Paper Planes (AD) [COMPLETE]

By ad_thor

215K 5.4K 451

Despite the fame her band Portmanteau and the attention she was getting, Alyssa Valdez, a second year High Sc... More

Prologue
Paper Planes I
Paper Planes II
Paper Planes III
Paper Planes IV
Paper Planes V
Paper Planes VI
Paper Planes VII
Paper Planes VIII
Paper Planes IX
Paper Planes X
Paper Planes XI
Paper Planes XII
Paper Planes XIII
Paper Planes XIV
Paper Planes XV
Paper Planes XVI
Paper Planes XVII
Paper Planes XVIII
Paper Planes XIX
Paper Planes XX
Paper planes XXI
Paper Planes XXII
Paper Planes XXIII
Paper Planes XXIV
Paper Planes XXV
Paper Planes XXVI
Paper Planes XXVII
Paper Planes XXVIII
Paper Planes XXIX
Paper Planes XXX
Paper Planes XXXI
Paper Planes XXXII
Paper Planes XXXIII
Paper Planes XXXIV
Paper Planes XXXV
Paper Planes XXXVI
Paper Planes XXXVII
Paper Planes XXXVIII
Paper Planes XXXIX
Paper Planes XL
Paper Planes XLII
Paper Planes XLIII
Paper Planes XLIV
Paper Planes XLV
Epilogue

Paper Planes XLI

3.3K 95 12
By ad_thor

-

Kinaumagahan pagtapos ng gabing nagcelebrate ng Christmas sila Aly at Lau ay umalis na ang pamilyang Lehmann papuntang Amerika para mag-celebrate ng Christmas at New Year doon. Nag-uusap naman sila for two days since Laura left. Gusto man nilang mag-usap ay gusto rin ni Aly na sulitin ni Laura ang time na kasama nito ang pamilya niya kaya saglit lang din sila nakakapag-video call dahil na rin sa magkaibang oras.

"Are you doing this para mamiss kita?" Sabi ni Laura sa kabilang linya.

"Hmm, hindi ko yata kasalanan kung mamiss mo 'ko." Sabi naman ni Aly at ngumiti.

"Neither mine!" sabi naman ni Laura at nagblush. "Alright. End your night now with a sleep and I'll start my day here."

"Goodmorning and enjoy." Sabi naman ni Aly at binaba na nila ang call.

-

"Ang aga naman yata masyado Nay para magluto ng pang Noche Buena?" Tanong ni Aly na kabababa lang kay Nanay Celia na busy sa kusina. Maaga siyang nagising, maaga kaysa sa mga kapatid niya. Tanghali na kasi. Mamaya na ang Noche Buena kaya nagtataka siya.

"Hindi naman 'to para sa Noche Buena." Sabi naman ni Nanay Celia.

"Tao po!" Parehas silang napalingon ni Nanay Celia.

"Ay 'nak buksan mo nga 'yung gate." Utos ni Nanay Celia kay Aly kaya lumabas na si Aly para buksan ang gate. Nakita niya si Dennise sa labas.

"Oh bakit?" Tanong ni Aly. "Salamat." Sabi niya rin nakita niya kasing may dalang paperbag na malaki si Den na may mga regalo sa loob, base sa gift wrapper.

"Feelingero 'di sayo 'to 'no." Sabi naman ni Den kaya napahiya siya ng konti. "Nasa'n si Nanay?" Tanong pa nito habang lumilingon lingon at naglalakad papasok. Sinara naman ni Aly 'yung gate at sinundan si Den.

"Ah, so hindi ako pinunta mo dito?" Tanong naman ni Aly kaya tinignan siya ni Den na parang seryoso ka ba?

"Kagigising mo lang 'no may muta ka pa." Sabi naman ni Den kaya agad nagpunas si Aly kaya natawa si Den dahil inaasar lang naman niya siya. Tinotoo naman ni Aly kasi kagigising niya lang talaga.

"Baliw." Sabi naman ni Aly. "Eh sinong pinunta mo dito?"

"'Pag pupunta 'ko dito kelangan ikaw dahilan? Duh." Sabi naman ni Den. "Para namang 'di ka pumupunta sa bahay ng 'di ako dahilan. Lagi nga kayong nanggugulo ni Mosh sa bahay eh." pumupunta nga siya kila Den, kasi gusto siya kalaro ni Mosh which is gusto rin naman niya. "Si Nanay pinunta ko dito. Nasa'n nga si nanay?"

"Sabi ko nga eh. Nasa kusina." Sabi naman ni Aly at napakamot na lang sa ulo. "Eh para kanino 'yan?" Tanong ulit ni Aly at ngumuso sa paperbag na dala ni Den.

"Para sa family mo," sabi naman ni Den. "Oh, I forgot yours." Gulat pang sabi ni Den. Napasimangot naman si Aly sa narinig.

"Ano? Ako pa nakalimutan mo?" Tanong ni Aly. Hindi naman sa nagdedemand siya ng regalo, pero 'yung siya pa talaga nakalimutan.

"Bilhan na lang kita ng banana cue sa labas." Sabi naman ni Den kaya lalong umasim mukha ni Aly.

"Ang daya naman!" Reklamo ni Aly.

"Oh Den 'nak ikaw na pala 'yan." Sabi ni Nanay Celia na galing kusina.

"Naaaaay!" Bati ni Den at nagyakapan sila na parang ang tagal 'di nagkita. "Advance Merry Christmas po!"

"Salamat, sayo rin. Sakto, tapos na 'yung niluto ko." Sabi ni Nanay Celia. "Halika ando'n sa kusina." Tumingin naman si Nanay Celia kay Aly. "Oh anong nangyari sayo? Halika kumain ka na rin." Sumunod na lang si Aly at nagpunta silang tatlo sa kusina.

Pagkarating ay kumain na lang si Aly, nalaman niyang si Nanay pala ang nagpapunta kay Den dahil gusto niyang bigyan ng specialty niya. Nakalagay pa sa lalagyan, regalo pala ni Nanay kay Den. Sobrang close kasi 'yung dalawa na minsan ay naiitsapwera si Aly 'pag nagkukwentuhan 'yung dalawa. Kumakain din naman 'yung dalawa kaso mas nangingibabaw ang kwento.

Hay kahit anong edad talaga ng tao nadaldal nito eh.

"Opo Nay tapos ganto po nangyari," rinig lang ni Aly sa kwentuhan nila, wala naman siyang iniintindi ang dami eh. Napapabuntong hininga na lang si Aly.

Nakatapos na si Aly sa pagkain, nauna siyang matapos kahit na ang dami niyang kinain.

"Eto po Nay, regalo ko sa inyo." Sabi ni Den saka kinuha ang regalo niya sa paperbag na dala niya. Inabot niya ito kay Nanay.

"Nako salamat anak. Nag-abala ka pa." Tuwang sabi naman ni Nanay.

"Nay abala ba 'yon? Hindi po 'no at saka kayo nga po pinagluto pa 'ko." Sabi naman ni Den.

"Merry Christmas Philippines!" Rinig nilang may sumigaw at pagtingin nila ay si Nicko, kasama si Paulo.

"Merry Christmas family!" Sigaw naman ni Paulo.

"Oh kayong dalawa magsikain na kayo rito." Sabi ni Nanay sa dalawa kaya lumapit na 'to sa kanila.

"Oh andito pala girlfriend ni 'Ly eh!" Sabi ni Nicko pagkita kay Dennise kaya natawa si Den.

"Merry Christmas hipag." Sabi naman ni Paulo. Napapailing na lang si Aly habang nagtatawanan ang lahat.

"Merry Christmas mga kuya!" Masiglang bati ni Den at may kinuha sa paperbag. "Ayan." Inabot niya sa dalawa ang regalo niya.

"Wow may regalo."

"Sa pasko niyo na buksan 'yan kumain na muna kayo." Sabi naman ni Nanay Celia kaya wala nang nagawa ang dalawang lalaki. Nagpasalamat naman sila kay Den.

"Si 'Ly na lang regalo namin sa'yo Den." Sabi ni Nicko at tumawa.

"Kuya!" Asar na sabi ni Aly at tumawa naman lahat pwera sa kaniya.

"Ba't reregalo mo eh kay Den naman talaga 'yan." Gatong pa ni Paulo kaya lalong 'di maipinta mukha ni 'Ly.

"Mga baliw talaga kayo." Nakailing na sabi ni Aly at lumabas sa kusina. Pumunta na lang siya sa sala para manood ng tv.

"Lakas niyo talaga mang-asar mga kuya, magalit na naman 'yon." sabi naman ni Den pagkalabas ni Aly.

"Alam mo naman 'yon, sa sobrang bait 'di marunong magalit." Sabi ni Nicko at tumango tumango si Den at Paulo.

"Kuya tulog pa ba si Kian?" Tanong ni Den.

"Oo humihilik pa."

"Eto pala 'yung kanya." Sabi naman ni Den habang hawak 'yung regalo.

"Sa pasko na lang din niya buksan, ilalagay ko na lang muna yan sa may Christmas tree." Sabi naman ni Nanay Celia.

"Ay sige po ako na Nay." sabi naman ni Den. Tapos naman na sila kumain at nakapagligpit na pwera sa dalawang lalaki.

"Lambingin mo na 'yun Den." Sabi ni Paulo at natawa na lang si Den.

Lumabas na si Den at pumunta sa sala para ilagay ang regalo sa ilalim ng Christmas tree pati na rin ang regalo niya sa papa ni Aly, dahil close na rin naman sila kahit minsan lang sila magkita. Nakita naman niya si Aly na tutok na nanonood ng TV. Tinabihan niya ito sa sofa. "Advance Merry Christmas!" Bati ni Den kay Aly.

Napatingin si Aly kay Den dahil sa sigaw nito.

"Salamat." Sabi naman ni Aly at nanood ulit.

"What the?" Rinig niyang sabi ni Den kaya napatingin siya ulit sa kanya. "You should have said something like 'Merry Christmas din!'" Reklamo ni Den.

"Merry Christmas din." Sabi na lang ni Aly at tumayo. "Teka nga. Pupunta lang ako sa kwarto."

"Aalisan ako bigla." Yamot na sabi ni Den.

"May kukunin lang ako sa kwarto." Sabi naman ni Aly.

"Sinong aakyat?" Tanong ni Nanay Celia na kalalabas lang sa may kusina.

"Nay ako lang po./'Di po ako kasama Nay." Agad na sabi ni Aly at Den. Hindi naman masyadong naintindihan ni nanay dahil sabay silang nagsalita.

"Ako lang po Nay." Sabi ni Aly at umakyat na. Bumalik na rin si Nanay, tinignan niya lang talaga 'yung dalawa. Pumunta na si Aly sa kwarto niya at kinuha ang regalo para sa mga Lazaros naman. Kahit walang regalo sa kanya si Den meron pa rin siya para rito. Nang makuha na ay bumaba na rin siya. Lumapit siya kay Den na nakaupo sa sofa at inabot din ang paperbag na may regalo. "Oh." Sabi niya. Kinuha naman 'yon ni Den at ngumiti.

"Thank you." Sabi ni Den. May kinuha rin si Den sa paperbag niya, paperbag na maliit at binigay 'yon kay Aly. Nakangiti siya ng sobrang tamis. Do'n pa lang ay iba na ang pakiramdam ni Aly. "Gift ko sa'yo. Matutuwa ka diyan." Sabi pa niya. Kinuha naman ni Aly 'yon. Napakunot ang noo ni Aly at binuhat buhat pa 'yung paperbag.

"Salamat." Sabi ni Aly at patuloy pa rin sa ginagawa niya. "May laman ba 'to?" Tanong niya dahil sa sobrang gaan ay iniisip niya na paperbag na maliit lang talaga ang regalo sa kanya.

"Oo naman!" Sabi ni Den. "Magugustuhan mo 'yan." Bubuksan na sana ni Aly nang pigilan siya ni Den. "Stop! Sa Christmas istmas mo na buksan." 'Di naman na tinuloy ni Aly.

"Tara na nga lang." Aya ni Aly kaya napakunot ang noo ni Den. "Ilibre mo na lang ako ng banana cue sa labas. Baka mamaya wala pala talaga 'tong laman." Sabi pa niya kaya tumawa si Den.

"Tara!" Natatawang sabi ni Den.

-----

Gumala silang dalawa kung saan saan, sinulit naman ni Aly 'yung banana cue dahil minsan lang manlibre si Den. Kumain na rin sila nang kumain ng iba pa habang nagk-kwentuhan sa park.

Bago umuwi ay napagpasyahan nilang dalawin ang mga nanay nila sa sementeryo, bumili sila ng bulaklak saka pumunta.

"Dalawin ko lang saglit si mom then punta ko sa'yo." Sabi ni Den pagkarating nila. Ilang puntod din kasi ang pagitan ng mga nanay nila.

"Samahan na kita." Sabi naman ni Aly.

"Okay." Sabi ni Den at pumunta sila sa puntod ng mommy niya. Nilagay ni Den 'yung bulaklak na dala niya. Umupo siya sa ibabaw ng puntod ng mommy niya, inalalayan naman siya ni Aly. Nanatiling nakatayo sa gilid si Aly dahil nahihiya siyang makiupo rin. "My. Advance Merry Christmas I miss you na sobra." Bati ni Den habang nakatingin sa puntod. Nasa paanan niya ang lapida. "Eto pala si Aly oh. Kilala mo na siya 'di ba?" Sabi naman ni Den.

"H-hello po tita." Bati ni Aly at kumaway pa sa puntod ng mommy ni Den. Dumalaw na rin kasi silang dalawa dati dito kaya kilala na ni Aly mommy niya. "Advance Merry Christmas po." Ngumiti pa siya at nagulat. "Teka, parehas sila ng date ni mama kung kelan sila, uhm nawala." Sabi naman ni Aly dahil ngayon niya lang din napansin. Nginitian siya ni Den.

"Talaga?" Tanong ni Den at tinignan din yung lapida.

"Namatay si mama dahil sa breast cancer." Pagkwento ni Aly.

"My mom was killed." Sabi naman ni Den. "When the bank she was working at was robbed." Dugtong pa niya. Tinitignan naman siya ni Aly, inaalala niya rin dahil baka biglang umiyak ulit si Den. "Our last conversation was, she told me to take care of myself. I should have told her the same. Baka sakaling 'di nangyari 'yon."

"Hey, 'wag mo sisihin sarili mo okay?" Pag-comfort ni Aly. May nasabi rin siya. "Kasalanan 'yun ng magnanakaw." Sabi naman ni Aly at siya naman ang nagkwento para sakaling mawala sa isip ni Den yon. "Si mama naman, huli niyang sinabi sa'kin bago siya mamatay ay hanapin ko na raw 'yung babaeng mamahalin ko." She chuckled. Nagulat naman si Den sa sinabi niya kaya napatingin sa kanya. "Ang weird, pero sinunod ko si mama. Ilang taon ko ring hinanap at nililigawan ko na ngayon. Sana nga lang tama ako." Dugtong pa niya. Nakita naman niyang may luha bigla sa mata ni Den. "Uy, bakit ka umiiyak?" Tanong niya at agad hinawakan sa magkabilang pisngi si Den at pinunasan ang luha nito gamit ang dalawa niyang hinlalaki.

"Namimiss ko kasi si mommy." Sabi naman ni Den. Niyakap na lang siya ni Aly dahil wala naman siyang magagawa do'n. Umiyak lang sa balikat niya si Den.

"Hmm. Tara libre kita ng ice cream." Sabi ni Aly gaya ng lagi niyang sinasabi kapag umiiyak si Den, bihira lang 'yon mangyari kaya gusto niya talagang mapatahan ito.

"Sabi mo 'yan ah." Humihikbing sabi naman ni Den.

"Oo kaya tahan na." Sabi naman ni Aly at humiwalay sa yakap nila. Pinunasan niya uli yung mata ni Den. "Uhm, may sasabihin ka pa ba sa mommy mo?" Tanong niya.

"My, alis na kami. Lilibre niya 'ko ng ice cream eh." Biro ni Den at tumawa nang mahina.

"Tita bye po." Paalam naman ni Aly at inalalayan si Den bumaba sa puntod. Dinalaw lang din nila ang mama ni Aly saka umalis sa sementeryo.

Bumili ng dalawang ice cream na naka-cone si Aly para sa kanilang dalawa at pumunta na kila Den dahil ihahatid siya ni Aly. Habang naglalakad ay binabanatan lang si Den ni Aly ng mga corny niya ulit na jokes, dahil nga hindi siya maalam sa 'comfort words'.

"Ikaw lang nakakarinig ng mga jokes ko 'no." Sabi ni Aly. "Tumawa ka naman." Sabi pa niya at do'n natawa si Den. Kumain na ulit ng ice cream si Aly.

"Napaka corny mo kasi." Sabi naman ni Den at tumawa ulit. 'Di na lang pumalag si Aly dahil totoo naman.

"Okay lang. At least tumawa ka na." Sabi naman ni Aly at nginitian si Den, nginitian din siya ni Den.

"You know what? Nung bata ako, I wanted to be a pilot." Biglang kwento ni Den at nagulat naman si Aly do'n.

"Wow talaga?" Gulat na tanong ni Aly, hindi kasi 'to nakwento ni Den sa kanya dati. Hindi naman niya masabing mahilig siya sa eroplano, na papel dahil nga hindi na siya masyadong mahilig dito dahil sa mga kalokohan nila Vic. "Ngayon ba ganon pa rin?" Tanong niya.

"Nope. I changed my mind." Sabi ni Den at kumain ulit ng ice cream.

"Bakit naman? I mean, ang cool no'n." Sabi naman ni Aly.

"Hmm. Kasi, 20/20 vision kelangan." Sabi ni Den. "Eh tignan mo naman, 'di na 'ko pasado." Tinuro ni Den ang salamin niya kaya tinignan din yun ni Aly. Napailing naman si Aly dahil napatitig na siya kay Den.

"K-kelan ba lumabo mata mo?" Tanong na lang ni Aly.

"First year 'ata ako." Sabi naman ni Den. "Nag-decide na lang akong mag-doctor, dahil na rin kay mommy kaso half hearted pa 'ko." Kwento pa ni Den at napatango na lang si Aly. "Ikaw? Ano ba gusto mo paglaki?" Napatingin sa kanya si Aly at tumingin din sa taas para mag-isip. Binalik niya ang tingin kay Den.

"Psychologist." Sabi naman ni Aly. "Ang hirap kasi intindihin ng mga tao eh." Natawa naman si Den kaya natawa na lang din siya.

"Oo nga eh, 'buti na lang Dyosa ako." Sabi naman ni Den at napakibit na lang ng balikat si Aly at binuksan na 'yung pinto ng bahay nila Den. Pumasok na si Den. Tumingin si Aly sa relo niya.

"Oh nahatid kita bago mag-curfew mo Dyosa." Sabi ni Aly.

"Buddyyyy!" Rinig nilang may sumigaw. Pagtingin nilang dalawa ay si Mosh, tumatakbo papunta sa kanila. Kay Aly lang pala. Nag-bend naman ng isang tuhod si Aly para abangan si Mosh. Niyakap siya ni Mosh at niyakap niya rin 'to.

"Hello buddy." Nakangiting bati niya kay Mosh. Buddy na ang tawagan nilang dalawa.

"Are you gonna spend Christmas with us?" Excited na tanong ni Mosh nang humiwalay sila sa yakap.

"Nako, 'yan ang sinasabi ko eh." Sabi naman ni Den. "'Ly pinapauwi ka ni Nanay ng 6 baka magalit 'yun umuwi ka na nga." At 'di naman siya pinansin ng dalawa, parang si Aly lang kanina nung magkausap si Nanay Celia at Den.

"Gusto ko sana buddy kaso hindi pwede eh." Sabi naman ni Aly.

"And she needs to go home na Mosh." Singit ulit ni Den.

"Let me just get my gift for you." Sabi ni Mosh at tumakbo papasok ng bahay. Pinapasok na lang ni Den si Aly para sundan si Mosh.

"Pagagalitan talaga 'ko ni Nanay nito eh." Reklamo ni Den at tinawanan naman siya ni Aly.

"Kukunin ko lang gift ni Mosh sa'kin. Bigay mo 'yan sa kanila ah." Sabi naman ni Aly referring sa gifts na binigay niya kay Den. Inangat naman ni Den 'yung paperbag.

"Meron ba 'ko dito?" Tanong niya.

"Oo kahit paperbag lang regalo mo sa'kin." Sabi naman ni Aly at si Den naman ang tinawanan siya.

"May laman 'yun 'no!" Sabi naman ni Den.

"Sana nga." Sabi ni Aly at bumalik na si Mosh dala 'yung gift niya. "Thank you, Merry Christmas."

"You're welcome buddy! Merry Christmas too." Sabi naman ni Mosh.

"'Yung gift ko sa'yo na kay ate Den." Sabi ni Aly kaya agad tumakbo si Mosh papunta kay Den at kinuha iyon. "But open that on Christmas." Dugtong ni Aly kaya kinuha ni Den kay Mosh 'yon at pumunta sa may Christmas Tree nila para ilagay ang mga regalo do'n, napasimangot si Mosh.

"I can't wait to open it." Sabi naman ni Mosh.

"Isang tulog na lang naman buddy." Sabi naman ni Aly.

"Thank you for the gift buddy!" Sabi ni Mosh at niyakap si Aly.

"Hey ate 'Ly anjan ka pala." Bati ni Jus kaya matapos yakapin si Mosh ay tumayo si Aly. "Advance Merry Christmas!" Lumapit si Jus at niyakap din si Aly kaya niyakap din siya Aly.

"Advance Merry Christmas din Jus." Bati naman ni Aly. "And Happy New Year na rin pala."

"Anjan na din pala si Ate." Sabi naman ni Jus at naghiwalay sila sa yakap nang bumalik na si Den. "Hey ate batiin mo na si ate 'Ly."

"Binati ko na 'yan." Sabi naman ni Den at lumapit na sa kanila. "Sabing umuwi ka na eh. Pagagalitan talaga 'ko ni Nanay."

"Hindi 'yun." Nakangiting sabi ni Aly at dahil katabi na niya si Den ay hinila na niya 'to para yakapin din. "Advance Merry Christmas and Happy New Year din Pakoy." Bulong ni Aly at niyakap din siya ni Den.

"Advance Merry Christmas and Happy New Year din Ineng." Bulong din ni Den. Tinignan siya ni Aly pero magkayakap pa rin sila

"'Wag ka na umiyak ah, dapat masaya ka. Nagpalibre ka lang ng ice cream eh." Sabi naman ni Aly.

"Oo nga, ang takaw mo kasi kanina." Sabi naman ni Den. Natawa na lang si Aly at ginulo ang buhok niya. "Hey!" Reklamo niya at pinigilan 'yung kamay ni Aly. Humiwalay na si Aly sa yakap.

"Sige alis na 'ko." Sabi naman ni Aly. "Jus, Mosh una na 'ko happy holidays." Bati niya.

Nagpaalam na silang lahat kay Aly at umalis na si Aly sa bahay ng mga Lazaro.

"Ngiting ngiti." Sabi ni Jus.

"Shut up."

-

Christmas came at masaya ang lahat, pumunta ang ibang relatives nila Aly sa kanila para doon mag-celebrate. Nabati naman na nila Aly at Lau ang isa't isa. Nang magbukasan naman sila ng gift ay lahat ay natuwa sa regalo ni Den, pati papa niya.

"Nako, wala akong regalo kay Dennise. Pakisabi 'nak na tawagin na lang niya 'kong Papa." Sabi pa ng Papa niya sa kanya kaya tuksong tukso siya ng dalawa niyang kuya, kahit si Nanay Celia ay nakikisali rin.

"Hay, Pa naman." Sabi ni Aly.

"Seryoso ako." Sabi pa ng Papa niya kaya hindi na lang siya nagsalita. Ginawa niya ng dahilan ang pang-aasar sa kanya para makaakyat sa kwarto niya, do'n niya kasi gustong buksan 'yung regalo sa kanya ni Den.

Nang makaakyat na sa kwarto niya ay ni-lock pa niya ang pinto para walang makapasok. Wala kasi siyang tiwala sa regalo ni Den, baka kalokohan lang. Umupo siya sa kama niya para buksan 'yon.

"Sabi na eh." Sabi niya sa sarili niya pagkabukas niya. Nakita niyang may christmas card na may nakasulat lang na malaking Merry Christmas sa harap at 'pag binuksan ay quotes lang. "Samantalang kila kuya." Sabi naman niya. Tinignan niya ulit 'yung paperbag at kinuha niya ang isa pang laman nito, isang paper plane. Napailing naman si Aly. May nakasulat dito kaya binasa niya at namula siya sa nabasa, namula sa... hiya.

Remember this paper plane?

This was what hit me outside NBS. Which is yours.

PS. I knew it! Inlove ka sa'kin 'no? HAHAHAHA

- Dennise ❤

Napahilamos naman ng mukha si Aly gamit ang isang kamay nito. Nang malaman kasi ni Den ang tungkol do'n dahil nga sa kadaldalan nila Kim at Vic, ay inaasar siya ni Den sa sarili. Inlove na raw siya kay Dennise at nung time na 'yun, gustong gusto niya talaga ibaon sila Vic at Kim sa lupa. Hindi naman niya alam na tinabi pala ni Den 'yon.

Napailing na lang si Aly at natawa. Tumayo na siya para itabi ang regalo sa kanya ni Den sa drawer niya. Pagkabukas ay nilagay na niya iyon sa loob. Nakita naman niya ang notebook niyang color light green. Kinuha niya 'yon at binuksan sa last page kung saan nakasulat ang,

To do list:

1. Be patient. ✔

Try to be patient when you're with her. You'll get used to it maybe?

2. Befriend with her. ✔

3. Be her close friend. ✔

4. Make her promise that she won't tell anyone about your secret. ✔

5. To succeed. ✔

"Nandito pa pala 'to." Sabi ni Aly sa sarili. "Wala na 'tong kwenta, masaya naman akong kasama siya eh." Nakangiting sabi ni Aly at pinunit ang page na 'yon para itapon.

"Hoy Ineng! Bumaba ka na nga 'di ka naman galit 'di ba!" Rinig niyang may sumigaw at panay naman ang katok sa pinto niya. Halos mapatalon siya sa kinauupuan niya. Kinakatok siya ng mga kuya niya. Sa gulat at taranta ay nagmadali siyang ibalik sa drawer ang notebook nang 'di natatapon 'yung last page at sinara ang drawer. Agad siyang pumunta para buksan ang pinto.

"Hindi ako galit." Agad niyang sabi.

"Eh bakit 'di ka pa bumaba?"

"Kakausapin ko dapat si Lau." Pagsisinungaling niya.

"Ahh." Sabi na lang ng mga kuya niya at umalis na ulit. Sumunod na lang siya sa kanila.

-

A/n:

New updateeeee

Salamat po sa mga nagbabasa pa rin onting push na lang patapos na to hahaha

-

Continue Reading

You'll Also Like

107K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
133K 7.1K 83
Despite the distance that separates us, I wish that you take one step in, and I'll take the rest just to be with you.
30.6K 1K 34
May mga bagay talagang sadyang mahirap iwasan. At yon ay ang pag-ibig at ang katapusan. Paano na lang kung parehas niyo pang ayaw bumitaw pero kaila...
16.8K 934 22
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...