Chapter 29

392 7 11
                                    

CHAPTER 29

Maagang gumising si Slater para magluto ng brunch nila kaso ng pagbukas niya ng refrigerator tubig lang ang laman. wawa naman. Kaya yun napagasyahan niyang gisingin si Tin na masarap pa rin ang tulog puyat siya eh. Tsaka umiyak din kaya wala tayong magagawa.

“TinTin, gising na”

“Ang aga-aga pa Slater. Mamaya na.”

“Halika na pupunta pa tayo sa supermarket, wala na tayong kakainin nito eh.”

“Ikaw na lang, masakit pa ulo ko eh.”

“Halika n. Ang tamad tamad mo talaga.”, hinila hila pa niya ito para tuluyang bumangon sa pagkakahiga.

“Oo na! Oo na. Sandali lang pwede.”, sabi ni Tin sabay talukbong ulit niya ng kumot sa katawan.

“Aish, bumangon ka na! Para maaga din tayong makabalik”

Bumangon na lang si Tin at pumasok sa CR para maligo. Lumabas na din si Slater at naghanda na rin. Nang matapos na sila ay syemps dumiretso na sila sa supermarket. At bumili ng mga kakailanganin nila sa bahay at pati na rin foods hindi dapat yun mawala.

“Okay na itong lahat, masyadong marami.”, sabi ni Tin.

“Sigurado ka bang wala na tayong nakalimutang bilhin?”

“Oo, kulit. Tara na uwi na tayo.”

“Kain muna tayo, di pa tayo kumakain ng lunch at breakfast eh”

“Ano ba yan! Eh di kumain muna sana tayo bago tayo namili.”

“Sus, TinTin talaga dami pang reklamo. Halika na!”

Ganun talaga eh, napilitan na din si Tin dahil gutom na din siya. Lulubusin na niya ito na dalawa lang sila ni Slater ang magkasama. Ui ano kayo, ngayon lang ulit ito nangyari. Bwahaha

Bago sila makapunta sa kakainan nila ay biglang may tumawag kay Tin. At paglingon na lang niya ay laking gulat na lang niya. Small world talaga, hindi niya akalaing makikita niya ito dito.

“Jome?” o__O

“Christine! Ikaw nga ba yan?” lumapit si Jome dito at niyakap si Tin.

Sa kabilang banda, patuloy na naglalakad si Slater. Salita ito ng salita pero hindi naman siya sinasagot ni Tin na kasalukuyang nakikipag-usap kay Jome.

“Kanina pa ako tanong ng tanong sa iyo kung saan mo gustong kumain pero hindi ka naman sumasagot.” lumingon ito sa likod pero waley siyang nakitang Tin kaya hinanap niya ito. At nahagip niya itong may kayakap na lalaki. Kumunot ang noo nito.

Anong ibig sabihin nito? Naiinis siya na may ibang lalaking yumayakap sa kanya. Gusto niyang hilain si Tin mula sa pagkakayakap nung lalaki, at gusto pa niyang bugbugin. Kung anu-ano ang tumatakbo sa utak niyang mga scenario tsk tsk tsk. Nag-uusap lang naman ang dalawa eh pero nung nakita niyang tumatawa si Tin ay tinawag na din niya ito. Iba ang pakiramdam niya eh.

“TinTin! Halika na!”

“Wait lang”, sabi naman ni Tin

Nag-usap uli si Jome at Tin ng mga ilang minuto at nagpaalam na pero bago yun kinuha muna nila ang number ng isa’t-isa. Syempre may beso at yakap sila sa isa’t-isa na hindi nakaligtas sa mga mata ni Slater kung kaya nanlisik nanaman ang mata niya. Napairap na lang siya at naunang naglakad. Si Tin naman ay sumunod na lang din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon