CHAPTER 5

1.1K 11 5
                                    

CHAPTER 5

SLATER’s POV

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Nahalikan ako ni Tin. At nakita pa iyon ni Carlo kagabi. Hindi pa ako masyadong nakatulog dahil iniisip ko ang nangyari. Bigla na lang ako nakaramdam ng gutom kaya bumaba ako at saktong pagbaba ko lumabas si Tin sa kwarto niya at ako naman nagulat at nakatitig lang sa kanya. Halata ko ring naiilang siya pumasok siya sa CR/

“Ah eh, goodmorning Slater" bati niya sa akin pero hindi ako umimik. Nakatitig pa rin ako sa kanya. Actually, labi niya talaga ang tinitignan ko. Bakit ang lambot, ang soft at ang dulas ng labi niya. (HAHAHA >.<)

Pagkalipas ng ilang minute lumabas si Tin sa kwarto niya at mukhang bihis na bihis.

“Saan ka pupunta?”, tanong ko sa kanya.

“Ah, wala lang maglilibot. Sama ka?”, nagyaya pa.

“No thanks!”,  sabi ko naman.

Pagkalabas niya sa bahay agad kong kinuha iyong susi ng kotse ko sa kwarto. Balak kong sundan siya. Baka hindi na naman kumain yun. Pero bago yun iniwan ko iyong breakfast na inihanda ko para kainin niya kanina. Nag-iwan ako ng note.

“Kainin mo ito kung nagugutom ka na. Eat well. :)- Slater”

Sinundan ko na nga siya, at mukhang naghahanap ng trabaho? Halatang pagod na pagod na din. Di pa kasi kumakain eh. Sinundan ko pa rin siya hanggang sa mapadpad siya sa park. Ano bang meron sa park na ito at parati siyang tumatambay dito?

Nandito ako sa gilid ng puno at nakikinig sa pinag-uusapan nung bata at ni Tin.

 “haha! ate naman eh. Eh di kung hindi mo ako mahintay. maghahanap na lang ako ng babaeng katulad mo. Mabait, simple at maganda.”, sabi nung bata sa kanya.

“Sige, ipagpray ko na makahanap ka ng babaeng katulad ko paglaki mo.”, sabi naman ni Tin sa kanya. Batang bata pa lang girlfriend na agad ang gusto. Iba na talaga ngayon.

“Salamat ate. :). Ate sigurado ka bang hindi mo boyfriend iyong kasama mo kahapon?”, tanong ulit niya.

“Hindi talaga, wala akong boyfriend at never akong nagkaroon ng boyfriend.”, sabi naman niya dun sa bata. Talaga? saang planeta ba nanggaling itong babaeng ito at hindi pa nagkakaroon ng boyfriend.

“Talaga lang ate ha. Hindi mo siya boyfriend?”, pangugulit nung bata kay Tin. at parang naktingin sa akin iyong bata.

“Hindi talaga. :)”, depensa naman niya.

“Talaga? Eh bakit nandoon siya?”, tinuro niya ako bigla kaya nagtago ako sa may likod ng puno. muntik na iyon ah.

“Niloloko mo naman ako eh. Wala namang tao eh.”, sabi niya sa bata

“Hindi ate! nandoon talaga siya. Nagtago lang.” pagpipilit ni JayJay.

“Sige na nga nandun  na siya.”, sang-ayon naman niya.

Pinapanood ko lang si TinTin sa malayo. Baka makita pa niya ako mahirap na. Nagmumukha tuloy akong stalker sa ginagawa ko >.<. Bigla siyang tumayo at umalis na. Mukhang nagutom. Sinundan ko naman siya at umuwi na sa bahay ko. ilang minuto ang lumipas bago ako pumasok sa bahay.

“Oh kumakain ka na pala.”, sabi ko sa kanya.

“Ah oo, salamat dito”, sabi naman niya.

“Walang anuman”, sabi ko.

“Saan ka pala pumunta?”, tanong naman niya sa akin.

“naglibot-libot”, sabi ko na lang. Buti hindi niya tinanong yung nangyari kanina. yung nakita ako ni JayJay.

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon