CHAPTER 14

808 8 0
                                    

CHAPTER 14

Sa Palawan sila magbabakasyon ng 3 days kasama ang barkada ni Slater na sina Wendy, Jessica, Carlo, Kevin at Mark. Hindi nakasama si Seiichi dahil nagpunta ito ng Japan. Kasama din nila ang kaibigan at katrabaho ni Tin na si Kim.

Nang makarating na sila sa Palawan ay picture picture kaagad ang ginawa nila nung papalabas na sila. Sumakay naman agad sila sa van na sumundo sa kanila at inihatid sila sa may resthouse na pagmamay-ari nila Mark.

Nang makarating na sa resthouse ay agad na nilang pinasok at inayos ang mga gamit nila. Magkakasama sa kwarto sina Jessica Kim at Wendy at isang kwarto din sina Carlo, Kevin at Mark. At ang mag-asawa naman ay sa iisang kwarto lang.

Sa kwarto nila Tin, habang nag-aayos ng gamit.

“TinTin ha, kung hindi mo pa sinama dito si Kim hindi ko pa malalaman na lalaki pala ang boss niyo”, sabi ni Slater

“Eh ano naman? Masama ba yun? May isa pa naman kaming boss kaso hindi pa namin siya nami-meet.”, ani Tin.

“Lalaki din ba?”

“Hindi. Babae daw. Teka, teka bakit ano bang problema mo sa boss ko?”

“Ayaw ko lang na lalaki ang boss mo yun lang kasi baka manyak, mahalay o kung ano yang boss mo”

“Mabait kaya boss namin, mabait si Jerico as in super bait!”

“Talaga lang ha”, sarkastikong sabi ni Slater.

“Oo kaya. Kung gusto mo ipakilala pa kita sa kanya”

“Sige, para mabisita ko naman yang coffee shop na sinasabi mo”

“Ikaw kasi, hindi ka sumama sa amin nila mommy noon”

“May next time pa naman eh . Atleast ngayon ako na lang ang kasama mo. ^__^”

“Whatever”

“Tara pasyal na tayo”

“Sandali, magpapalit na muna ako”

“Sige, puntahan ko lang muna sila.”

“Okay! Sunod na lang ako sa baba”

Lumabas na kami at namasyal. Pupunta sila  Underground River. Sumakay na sila sa bangka at manghang-mangha ito sa mga nakikita nila. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na sila sa pampang kung saan nandoon ang Underground River. Nang makarating na sila sa dulo ay binigyan sila ng life vest, etc. bwahaha! Nagsisakayan na sila ulit sa bangka at pinaandar na ni mamang Bangker ang bangka. Ayan picture picture na uli sila. Bwahahaha!

“Isipin mo na lang,second honeymoon ulit natin ito”, sabi ni Slater at hinawakan yung kamay ni Tin

“Second honeymoon your face! Haha!”

“Ang sama mo talaga TinTin”

Kinagabihan, hinihintay nila si Tin sa isang cottage kung saan sila kakain ng dinner. Naka-ready na ang kakainin nila doon.

“Bakit ang tagal ni Tin?”, turan ni Wendy.

“Oo nga, sabi niya magc-CR lang siya”, sabi naman ni Kim

“Puntahan mo na kaya bro!”- Mark

“Hintayin na lang natin dito. Matagal lang talaga yung kumilos”- Slater

“Kung sabagay”- Kim

Pagkalipas ng ilang minute ay wala pa rin itong si Tin.

“Slater, you better check her na. Puntahan mo na, sunduin mo na.”

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon