Short Stories

By kaizlerSKIE

49.9K 804 44

short stories you want>? find it here. genre? -horror? -romance? -tragic? -etc try reading one.and you'll... More

relate ka
a sad story
gf and bf
tragic
teaser
wahhh!! SAD :'(
Bakit Tawa ng Tawa ang Bungisngis?
nasa bahay
si manang Itok
Lalakeng naka barong tagalog at naka-Itim na pantalo
Impostor ni Lola
Ang Albularyo
Hilot sa San Pedro
Kalabog sa Kuwarto
Gabi ng Lagim
Kaibigang Freelancer
Kababalaghan sa Gubat
Canyoneering
Batong Puti
Anino Sa Rooftop
Lumang Elevator
Punong Duhat
Bagong Nobyo
Make-up Artist
Babae sa Akasya
Malaking Aso sa Kalye
Lalaki sa San Roque Village
Bed Spacer
Lumang Double Deck
kaizler zion sandoval
Babysitter ni Ikoy
Si Aleng Dolores
a night to remember
Dahil sa CELLPHONE
KANTO
crush
SAD LOVE STORY
Kung Ako Na Lang Sana
True Love
tiwala
sweet convo
babaero
kapal
pag kaiba
joke time?
bestfriend
tight and cried
How you got HIV, my love?
The First Love
Our first kiss
kuntento
Till the day i die
Fake Smile and a Heartbeat
Kaibigan. Ka-ibigan.
Friendzone, Uto-uto at Oportunista
Deconstructing Kindness
pulubi
The Enchantress
in hogwarts school of witchcraft and wizardry.
pLs giVe mE cC
Ode to the Dallas View
Red Skies
try reading all
ibang position
buntis ako
ref
papaya
internet
toothpaste
HIGHSCHOOL LIFE
kaizler zion
NASA HULI ANG PAGSISISIšŸ˜¢
"PANANDALIAN"
PANGARAP O PAGIBIG
"PUTULAN NA YAN"
"THE PRODIGAL SON"
"KINABET-KABET"
tanong>?
"BITIW"
ldr
"LIGAW"
SI MARIANG MAPANGARAPIN
accounts

Tito Emilio

493 6 0
By kaizlerSKIE


Tito Emilio

Abril. Bakasyon naming mga mag-aaral ng Elementarya sa baryo ng Santo Domingo. Walang pasok kaya masayang masaya kaming magpipinsan ng malaman naming magbabakasyon sa aming lugar ang kapatid ng Lolo namin at ang pamilya nito.

Halos sampung taon na ring hindi namin nakita ang aming mga Tito at Tita sa kadahilanang sa Mindanao ang mga ito nakatira. Ayon kina Mama, may mga anak na rin daw ang mga ito kaya mas lalo kaming nanabik sa mga bago naming makakalaro.

Biyernes ng umaga ay sinundo na nila Papa sina Lolo Berting na kapatid ng Lolo namin sa bayan. Ang aga naming nagising na magpipinsan para hindi namin makaligtaan ang kanilang pagdating.


Halos magka-pista sa malaking bahay nina Lolo dahil sa napakasayang selebrasyon na naganap ng dumating ang mga bisitang taga-Mindanao kinahapunan. Ang mga matatanda ay masayang nagku-kwentuhan at nagtatawanan habang may konting inuming alak sa lamesang kanilang napapalibutan. Samantalang kaming mga bata naman ay walang kapagurang nagtatakbo at naghaharutan.

Alas-syete at wala na ang araw ng magkaayaang maghapunan ang lahat. Napakasaya ng mga naging kaganapan dahil ang lahat ay nakapaikot sa isang sinadyang ipagawang mahabang hapag kainan. Kahit puro gasera lang ang gamit, makikita mo parin ang kasiyahan sa mukha ng bawat isa. Puring-puri ng mga taga-Mindanao ang adobong baboy at kalderetang kambing na niluto ni Mama at Lola Sonia.

Sa haba ng tawanan, halos walang nakapansin na alas-diyes na pala ng gabi. Napatigil lang ang lahat ng biglang sumigaw ng napakalakas si Tito Emilio.

"Nayyy!!!!" Ubod lakas na sigaw nito kay Lola Konsing kasabay ng pagkapatay ng ilang ilawang de-gaas.

Lahat kami ay napatingin kay Lola Konsing. Nagtatakang napatanong si Papa kung anong nangyari dahil mukhang wala namang problema si Lola Konsing.

Pagtingin ko kay Tito Emilio, doon na nagsimula ang gabi ng lagim na bumalot sa buo naming pamilya.

Kasabay ng biglaang paglakas ng ihip ng malamig na hangin sa buong kabahayan, naging malikot na si Tito Emilio sa kanyang kinauupuan. Likot na hindi mapakali na parang may kinakatakutan habang nagtuturo sa isang sulok ng bubungan na malapit sa may pintuan.

Nakaramdam na ng pagkataranta ang lahat. Nagsitayuan ang mga nakaupong malapit sa pwesto ni Tito Emilio. May kumuha din ng flashlight at may nag-ipon sa aming mga bata.

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Tito Emilio na umabot sa puntong hinahawakan na siya ni Papa at ng isa pang Tito namin. Takot na takot si Tito Emilio na nakatingin at nagtuturo sa may bubungan na malapit pa rin sa pintuan. Sa tuwing papasadahan naman ng flashlight ang bubong, wala naman kaming nakikita.

"Nay, tulungan mo ako! Nandito sila!" Takot na takot si Tito Emilio.

Nagsimula ng mag-iyakan ang mga Tita kong kinikilabutan sa nangyayari kasama ng iba kong pinsan na maliliit. Halos lumilinaw na sa kaisipan ng lahat na maligno ang nagpapakita kay Tito Emilio.

Inilabas ni Lola Konsing ang baon nitong bibliya. Nagpupunit sya ng ilang pahina habang patungo kina Tito Emilio. Humingi ito ng tulong kay Lolo Berting para gawing sinturon ang mga pinunit na pahina.

Habang ginagawa nila ang sinturon, naglulundag na sa takot si Tito na para bang papalapit na sa kanya ang maligno mula sa bubungan. Pawisan na din sina Papa sa kakahawak at kakapigil dito.

Nang akma ng ipupulupot ni Lola Konsing ang ginawang sinturon, biglang umangat at lumutang ang isang gasera sa harapan ni Tito Emilio. Nagsigawan na ang lahat at malakas na rin ang aking iyak sa sobrang takot.

Ilang segundo itong lumutang bago bumagsak ng napakalakas sa lamesa at lumikha ng malaking apoy.

Kasabay ng malakas na sigawan ng lahat at pagtakbo ng karamihan, nakawala si Tito Emilio at tumakbo palabas ng bahay diretso papasok sa gubat na puno ng kakahuyan.

Halos mahimatay na ang lahat sa dami ng kaguluhan. May naghahanap ng tubig, may sumisigaw na sundan si Tito Emilio, may naghahanap ng anak. Malakas na rin ang iyakan.

Ilang sandali pa matapos maapula ang nagkalat na apoy ay nag desisyon na sina Papa na sundan si Tito Emilio sa kakahuyan.

Sa kasamaang palad, pagkalipas ng ilang oras ay bumalik sina Papa na hindi kasama si Tito Emilio. Iyak ng iyak si Lola Konsing at mga anak nito. Inutos nito na ang mga anak nya naman ang maghanap sa gubat.

Mag-a-alas tres na ng tuluyang maging kalmado ang lahat bagama't hindi pa nakakabalik ang mga anak ni Lola Konsing.

Napagkasunduan na ring patulugin kaming mga bata.

Nang papalabas na kami ni Mama sa pintuan patungo sa kabilang bahay namin, hindi ko maiwasang huling sulyapan ang sulok ng bubungan na itinuturo at kinakatakutan ni Tito Emilio. Sa hindi inaasahang masasaksihan, nandoon si Tito Emilio, nakadikit sa bubungan at nakangiti sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

360K 13.1K 44
Rival Series 1 -Completed-
3.4M 129K 150
Millaray
7.4M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
49.5K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...