Chapter 27

458 9 9
                                    

Tin's POV

It's been a month na nung sinabi sa akin ni Slater na he likes me..

It's been a month na din nung bumalik uli si Deniesse..

Hays.. Nakakalungkot. Always lonely ang peg ko.

Lagi na kasi uli silang magkasama.. Lagi nga siyang sinusundo ni Slater.

Laging si Deniesse..

Si Deniesse.....

:'(

Ganito na lang ba palagi kami.

Alam niyo ba yung sinabi niyang " I LIKE YOU" yun na lang yung pinanghahawakan ko.

Baka sakaling after ng I LIKE YOU pwede ng I LOVE YOU di ba?

"Tin! Halika na! Kanina pa tayo hinihintay ni Mark!"

"Ah sandali lang.", pagkasabi ko nun ay kinuha ko na yung bag ko.

Pupunta kasi kami sa isang restaurant, manlilibre daw kasi si Mark. Sinama na rin nila ako kasi wala akong kasamang kakain ng dinner.

Malalim na ang gabi kapag umuuwi si Slater, minsan nga madaling araw na eh.

Huwag niyo na akong tanungin kung bakit. Alam  niyo naman na siguro ang sagot.

Pagkapasok namin sa restaurant, napatigil ako sa paglalakad.....

May nakita akong dalawang pamilyar na tao...

Magsayang nagkwekwentuhan....

Nagtatawanan....

Magkahawak ang kamay...

Ang sakit na makita ang mahal mo na masayang kasama ang mahal niya.

<///////////////////////////////3

"Tin.. Okay ka lang?" tanong sa akin ni Mark.

"Ah, oo Mark. Don't worry. OKAY LANG AKO" kahit hindi naman ang sakit kasi. Hinawakan naman ni Kim ang kamay ko.

"Tin, gusto mo sa iba restaurant na lang tayo kumain?", sabi ni Kim at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"No, hindi na dito na lang tayo. Nakakahiya naman, kasi inimbitahan niyo lang ako tapos ako pa itong mamimili ng lugar na kakainan natin.", sabi naman ni Tin.

"Okay lang naman Tin kung ayaw mo dito eh. Oh ano sa iba na lang.", si Mark.

"Kayo ang bahala.", tipid akong ngumiti sa kanila.

Aalis na sana kami ng biglang may tumawag kay Mark.

"Mark! Pare! Nandito pala kayo", tumayo si Slater at lumapit sa amin.

"Wala kami dito Slater. Picture lang namin ito. -_-", sabi ni Mark.

"Grabe ka talaga Mark. Dito rin ba kayo kakain? Halina kayo. Join Us.", yaya niya sa amin.

"Hindi na, nakakahiya naman sa inyo ng DATE MO", inemphasize pa talaga ni Kim ang words na "Date Mo".

"Okay lang naman sa amin eh. Oh Tin nandyan ka pala.", awww  ngayon niya lang pala ako nakita.

"Oh babe! Ang tagal niyo naman.", sabi ni Deniesse na nakangiti habang papalapit sa amin.

"Niyayaya ko kasi silang kumain ng sabay sa atin pero ayaw nila eh. Ikaw nga ang magyaya babe", si Slater na parang batang nagsusumbong kay Deniesse,

"Halina kayo. Okay lang sa amin na kasama kayong magdinner. The more the merrier di ba?", tumingin siya sa akin at nagsmirk.

"Tara na guys!", yun na lang ang sabi ko.

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon