dapat mawala narin ang awkwardness something namin.

“Bye…” Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Van at isang babae. Hinalikan niya ito sa pisngi bago tuluyang makaalis.

“Cienne!” Tawag ni Van sa akin. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at pagkabalisa na rin. Hindi na niya alam kung ano ang gagawni niya ng makita niya ako. May tinatago ba siya? “Ah! Hi hon? Lunch na tayo?”

Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko si Van. “Ah! Sino ‘yon?” Tanong ko sa kanya.

Nagsimula na kaming maglakad at kinuha na rin niya ang mga gamit ko. “Ah! Wala. Cousin ko lang.” Tumango na lang ako at naglakad na kami palabas ng building ko. Maytaga bitbit na ako. Ganda ng buhay ko.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pagdrop ni Kim sa mga subjects niya. Bakit naman di ba? Hay! Bahala na nga. Baka magbago lang ang isip non.

_ . _ . _

 

 

#Ara'sPOV

“Ara…”

Napaangat ang ulo ko. Bigla ko siyang niyakap at bumuhos na ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa panahon ngayon. Kung saya ba o lungkot.

“Shhh! Tahan na…” Hinagod niya ang likuran ko at pinapatahan ako sa pagiyak. “Tama na. Ayaw ni Mika na nakikita kang umiiyak.”

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Gusto kong tumigil pero wala akong magawa para marelieve ang sarili ko. “Kung ayaw niya akong masaktan, bakit niya ako iniwan? Ba..bakit siy..a umali…s, Tita Bhaby?” Umiyak na ako sa dibdib niya.

“Shhh! Alam kong may mali si Mika pero alam ko ring may mali ka…” Humarap na ako sa kanya. Tinitigan ko siya sandali at bumalik kaagad sa pagkakayakap sa kanya. “Tahan na…” Hinagod niya ulit ang likuran ko. Matagal ko na ring hindi nayayakap ang Mommy ko. Nakakamiss sobra.

Tumayo na ako ng maayos at pinunasan ang luha ko. “Tha…thank you po.” Patuloy ko parin pinupunasan ang luha ko.

Hiwakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. Namimiss ko Mommy ko. Pinupunasan niya ang luha ko at niyakap na naman ako. “Sorry sa ginawa ng anak ko. Sorry sa nagawa niya sa pamilya niyo. Gusto kong humingi ng tawad sayo at nagpapasalamat na rin kasi kahit papaano ay minahal mo siya.”

Humarap na ko sa kanya at kinukusot parin ang mga mata ko. “Hindi po. Wala pong nagawang mali si Mika sa akin. Wala po kayong dapat ihingin ng tawad kasi wala po kayong nagawang mali, sa akin at sa pamilya ko na rin po.”

 

Nakita ko siyang ngumiti sa akin. “Ah! Salamat ha? Sige alis na ako may uuwi pa ako Bulacan.” Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na rin siyang maglakad. Tumingin lang ako sa kanya habang kinukusot parin ang mga mata ko. “Ara…” Napatingin ako sa kanya ng matamlay. “Sana mahalin mo parin si Mika kahit wala na siya dito.”

 

Tumango lang ako at nagthumbs up sa kanya. Oo. Mamahalin ko siya. Mamahlin ko siya. Hihintayin ko ang pagbalik niya. Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at umalis na rin ito. Tumalikod na lang ako habang kinukusot parin ang mga mata ko.

“Sorry, Ara.”

Napatingin ako kay Jessey na nakasandal sa pinto ng kotse na nakabukas. Ngumiti lang ako sa kanya at naglakad na papalapit sa kanya. “Wala dapat ihingi ng tawad. Ako ang nagbigay sa kanya ng dahilan para umalis kaya ang sarili ko dapat ang humingi ng tawad sa sarili ko.”

Nakatingin lang siya sa akin. Ang sama ko ba? Ako ang nagpaalis sa kanya tapos iiyak-iyak ako? Tsk! Napatingin na lang ako sa plate number ng sasakyan ko. Binigay na raw ni Mika sa akin eh! Akin na ‘to. “ARA 143.”

Napakunot ang noo ni Jessey. Ito kasi ang nakalagay dito eh! Tinuro ko na lang ang plate number at agad namang pumunta si Jessey sa tabi ko. Tumingin na rin siya sa plate number nito. “Ahhh! Oo. Grabe lang si Mika ah! Pinangalan sayo.”

Napatingin na lang ako sa kanya. Paano niya nagawa ‘to? Ang rami ko pa bang hindi alam kay Mika? Nakatingi parin si Jessey sa plate number habang nakangiti at napapailing na lang. “Hindi ko ata alam ‘to.”

Tumingin sa akin si Jessey at nagtap na lang sa balikat ko. “Maaaring kilala mo si Mika pero hindi mo pa kilala ang yaman na meron siya.” Ngumiti na lang si Jessey sa akin. Yaman? Gaano ba kayaman si Mika? Nagpunta na siya sa driver’s seat at iniwan akong naguguluhan dito.

Pumasok na lang ako sa sasakyan. Hay! Magsisimula na ang buhay ko na wala si Mika. Kaya ko pa kayang mabuhay na wala siya? Nakaya ko naman mabuhay na wala siya di ba? Eh ngayon na nakilala ko na siya? Hay! Umandar na ang sasakyan at mukhang traffic pa ngayon.

Tumingin lang ako sa daan at huminga ng malalim. Gusto kong makilala si Mika. Gusto kong makilala ang tunay na pagkatao na nakatago sa katawan ni Mika. “Jess, saan ka pagkatapos nito?” Tanong ko sa kanya.

Nag-isip muna siya at tumingin na sa akin. “Uhmm! Hahatid muna kita tapos ewan na. Pupunta ata ako sa USTe. Bakit?” Nagtataka nitong tanong.

“Wala naman…” Lumingo ako at binalik ang tingin sa daan. “Gusto ko sanang makilala ang buhay ni Mika. I mean, ang tunay na Mika Reyes o Aereen Marcaliñas.”

Napatingin siya sa akin na may halong lungkot at pangamba. Mali ba ang tanong ko?

* * *

In just a blink of an eye, nakarating na kami sa isang gusali. May nakita akong iba’t ibang sasakyan at mga taong labas pasok dito. Nasaan ba kami? Bumaba na lang kami sa sasakyan. Tumingin lang ako kay Jessey na nakangiti at naglakad sa tabi ko.

“Tara? Alam kong bawal ka dito pero kilala ka na naman nila.”

Hinila na ako ni Jessey papasok sa loob. Saan ba ‘to? Nasa agency ba kami? Pumasok na kaming dalawa ni Jessey sa loob. Binata ng lahat si Jessey habang napapatigil at napapatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Parihas lang naman kami ni Jessey ng suot ah!

“Jess, nasaan tayo?” Tanong ko sa kanya.

Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Welcome to Cyrano Agency. Dito nagsimula ang career ni Mika bilang isang agent at dito rin natapos.” Ngumiti na man siya sa akin. “Wag mong sasabihin sa iba ‘to ah?” Tumango lang ako sa kanya at napalinga-linga. Ang laki ah! Headquarters ba nila ‘to? Bumalik naman ang tingin ko kay Jessey na nakangiti lang. “Tour kita?”

Tumango lang ako sa kanya at nagsimula lang siyang maglakad. Sumunod na rin ako sa kanya. Nakadaan kami ng kung sinong tao at binati nila si Jessey. Nakakagulat rin kasi kilala nila ako kaya binabati ko rin sila pabalik. Baka isipin kasi nila na snob ako.

Tinuor ako ni Jessey sa agency nila. Sa lobby, sa mga office, sa control center nila, operation room, sa conference room at sa garden rin nila. Tinour nga rin niya ako sa comfort room nila. Baka kasi biglang call of nature. Huminto naman kami sa harap ng isang pinto.

“Ito naman ang training room namin.” Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang iba’t ibang klase ng armas. “Kung gusto mong matutong pumatay ng tao, pumasok ka lang dito at magpaturo ka sa kanila.” Tinuro niya ang mga taong nakasuot ng puti. From head to toe. Para silang mga nurse.

“Hyaaaah!” Nagulat at napalingon ako ng biglang may sumigaw sabay bumagsak na ang lalaki. Nakita ko na lang lalaking namimilipit sa sakit at nakahilata na sa sahig. Hala!

“Okaaaayyy? Dito tayo.” Hinawakan ni Jesse yang balikat ko at inilayo ako sa mga taong nandoon. Mabuti na rin kasi baka ano pang mangyari sa akin doon.

Nilibot namin ang lugar. Ang laki niya. May nakita akong iba’t ibang klase ng baril at kung ano pang pwedeng pamatay. May nakita rin akong mga archers. Kaya pala nag-La Salle si Mika eh! Nakakita rin ako ng mga firing excersizes nila. Ang gagaling ah! Tatama talaga sa target.

May mag martial arts din. Kaya pala magaling si Mika sa mga labanan. May nakita din akong parang mga ninja na kung kumilos ay kasabay lang ng hangin. Grabe ang bilis at ang liksi. Nilibot na nga namin ang lugar at hindi ko mapigilang mapamangha sa mga nakikita ko. Ang ganda ng lugar pero ang scary din. Nakakita rin ako ng mga trainee’s ata nila kasi may tinuruan para at parang ino-orient pa sa lahat.

Lumabas na kaming dalawa ni Jessey at naglakad kaunti. “Punta tayo sa control room namin baka nandoon ang mga tao dito.” Tumango lang ako.

Naglakad na kami kaunti ni Jessey. May dinaanan pa kaming kahit anong mga security purposes something. May mga finger print at mga mga eye scanner pa sila ah! Sa dirami-rami ng mga security nila nakakapagod na rin. Pumasok kami sa elevator at umandar na ito pababa. Nakikita ko na ang lahat mula dito. See through kasi ang elevator nila, parang glass lang ng paligid nito.

Bumukas na ito at muling namangha sa nakita ko. Ang ganda ng lugar. May mga malalaking screen, may mga tables din na may kanya-kanyang computers dito, may mga taong pakalat-kalat lang at lahat ay nagmamadali, may malaking parang globe pa nga sa gitna nila, may mga taong nakapalibot dito na busy sa mga ginagawa nila at puro sila nakatux. Ang mga babae naman ay nakaformal attire. Yong parang office attire. Grabe. Ang galang nilagng tignan.

May babaeng naglalakad papalapit sa amin habang may earset itong suot at busy sa mga papel na hawak niya. Matangakad rin siya tulad ni Mika pero mas matangkad parin si Mika.

“Ate Krystal!”

Sigaw ni Jessey at kumaway dito. Napaangat ang ulo ng babae at nagyakapan sila ni Jessey. Close ata sila. Napatingin ang babae sa akin at ngumiti, nginitian ko na lang din siya pabalik. Eh! Maganda naman kasi siya hahaha! Kumawala na sila sa pagyayakapan at lumapit sa akin.

“Hi, Ara. Krystal Martinez at your service.” Nakipagkamay na lang ako sa kanya. Ang lambot ng kamay niya, ang cute ng dimples niya at ang puti rin niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko? “I know you and Mika. I mean, everything.  So, don’t worry about me knowing you.”

Napangiti na lang ako at ganon din siya. “Aw!” Biglang may bumangga sa kanya kaya napalingon dito.

“Ah! Sorry Ma’am. I want to hand these papers for approval. I’m really sorry.” Kita sa mata ng babae na natatakot ito. Ngumiti lang si ate Krystal dito at kinuha ang mga papel.

“Don’t worry.” Yumuko na lang babae at umalis na. Humarap na ulit si ate Krystal sa amin at tinitignan ang mga papel na hawak niya.

“Ma’am. The sector 600 is ready and your insight is all we need.” Tumango lang si ate Krystal at umalis na rin ang lalaki.

“Excuse me for a moment.” Umalis na si ate Krystal sa harapan namin. Tumingin lang ako kay Jessey na napapalinga ang mga tingin.

Tumabi na ako sa kanya na nakasandal sa isang table at nakaharap sa pagkalaki-laking screen. “Tara na?” Tumingin siya sa akin at tumango na ako.

Lumabas na kami sa control room nila at bumalik na sa daang tinahak namin kanina. Naglakad na naman kami papunta sa isang office ata. Hinawakan niya ang door knob nito at tumingin sa akin. Napatigil ako sa paglalakad. Ano bang meron? Binuksan niya ang pinto.

“Gusto mong makilala siya di ba?” Tumango lang ako sa kanya at naglakad papalapit. “Dito mo siya makikilala.” Binuksan niya ng buo ang pinto at pumasok na ako sa loob nito. Binuksan ko na rin ang ilaw kasi ang dilim. “Wala kaming ginalaw sa mga gamit niya kaya ikaw na bahala diyan. Iwan muna kita dito.”

Lumabas na si Jessey sabay sara ng pinto. Pumasok na ako sa loob at napalinga na lang ako. Nagliwaliw ang mga tingin ko sa buong office niya. Maayos naman ang office niya. Tumingin ako sa mga litrato niya na nasa tabi ng table niya. Ang cute niya talaga.

Pumunta na lang ako sa table niya. Maayos naman ang table niya. Walang papel masyado. Nakakita ako ng jacket na nakasabit sa office chair niya. Kinuha ko na lang ito. Amoy Mika ah! Namimiss ko na tuloy siya. Umupo na lang ako sa office chair niya at sinuot ko na ang jacket niya.

Sumandal ako sa office chair niya at tumingin lang sa pinto. Pinikit ko na rin ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang ang luhang pumatak sa mga mata ko. Ang sakit talaga. Naramdaman ko ang init sa jacket niya. Pakiramdam ko ay niyayakap niya ako. Ramdaman ko ang init ng yakap niya sa jacket niya na nakabalot lang sa akin. Inikot ko na lang ang office chair at humarap sa bintana. Nakikita ko ang gusaling kaharap nito. Ang ganda ng view. Gusto ko na siyang makita. Miss na miss ko na siya. Bakit ko naman siya pinaalis?

Umikot na ako ulit. Tumingin na lang ako sa table niya. Binuksan ko ang isang drawer doon. Wala namang mga laman ang drawers niya. Napatingin ako sa left side ko at nakita ang isang picture frame. Isang litrato namin dalawa. Hindi ko alam na may ganito pala siya. Ang lihim ng taong ‘to ah! Wala na akong ibang magawa bukod sa mapangiti sa mga nakikita ko.

Tumayo na ako sa office chair ng makakita ako ng isang white board. Nakadikit ito malapit sa bintana. Tumayo ako sa lumapit dito para makita ng malapitan. Parang planner niya pala ‘to eh! Updated naman pala ang mga ginagawa niya. Pero parang walang na nangyaring ganito.

 

July 18

Have a reservation at QDC Restaurant.

July 19

Have a date with Ara at QDC Restaurant. 7:00 PM

July 20

Enchanted Kingdom day!!!

Ito sana ang magandang gawin pero hindi maganda ang timing eh! Wala na akong nakita. July 20 na lang ang huli niyang sinulatan. Hindi ko alam pero bakit kinalimutan niya ang birthday niya? Lumapit na lang ako at hindi ko alam kung bakit ako naluluha eh! Napatingin ako sa JULY 22-31.

‘KILL MYSELF!!!’

‘yan lang ang nakasulat. Gusto kong umiyak. Mahal na mahal kita. Gag* ka. Bumalik ka na dito.

Kinuha ko na lang ang white board marker sa tabi nito. Pinunasan ko muna ang luhang pumatak sa mga mata ko bago at tumingin sa board. Ginuhitan ko ng malaking bilog ang July 21. Nilagyan ko na rin ng ‘Mika’s B-day’ dito. Bakit kasi hindi niya nilagyan? Nakalimutan ba niya ang birthday niya?

“Ah! Ara? Lunch muna tayo.”

Napatingin ako sa pinto at nakita si Jessey na nakatayo dito. Tumango na lang ako at sumunod na sa kanya. Suot ko pa rin ang jacket ni Mika. She wouldn’t mind anyway. Naglakad na lang kami ni Jessey ng walang imikan at nakapasok kami sa cafeteria nila. Ang ganda ah!

“Hi Ara!” Napatingin ako sa bumati sa akin. Bakit niya ako kilala?

“Uhm. Hello.” Bati ko pabalik sa kanya. Tumingin ako kay Jessey na nginitian lang ako.

“Hi Ara.” Napatingin ako sa babaeng bumati sa akin ngayon. Nakangiti ito sa akin na malaki. Cute.

“Hello.” Bati ko pabalik.

Mga sampong tao ata ang bumati sa akin. Ganito na ba ako kasikat para makilala nila? Nagkaabot kami ni Jessey sa counter at kumuha na ng tray ko. Tumingin ako kay Jessey na nakangiti sa akin habang ako ay nagtataka lang sa mga pangyayari. Bakit nila ako kilala?

“Bakit kilala nila ako?” Nagtataka kong tanong kay Jessey. Umusog na siya at nakaabot na sa babaeng nasa counter nila.

“Same order.” Sabi ni Jessey sa babae at agad naman itong kumilos. “Kilala ka dito kasi ikaw lang ang nagpalambot sa pusong bato ng isang Mika Reyes. Ikaw lang ang unang ginawang under si Mika eh! Ikaw lang ang bumago sa kanya kaya wag kang magtaka kung bakit kilala ka nila.” Nakangiting sambit ni Jessey. Dumating na rin ang order niya kaya ako naman.

“Hi Ara. Anong sayo?” Masayang bati ng babae sa akin habang nakangiti ng malaki.

“Uhmm!” Napatingin ako sa menu nila at wala na naman akong maisip.

“Ihahanda ko na lang ang paborito ni Mika.” Bumalik ang tingin ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at kumilos na. Tumingin ako kay Jessey na nagkibit-balikat lang sa akin. “Here you go.” Nilagay na nito sa tray ko ang isang carbonara at iced tea. Ito favorite niyang kainin? Ang simple niya ah!

“Ah. Magkano po—“

“Nah! Bayad na ang lahat ng kinakain ni Mika dito at kasama na ang sayo.” Ngumiti na lang ako sa kanya at hinila na ako ni Jessey sa isang table.

Ganito ba ang impluwensiya ko kay Mika? Tsk! Bumalik ka na kasi eh!

_ . _ . _

 

 

 

#Carol'sPOV

“Sige na Carol oh! Ibigay mo na sa kanya.”

Huminga na lang ako ng malalim at pumikit. Nakakainis na rin ‘tong isang ‘to ah! Kasalanan ko bang maging torpe siya kay Justine? Tsk! Ako ang nahihirapan sa kanya eh! Baka magOPERATION MOVE ON rin ‘to balang araw. Humarap na lang ako sa kanya at kinuha ang notebooks ko.

“Majoy, bakit ako pa ang kailangang magbigay niyan? Pwede mo namang ibigay ‘yan sa kanya ng harap-harapan.” Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tumingin sa kanya ng diretso.

“Eh! Nakakahiya eh! Ayaw ko baka hindi niya tanggapin.” Oh! Please…

“Look… Hindi ganyan si Justine. She will accept your chocolates and flowers and everything.” Tumango lang ako sa kanya at nilagpasan ko na siya. Ayaw kong mag-OPERATION MOVE ON rin siya. Siya na ang gumawa ng move niya ah! Nakita ko naman ang panlulumo niya. Ano ang gagawin ko para naman mabuhayan ‘to? Ay! “Ganito na lang. Kung maiibibigay mo sa kanya ang flowers and chocolates mo, sabay kang maglunch sa amin. Sabay kayo ngayon.”

Bigla niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa akin. “Talaga?” Biglang nabuhayan ang katawang lupa niya ah! Nakangiti na ang loka.

“Yup.” Tumango lang ako sa kanya.

“Thanks. Pakibigay muna.”

Bigla niyang ipinatong ang bulaklak at chocolates sa notebooks ko at tumakbo na palabas. Grabe ‘tong isang ‘to. “What the—MAJOY!” Napasigaw na lang ako pero hindi na ito nakinig. ‘yon pa?

Nilagay ko na lang sa packbag ko ang flowers and chocolates niya. Inayo ko muna ito para magmukha namang maganda sa paningin ni Justine. Baka ako pasisihin ng taong ‘yon. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at lumabas na sa classroom namin.

“JUSTINE!”

Sigaw ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Bakit?” Tanong nito.

“Lunch tayo.” Bigla ko siyang hinila at naglakad na kami papunta sa caferteria.

“Sa..sandali lang.” Binawi niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. “Sandali lang. May kukunin pa ako sa locker ko.” Alam kong tatakbuhan na naman ako ng isang ‘to.

“Mamaya na. Kain muna tayo.” Hinila ko na naman siya at hinawakan ang kamay niya. Baka tumakbo na naman ‘to.

Salamat naman at hindi na siya pumalag. Nakadaan na kami ilang classroom at malapit na kami sa exit. OPERATION: LUNCH WITH MAJOY BARON. Activated. Mibibigay na rin niya ng personal ang mga rosas at chocolates niya. Nakadaan na kami sa classroom nina Camille. Hmm! Mukhang ongoing pa sila ah!

 

“Sandali lang. May kukunin lang talaga ako. Promise.” Wala na ba siyang bagong palusot?

Humarap na ako sa kanya at mahinang nahila ang kamay nito papakapit sa akin. “Pw—“ Nagulat na lang ako. Ilang inches kaya ang layo niya sa mukha ko? Naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng mukha ko at nakikita ko na ang pamumula rin ng pisngi niya.

“Rain? Because rain doesn’t know where it would land yet still falls. Parang tayo, kahit na hindi tayo pwedeng ma-in love sa taong ‘yan kasi kaibigan mo siya o taken na siya, pero hindi natin pwedeng pigilan eh! Nahuhulog at nahuhulog ka sa kanya. Hindi mo alam kung bakit ka na huhulog sa kanya. Pafall ba siya o talagang mahal mo lang talaga siya. Heart? Kung heart man lang pwede itong mabasag o di kaya ay mamatay. So, for me, rain symbolizes love.”

 

Umatras na ako at lumayo na sa kanya. Nakatingin ako sa kanya habang nakayuko lang siya. Napalunok ako bago magsalita. Kinabahan ako bigla ah! “Ahh! Kung tatakas ka m..man. Mag..ah! Mag..isip ka ng bagong palusot.”

Tumigin ako sa loob ng classroom at nakita si Camille pala ang nagsalita. Mukhang inspired ang isang ‘to ah! Nagkatinginan kami ni Justine at bigla ko mg hinila ang kamay niya. Baka ano pang maisip na pakulo. Naglakad na kami papunta sa cafeteria at mabuti na lang kasi wala ng palusot na sinabi si Justine at nanahimik na lang hahaha!

(BELL RINGS)

Napahinto na kami sa paglalakad at nagkatinginan na lang. Nakita ko na rin si Majoy na nakatayo malapit sa amin ni Justine. Ang bilis talaga nito tumupad sa usapan pag si Justine ang pinag-uusapan. Hahaha! In love eh!

“Sandali, Shobe.” Kinuha ko na ang bag ko at iniharap sa akin. “Para sayo pala.” Tumingin muna ako kay Majoy na nasa likuran namin. Nginitian ko na lang siya at napailing. Siya na ang torpe. Makapagsalita ako ah parang hindi ako torpe. Kinuha ko na lang ang chocolate. “Nasaan na ba ‘yon?” Bulong ko sa sarili ko at hinahanap ang flowers. Nasaan na ba ‘yon. Napakamot ulo na lang ako at napalinga-linga. “Ahh!” Pinulot ko na ang flowers na nalalaglag. “Para sayo.”

Tumingin si Justine sa akin na may halong pagtataka na rin. “Thanks?”

Tumango lang ako sa kanya, binuksan ko na ang pinto ng cafeteria at pinapasok na siya dito. Binigyan ko nalang siya ng signal para sumunod na sa amin. Tumango lang siya sa akin at sumunod na nga. Hay! Buhay talaga ng isang torpe ‘no?

 

_ . _ . _

 

 

 

 

#Camille'sPOV

Kalalabas ko lang ng classroom ko at parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Parang wala ako sa sarili. Hay! Sino na kasabay ko sa pagkain nito? Naman oh! Ate Kim naman kasi eh! Bakit ka pa umalis? Huhuhu! Naglakad na lang ako palapit sa cafeteria.

Nakita ko na naman sina Justine at Carol. Looking so perfect with the flowers and chocolates. Nice! Hindi ko na lang pinansin kasi nakita ko si Majoy sa likuran nito at binigyan ng signal na sumama nasa kanila. Baka naman kasi tinutulungan lang ni Carol si Majoy di ba?.

Kita mo kasi sa mukha ni Majoy ang saya eh! Hahay! Ganyan talaga ang buhay ng isang torpe eh! Hindi ko nalang ito ininda at pumasok na sa loob ng cafeteria. Nice. Punuan. Nakita ko na lang si Justine at Carol na magkaharap sa isa’t isa.

“Alam mo bang gusto kita? Matagala na eh! Pero hindi mo lang ako napapansin. May gusto ako sayo, naririnig mo ba ako? Alam mo bang tinitignan palang kita kinikilig na ako? Hay! Bakit ba gusto kita? Bakit sayo pa?”

THE HELL? JUSTINE!!

Napaatras na lang ako at nagulat na lang sa narinig ko. Naninigas na ang katawan ko Parang bato na ako na nakatayo sa kalagitnaan ng kawalan.

May gusto si Justine kay Carol? Kaya pala palagi silang magkasama eh! Kaya pala an sweet nila. Sht. Akala ko pa naman tutulungan ako ni Justine. Hindi ko alam pero mali. Ginawa niya akong tanga.

“Ah! Ate Camille? Okay ka lang? Sama ka na sa amin maglunch.”

Napatingin ako kay Majoy na nasa likuran ko at may hawak na tray. Bigla akong kinabahan. Bakit ba? Bakit ba ako kinakabahan? Bakit ba? Naman aoh!

“Ah! Ha? Ah! Hi…hindi na. Sige.”

Tumalikod na ako at tuluyan ng lumabas sa cafeteria. Naramdaman ko na lang ang muling pagluha. Pinunasan ko na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Wala na rin akong puputahan eh! Hindi ko na makita ng maayos ang daan dahil sa luha ko. Kahit tanghali ah! Walang pinapatawad.

Sht. Ginawa niya akong tanga. Pinaasa niya ako habang siya ang puno ng pag-asa. Ang gag* ko ah! Tsk!

Ano naman kung may mahal siya, pake ko ba?! Buti sana kung ako yun, ed kinilig pa ako. Tsk! Ang hirap humanap ng love life sa panahon ngayon. Hay!!!!

~ ~ ~ ~ ~

SWEAR. FAIL. FAIL. 

It's been a while. Naks! Hahaha! Kahit na fail ang gma chap dito, nagbabasa parin kayo. Thank you talaga. Thank you sa lahat. 

Keep supporting po. Comments please. Nakakatuwa kasi magbasa ng comments eh hehehe!

Thank you sa lahat. Nakakagulat na talaga. Hindi ko inakala na aabot siya ng 1.6K something. Hahaha! Thank you talaga.

Good night... 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 47.2K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
2.3M 53K 81
[PUBLISHED UNDER IMMAC Printing and Publishing House] It's been said that people with intersex variations are born with physical, hormonal or genetic...
3.1M 86.4K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
935K 6.9K 87
If you dont like Mika and Ara please dont read this. :))) If you're a Kara Shipper then this is for you. This is a fanfiction. So all this are just...