The Sweetest Escape

By endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Nine

7K 168 8
By endlesslaugh

Hannah

Oras na lumabas ang pangalan ni Shasta sa bibig ni Migs, I turned around pabalik sa barn. Hell no. Kahit ba ma-promote ako sa paglilinis ng dumi ng kabayo, mas pipiliin ko 'yon kesa mag-asikaso sa kanila. Baka kung ano pang gawain sa akin ni Shasta.

"Saan ka pupunta?" sigaw ni Migs.

Nilingon ko siya. "Dine-demote ko ang sarili ko. Babalik ako sa dati kong trabaho. Bye!"

"Natatakot ka lang kasi. Napapansin ko sa'yo iyon. Sa tuwing natatakot ka, tinatakasan mo. Iyon din ba ang dahilan kung bakit ka nandito? Anong tinatakasan mo sa Maynila, Hannah?" paghahamong tanong niya.

Napatigil ako sa mga salitang binitawan niya. Gusto kong suntukin si Migs hindi dahil sa ang kulit-kulit niya pero dahil sa tama siya. Paano niya nagawang i-figure out iyon gayong binaon ko ng maigi ang parte na iyon ng buhay ko. Masyado na ba akong obvious para mabasa niya ako na tila isa akong open book?

"Ano, Hannah?" sabi niya sa likod ko. "Tatakbo ka ngayon, nakikita ko sa postura mo na wala kang nais na gawin kundi lumayo dito. Takot ka ba kay Shasta? O takot ka sa akin?"

Madali kong isinara ang distansya sa pagitan namin at tumigil sa harap niya. Alam kong sobrang lapit ko sa kanya ngayon at halos maglapat na ang dibdib namin at dapat ay nagkakaroon na ako ng panic attack sa sobrang lapit ko sa kanya pero hindi ko iyon iniisip. Tinigasan ko ang loob ko pati na rin ang titig sa kanya. "Ulitin mo nga ang sinabi mo."

Inaasahan kong magba-back down siya pero pinantayan niya ako. "Duwag ka, Hannah."

Nagkamao ako at nakahandang manuntok. Kahit ba mas malaki siya sa akin, hindi ako uurong. Gusto kong bawiin niya lahat ng sinabi niya. "Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatang manghusga," sabi ko through clenched teeth.

Nanlambot ang tingin niya na tila may nakita siya sa akin noong panahong iyon. At yung nakita ko sa expression niya... hindi ko maipaliwanag pero nang bitawan niya ang matigas na tingin niya sa akin, parang gusto kong umiyak. Too bad hindi ko na alam kung pa'no gawin iyon.

"Tama ka. Hindi kita kilala. Pero Hannah, kilala mo ba ang sarili mo?"

"Oo," sagot ko. "Bata pa lang ako, ito na ako. At alam mo ba, Miguel? Hindi ako duwag. Kung naging duwag man ako, 'di sana wala ako dito." Kasinungalingan. Iyan ang ipinakain ko kay Migs dahil mahirap mang aminin, tama ang sinabi niya.

Natatakot ako. Natatakot na baka mamaya magising na siya sa isa sa mga mahahabang pahinga niya-yung mga araw na nandoon siya sa sariling mundo niya at inaabot siya ng ilang linggo baka bumalik sa realidad at maalala ako. Paano kung magising siya at matagpuang wala na ako? Hahanapin niya ba ako? Oo, iyan ang sagot. Dahil hangga't buhay pa ang isa sa amin, hindi ako makakawala. Ayokong isipin na hanggang sa ganitong pagtakas na lang ako. Ayokong isipin na mahahanap niya ako dito. Nagawa niya na once, magagawa niya uli. Sana kung maisip niya mang sundan ako sa Batangas ay wala na ako dito.

Gusto ko nang kumawala sa stare down namin pero natagpuan kong mahirap pala. At naging aware ako sa lapit namin sa isa't isa. Kung hindi pa gagawa ng komosyon si Shasta mula sa malaking puno sa dulo ng rancho ay hindi pa iaalis ni Migs ang tingin niya. Nang talikuran niya ako ay nagpakawala ako ng isang napakalaking hininga. Pumikit ako at humawak sa noo ko, nakatingin sa kalangitan. Pinapakalma ko ang sarili ko sa naging episode namin ni Migs. Kahit wala akong sinabing kahit anong magku-clue in sa mga nangyayari sa akin, pakiramdam ko I revealed too much.

Nang tumayo na ako ng tuwid, nakita ko si Migs na tinatanaw ako habang hinahaplos si Shasta. Nakikita kong gumagalaw ang bibig niya kaya alam kong kinakausap niya ang kabayo.

Naiwan naman akong nakabilad sa initan, nag-iisip ng choices ko. Pwede kong panindigan ang pagbalik ko sa paglilinis ng dumi o pwede akong sumunod kay Migs at matutong mag-alaga ng kabayo. Aaminin ko na gusto ko ang huling ideya. Kapag pinapanood ko kasi ang mga trabahador na ginagawa iyon, akala ko simpleng pagpag lang ng balahibo nila, pwede na. Pero ang dami nilang ginagawa para ma-groom ang hayop at hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.

Isa pa, yung komento kasi ni Migs na duwag ako ay hindi ko maialis sa utak ko. Gusto kong patunayan sa kanya na kahit nagsinungaling akong matapang ako at least maipapakita ko kay Migs na nagkakamali siya. I want to prove him wrong. Gusto kong kainin niya ang lahat ng sinabi niya.

Kaya before I knew it, naglalakad na ako papunta sa may puno ng mangga. Nag-iimagine lang ata ako pero I swear nakita kong nag-twitch ang labi ni Migs na tila pinipigilan niyang ngumiti. I glared at him habang nagko-cross arms.

Tinapik niya si Shasta sa may ilong. "Mabait naman si Shasta kapag mabait ka sa kanya. Kaso nga lang hindi siya nagpapahawak kung kani-kanino lang."

"Kanino lang siya nagpapaalaga?"

"Sa akin."

Hinihintay kong mag-enumerate pa siya pero iyon lang pala. "That's it? Sa'yo lang?"

Tumango siya. "Kabayo 'to ng Kakang Isko pero sa akin lang siya kumakalma. Pero hindi siya nagpapasakay kahit kanino. Kahit sa 'kin."

"Eh paano yung exercise niya? Diba kailangan niya no'n?" nag-aalala kong tanong.

"Iniiwan namin siya sa may bakod para magpatakbo-takbo doon," sagot niya patungkol doon sa riding pen kung saan, base sa pagkakaalam ko, ay nagbibigay sila ng riding lessons. Nang bitawan ni Migs si Shasta ay bigla itong nag-huff at pumadyak. Napaurong ako bigla, my heart racing fast. Lumalapit kasi siya sa akin. Buti na lang at bago pa siya tuluyang makalapit ay nahila na siya ng maikli niyang tali.

Nanatili akong nakatayo doon kasi baka mamaya kapag gumalaw ako ay maghuramentado siya bigla. Nakita ko kasi kung paano siya nagwala nung si Lolo ang nagha-handle sa kanya. Kahit nga huminga ay pinigilan kong gawin. Nakakainis naman 'to. Dalawang beses nang nangyari sa araw na ito ang mapatigil ako on the spot.

Nakaramdam ako ng movement sa likod ko. This time hindi na talaga ako humihinga. Ayokong may tao sa likod ko dahil iyon ang pinaka-vulnerable na estado para sa akin. Kapag nakatalikod ka kasi, hindi mo maaasahan ang mata mo na bantayan ka mula sa kung anong masamang nasa likod mo. You can never truly defend yourself because you wouldn't know what's coming after you. Ang magagawa mo lang ay to blindingly trust the person behind you. Sayang lang at wala akong pinagkakatiwalaan.

Kaya naman nang maramdaman ko ang mga kamay ni Migs sa balikat ko ay napatalon ako bigla, handa nang depensahan ang sarili ko. Pinisil niya naman ang balikat ko. "Relax. Pati kabayo matatakot sa'yo."

"Bitawan mo ako."

Imbis na sundin ako, hinaplos niya ang buong braso ko pababa hanggang hawakan niya ang mga kamay ko. Normally, sisigaw na ako. Nagulat nga ako sa naging reaksyon ko: goosebumps were forming on my skin. Ginabayan niya ang isa kong kamay at in-outstretch hanggang sa mahawakan ko ang nguso ni Shasta. Tinabig niya ito kaya agad kong binawi ang kamay ko pero pinigilan ni Migs.

"Ramdam kasi ni Shasta na natatakot ka. Pakalmahin mo muna ang sarili mo at titigan mo siya. Iparating mo sa tignin na iyon na hindi ka natatakot sa kanya," utos niya.

Paano ko papakalmahin ang sarili ko kung sobrang lapit niya sa akin? Pinikit ko ang mata ko at nag-concentrate. Hindi ko pinansin na sobrang sarap na halos nakayakap na sa akin si Migs. Hindi ko pinansin na nangingibabaw ang unique na amoy niya-woodsy, na amoy sabon na may hint ng amoy ng pawis. Hindi ko rin pinansin na ibinaba ko ang depensa ko enough to let him in.

Nang idinilat ko ang mga mata ko at hindi na ako nagulat na magka-eye-to-eye na kami ni Shasta. Sinunod ko ang payo ni Migs at hindi ko pinakawalan ang tingin sa kanya. Kusa ko na rin siyang nilapitan at hinaplos ang mukha niya mula sa ulo hanggang sa dulo ng nguso niya. Nang tingnan ko si Migs ay nag-thumbs up siya sa akin. "Kausapin mo rin. Kailangan mong kausapin para masanay sa boses mo."

"Anong sasabihin ko?"

"Kahit anong gusto mo. Kwentuhan mo ng horror story. Bahala ka," suhestiyon niya.

"Horror story," ulit ko. Nag-iisip ako, patuloy sa paghaplos kay Shasta at pagtingin sa ginagawa ni Migs kasi kinokolekta na niya ang mga materyal na gagamitin niya. "Okay. Once upon a time, may babaeng nagngangalang Hannah. Pumunta siya sa Batangas at nakilala niya si Migs."

Tumigil si Migs sa may pwetan ni Shasta. "Tapos?"

"Anong tapos?" tanong ko.

"Anong nangyari?"

"Nangyari saan?" Naguguluhan ako sa kanya. Ang daming tanong.

"Sa storya. Yung ending. Nakilala niya si Migs tapos ano?"

Bumitaw ako sa paghahaplos kay Shasta at nagpamewang. "Sabi mo horror story 'di ba? Nakilala niya si Migs. The end."

"Anong nakakatakot do'n? Babalik na naman ba tayo sa usapan natin kanina?" Biglang nagliwanag yung mukha niya at napatawa. "O teka, baka naman romance ito? Ang horror lang na parte ay yung natatakot kang umibig sa 'kin?"

Napasinghal agad ako. "Baka gusto mong gawing suspense thriller?" pagbabanta ko sa kanya na kunwari ay may hawak akong kutsilyo at isasaksak sa kanya.

Tumawa lang siya tapos pinalo si Shasta sa may puwetan. Nagulat ata siya sa ginawa ni Migs kasi bigla siyang tumayo gamit ang dalawang paa niya sa likod. Napaatras ako at sa sobrang pagmamadali medyo natapilok na rin. Hinayaan ko na lang na saluhin ako ng mainit na lupa. Parang nabawasan ng ten years ang life expectancy ko doon.

Pinapahinahon ni Migs si Shasta at matagal pa bago kumalma ito ng tuluyan. Ang hirap namang alagaan nitong kabayong 'to. Mas maarte pa sa mga waitress ng Nymph. Konting palo sa pwet, akala mo may masamang gagawin sa kanya. Nakaka-stress din pala. Ang sarap mag-back out.

"Makinig ka sa 'kin, Shasta," narinig kong sabi niya sa kabayo noong lumalapit na uli ako. Kumuha siya ng isang brush sa mga dala niyang materyales at iwinagayway iyon sa harap ng kabayo. Mukha siyang nanay na may hawak na tsinelas at nagsesermon sa anak. "Iyang si Hannah, 'wag kang maniniwala sa mga kwento niya. Ako na lang ang magkukwento."

"Huh, maganda 'to," sabi ko. Lumapit ako sa puno at napansing may nakatuping duyan na nakasabit sa sanga nito. Hinila ko iyon pababa at inupuan. "Ituloy."

"Once upon a time, may babaeng nagngangalang Hannah at pumunta siya sa Batangas. Doon niya nakilala si Migs. Nakita niya ang magiting na binata mula sa kalayuan, nakasakay sa kabayo at napaisip, Ito... ito ang magliligtas sa akin-"

"Ililigtas saan?" singit ko.

Naglagitik siya ng dila. "Excited ka eh. Makinig ka na lang diyan. Saan na ba ako? Ah, tagapagligtas... to be continued."

"To be continued," ulit ko.

"Itutuloy ko bukas. Ang hirap mag-imbento ng istorya. Tsaka dapat nagtatrabaho tayo. Paupo-upo ka na lang diyan. Halika nga dito, tuturuan kitang maglinis ng kabayo." Tumayo ako at tumigil sa tabi niya. Sa akin niya naman niya itinapat ang brush na hawak niya kanina. "Ang tawag dito ay curry comb."

Isa-isang itinuro sa akin ni Migs ang iba't ibang suklay na ginagamit sa katawan ng kabayo. Una mong gagamitin ang curry comb para matanggal ang pagkakadikit ng yung mga dirt, mud, at kung anu-ano pang nakadikit sa katawan nito. Tapos yung hard brush naman daw para matanggal permanently yung dumi na nakiskis ng curry comb. Last ay yung soft brush para malinis at mapolish yung coat ng kabayo.

"Basta 'wag mo lang gagamitin ito sa mukha nila. May wet sponge diyan para sa mukha," paalala niya. "Kapag naman maglilinis ka na, tandaan mong huwag kang titigil sa gitna ng legs nila. Baka isipin niya na predator ka. Masisipa ka ng wala sa oras. Lagi kang sa may gilid. Tsaka gaya ng sabi ko kanina, kausapin mo habang ginu-groom para alam niya kung nasaan ka. Ngayon, ganito ang paggamit ng brush."

Isa-isang ipinakita ni Migs kung paano ang motions na dapat gawin kapag nililinis mo. Ang hirap palang mag-alaga at mag-maintain ng kabayo. Mas pihikan pa sa tao.

Pagkatapos linisin ang balahibo ay nagsimula naman siya sa buntot nito. Kailangan din daw na sinusuklay ito. Alam kong dapat pinapanood ko ang demonstration niya sa pagsusuklay ng buntot pero nalihis ang tingin ko. Imbis na pakinggan kung paano hindi masisipa ng kabayo ay napatitig ako sa galaw ng muscles niya sa ilalim ng t-shirt niya.

Humalinghing si Shasta kaya naalis bigla ang tingin ko kay Migs. Buti na lang kasi saktong tumingin siya sa akin at nagtanong, "Nakuha mo ba?"

Tumango ako.

"Susunod, lilinisin yung daliri. Medyo mahirap 'to kaya making kang mabuti." Ibinalik niya ang hawak na brush sa lalagyan at kumuha ng isang instrument na ngayon ko lang nakita. Itinapat 'yon niya sa mukha ko. "Ang tawag dito ay hoof pick. Pangtanggal ng mga bato at putik sa ilalim ng paa ng kabayo kasi may sensitibong parte doon at nasasaktan sila. Haplusin mo lang ng ganito yung legs at kusa nang itataas ang paa niya." Ipinakita niya kung paano haplusin ang paa nito. Hahawakan mo lang mula binti hanggang paa. Natawa ako kasi nakakabilib kung paano nalaman ng tao ang trick na gano'n.

Inukit ni Migs lahat ng dumi sa ilalim ng paa ng kabayo. Ginawa niya iyon sa unang tatlong paa. Nang tumapat siya sa kanang paa sa likod ay inabot niya sa akin ang hoof pick.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Subukan mo." Tumalikod si Migs at kumuha ng tubig saka uminom. Napatingin ako sa leeg niya dahil gumalaw talaga yung Adam's apple niya habang nilulunok ang tubig.

Kanina pa ako nadi-distract. Hindi na ata healthy ang kondisyon ko. Nag-concentrate na ako sa nakaatas sa akin at pumwesto sa likod ni Shasta. Tinitigan ko lang yung paa na lilinisin ko kasi parang nakakatakot iangat yung paa niya.

Doon ko na-realize na hindi pa ako handa sa pinapagawa niya. Sa iba kasi nakatuon ang pansin ko noong tinuturuan niya ako. Tatawagin ko dapat si Migs para sa kanya ko na lang ipapagawa ang inutos niya pero bumara ang pangalan niya sa lalamunan ko.

At napatitig muli ako.

Nagtatanggal kasi ng pantaas si Migs at hindi ko mapigilang mamangha. Yung kanina kong ini-imagine na galaw ng muscles niya ay hindi na imagination ngayon. At di hamak na mas maganda pa iyon sa in-imagine ko.

Huli na nang ma-realize ko ang pagkakamali ko. Maya-maya lang ay naglilikot na si Shasta at gumagawa ng ilang panicky na tunog tapos hindi ko na alam kung anong nangyari. Everything went black.

Continue Reading

You'll Also Like

334K 4.8K 23
Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas Española at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalawang taong sinubukang mamuhay nang matiwa...
9.5K 750 37
Few years had passed since the last time we met and I wouldn't ever forget the man I have been with for five days but stuck in my head months and yea...
84.2K 1.9K 53
Dark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so comp...
123K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...