She's Complicated (GL) [HSS #...

Galing kay InsaneSoldier

1.4M 53.4K 8.7K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 2... Higit pa

She's Complicated
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 43

21.9K 1K 173
Galing kay InsaneSoldier

Too Much

--

Nakatayo lang ako rito sa gilid. Nakahawak si North sa kamay ng natutulog pa rin na si South habang nasa kabila naman si East kasama ang kambal nito. Halos lahat kami, namamaga ang mga mata. Halatang hindi tumigil sa pag-iyak.

I sighed. Nang nalaman namin na ligtas na sa kapahamakan si South ay saka lang kami nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang at naagapan namin. Ininom niya kasi yung beer na nakita ko para mapabilis yung effect nung sleeping pills na ininom niya.

Ang sabi ng doktor na nag-check sa kanya, hindi mataas ang dosage ng mga sleeping pills na available ngayon unlike before pero posible pa ring maging delikado ito lalo na kung sobra-sobra ang intake.

Posibleng malagay ang buhay niya sa bingit ng kamatayan kung hindi ko agad siya nakita, kung hindi namin agad siya naidala sa hospital. And I will forever blame myself if something worse than this will happen.

Hanggang ngayon marami pa rin akong tanong. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin kina North. Noong nagtanong sila, wala. Wala akong mabigay na explanation.

Ako yung huling kasama ni South sa office. Kung hindi ko lang sana siya iniwan, kung binantayan ko lang siya, kung sinabayan ko siya pag-uwi, siguro wala kami sa lugar na 'to ngayon. Maybe she's still in her room.

Hindi na baleng araw-araw niya akong padalihan ng mga mood swings niya, hindi na baleng ii-snob niya ako or sungitan, or iwan-iwanan. Huwag lang sana yung ganito na muntik niya na kaming iwanan ng permanente.

Nakakatakot.

Nakakatakot pala talaga na yung taong sobrang importante sa'yo, yung taong mahal na mahal mo ay makikita mo sa ganoong sitwasyon. Muntik ko nang makalimutan kung paano mag-isip. Kasi kapag nangyari na sa harap mo mismo, matitigilan ka na lang, eh. Para akong nasa state of shock. Parang kapag may lindol, panic mode agad.

Malilimutan mo yung precautionary measures. Pero wala namang gano'n kapag mahal mo na sa buhay ang usapan, eh. How can you stay calm when you're aware that you might lose someone in any moment?

Natigilan ako nang may malamig na kamay na humawak sa akin. Kay North pala. "B-bakit?"

"Okay ka lang?" Tanong niya. Hinigpitan niya yung kamay na nakakapit sa akin. Iginiya niya ako para maupo sa extra chair sa tabi niya.

Halos mahugot ko naman ang hininga nang makita siya ng malapitan. South looked so pale and...sad.

"Namumutla ka."

"I'm fine." Mahinang sagot ko. I intertwined our hands. Pinasandal niya rin ako sa balikat niya. Namumutla na rin naman siya pati yung mga kapatid niya at gaya ko, pare-parehas kaming may mga eyebags na. Mabuti na lang may ganito akong klase ng kaibigan. Sobrang mabait at understanding. "Sana magising na siya."

"I know she will." Sinilip ko yung mukha niya at napansin ang isang tipid ngunit hopeful na ngiti. "Si South 'yan, eh."

"Pero bakit niya 'yon ginawa?" Hindi ko maiwasang itanong. Bakit kasi gano'n? Ang okay naman ng lahat kahapon pero biglang...biglang ito na. Ang bilis naman yata.

Anong nangyari?

Wala namang kakaiba sa kanya noong araw na magkasama kami. O baka naman hindi ko lang napansin?

"I don't know." Bumuntong hininga siya. "Baka nga kahit magising siya ay hindi ko pa rin malalaman yung dahilan. Except sa'yo, nagagawa niyang mag-open sa'yo, Jade."

"Pero wala naman akong magawa para sa kanya." Unti-unti na akong pinanghihinaan ng loob. "Tingnan mo nga't nangyari 'to sa kanya. Ano ba kasing iniisip niya?"

Hindi ko maiwasang makaramdam ng frustration.

Gusto kong magalit kay South.

Gusto ko siyang sigawan para malaman niya kung gaano kasakit yung ginagawa niya hindi lang sa akin kung hindi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya na walang ginawa kung hindi mahalin siya. Hindi ko alam kung nasabi ko na 'to sa kanya noon but...

Ang selfish mo, South─sobra.

Pinagmasdan ko yung kambal na nasa harapan namin. Ang lulungkot ng mga mukha nila. Hindi ko naman alam kung paano sila ic-cheer up. Sa sarili ko nga hindi ko alam kung paano, eh.

Ito ba, South? Ito ba yung gusto mong mangyari?

Ang bata pa no'ng dalawa para maranasan yung ganito. Hindi niya man lang ba naisip 'yon? Ano na lang yung tatatak sa isip nina East and West? Paano na lang sila kapag tumanda na sila?

Ang hirap mong mahalin, South.

Hinila ako ni North patayo. Nagpaalam siya do'n sa kambal na lalabas lang kami. Feeling ko ayaw niyang marinig nung dalawa yung pinag-uusapan namin.

"Alam kong may malalim na reason kaya ginawa niya 'yan sa sarili niya. Intindihin na lang natin."

"Pero mali pa rin." Giit ko. Tiningnan niya lang ako, encouraging me to continue. "Nando'n na tayo, North, eh. Iniintindi natin siya. Lahat na yata ng klase ng pag-intindi naibigay ko na. Pero tingnan mo. Sa kalagayan niya ngayon mukhang siya mismo hindi kayang intindihin yung sarili niya. I love her too much kaya sinasabi ko 'to, alam ko gano'n ka rin sa kanya."

Pinunasan ko yung pisngi kong nababasa na naman ng luha. Automatic naman na niyakap niya ako. "P-pero kasi, 'di ba, nakakasama lang talaga ng loob. Hindi ba talaga sapat na nandito tayo? Hindi pa ba sapat na dahilan na nandito tayo para huwag siyang m-magpadalus-dalos? Sige nga, paano kung hindi natin siya naabutan? Paano kung nawala siya sa atin?"

"I told you before that she's impulsive." Sabi niya habang walang tigil sa paghagod sa likuran ko. "Nangyari na, eh. Let's just be thankful that she's alive and any moment from now ay magigising na siya."

"Pero walang nagbigay ng karapatan sa kanya na gawin 'yon sa sarili."

"Alam ko." Unti-unting naging shaky yung boses niya. "Alam ko."

"N-North. Jade."

Napahiwalay ako kay North. Napatingin ako kay Gail na kadarating lang at hinihingal pa. Tumango ako sa kanya biglang pagbati and gano'n rin naman siya.

"S-sorry, ngayon lang ako." Sabi nito bago huminga ng malalim. "K-kamusta na yung kapatid mo?"

Imbes na sumagot ay mabilis na yumakap si North sa kaibigan namin. Napatingin naman si Gail sa akin na parang hindi alam ang gagawin. I just mouthed to hug her. Nakakagaan sa pakiramdam 'yon.

Walang umiimik. Tanging iyak lang ni North ang naririnig ko. Tinuyo ko naman ang pisngi ko at umalis na. Kailangan nila ng privacy. Si Gail na ang bahalang magbigay ng comfort na hindi ko kayang ibigay sa oras na 'to.

Nakalabas na ako ng hospital pero wala naman akong balak umuwi. Dito lang ako tatambay para magpahangin. Mag-iisip.

Kapag nagising si South, magagawa ko pa rin ba siyang tingnan sa mata? Kaya ko pa rin ba siyang kausapin pagkatapos ng lahat?

Kasi sa totoo lang nakakapanghina talaga. Parang hindi ko siya kayang harapin pagkatapos ng nangyari.

Ngayon ko lang na-realize na nakakaawa na rin yung sarili ko. Nakakapagod. Nakakapagod din pala siyang intindihin. Nakakapagod din pala na paulit-ulit siyang intindihin tapos ganito pala yung mangyayari.

I love her. I love her so much.

Pero sobra na.

Mahal ko rin yung sarili ko kaya alam kong sobra na 'to. Masyado nang masakit.

Walang mangyayari kung ganito lang palagi. Hindi ko naman sinabing iiwan ko siya sa ere. Siyempre nandito pa rin ako para sa kanya. But maybe...

Siya na rin ang may sabi dati. It's not enough. At para sa akin hindi na healthy yung ganitong sitwasyon.

Mahirap mahalin yung taong hindi buo yung pagmamahal sa sarili. Kapag nagising siya, sana ma-realize niya kung ano yung mali niya at kung ano yung mas nararapat niyang gawin.

At ako...siguro dapat hindi na ako umasa.

Pagod na ako. Magpapahinga muna ako. Masyado nang drained yung utak ko pati puso ko sa lahat ng 'to.

Ayokong umabot sa point na maisumbat ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Ako ang may gawa nito, ako rin ang tatapos.

Maybe the love I have for her is always parallel. Even at the end, it will never meet.

Mahal ko siya. Gusto niya ako. Two different feelings.

_____

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.1M 52.2K 46
Cee lives her life hiding her true identity as a woman just to be accepted into the Seriantel family. She may be pretending as a man, but she is cert...
2.4M 78.6K 69
In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom...
673K 5.7K 12
Klinn promised himself he'd never fall for his fake girlfriend no matter what, until the changes in Cassy's behavior drove him crazy for her. But wha...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...