CHAPTER 15

1.2K 11 10
                                    

CHAPTER 15

Pumasok na sila sa kani-kanilang kwarto. Unang pumasok na humiga kaagad sa kama at kinuha ang isang unan na pinantakip sa mukha. Sumunod naman si Slater na humiga din sa kama.

“TinTin? Ui. TinTin!”

Hindi naman sumasagot si Tin kaya inaagaw naman ni Slater yung unan na tinakip ni Tin sa mukha niua. Nang bitawan ito ni Tin dahil sa sobrang inis at nagpagulong ito sa sahig.

“Aray ko! Tin tulungan mo naman ako. Hindi ako makatayo”

“Bahala ka sa buhay mo.

Habang nagbabangayan ay kumatok si Wendy.

“Slater? Tin? Gising pa ba kayo?”, at binuksan niya yung pinto at nang marinig ni Tin na bumukas ang pinto ay agad itong nag-dive kay Slater. bwahaha

Hindi niya alam kung bakit niya ginawa yun siguro para daganan ito at masaktan. lol chos.

“Hoy! Mga chararat kayo! Anong ginagawa niyo diyan sa sahig? Diyan niyo balak mag- uhmmm nevermind”

“Hahaha! Hindi noh! Itong si Slater kasi bigla na lang nanghihila”

“Naku, Slater ha! Sa susunod mo na gawin yang binabalak mo. Tin, gusto mo bang matulog sa kwarto namin?”

“Sa room niyo? Sure! Sige! :) Hintayin niyo na lanh ako doon”

“Sige, Slater pahiram muna ng one night si Tin ha. :)”

“Ha? Teka! paano naman ako? Mag-isa lang akong matutulog dito sa kwarto?”

“Pwede din, pero kung gusto mo? Matulog ka na lang di doon sa mga chararat na lalaki doon sa kabilang kwarto”- Wendy

“Ayaw ko nga”- Slater

“Ikaw bahala. Basta kami hihiramin namin si Tin. Magbobonding muna kami. Sige, bye. Tin! Hintayin ka na lang namin doon ha?”- Wendy.

“Sige! Maliligo muna ako”

Umalis na si Wendy. Pumasok na si Tin sa banyo at naligo na, doon na rin siya nagbihis sa loob.

“Tin, sorry na! Hindi ko naman talaga sinasadya iyon eh. Nabigla din naman ako sa mga nasabi ko”

Tila walang narinig si Tin at dalidali itong lumabas ng kwarto nila at nagpunta sa kwarto nila Jessica. Si Slater naman ay naligo din at nagpasyang doon na lang sa kwarto nila Carlo siya matutulog.

Sa Girl’s bedroom.

“Nag-away kayo ni Slater noh?”, agad na tanong ni Kim kay Tin

“Ha? Hindi ah”, pagtanggi naman nito

“Kahit di mo sabihin halata naman noh!”- Wendy

“Ano ba kasing nangyari?”- Jessica

“Grabe! Ang lakas niyo namang makiramdam”- Tin

“Syempre! Kami pa! So tell us what happened.:)”- Jessica

“Sige gora na! Make kwento na! Dali”- Kim

“Kasi nga ganito yun, may lumapit sa aking tatlong lalaki at niyayaya akong sumama sa kanila. Syempre ako naman ayaw ko kasi pupuntahan ko kayo. Pero yung tatlo ayaw pa rin paawat pilit pa rin ng pilit. Then yun dumating si Slater sabi niya ‘bakit?may problema ba kayo sa asawa ko?’ tapos umalis na yung tatlo. Hindi ko alam pero parang galit na ata itong si Slater eh wala naman ako ginagawang masama. At yun, pinagsasabihan na niua akong malandi ako. May asawa na daw ako nakukuha ko pang lumandi sa iba which is not true naman. Bakit ko naman yun gagawin. Sa sobrang inis ko sa kanya ayun sinampal ko. At kanina bago pumasok si Wendy sa kwarto humihingi na siya ng sorry. Ay! Wait lang ha! Kunin ko muna yung cellphone ko sa kwarto. Samahan mo naman ako Kim”, sabi ni Tin

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon