SECRET FILES √ seventeen

De MySVTWoozi

46.5K 2.6K 10.2K

Fiction. One-shots. Random shits. No specific otp. *written in filipino *with epal commentors Mais

SAY THE NAME
I thought you were special
Bibleversezoned
Bestfriend
Ugh heaven
11
Confused
Confession
Confession of a visual
Am I the only one?
Still into you
Best feeling
Ritemed
Ninja moves
To forget or to wait
Guilt
Game
Dorm mate from hell
Cheating no more
Choking hazard
So-called friends
Reminiscing Innocence
Mentally-ill
He was right
Super power
True Horror Story
Share-it
I'm done
Awoooo
Crush's crush
(ಥ_ಥ)
Common Words
Aegi no more
Pissed
Fall
Behind those smiles
Knock knock 😂
/face palm
High School Reminisce
An open letter to my dark annoying boyfriend
Legit?
Dwarfyyy
Hays
lol
Unspoken Words
Torture 😭
Loyal
I assumed
Soulmate
Freedom Wall

Fuccboi

853 42 145
De MySVTWoozi

🏫 SVT University Secret Files
1 day ago

Fuccboi

spg.

Aaminin ko. Isa ako sa mga tinatawag niyong fuckboy. Fuck dito, fuck doon. Babae o lalaki, pinapatos ko. Bisexual kasi ako eh. Lahat ng uri ng sex positions o sex na alam mo, nagawa ko na. Minsan nagsasariling sikap lang ako. Ganon ako kagago. Kung makikita nyo 'ko, hindi halata sa mukha ko. Isa sa mga advantage kung bakit marami akong naloloko. Well, nagpapaloko naman sila eh. Ginugusto rin naman nila.

At nung dumating 'tong lalaking 'to. Papangalanan ko nalang syang Hui. Niligawan ko sya ng bongga. Oo desperate ako. Ako na nanligaw. Dahil sakanya natuto akong magseryoso. After ng ilang weeks, naging kami na. Fuckboy rin kasi sya. Sa club lang kami nagkakilala pero kahit ganon marespeto ako sakanya. Ibang-iba talaga ang dating nya. Patay na patay talaga ako eh.

Unang buwan, sobrang saya. Madalang kaming mag-away kahit napakamatampuhin nya. Nagddate kami and of course, sex. Gusto nya eh. Then nung dumating yung second month namin, dun na nagkagulo. Puro nalang away. Hindi na kami nagkakaintindihan. Lagi syang galit at gustong makipagbreak. Syempre mahal ko talaga, nagmamakaawa ako sakanya.

Pangatlong buwan, wala na. Pinilit kong i-save ang lahat ng meron kami kaso wala eh. Naghiwalay parin kami.

Tangina. Broken na broken ako. Sobrang sakit. Yung tipong makikita mo yung puso ko sa dalampasigan ng boracay? Ganon ka-pino yung puso ko matapos nya 'kong iwan. Walang gabi na hindi ako umiyak dahil don. Lalo akong nalulong sa bisyo. Ramdam ko na rin ang pagbabago ko. Naging cold na 'ko lalo sa lahat ng mga kumakausap sakin at lagi nalang akong nasa kwarto ko.

January, niyaya ako ng mga kaibigan kong uminom. Medyo okay na 'ko pero hindi ko parin trip na makipag-usap kahit na kanino. Kaso wala eh. May lumapit sakin. Sobrang kulit nya. Sabi nya pa, halatang broken daw ako. Sya rin daw. Natawa naman ako. Hanggang sa usap kami ng usap tungkol sa mga ex namin. Fuckboy rin pala si gago. Haha.

Tapos nung pauwi na kami, akala ko talaga okay na 'ko, nakita ko si Hui. May kasama sya. Ayun yung bago nya. Iniisip ko palang noon na may iba na sya, napakasakit na eh. Lalo na nung nakita ko sila ng harapan. Ilang buwan na kaming wala pero ganon parin yung sakit. Kainis lang. Ipagpapalit nya nalang ako sa gangster pa? Tangina. Sana sinabi nya na ganyan type nya. Handa naman akong maging ganon eh.

February, naging magkaibigan na kami nung lalaking nakilala ko sa bar. Yung broken din? Lagi ko syang nakakasama. Hilig nya ang pag-rap kaya lalo kaming nagkasundo. Tapos minsan tinuturuan nya 'kong sumayaw. Nakakatuwa lang. Masaya.

Okay naman lahat hanggang nung umamin syang gusto nya daw ako. Natakot ako. Sobrang playboy nya kasi. Malay ko ba kung gawin nya sakin yon?

S: Liligawan kita ah.
A: Wag ako. Iba nalang tsk
S: Ikaw gusto ko eh.
A: Walang-wala ka na ba? Alam mo kung sex lang gusto mo, sabihin mo lang. Hindi mo na kailangang manligaw.

Nung sinabi ko yun, nanahimik sya. Hindi nya na 'ko pinansin. Tapos nagpaalam na rin sya nun na uuwi na sya. Nasa condo kasi kami nun eh. Nalungkot ako. Ewan ko kung bakit.

Ilang linggo pa ang lumipas at hindi parin sya nagpaparamdam. Walang sagot sa calls at texts ko.

April, tumawag sakin si Eomma. Pinapauwi ako. Edi umuwi naman ako. Pagdating ko sa bahay, jusko, may party?! Nagulat ako kasi lahat sila nakatingin sakin habang nakangiti pa. Ang romantic ng lugar. Napaisip ako kung sinong may birthday eh.

A: Anong meron?
S: Naaalala mo pa ba 'ko?

Gulat ako! Nandun sya! Hala. Natakot ako. Baka malaman nila Eomma na mahilig rin ako sa hotdog 😱

A: Anong ginagawa mo dito?
S: Uhm.. a-ano..

Nakatingin lang samin sila Eomma at Appa the whole time. Nakita ko pang tumango si Eomma sakanya.

S: I.. I.. Gusto kitang ligawan personally. N-nagpaalam ako sa parents mo at pumayag sila.

Totoo nga. Niligawan mo 'ko. Jusko. Bakla na talaga ako sayo! Bigay na bigay na. NAgustuhan na rin talaga kita!

After nung event na yun, pumunta tayo sa kwarto ko. Tayo lang. Sobrang romantic mo. Sobrang sweet. Habang nasa kwarto tayo, nagplay ka ng slow music at niyaya mo 'kong sumayaw. Syempre ikaw yung lalaki sa sayaw. Haha. Hanggang ngayong kwinekwento ko, napapangiti parin ako.

Lumipas ang ilang buwan, niligawan mo 'ko. Morning texts and late night calls. Love letters and sweet chocolates. Sobrang gastos mo. Lagi mo rin kaming binibisita dito. Nung mga panahong yun, nag-iba na talaga tayo. Nawala na yung mga fling natin. Tayo nalang talaga yung nasa mundo ng pag-ibig. Haha. Damang-dama ko yung pagmamahal mo at oo, sinusuklian ko yon.

September 10 —nag-exam ka sa isang school. Isinama mo 'ko kasi sabi mo ako yung lucky charm mo. After nun, habang naghihintay ng results, sinagot kita. Halos maiyak ka sa sobrang tuwa. Niyakap mo 'ko at kahit pinagtitinginan na tayo, hindi mo 'ko binitawan. Sinigaw mo pa nga na tayo na at mahal na mahal mo 'ko. Gusto ko ng magpalamon sa lupa nung mga panahong yun. Lalaking-lalaki tayong tignan tapos ganon. Pero sabi mo, wala kang pake sa sasabihin ng iba. And that day also, pumasa ka sa exam. Hinalik-halikan mo pa 'ko nung makita mo yung name mo. Grabe talaga yung kilig ko nun kasi hindi mo 'ko kinakahiya. Masyado mang mabilis ang mga pangyayari wala na tayong pake dun. Limang buwan na ligawan lang e no?

Sa ilang buwan natin na magkasama, na tayo, wala na 'kong mahihiling pa. Mahal na mahal kita at mahal na mahal mo 'ko. Walang nagbago. Kung pa'no mo 'kong niligawan ganon ka parin. Talaga nga namang tinupad mo yung sinabi mong araw-araw mo 'kong liligawan. Hahahaha. Kinikilig ako ng sobra. Sinasabayan mo 'kong kumain sa caf, hinahatid at sinusundo kahit 3 oras ang byahe mo dahil ang layo natin. Hindi ka nawalan ng time yung tipong kahit sobrang busy ka, nagttext ka o tumatawag. Nagkkwento ka lagi tungkol sa araw mo. Pinagluluto mo 'ko at syempre pati sila Eomma. Tuwang-tuwa talaga sila sayo. Sila nga ang number one fan natin diba?

Okay naman tayo. Hindi ko nga inasahan na may mamahalin ako ng ganito katindi eh. Tapos yung tiwala ko sayo, grabe talaga. Kahit malayo ka at iba-iba ang kasama, kampante ako. Minsan nag-aaway tayo pero hindi tumatagal yun ng ilang oras kasi nagsosorry ka agad. Hindi ako ma-pride pero alam mo namang hindi ako masalita. Minsan nga napapaisip ako. Bakit tayo pa? Complete opposite tayo eh.

Hanggang dumating yung April. 7th monthsary natin. Niyaya mo 'kong mag out-of-town. Nagpa-book ka ng hotel diba? Gagala tayo sabi mo.

Ayun yung pinakamasaya kong araw. As in ang saya ko. Sobrang kinikilig ako. Pasimple mong hahawakan ang kamay ko, niyayakap mo 'ko at hinahalikan sa noo kahit maraming tao sa paligid natin.

S: Bakit naman tayo mahihiya? Mahal kita at mahal mo 'ko. Ayun lang ang mahalaga.

Natutulog tayo, same bed. Pero walang nangyayari satin. Wow lang. Nabago ng fuckboy ang fuckboy. Pero kuntento na 'ko dun. Masaya na 'ko. Yung magkayakap tayong matutulog. Gusto mo pa nga na lagi ako nga nakatalikod kasi mahilig ka sa backhug. Tapos gigising ako lagi na nakatingin ka sakin. Pinapanuod mo lang akong matulog sabi mo, tapos may almusal na lagi na nakahanda. Parang mag-asawa na nga tayo dahil sobrang sweet natin.

S: Alam mo ba? Sabi ko sa sarili ko, kapag nahanap ko yung taong makakapagpabago sakin, sya na yung mamahalin ko hanggang mamatay ako? Ikaw yun. Ikaw.
A: Talaga? Nabago kita?
S: Oo naman. Ganito pala talaga ang pagmamahal. Hindi kailangan ang sex para maging masaya. Yung makita lang kita, sobrang saya ko na eh. Kuntento na 'ko. Sobra-sobra pa nga eh.

Nang makauwi tayo. Walang nagbago. Hatid sundo mo parin ako. Sabi ko nga wag na kaso mapilit ka. Sobrang ma-effort ka at hindi yun nawala.

Bago tayo mag-anniversary, tumawag ka.

September 8

S: May gusto ka bang puntahan?
A: Huh? Wala naman.
S: Hehehehe pwede ba akong pumunta dyan bukas? Magpapaalam ako kay Tita para magkasama tayo sa anniv. natin
A: Tsk. Ano nanaman yan? Kain nalang tayo sa labas.
S: Naman eh ~ Gusto kitang makasama..
A: Magkasama naman tayo non ah?
S: Basta. Please?? Gusto lang kitang makasama. Isang araw lang naman.

Ayun nga. Pumunta ka sa bahay para ipaalam ako kila Eomma. September 10, anniversary na natin. Dinala mo 'ko sa tagaytay. Lahat ng activities ginawa natin. Sobrang saya talaga. Yun yung araw na naging sobrang care-free ko. Yung ako na yung humahalik sayo in public, holding hands.. lahat. Sobrang saya ko kasi. Naisip ko, ganito ka siguro kasaya kaya ginagawa mo sakin 'to everytime na magkasama tayo.

Hindi tayo natulog nung gabi. Nagkwentuhan lang tayo about kanya-kanyang buhay natin. Studies, hobbies, lahaaaaat! Tapos diba yung plano natin sa future? Papakasalan mo 'ko 5 years pagtapos natin grumaduate ng college. Mag-aampon tayo ng dalawang aso at papangalanan nating Minggu at Wonggu. Ang panget lang. Haha! At diba, 3 kids ang gusto mo? Haha. Lahat sila ay ipapangalan natin sa combined name natin diba?

Kinabukasan, hinatid mo 'ko saamin. Humalik ka sa noo ko sa harap ng parents ko. Bumili rin tayo ng iba't ibang souvenir, pasalubong at mga pang-couple na gamit.

"Para hindi mo makakalimutan yung araw na 'to na ako yung kasama mo. Haha" Sabi mo pa.

Ilang araw lang ang lumipas, may nagbago na. Okay naman tayo diba? Bakit hindi ka nagpaparamdam? Walang text o tawag. Sobrang natatakot na 'ko. Wala kang paramdam. Di na 'ko sanay. Ano bang nangyari sayo? Wala naman tayong naging problema. Blinock mo number at fb ko. Gumawa ako ng dummy pero nag-deactive ka bigla. Walang oras na hindi ako umiiyak. Sinisisi ko yung sarili ko kung bakit bigla kang hindi nagparamdam. Ano bang nagawa kong mali? Nagsawa ka na ba?

Pero bahala na. Pumunta ako sa condo mo. Wala akong nadatnan. Naghintay ako dun magdamag para makita ka. At ayun nga. Dumating ka.

Balisang-balisa ka nung makita mo ako. Pilit mo 'kong pinapauwin at pinapalayo sayo. Nung sinabi mong di mo na 'ko mahal, napaka sakit eh. Parang tinakasan ako ng kaluluwa ko. Parang mas pino pa sa buhangin yung puso ko. Pero iba yung nararamdaman ko. Mahal mo 'ko. Alam ko yun. Pinatawag mo yung mga guard para kaladkarin ako palabas pero wala. Hindi nila 'ko napigilan.

Ilang sandali pa, kumalma ka na. Pinapasok mo 'ko. Ay hindi. Ako lang pala yung pumasok. Lumuhod ako sa harap mo habang nagmamakaawa. Umiiyak ako pero blangko lang ang mukha mo. Yung masakit? Inalisan mo 'ko. Di mo 'ko pinansin.

Natulog ako sa sofa. Nakatulog ako kakaiyak. Bago ka gumising, nagluto ako ng almusal mo. Oo hindi ako umuwi. Gusto ko lang naman malaman yung dahilan kung bakit mo 'ko ginaganito. Hinintay kitang lumabas sa room mo at nung nakita mo 'ko, sumimangot ka agad. Nung nakita mo yung hinanda ko, tinapon mo lahat. Binasag mo yung mga plato at sinigawan mo 'ko. Pinapauwi mo 'ko.

Iyak ako ng iyak. Humihingi lang naman ako ng dahilan eh. Pero wala. Umalis ka. Ayoko pa sanang umalis pero siguro kailangan na talaga. Niligpit ko lahat ng kalat kahit natapakan ko pa yung basag na baso para manlang matuwa ka ulit sakin kahit na papaano. Ayaw maglakad ng mga paa ko papalabas sa condo mo pero pinilit ko. Gabi na pero hindi ka parin umuuwi. Hinintay kita sa labas eh.

Nawalan na talaga ako ng pag-asa nung hindi ka talaga umuwi nung gabing yon. Kaya naman nag-iwan nalang ako ng sulat para sabihing mahal kita.

Ala-una ng madaling araw, uuwi na 'ko samin. Iyak ako ng iyak habang naglalakad. Delikado pero wala 'kong pake. Ikaw lang nasa isip ko, at mga posibleng dahilan kung bakit.
Nung may humintong sasakyan, biglang may humatak sakin. Tinakpan nya ang bibig ko at hinila ako papunta sa madilim na lugar. Kumalma ako nung naramdaman ko yung kakaibang dulot mo sakin. Alam kong ikaw yun.

Niyakap agad kita at niyakap mo rin ako. Nag-iyakan lang tayo. Sorry ka lang ng sorry at paulit-ulit mong sinasabi na mahal mo 'ko. Ganon din ako sayo. Ilang oras rin ata yung lumipas nung kumalma tayo.

Yung sunod na sinabi mo yung nagpaguho sa mundo ko.

"Positive ako sa HIV. Nagpacheck-up ako"

Parang biglang tumigil yung mga luha ko. Hindi naman ako natakot para sa sarili ko dahil wala namang nangyayari satin. Pero yung maisip na baka mawala ka? Dun ako nanlumo. Napaupo nalang ako. Parang tumigil ang mundo ko.

Sinabi kong sasamahan kita sa laban mo. Hindi kita papabayaan. Hindi kita iiwan. Pero ayaw mo. Gusto mo parin na maghiwalay na tayo. Pero wala. Alam mong matigas ang ulo ko.

Na-confine ka at lagi kitang binibisa pagkatapos ng klase ko. Minsan nga naka-uniform ako tapos didiretso ako dyan sa ospital para hindi ka magalit sakin at isipin mong hindi ako pumasok.

Ganon na lang yung naging takbo ng relasyon natin pero hindi parin kita sinukuan. Walang sumusuko satin.

"Basta tandaan mong mahal na mahal kita ah? Ikaw lang minahal ko ng ganito at ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito hanggang sa mawala ako"

Tanda ko pang sinabi mo yan bago dumating yung araw na hindi ka na dumilat. Dun ko lang nalaman na may stage 4 cancer ka pala. Nakadagdag yun sa pinagdadaanan mo para ma-coma ka.

Sobrang sakit alam mo ba yun? Dalawang taon na ang lumipas matapos mong tuldukan ang kwento natin pero para sakin, hindi parin doon natapos ang lahat. Kada araw, walang pinagbago yung sakit na naramdaman ko mula nung lumisan ka. Mula nung iwan mo 'ko.

Pero hindi kita ikinakahiya. Hanggang ngayon ipinagmamalaki parin kita. Na ikaw yung lalaking minahal ko ng ganito. Nasaktan man ako nung iniwan mo 'ko, alam kong kapag malapit na ang oras ko, papasayahin mo ulit ako. Hahawakan mong muli ang kamay ko. Yayakapin mong muli ang katawan ko. Hahalikang muli ang noo ko. At sasamahan mong muli ako sa paglakad ko.

Magiging masaya tayo sa lugar na tayong dalawa lang. Lugar na wala nang panghuhusga o pangungutya galing sa iba. Lugar na ikaw at ako lang. Lugar kung saan ipagpapatuloy natin ang naudlot nating istorya.

Hanggang sa muli. Hintayin mo 'ko, Gyu.

Wonu
2013
Hiphop Club

32.9k Likes | 4.2k Comments | 5.2k Shares

view more comments

Jeonghan Yoon
Naalala ko yung mga lesson namin sa math :( Sad rin mga lovestory nila.

• Tangent lines who had one chance to meet and then parted forever.
• Parallel lines who were never meant to meet even how compatible they are.
• Asymptotes who can get closer and closer but will never be together.

Sad ko 'to 😔😔

Seungcheol Choi
Okay lang yan Hannie. Pogi parin naman ako.

Jihoon Lee
Math ba? Nako Cheol. Naalala nanaman kita. Para kang square root of 2.

Seungcheol Choi
Ay shet pick-up line ba yan?? 😍😍 Bakit?

Jihoon Lee
Because you're both completely irrational.

Jisoo Hong
Ang tragic talaga ng math eh. Akala ko tayo lang ang nahihirapan, sila rin pala.

Seokmin Lee
Jusme. Kaya kung mamamatay man ako at isang araw nalang ang natitira sakin papasok nalang ako sa math class. Tutal napakatagal ng oras tuwing math 😒

Hansol Vernon Chwe
I used to think math was useless, but then one day I realized that decimals had a point.

Soonyoung Kwon
Tama na yan guys :( Ih8math. Huehue. Jihoon Lee? Alam mo pamilyar ka eh. Parang naging mag classmate tayo sa isang subject noon. Teka. Ano nga ulit yun? Chemistry? Ah oo! We had a chemistry together 😊

Jihoon Lee
/nasuka

Junhuin Wen
'bebeH Pak! bAsA n4mAN. Minghao Xu

Minghao Xu
Nakakaiyak be 😢

Junhui Wen
'B3h mAszAk1t buaH??

Minghao Xu
Yung ano? Etong story? Oo. Naiyak ako.

Junhui Wen
'nDi bEh. Nun6 nAhuLoq kA sA Lanq1t. MaSzak17 buAh?

Minghao Xu
Awww 😳😳

Junhui Wen
'bECaus3 uR fAce iS r3aLly fUck3d uP 😎

Minghao Xu
PUTANGINA MO BREAK NA TAYO 😤😤😤

Seungkwan Boo
Sabi sa lesson namin, sa 5 tao daw 4 yung nasusuffer sa diarrhea. Naisip ko lang, so yung isa nag-eenjoy? 😨😨😷😷

Chan Lee
Minsan naaawa nalang rin talaga ako sa nagconfess. Walang pumapansin sa confession nya.

Continue lendo

Você também vai gostar

586K 9K 86
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
10.6K 966 41
❝We need to talk,❞ I said over the phone, hoping for the best. He agreed to meet me to the only place we call home. But he never came that day, sadly...
169K 17.6K 23
"𝙏𝙤𝙪𝙘𝙝 𝙮𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛, 𝙜𝙞𝙧𝙡. 𝙄 𝙬𝙖𝙣𝙣𝙖 𝙨𝙚𝙚 𝙞𝙩" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...
40.9K 833 18
"Y/N please talk to me, what's wrong? Is it me?" Y/N leaves their hometown to go study college abroad, meaning they has to leave their best friend L...