CHAPTER 20

953 11 14
                                    

CHAPTER 20

NORMAL POV

Hatid-sundo ang ginagawa ni Slater kay Tin. Kumakain din sila sa labas ng dinner.

Malapit na si Slater sa coffee shop nung itext siya ni Tin.

“Slater! Huwag mo na akong sunduin. May pupuntahan kami eh”

Hindi na niya ito nireplayan at nagpunta pa rin sa coffee shop. Nadatnan naman niya ang eksenang hawak ni Jerico ang bewang ni Tin. Kaya nag-usok nanaman ang ilong nito at pinuntahan si Tin.

“Tin”, tawag niya dito.

Agad naman bumitaw si Jerico.

“Anong ginagawa mo dito?”, tanong ni Tin.

“Nung nagtext ka kasi nandyan lang ako naghihintay”

“Ganun ba?. Ah siya nga pala Slater si Jerico”

“Hi”, sabi ni Jerico

“Nice to meet you pare. Ikaw pala yung palaging kwinekwento ni Tin sa akin. Slater pala pare. Asawa ni Tin”

“Nice to meet you din Slater”, at nagkamayan na sila

“So tara na Tin?”, sabi ni Slater.

“Pero may pupuntahan pa kami eh”, Tin

“Sinong kayo? Kayo ni Jerico?”

“Yup”

“Saan kayo pupunta?”, tanong ni Slater.

“Hmmmm, ipapasyal ko si Tin doon sa kagagawang coffee shop. New branch siya actually. Wanna come?”

“Oh sige ba”

Nagpunta na sila sa pinaparkehan nila ng mga kotse nila.

Pinagbuksan ni Jerico si Tin ng pintuan at sasakay na sana ito ng hilain siya ni Slater.

“Naku pare, dito na lang siya sa kotse ko. Nakakahiya naman sa iyo”

“Okay! as you wish”, sabi ni Jerico

Si Tin naman ay takang-taka sa mga pinaggagagawa ni Slater

“Jerico, ikaw na ang mauna. Sundan ko na lang yung kotse mo”

Tumango na lang si Jerico at sumakay sa kotse at pinaandar ito gayundin ang dalawa.

“Ui, nakakahiya naman yun ginagawa mo.”

“Anong nakakihiya doon?”

“Wala, nevermind”

“Bakit ba ikaw ang isinama niya?”

“Ewan ko din eh”

“Ui! nagseselos na ako niyan ah. Baka type ka ng sir mo?”, birong sabi ni Slater.

“Selos selos ka jan? Imposibleng magkagusto sa akin si Jerico. Mukhang mas type pa nga niya si Deniesse eh”

Hindi naman nakasalita si Slater dahil parang nabigla na lang itong isisingit niya ang pangalan ni Deniesse sa usapan nila.

“Sorry, hehe. Joke lang. Eh kamusta naman si Deniesse? Bakit hindi mo siya kasa-kasama?”

“hmmm, nagpunta siya sa Singapore eh”

“Ahhhh. Kaya pala.”

“Kaya pala ano?”

“Wala”

Langyang kumag ito! Kaya pala ako ang kinukulit at kasama mo dahil wala si Deniesse. Pangtrip trip lang pala ako ha. Kapag wala ang yung isang kalaro mo sa akin ka naman makikipaglaro. Ganun ba?Panigurado kapag meron nanaman si Deniesse siya nanaman kasama mo. Eh kung hindi kita pansinin, gusto mo ha? gusto mo?!– sa isip ni Tin.

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon