Short Stories

By kaizlerSKIE

49.9K 804 44

short stories you want>? find it here. genre? -horror? -romance? -tragic? -etc try reading one.and you'll... More

relate ka
a sad story
gf and bf
tragic
teaser
wahhh!! SAD :'(
Bakit Tawa ng Tawa ang Bungisngis?
nasa bahay
si manang Itok
Lalakeng naka barong tagalog at naka-Itim na pantalo
Impostor ni Lola
Ang Albularyo
Hilot sa San Pedro
Kalabog sa Kuwarto
Gabi ng Lagim
Kababalaghan sa Gubat
Canyoneering
Batong Puti
Anino Sa Rooftop
Lumang Elevator
Tito Emilio
Punong Duhat
Bagong Nobyo
Make-up Artist
Babae sa Akasya
Malaking Aso sa Kalye
Lalaki sa San Roque Village
Bed Spacer
Lumang Double Deck
kaizler zion sandoval
Babysitter ni Ikoy
Si Aleng Dolores
a night to remember
Dahil sa CELLPHONE
KANTO
crush
SAD LOVE STORY
Kung Ako Na Lang Sana
True Love
tiwala
sweet convo
babaero
kapal
pag kaiba
joke time?
bestfriend
tight and cried
How you got HIV, my love?
The First Love
Our first kiss
kuntento
Till the day i die
Fake Smile and a Heartbeat
Kaibigan. Ka-ibigan.
Friendzone, Uto-uto at Oportunista
Deconstructing Kindness
pulubi
The Enchantress
in hogwarts school of witchcraft and wizardry.
pLs giVe mE cC
Ode to the Dallas View
Red Skies
try reading all
ibang position
buntis ako
ref
papaya
internet
toothpaste
HIGHSCHOOL LIFE
kaizler zion
NASA HULI ANG PAGSISISI😢
"PANANDALIAN"
PANGARAP O PAGIBIG
"PUTULAN NA YAN"
"THE PRODIGAL SON"
"KINABET-KABET"
tanong>?
"BITIW"
ldr
"LIGAW"
SI MARIANG MAPANGARAPIN
accounts

Kaibigang Freelancer

685 5 0
By kaizlerSKIE


Kaibigang Freelancer

Araw ng Sabado noon, pahinga ko sa trabaho bilang isang web designer sa isang Creative Company sa Makati. Halos ika-dalawang taon ko na ito sa kompanya. At dahil marami na rin akong mga nagawang personal design artworks na naka-upload online, nakakakuha ako ng mga local clients.

Isang linggo palang ako sa unit na bago kong nilipatan at niri-rentahan sa Cubao. Medyo naninibago pa ako dahil ako lang ang nakatira sa buong unit na iyon. Pero dahil hindi naman ako matatakutin, balewala lang sa akin ang mga kwentong multo kagaya ng kapag nabakante daw ang isang lugar o tahanan, tinitirahan ng mga maligno.

Pagkatapos maghapunan sa isang kainan sa baba ng building, inihanda ko na ang mga gagamitin ko sa pagbuo ng website design – papel at lapis para sa layouting, printed na instructions galing sa kliyente, mainit na kape, bottled water, at kung ano-ano pa para tuloy-tuloy ang trabaho.


Masakit sa mata kapag masyadong maliwanag ang mga fluorescent lights. Kaya pinatay ko ang ilaw sa sala at binuksan ang nasa banyo. Habang ino-on ko ang mac, halos panawan ako ng ulirat ng makita kong may anino ng taong nakatayo sa aking likuran. Dali-dali akong lumingon at kabadong kinompirma ito. Napabuntong-hininga ako ng wala akong makita.

Posibleng namamalikmata lang ako. Pero para sa kasiguraduhan, binuksan ko nalang ang ilaw sa sala at pinatay ang nasa banyo.

Matapos ang isang set ng mga kanta mula sa Spotify, nakalimutan ko ang anino kanina na halos nagpahimatay sa akin.

Natapos ko na rin ang mga unang sections ng website – hero banner at services part. Maya-maya, nakaramdam ako ng pagka-ihi.

Uminom muna ako ng kape at dali daling nagtungo ng banyo para umihi. Binuksan ko ang ilaw at pagkatapos umihi, binuksan ko rin ang bintana ng banyo at nagsindi ng sigarilyo. Umabot ako sa tatlong posporo bago ko nasindihan ang Marlboro. Para bang may sadyang pumapatay ng apoy nito. Kinilabutan ako sa isiping iyon, naalala ko ang anino sa repleksyon ng monitor kanina lamang. Mabilis na isinara ko ang bintana at lumabas ng banyo.

Laking gulat ko ng maupo ako sa harap ng mac dahil sira-sira na ang designs ko. Nagkalat ang mga icons at images. Iba-ibang copy na din ang nakalagay.

Hindi ko lubos maisip kung ano ang nangyari kung bakit nagka-ganoon. Imposible naman gumalaw ng kusa ang mouse o ang keyboard. Pinaghalong kaba at galit ang naramdaman ko. Takot na baka nga minumulto ako at galit dahil sayang ang pagod ko sa paggawa ng design.

Ini-restart ko ang mac. Naisip kong ulitin nalang lahat total may ideya naman na ako kung paano siya ilalatag.

Pagpatay ng monitor, napasigaw ako sa takot ng makita ko na naman ang anino sa repleksyon. Halos mawalan ako ng malay ng makita ko ang hitsura nito. Maligno. Maitim ang muka na para bang naligo ng grasa.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Naiiyak na ako sa takot. Ayokong lumingon dahil baka nga nandoon talaga ang maligno. Dahan dahan nalang akong tumayo at mabagal na naglakad papuntang kuwarto.

Ramdam na ramdam ko ang mainit na likido na tumatagas sa aking boxing short habang ako'y naglalakad. Dala ng sobrang takot.

Pagdating sa kuwarto, hindi na ako lumingon. Isinara ko kaagad ito, ini-lock at hinanap ang aking cellphone. Nasa isip ko ang magtawag ng kahit sino para papuntahin sa unit.

Napaluha ako sa saya ng makita ko ang aking cellphone sa mesa na nasa gitna ng kabinet, naka-charge. Dali-dali ko itong kinuha at nag-dial ng numero. Numero ng admin ng building.

Habang nagri-ring ang aking cellphone, iginagala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Sobra akong nababahala na baka nasa loob na din ang maligno.

Pagharap ko sa salamin sa ginta ng dalawang kabinet. Isang ma-grasang maligno ang aking nakita sa aking likuran, nakabukas ang mga kamay nito at niyakap ako. Nawalan ako ng lakas habang nararamdaman ko ang kanyang malamig na hininga sa aking batok.

Continue Reading

You'll Also Like

146K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
403K 611 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
1.8M 72.5K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...