CHAPTER 6

1.2K 12 7
                                    

CHAPTER 6

TIN’s POV

Grabe! Nahihilo ako. Ang sakit ng ulo ko. >.< Ano bang nangyari kagabi? Wala na akong maalala?

Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko si Slater nagluluto ng pagkain

“Masakit pa ba ang ulo mo Tin?”, - Slater

“Ah, medyo lang”, -ako

“Bakit ka kasi uminom ng uminom kagabi? Ayan tuloy”,-Slater, maalaalahanin palang talaga siya.

“hehe! napasarap din kasi ang kwentuhan at inuman namin nila Wendy eh. Ang sayang kasama ng mga kaibigan mo.”, sabi ko sa kanya.

“Syempre mana sa akin, halika na dito kain na tayo”,- Slater.

“Haha! Oh sige”, nagpunta ako sa may dining table at kumain na kami.

“Mamaya maligo ka na, para mawala naman kahit papaano yang sakit ng ulo mo.”-Slater

“Salamat sa paalala”, sabi ko naman sa kanya. Sana palagi na lang siyang ganyan. “Uhm, Slater matanong ko nga ano palang nangyari kagabi?” tanong ko sa kanya.

“Ha? wala naman. After ng party ni Wendy nagkaroon pa uli ng inuman bonding ang barkada kasama ka. mga katuwaan yun lang. bakit?” sagot naman niya.

“Ah,wala lang. feeling ko kasi may nangyaring kakaiba eh” sabi ko naman.

“Wala yun, huwag mo ng isipin kung ano pa yung mga nangyari kagabi”- Slater

“Okay sabi mo eh” – ako

“Sige aalis na muna ako ikaw na munang bahala dito sa bahay. Huwag kang aalis dito! Kung wala kang magawa maglinis o kaya manood ka na lang diyan.” Sabi niya sabay alis.

Lumipas ang ilang oras,inaalala ko pa rin yung nangyari kagabi ng biglang.

DingDong………………………………

Lumabas ako at tinignan ko kung sino yung nag-doorbell. Nakita ko si Wendy kasama si Jessica.

“hello Tin!” bati nilang dalawa.

“ah eh, hello Wendy and Jessica” bati ko naman sa kanila. “Ah eh, hinahanap niyo ba si Slater? Pasensya na umalis na siya eh” dugtong ko naman.

“No! Actually pinapunta niya kami dito para samahan ka”, sabi ni Jessica.

“Ah ganun ba sige pasok na muna kayo” sabi ko naman.

Ayun nagkwentuhan nanaman kami at biglang na-open up ang nangyari sa party kagabi.

“Ikaw Tin ha! Ang wild mo pala pag lasing?” sabi ni Wendy.

“Haha! Anong ibig mong sabihin? Ano bang nangyari kagabi? Wala talaga akong maalala eh” sabi ko naman.

“Hahaha! Ano ba talagang meron sa inyo ni Slater at go na go kayo sa dare kagabi?” sabi ni Jessica.

“Oo nga! Kinilig lang naman kami sa dare na naganap sa inyong dalawa” sumbat ni Wendy.

“Haha! Talaga?” sabi ko naman. Bwahaha! Naloloka na ako ano ba talaga ang ginawa ko kagabi?

“Grabe! Pero just for fun lang naman ang lahat.”-Wendy

“hehehe! Nababaliw na ako alam niyo ba iyon? Di ko talaga kasi maalala kung ano yung nangyari. Sorry.hehe”, sabi ko naman. Di ako maka-relate sa mga sinasabi nila eh.

“Talaga? Haha! Wala kang naaalala samantalang halatang kinikilig kayo dalawa ni Slater sa mga pinaggagagawa niyo kagabi. Hmm pero baka nga epekto lang siguro ng alak ang pagiging wild niyo.” Natatawang sabi ni Wendy.

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon