Facing Darkness | PUBLISHED

By Jian_Senpai

1.6M 64.6K 15.7K

"Facing Darkness in the depths of their souls." Second book of Sky Trilogy. Completed. Published under Lifebo... More

Prologue
Darkness One: Summer
Darkness Two: Sir Dylan
Darkness Three: Way to My World
Darkness Four: Ambush
Darkness Five: Academy of Sky
Darkness Six: Royal Dinner
Darkness Seven: Ganda Problems
Darkness Eight: How to train Summer
Darkness Nine: Real Power
Darkness Ten: Can't
Darkness Eleven: Evergreen
Darkness Twelve: Barrier
Darkness Thirteen: In between Life and Death
Darkness Forteen: Red Strings
Darkness Fifteen: Bid
Darkness Sixteen: Gate of Spirits
Seven Deadly Sin (Not an update)
Darkness Seventeen: Illusion
Darkness Eighteen: A Heart's Desire
Darkness Nineteen: Think I lose
Darkness Twenty: Lost Students
Darkness Twenty One: His Close Confession
Darkness Twenty Two: From the Future
Darkness Twenty Three: If You Can
Darkness Twenty Four: Operation, Frost
Darkness Twenty Five: Peach Island
Darkness 26.1: Half Brother
Darkness 26.2: Defeating War
Darkness Twenty Seven: Guilt
Darkness Twenty Eight: Envious Prince
Darkness Twenty Nine: South Lime
Darkness Thirty: Traitor
Darkness Thity One: The Real Foe
Darkness Thirty Two: Aftermath
Darkness Thirty Three: Plague
Darkness Thirty Four: Godly Blood
Darkness Thirty Five: Just Fine
Darkness Thirty Six: Twisted
Darkness Thirty Seven: Death
Darkness Thirty Eight: Falling
Darkness Thirty Nine: Dark One
Darkness Forty: Agony
Self Pub
Darkness Forty One: Darker
Darkness Forty Two: Sawi
Darkness Forty Three: The Start
Darkness Forty Five: Miracle
Epilogue
His Point of View

Darkness Forty Four: I Need You

18.1K 703 159
By Jian_Senpai

A/n: At dahil walang pasok, heto na ang update ko!

Ps. Special thanks sa school ko na nag announce na walang pasok last Wednesday kung kailan nandon na ako. Salamat sa nasayang na pamasahe ah? -.-

Pps. Credits to the owner of the poem at the multimedia. Nakuwa ko sa fb, di ko na matandaan kung kanino. Hehe

* * * * *

“Two Worlds collide, only one must survive.”

* * * * *

HARRIX AEON'S POV

Sa mga nalaman namin ay nadagdagan kahit papaano ang kompiyansa 'kong manalo, magagawa namin 'to. Pahirapan man ay nagawa naming contact-in si Headmaster para sabihin ang mga nalaman ni Night, nagtaka man siya kung paanong ang ganoong impormasyon ay nalaman namin, hindi na rin siya nagtanong pa dahil sa pagmamadali.

"Mahal na Prinsipe! Mahal na Prinsipe! Nahanap na po namin sila! Sa gawing silangan! Gawing silangan!" Bulong ng isang pixie sa gitna ng labanan.

Inutusan ko kasi ang mga pixie kanina para hanapin sila, si Summer at ang tatlong altered bodies na hinalaw sa amin.

Nagmamadali na kami sa pagpunta sa lugar na itinuro ng pixie. Papunta 'ron ay mas nakita namin ang gulo ng paligid, naglipana ang mga iba't ibang halimaw, mapa kakampi man o kalaban. Ngunit sa lahat ng creatures na 'yon ay mas nakuha ng mga dragon ang atensyon ko. Hell ... Nasaan na kaya ang maliit na dragon na 'yon? Simula ng mabahiran ng itim ang enrhiya ni Summer mahigit isang buwan na ang nakalipas ay hindi na namin siya nakita. Akala ko noon ay kung saan lang nagsuot ang dagang 'yon pero hindi na siya bumalik. Sinubukan naming maghanap pero sa dami ng mga nangyari ay hindi na rin namin natutukan.

'Pag nakita ko ang maliit na dragon na 'yon, yari talaga siya sa'kin.

"Oh my God." Naibulong ni Lay nang makita ang tao sa harap namin.

Maging ako ay nagulat pa'rin sa nakita ko. Hinanda ko na naman ang sarili ko sa ganitong sitwasyon, sa ganitong klase ng senaryo, pero hindi ko pa'rin maiwasang 'di magulat ... At matakot.

Sa harap namin ay sina Summer, nakakatakot ang lakas at itim ng enerhiyang nakapalibot sa kaniya. Habang sa paligid naman niya ay mga kawal na mistulang walang buhay, mga walang awang pinaslang ... ni Summer.

"Sa wakas ay nandito ka na, mahal na Prinsipe." Wika ni Summer. Hindi ko man sigurado na sa akin siya nakatingin dahil sa purong itim na mga mata niya ay ramdam ko naman ang talim nito.

Purong light gray na ang buhok ni Summer, ang mga mata naman niya ay 'di mo na kakikitaan pa ng puti, purong itim na 'yon.

"S-summer." Sa sinabi kong yon ay nakuha ko na rin ang atensyon ng iba pa. Ang mga altered body ay medyo kakaiba ang itsura, mapuputla sila at maraming tahi sa katawan. Mukha talaga silang patay na gumagalaw. Luminya sila sa likod ni Summer at blankong tumingin ng diretso sa amin.

Nakaka-awa. Bakit nagsagawa ng ganiyang eksperimento ang Underworld.

"Nakakamangha sila hindi ba?" Nakangiting sabi ni Summer matapos balingan ang mga Altered body. "Sumusunod sila sa lahat ng utos ko. Malalakas sila, hindi nakakaramdam, di madaling mamatay." Dagdag puri niya.

Ibinalik niya ang paningin sa akin at nakapaskil parin sa mukha niya ang kakaibang ngisi na yon, ang dating napaka gandang ngiti niyang kinahumalingan ko ay naglaho na. Gayon pa man alam kong nandyan parin siya, ang Summer na minahal, mahal at patuloy ko pang mamahalin.

"Anong nakakamangha sa kanila? Pinaglaruan ang katawan nila, hindi yan makatao!" - Lay

Masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ni Summer bago balingan ang mga altered body sa likuran niya.

"Patayin ang tatlong yan! Iwan niyo sakin ang Prinsipe."

Sa mga salitang yon ay walang pagdadalawang isip nilang sinugod ang mga kaibigan ko.

Malalakas na pagsabog, sigawan, kaguluhan ... Pero alin man dyan ay wala na akong pakialam. Para akong nawawala sa sarili, hindi ko na malaman kung anong gagawin, kung anong iisipin, kung anong mararamdaman.

Sa loob ng ilang araw ay hiniling ko ang muli naming pagkikita, ngayon ay nandito na siya, nakatayo sa harap ko pero bakit pakiramdam ko ay wala parin?

Nasaan ka na Summer? Yung totoong Summer. Yung maingay. Yung maarte. Yung gandang ganda sa sarili. Yung walang inaatrasan. Yung walang kinatatakutan. Yung humalik sakin sa ilalim ng tubig. Yung nagpapabilis ng tibok nitong puso ko dahil sa tuwa. Yung mahal na mahal ko. At yung nagsabi na mahal niya raw ako. Nasaan ka na?

"Summer..." Nag umpisa ng mag init ang mga mata ko pero nagagawa ko parin itong pigilan.

"Ano't kanina mo pa ako tinatawag?" Humakbang siya ng ilan papalapit sa akin, pero agad ring natigilan sa mga sumunod na sinabi ko.

"Hindi ikaw ang kailangan ko, kundi yung totoong Summer. Nakikiusap ako sayo, ipakita mo siya sakin. Kailangan ko siya." Unti unti ay naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko.

Hindi ako to, hindi ko ugaling ipakita ang kahinaan ko sa ibang tao, hindi pa ako umiyak sa harap ng iba. Pero anong magagawa ko? Nahihirapan na ako.

Tumawa siya ng malakas at binigyan ako ng nanguuyam na tingin.

"Ang Summer na sinasabi mo ay wala na, hindi na siya babalik ano pa man ang gawin mo. Ito na ako, ang bago at mas pinalakas na Summer!"

Tumakbo na siya papalapit sa akin at nang magkatapat kami ay ngumiti siyang muli bago ako bigyan ng isang malakas na suntok. Sa lakas nito ay halos matanggal na ang panga ko, tumalsik ako at pasadsad na bumagsak sa lupa di kalayuan sa kaniya. Pero ano mang lakas nito ay wala paring tatalo sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa man ako nakakabangon ay ramdam ko na ang mga kamay na marahas na humila sa akin.

"Hindi na siya babalik dahil sumuko na siya! Alam mo kung bakit?" Iniangat niya ako gamit lang ang kaliwang kamay niyang nakasabunot sa akin hanggang sa magpantay ang mukha namin, para akong lantang gulay na babagsak sa oras na bitawan niya. "Dahil sayo!"

Nasa ganoong posisyon kami ng sunod sunod niya akong bigyan ng malalakas na suntok sa sikmura gamit ang kanang kamao niya.

"Dahil mahina ka!"

Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang lahat ng ito.

"Wala kang kwenta!"

Dahil hindi ko kaya. Tama siya, wala akong kwenta. Di ko siya kayang saktan. Mas gugustuhin kong tanggapin nalang ang lahat ng ito.

"Ni hindi mo siya nagawang ipagtanggol!"

Hindi ko yon nagawa para sa kaniya, anong klase ng Prinsipe ang hindi magawang iligtas ang kaniyang Prinsesa? Siya pa nga mismo ang nagligtas sa akin noong araw na yon, ang dahilan kung bakit tuluyang nilamon ng kadiliman ang puso niya.

"Akala ko ba mahal mo ako?"

Sa muling pagbaling ko sa kaniya ay nagulat ako sa nasaksihan ko ... Lumuluha siya, tulad ko.

"S-summer!" Iniangat ko ang mga kamay ko para hawakan ang mukha niya pero kaagad niya akong sinipa na ikinatalsik ko.

"Huwag mo akong tawagin! Tama na!" Sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya na animong nasasaktan.

"Alam kong nangyari ang lahat ng ito dahil sakin, dahil sa kapabayaan ko." Sa kabila ng mga sugat at baling tinamo ko ay sinubukan ko paring makatayo.

"Tigil! Wag ka ng magsalita!" Patuloy parin siya sa pagsigaw na animo'y nakakaranas ng matinding sakit sa loob ng isip niya.

"Buong buhay ko naniwala akong ako ang makakapag ligtas sa lahat, na malakas akong Prinsipe. Pero kung sayo, kung ikaw ang nasa harap ko, mahina ako." Paika ika akong naglakad papalapit sa kaniya

"AAAHHHHHHHHHHHH!!" Napaluhod na siya sa lupa at namilipit habang di parin binibitawan ang ulo.

"Wala akong kwenta, hindi kita nagawang iligtas sa kadilimang yan." Sa wakas ay narating ko rin siya.

Lumuhod ako sa harap niya at iniangat ang mukha niya, tinanggal ko ang magkabilang kamay niyang nakatakip doon. Patuloy parin sa pagluha ang mga mata niya.

"Tama na. Papatayin kita. Papatayin kita." Sabi niya at may nagform na dagger sa kamay niya na itinapat niya sa dibdib ko, pero hindi ako nagpapigil at idinikit ang noo ko sa noo niya at pumikit.

"Mahal na mahal kita, Summer. At kung ang kamatayan ko ang magpapalaya sayo sa kadilimang bumabalot sa puso at kaluluwa mo, masaya ko yong tatanggapin. Pero nakikiusap ako, iligtas mo rin ako. Dahil ikaw lang, sa lahat ng tao rito, ang may kakayahang magligtas sa akin sa dilim na bumabalot ngayon sa pagkatao ko." Dumilat ako at tinitigan ang itim niyang mga mata. "Iligtas mo ako gaya ng lagi mong ginagawa. Hindi ko na kaya ang isang araw pa na wala ka, patayin mo na ako."

Sa huling mga salitang yon ay naramdaman ko ang pagtarak ng isang matalim na bagay sa dibdib ko, gumuhit ang di maipaliwanag na sakit sa kalooban ko. Naging malalim ang paghinga ko dahil pakiramdam ko ay tinatakasan ako ng hangin sa katawan, maging ang mismong pagtibok ng puso ko ay naging napakasakit na rin. Mabagal, pahinto hinto at malalakas na tibok.

"S-sum-mer." Nalasahan ko ang sariling dugo sa bibig ko ng sinubukan kong magsalita. Lumuwag ang hawak ko kay Summer, at bago ako tuluyang bumagsak sa lupa ay nakita ko ang unti unting pagbabalik ng pula ngunit makislap niyang mga mata marahil sanhi ng pag iyak.

"A-aeon. Aeon!"

Sa wakas. Matapos ang ilang mga araw ay muli kong narinig ang boses na yon. Masaya ako, dahil kahit ganito ang naging katapusan ko ay alam ko at sigurado akong naibalik ko siya ... Si Summer. Siya lang, siya lang naman ang kailangan ko.

* * * * *

SUMMER DIARHNEY'S POV

"S-sum-mer."

Hindi ko alam kung paano, dahil napaka biglaan ng lahat. Parang nung nakaraan lang sinundo pa ako ni Lay sa bahay para pumasok, naka usap ko pa si Manang Lillia. Pero ngayon, ibang iba na.

Napaluhod ako sa lupa sa nasaksihan, matapos ay bumaling sa kamay ko kung saan mahigpit na hawak ko parin ang dagger. Sinaksak ko si Aeon. Naihagis ko ang dagger sa isiping yon.

Tumumba si Aeon sa lupa at wala akong nagawa kundi ang panoorin siya. Pakiramdam ko ay hinugot ang lahat ng lakas na meron ako na kahit ang dulo ng daliri ko ay hindi ko maigalaw.

"A-aeon?"

Gumapang ako papalapit sa kaniya at di mapigilang mas maluha sa nangyari sa kaniya. Napakarami niyang sugat at pasa na alam kong ako ang gumawa, at higit sa lahat, ang malalim na sugat sa dibdib niya.

"S-sum-mer... Ik-ikaw na b-ba y-ya-n?" Napakaraming dugo ang nagmumula sa sugat niya at sa bawat salitang lalabas sa bibig niya ay may katumbas na dugong nagmumula roon.

"Wag. W-wag ka ng magsalita, Aeon. An-anong gagawin ko? Y-yung sugat mo!" Tuloy tuloy ang naging pagdaloy ng luha sa mga mata ko

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko maipaliwanag ang halo halong emosyon na nararamdaman ko, takot, lungkot, galit, lahat ng yan sabay sabay.

"Ngu-mi-miti k-ka."

Hinawakan ko ng mahigpit ang nanlalamig nang kamay niya at naguguluhang tiningnan siya.

"Ano? Paano ako ngingiti kung ganiyan ang lagay mo?! Dadalhin kita kay Sir Sheen, o kaya tatawagin ko nalang siya!"

Bibitawan ko na sana siya ngunit humigpit na bahagya ang hawak niya sa kamay ko bago hirap man, ay muling nagsalita ng may ngiti sa mga labi.

"G-gus-to k-kong ang nak-kangiting mukha m-mo ang hu-huli kong mak-kikit-ta, p-please Sum-mer, smile fo-fo-r me."

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko sa mga sinabi niya. Ako parin, hanggang sa huli, ako parin.

Hinawakan ko ng mas mahigpit ang kaliwang kamay niya at hinalikan yon bago ako ngumiti, ang pinaka maganda, at pinaka matamis na ngiting sa kaniya ko lang ibibigay.

"A-ayan." Huminga ako ng malalim bago magpatuloy. "Ang ganda ko diba? Wag mong kakalimutan tong mukhang to." Bahagya akong tumawa bagaman patuloy parin sa pagluha. "Kasi tong mukhang to, ang mukha ng Prinsesa mo, ng babaeng makakasama mo habang buhay. Mahal na mahal kita, Aeon at alam kong patay na patay ka rin sakin kaya wag mo kong iiwan, kailangan kita."

Pero sa kabila ng pakiusap ko, ng mga luhang iniiyak ko ... Iniwan niya parin ako.

Tuluyang nagsara ang mga mata niya, tumigil sa pagtibok ang puso niya gayon din ang paghinga niya. Pero isa lang ang hindi nagbago, ang maaliwalas na ngiti sa mga labi niya.

"A-aeon."

Napayuko ako sa kaniya kasabay ng mas masaganang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam, hindi naman ako na-inform na ang isang tao pala, kayang makaramdam ng ganitong klase ng sakit.

"Sabi ko wag mo akong iwan diba? Ang epal mo talaga!"

Pero ano nga ba ang mas masakit? Ang makitang pinapatay ang pinakamamahal mong tao sa mismong harap mo? O yung ikaw mismo ang pumatay sa kaniya? Tangina, kasalanan ko to.

"I love you too much, Aeon, Prinsipe ko." Hinawakan ko ang pisngi niya at tinitigan ang kabuuan ng mukha niya. "Come back to me, please, I need you."

Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kaniya kasunod ng tuluyan paglalapat ng mga labi namin.

Dahil umaasa ako na gaya ng sa fairy tales, magigising siya at magkakaron kami ng Happy Ending, ng Happily Ever After.

* * * * *

A/n: Guyseu!! Add me on Facebook, Janelle Crisian Laquian po. Yieeeeeeh haha.

Ps. Next is last chapter then Epilogue na. Mamamaalam na tayo sa kanila. Ajuju.

Continue Reading

You'll Also Like

21.7K 2K 25
Book 4 of Fate of Darkeness I'm lost in time. Literally. Dahil sa paglaban sa mga kalaban ay napahiwalay ako at napunta sa nakaraang hindi ko alam...
37.4K 1K 27
One section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror
320K 9.9K 53
SECRET ACADEMY (BREAKING OF HEARTS) is now a signed story under Dreame. She's Alice Brook,an ordinary girl with an ordinary life. Yun ang alam nya ba...
508K 35.6K 55
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...