CHAPTER 18
TIN’s POV
Uwian na at inayos ko na mga gamit ko at ng lumabas na kami ni Kim ay dumating si Deniesse na kasama si Slater,
Teka! Kasama niya ba o magkasabay lang na umakyat dahil susunduin niya ako. Bumalik uli kami sa locker room.
“Tin,akala ko ba di ka susunduin ni Slater”
“Oo, taka nga ako kung bakit siya nandito eh”
“Baka naman nagbago ang isip”
“Di ko alam, di ko naman maintindihan takbo ng utak niyan eh.”
“Sige wait lapitan ko lang”
“Huwag na”
“Wait ka lang diyan”
At yun nga pinuntahan na niya si Slater then balik siya agad.
“May dinner date ata sila ni Deniesse?”
Aray ha! Akala ko pa naman hinahanap niya ako yun pala kasama talaga niya si Deniesse.
“Ah ganun ba hayaan na natin sila buhay naman nila yan.”, ngumiti ako pero fake lang
“Hello! Pinapayagan mo ang asawa mong makipagdate sa iba?”
“Eh kung yan ang gusto niya , why not”
“heh! huwag ka ngang martyr.”
“Hahaha! Hindi over ka naman, baka friendly date lang yan, don’t worry”
“Friendly date? Sus! Baka may motibo si girl kaya niya niyaya si Slater”
“Hay naku Kim, malay mo si Slater ang nagyaya?”
“Whatevs!”
“Cute cute mo talaga Kim, pero salamat pala sa pagiging concern mo”
“No problem, ano pa’t magkaibigan tayo”
“Hahaha! Silipin mo nga kung nakaalis na sila”, sabi ko kay Kim at sumilip ito.
“Di pa nga eh”
“Sige, hintayin muna natin silang gumora bago tayo umalis”
“Sabi mo eh, ano pa magagawa ko”
“Loka!”
Ang tagal naman nilang umalis, gusto ko ng umalis dito eh. Hay buhay!
Sa wakas umalis na din sila kami naman ay agad na lumabas na sa shop.
“Okay ka lang talaga Tin ha?”
“Oo! Choks na choks ako! Sige na go ka na baka hinihintay ka na ni Mark” at kinindatan ko siya.
“Naku! Haha! Sige na. Kung may problema ka text mo lang ako ha. =) Love you sister”
“Sure, don’t worry wala naman akong problema! Go na!”, tumango ako at nagsmile.
“Sure.”
“Yep! Huwag ka ng mag-alala sa akin. Enjoy ka na lang ha”
“Sige, ingat ka sa pag-uwi ha”
“Ingat ka din ha, regards kay Mark. ^__^”
“Okay! Bye!”, sabay beso sa akin. “Pakatatag ka ha”, sabay yakap sa akin.
Umalis na si Kim at ako naman naiwang mag-isa. Hindi ko din alam kung saan ako pupunta. Lakad dito, lakad doon hanggang sa mapadpad ako sa puso niya. char! Hanggang sa mapadpad ako sa park kung saan ako nagpupunta. HAHA
8 P.M na, hindi pa rin ako umuuwi. Di ko alam kung bakit nandito ako. Umupo ako sa may swing, gusto kong itext ako ni Slater, hinihintay ko pa rin yung text niya pero hanggang ngayon wala pa. Nag-eenjoy siguro yun sa dinner date nila ni Deniesse.
Bigla na lang pumasok sa isip ko yung usapan namin noon before kaming ikasal, walang pakialamanan. He’s doing his thing already. hays, Dapat pala hindi na lang ako pumayag kasi, ako ata ang nahihirapan ngayon eh. Dahil sa pumayag ako noon, nganga tuloy ako ngayon. Geez! Hate this!
I checked my phone, wala pa rin text o tawag T___T, 9:12 na pala kaya nagdecide na akong umuwi. Muntanga tuloy akong naghihintay sa wala.
Inaasahan mo kasing hahanapin ka niya kung sakaling hindi ka niya madatnan sa bahay niyo. Wala ka namang mahihintay sa kanya dahil masaya na siyang kasama yung ex niya.
Hay naku! Ano ba itong nangayayari! Nang bumaba na ako sa tapat ng bahay, alam kong nandyan na siya kasi naka-garahe na yung kotse niya. Aba! Ang aga niya atang umuwi? Akala ko aabutan uli siya ng araw bago umuwi eh.
Pumasok na ako sa bahay at nadatnan ko uli siyang nanonood ng One More Chance! Kaloka, nakaka-ilang ulit na ba itong lalaking ito? Favorite na favorite niya talaga siguro itong movie na ito.
“Oh nandyan ka na pala”, ay wala! picture ko lang ito. hays. gusto ko siyang barahin kaso wala ako sa mood eh.
“Ah oo, nandito na ako”, sarkastikong sabi ko sakanya “Kanina ka pa ba nandito?”, dugtong ko.
“Yup”
“Kumain ka na ng dinner?”
“Oo”
“Ah, okay.”, aakyat na ako
“Eh ikaw? Kumain ka na?”, pahabol na tanong niya sa akin.
“Katatapos ko lang”, sabi ko kahit hindi naman totoo.
“Okay”
Sarap batukan nitong mokong na ito ah. Tipid sumagot walanghiya. Umakyat na lang ako at pumasok sa kwarto. Naligo. Nagbihis. Humiga. Isip. Isip. Isip.
Krooooooooooooooooooog (tunog ng kumakalam na sikmura ko) [bwahahaha]
Kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na mga alaga ko kaya nagpunta ako sa kusina at naghanap ng makakain. Kainis wala man lang kalaman laman ang refrigerator! Di pa pala kami nakakapaggrocery. Wala din siyang cake na inuwi. T___T. gutom na talaga ako kaya no choice iinom na lang ako ng tubig. Nang……….
“Psssst!”, hala sino yun. O___o takot pa naman ako, di ko binuksan yung ilaw.
“Hoy!”, biglang may tumulak sa akin at nabitawan ko yung baso! nabasag at naapakan ko pa.
“Aray!” , shocks! at biglang nag-on yung ilaw.
“Bakit? Anong nangyari sa iyo?”, tanong ni Slater
“Ah, wala! Nangugulat ka kasi”
“Sorry”
“Akin na lilinisin ko na yan”
“Tutulungan na kita”
“Hindi, ako na. Sige na umakyat ka na at matulog”
“Okay sige”, pero hindi muna siya umakyat dahil uminom muna siya ng tubig.
Grabe ang hapdi!
“Sandali! Okay ka lang ba talaga?”
“Oo”
“Sandali, bakit may dugo-dugo diyan? Pakita ng ng paa mo”
“Ha? Hindi na”
‘Pakita na! Dali!”, pagpupumilit niya
Kaya ako umupo na sa upuan.
“Kita mo! May sugat ka. Dito ka lang, kukunin ko lang yung first aid kit”
“Ang layo din naman sa bituka ng sugat na yan eh. Oh sige ikaw bahala”, sabi ko at kinuha na niya yung kit.
“Napakadisgrasyada mo naman. Lagi ka na lang naaaksidente!”
“Sorry”
Ginamot na niya yung sugat ko.
“Thank you”
“Welcome. Sige tara na akyat na tayo”
“Sige”
“Kaya mo bang maglakad?”
“Kakayanin”, tumayo ako at humabang pero hindi ata kakayanin.
“Halika na nga, buhatin na lang kita”
“Ha? Hindi na”
“Sige na! Sumampa ka na sa likod ko”
“Ikaw bahala”, at sumampa naman ako.
Pumasok na kami sa kwarto at humiga na sa kama.
“Salamat uli ha”
“Walang anuman, sige na matulog ka na”
Pagkatapos nun ay bumalik na din siya sa kwarto niya.
Hay, sana pala lagi na lang akong naaaksidente! Haha! Para naman sa akin lahat ang atensyon niya at atleast nahahalata kong nag-aalala siya kapag may nangyayari sa akin. Pero joke lang di naman ako masokista noh.
Lumipas ang araw, parang ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Dahil siguro kay Deniesse? Hindi naman sa iniisip ko na sinabihan niya si Slater na dumistansya sa akin, pero bakit iyon yung nararamdaman ko? Tapos late na rin siyang umuuwi, lagi siguro silang magkasama. Yan tuloy di kami masyadong nagkakasalubong kahit dito sa bahay. Sa umaga naman kapag gigising ako wala na siya. Mukhang iniiwasan talaga ako? Kaloka!
Hay naku! Erase! Erase! Erase! Hayaan mo na lang siya Tin! Nag-eenjoy naman yun sa piling ng ibang babae eh. Kaya go lang ng go! Focus ka muna sa work! =)
Pero gulat ako ng biglang nagungulit ulit ang bruho.
“Hi TinTin!”
“Bakit?”
“Anong bakit?”
“May kailangan ka ba?”, wife with benefits ang peg kasi eh, kung may kailangan dun lang ako papansinin. tsk
“Ha? Wala naman bakit?”
“Ah, akala ko kasi may kailangan ka nanaman”
“Wala naman, namiss lang din kasi kita eh”
“Ahhh, ganun ba?”, sarkastikong sabi ko sa kanya
“Busy ka ba ngayon?”
“Hmmm, hindi naman”
“Wala kang pasok?”
“Meron pero mamayang hapon na lang ako papasok”
“May iba ka bang gagawin ngayon?”
“Meron, pupuntahan ko pa si JayJay”
“Pwede ba akong sumama?”
“Naku? Huwag na! Alam ko busy ka din eh.”
“Hindi naman. Sige na. Isama mo na ako. Ha?”
“Naku, huwag na. Baka may magselos pa ^__^ Puntahan mo na lang si Deniesse”
“Ha???”
“Wala! Wala. Sige alis na ako”, ang haba haba ng sinabi ko. Bingi-bingihan lang?
Iniwan ko na lang siya doon at nagpunta na ako sa RedRibbon para bumili ng cake at Ensaymada. Nang bayaran ko na ay agad kong kinuha ang supot at naglakad na papuntang park.
“JayJay!”
“Ate Tin”, at lumapit naman siya sa akin.
“Oh kamusta ka na? May dala pala akong merienda natin. Itong cake iuwi mo, para sa inyo ng nanay mo ha?”
“Salamat po dito ate Tin.”
“Chibugan na ba?”
“Sige!”
“Nasaan pala si TonTon? Bakit hindi mo kasama?”
“Naku, umalis po sila ng nanay niya. Pumunta po sila sa probinsya nila eh”
“Sayang! Tayo lang palang dalawa ang kakain nito kung ganun”
“Hindi naman po eh, tatlo pa rin tayong kakain nito”
“Tatlo? Dalawa lang naman tayo eh”
“Eh paparating na po kasi yung pangatlo”
Tinuro niya yung nasa likod ko at lumingon naman ako. Si Slater. Habang papalapit siya sa amin feeling ko ang bagal ng takbo ng oras. Slow motion ang peg habang papalapit eh may wind effect pa. Kaloka! Bakit ba ang gwapo mo at ang macho mo pa!
“May nakalimutan ka atang bilhin?”, natauhan na lang ako nung nagsalita siya. titig na titig pala ako sa kanya.. tulo laway pa. joke lang
“Ha?”
“Ito oh!”, sabay abot sa akin nung drinks
“Ah salamat”
“May nakalimutan ka din pinakaimportanteng bagay sa bahay”
“Ano yun?”
“Ako yun”, sabay tabi sa akin.
“Ah okay”, sarkastikong sabi ko pero sa loob loob ko Kinikilig ako ^__^
“Ang sweet niyo naman po”,sabi ni JayJay
“Hahaha! tara kain na lang tayo”
Tae nitong si Slater sarap batukan. Bigla biglang nagiging sweet.
“Hindi niyo ba ako bibigyan ng kinakain niyo?”
“Oh eto na”, inabot ko sakanya yung pagkain na dapat ay kay TonTon.
“Salamat =)”
“Kainan na po” JayJay
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Sige JayJay, alis na ako papasok pa ako eh”
“Ingat ikaw ate”
“Para sa iyo mag-iingat ako. Bye”
Paalis na ako at sumusunod pala si Slater sa akin.
“Lika! Ihatid na kita”
“No thanks, pumasok ka na din”
“Okay lang kahit di ako pumasok”
“Okay okay ka jan! natatambakan ka na nga ng mga gawain mo kakaabsent mo”
“Hindi ah”
“Sige na! Pasok ka na. Bye”, sabay para ng taxi.
“Mag-iingat ka ha. Sunduin kita”, sunduin your face!
Di ko na lang siya sinagot at sumakay na lang ako sa taxi.
Owveeeeeeeeeer! Anyareee doon?! Dapat pala di na lang dumating si Deniesse para kahit papaano sweet pa rin sa akin yung mokong na iyon. Panira lang ng moment.
__________________________________________________________________________
Uwian na! Pababa na kami ni Kim ng makita namin si Slater na nakasandal sa kotse niya na parang may hinihintay. Lumapit naman agad siya sa amin nung makita niya kami.
“Ui! Wala si ma’am Deniesse! Anong ginagawa mo dito?”, tanong agad ni Kim. Alam na niya ang lahat eh kwinento ko na sa kanya ang LAHAT LAHAT!
“Hindi naman. Si Tin ang hinihintay ko eh”
“Ganun ba?”, sarkastikong sagot ni Kim
“Tara Tin! Uwi na tayo!”
“Uuwi? Hindi pa siya uuwi! Sabi kasi ni Mark isama ko daw siya sa party na pupuntahan namin.”
“Eh di sasama ako! Si Mark lang naman pala eh”
“Hala! invited ka ba?”
Sige! Kayong dalawa na lang ang mag-usap.
“Hindi! Pero, sandali nga. tatawagan ko siya”, nilabas niya ang phone niya at agad nitong tinawagan si Mark.
“Wait! Akin na yan! Paka-usap muna sa kanya. Wala kasi akong load eh”, kinuha niya yung phone ni Slater at lumayo para kausapin si Mark.
At nang matapos na niyang makausap ito ay agad naman siyang bumalik sa kinaroroonan namin.
“I miss you too! See you”, ang mga huling sinabi nito bago niya ibalik yung phone kay Slater.
“Hello pare, pwedeng sumama sa party?... Ah ganun ba? Oh sige… Regards na lang sa kanila.. Ingatan niyo si TinTin ha? Okay? Thanks pare!”
“oh anong sabi niya?”, tanong ni Kim.
“Kayo na lang! Basta Kim! Ingatan mo si Tin doon ha”
“Sure! bye!”
“Inagt Tin ha”, sabay hug sa akin! Ano ba talagang nakain nitong lalaking ito?! Katakataka!
“Sige, ingat ka sa pag-uwi”, sabi ko naman.
“Text mo ako ha! Kung pauwi ka na para hindi ako mag-aala”
“Oh tama na yan Slater. Dami mong bilin ha! Wala namang mangyayaring masama. Kaloka. Tara na Tin.
“Basta! Ingat”, last na sabi ni Slater
Hinila na ako ni Kim sabay para sa taxi at sumakay na kami.
“Hoy! Anong party yan! bakit di mo sinabi sa akin na may party tayong pupuntahan?”
“Loka! Walang party!”
“Eh saan tayo pupunta?”
“Sa bahay! Doon ka matutulog ha”
“Ha? Pero wala akong damit?”
“Okay lang yan! Basta bukas kung uuwi ka sasama ako sa iyo para hindi ka niya interviewhin”
“Loka loka ka talaga!”
“Akin na yung phone mo”, pagkakuha ko sa phone ko ay inabot ko na ito sa kanya.
“Bakit mo pinatay?”
“Para hindi ka niya macontact!”
“Bakit naman?”
“Hayaan mo siyang mag-alala at ma-miss ka”
“Ganun? Iba ka rin noh. Gawain mo siguro yan. Ginagawa mo ba yan ka Mark?”
“Hindi ah”
“sus!”