CHAPTER 17

1.5K 17 24
                                    

CHAPTER 17

“Deniesse?”, sabi ni Slater. Halatang nagulat siya at yung ngiti niya kanina na abot tainga biglang nawala at parang tumamlay yung boses niya nung binanggit niya yung pangalan na Deniesse.

“Slater??”, gulat ding sabi ni Deniesse pero bakit parang masaya siya?

 Teka! Magkakilala sila? Wait! Teka! Sandali! Deniesse? Deniesse? Deniesse??? Parang may naalala akong kwinento nina Jess at Wendy about kay Deniesse? Hindi kaya yung Deniesse na naikwento sa akin eh ang Deniesse na nasa harapan ko?????

“Magkakilala kayo?”, tanong ko na lang. Si Slater tumango lang.

“Yup! Actually. I’m Slater’s exgirlfriend”

“Ah, ganun ba?”, sabi ko naman.

“Tara na Tin, uwi na tayo”,sabi ni Slater sabay hablot sa kamay ko.

“Ah sige”

“Slate! Sandali lang!”,Slate??? ang chaka naman ng tawag niya.

“Slater! Sandali lang daw!”, sabi ko naman.

“Ahmm, Tin! Pwede ko bang makausap si Slater kahit ngayong gabi lang?”, paki-usap ni Deniesse sa akin.

Tumingin ako kay Slater pero wala namang reaction ang mukha kaya pumayag na lang ako.

“Okay sige”

“Uhmmm, Pwede ka ng umuwi. Baka mahaba-haba kasi ang pag-uusapan namin. At baka mabagot ka din sa kahihintay”, wow! hangtharai ha!

“Ganun ba?? Okay sige. Slater ingat ka sa pag-uwi ha? Hihintayin kita.”

Parang kumirot naman ang puso ko ng sabihin ko yung hihintayin kita. Parang sinabi kong bumalik ka din agad ha, hihintayin kita. Waaaaaaaaaaaaa! T____T Kainis naman eh. Nagpaalam na din ako kina Kim at umalis na.

Nagluto ako ng dinner para sa amin.  Hihintayin ko siya para sabay kaming kumain.

8

9

10, wala pa rin siya kaya kumain na ako ng dinner at baka kumain na din iyon.

11

12, wala pa rin siya kaya pumunta ako sa balcony para magpahangin. Ang tagal niya, masyado bang mahaba ang pag-uusapan nila. Mukhang aabot pa sila sa ibang bansa ah.

1

2

3

Wala pa rin siya kaya nagdecide na akong matulog na lang. Ang tagal mo naman, nagmumukha akong tanga* kahihintay sa iyo. Mahalaga pa rin ba siya para sa iyo? T________T.Naramdaman kong may lumabas na luha sa mga mata ko ng patulog na ako. Bakit parang ang sakit.

SLATER’S POV

Hindi ko akalaing makikita ko uli si Den. Di ko alam na dito pa sa lugar na ito. Hindi ko din alam kung paano ako mag-rereact o magsasalita ngayong kaharap ko siya.

“Tara na Tin, uwi na tayo”,sabi ko at hinablot ko na ang kamay ni Tin

“Ah sige”

Gusto ko ng umuwi dahil ayaw kong maiyak sa harap nila. Nagbalik kasi yung sakit na naramdaman ko ng makita ko ulit si Den.

“Slate! Sandali lang!”,pigil naman sa amin ni Den.

“Slater! Sandali lang daw!”, sabi naman ni Tin.

“Ahmm, Tin! Pwede ko bang makausap si Slater kahit ngayong gabi lang?”, paki-usap ni Deniesse sa kanya.

Tumingin sa akin si Tin na parang tinatanong ako kung gusto ko ba o hindi. Nagulat na lang ako nung pumayag siya to think na exgirlfriend ko yung humihingi ng favor sa kanya.

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon