Short Stories

By kaizlerSKIE

49.9K 804 44

short stories you want>? find it here. genre? -horror? -romance? -tragic? -etc try reading one.and you'll... More

relate ka
a sad story
gf and bf
tragic
teaser
wahhh!! SAD :'(
Bakit Tawa ng Tawa ang Bungisngis?
nasa bahay
si manang Itok
Lalakeng naka barong tagalog at naka-Itim na pantalo
Impostor ni Lola
Ang Albularyo
Kalabog sa Kuwarto
Gabi ng Lagim
Kaibigang Freelancer
Kababalaghan sa Gubat
Canyoneering
Batong Puti
Anino Sa Rooftop
Lumang Elevator
Tito Emilio
Punong Duhat
Bagong Nobyo
Make-up Artist
Babae sa Akasya
Malaking Aso sa Kalye
Lalaki sa San Roque Village
Bed Spacer
Lumang Double Deck
kaizler zion sandoval
Babysitter ni Ikoy
Si Aleng Dolores
a night to remember
Dahil sa CELLPHONE
KANTO
crush
SAD LOVE STORY
Kung Ako Na Lang Sana
True Love
tiwala
sweet convo
babaero
kapal
pag kaiba
joke time?
bestfriend
tight and cried
How you got HIV, my love?
The First Love
Our first kiss
kuntento
Till the day i die
Fake Smile and a Heartbeat
Kaibigan. Ka-ibigan.
Friendzone, Uto-uto at Oportunista
Deconstructing Kindness
pulubi
The Enchantress
in hogwarts school of witchcraft and wizardry.
pLs giVe mE cC
Ode to the Dallas View
Red Skies
try reading all
ibang position
buntis ako
ref
papaya
internet
toothpaste
HIGHSCHOOL LIFE
kaizler zion
NASA HULI ANG PAGSISISIšŸ˜¢
"PANANDALIAN"
PANGARAP O PAGIBIG
"PUTULAN NA YAN"
"THE PRODIGAL SON"
"KINABET-KABET"
tanong>?
"BITIW"
ldr
"LIGAW"
SI MARIANG MAPANGARAPIN
accounts

Hilot sa San Pedro

855 9 0
By kaizlerSKIE


Hilot sa San Pedro

Sa baryo ng San Pedro sina Ambo at Jenny lumipat. Sa alitan ni Ambo at ng ama nitong si Mang Nardo, napilitang mag-alsa balutan ang dalawa lalo pa't buwan na ng kapanganakan ni Jenny.

Hindi matiis ng mag asawa, lalo na ni Ambo ang paninita ng ama sa lahat ng kanilang ginagawang mag-asawa. Lahat ay may katumbas na panunumbat.

Hiyang hiya ito sa asawa kaya hindi na sila nagdalawang isip pa nang mag-alok ng pansamantalang tirahan ang kaibigan nitong si Berto sa kabilang baryo ng San Pedro.

Unang linggo ng mag-asawa, lubos na kasiyahan ang naramdaman ng dalawa. Mababait ang mga tao, palakaibigan lalo na ang pamilya ni Berto. Kahit kalat-kalat ang mga bahay, nababatid nilang nagkakasundo ang mga tao. Nagkaroon din ng trabaho agad si Ambo bilang taga-gawa sa konstruksyon sa bayan. Ayaw man ni Jenny dahil naiiwan syang mag-isa sa araw, subalit kailangan nilang kumita ng pera.


Isang gabi, alalang-alala si Jenny dahil hindi pa nakakauwi si Ambo. Alas-otso na ng magpasya ang buntis na puntahan ang bahay nina Berto na di naman kalayuan sa kanila para mag-usisa.

Nagkaroon daw ng biglaang pagpupulong sa grupo nina Ambo at Berto. Pumalya ang plano ng lider kung kaya't kailangan nila ng agarang plano para sa solusyon.

Saktong nakabalik na ng bahay si Jenny ng makaramdam ng pananakit ng tiyan. Sa isiping gutom lang ito sa kahihintay kay Ambo, dumalo ito sa hapag kainan at kumain.

Makalipas ang kalahating oras, sumakit na naman ang kanyang tiyan. Doon niya natiyak na manganganak na siya sa gabing iyon.

Dali dali siyang sumigaw ng tulong sa mga magulang ni Berto na kanyang labis na ikinagulat dahil nasa labas na ang mga ito. Ramdam siguro nilang manganganak na ang babae. Lalo namang sumakit ang kanyang tiyan ng pumasok ang dalawang magulang ni Berto sa loob ng bahay.

Mabilisang naghanda ang ina ni Berto ng mga gamit pampaanak samantalang ang asawa naman nito ay madaling tumakbo para tawagin ang hilot sa kanilang baryo. Ayon sa matandang babae, kilala daw itong magaling magpaanak.

Halos di mawari ni Jenny kung ano ang kanyang gagawin sa sobrang sakit ng kanyang tiyan. Agapay naman ang ina ni Berto sa kanya na hindi matukoy ang itsura kung kalmado ba o kinakabahan din.

Kalahating oras pa ang lumipas ng dumating ang ama ni Berto kasama ang isang matandang babaeng naka-damit ng lumang puting bestida. Mahaba ang buhok nito at may kataliman ang mga mata kung tumingin.

"Unang sanggol mo?", tanong nito kay Jenny na tinanguhan lamang niya. Noon niya lang napagtanto ang maitim at mapulang bibig nito, siguro'y dahil sa pagnga-nganga.

Pumasok ang dalawa pang babaeng alalay ng hilot at naghanda para sa pagpapa-anak. Maraming mga boteng may lamang kung ano-ano ang inilabas ng mga ito. Meron pang krus na nakapagtataka.

Pumuwesto na ang hilot sa unahan ni Jenny samantalang nasa magkabilaang tabi nito ang dalawang alalay. Hawak naman siya sa ulo ng ina ni Berto samantalang ang asawa nito ay nakatingin lamang sa kanila. Nagmamasid at naghihintay.

Patindi ng patindi ang nararamdamang sakit ni Jenny habang umi-ire. Naluluha siya sa isiping hindi niya kasama si Ambo sa mga oras na iyon.

Sa tagal ng kanyang paghihirap, halos nanlalabo na ang kanyang paningin. Habang patuloy syang umi-ire, pakiramdam nya'y umiinit at lumalansa ang kapaligiran. Napapansin nya ring humahapdi ang bawat haplos ng kamay ng hilot sa kanyang kasarian. Wari ba'y tinutusok ito ng mga matutulis na kuko.

Ubod lakas na si Jenny sa pagtutulak sa kanyang tiyan, tagaktak na rin ang kanyang luha at pawis. Kasabay ng paglabas ng sanggol mula sa kanyang sinapupunan, biglang lumamlam ang sindi ng mga gasera.

Kahit hinang-hina siya, kitang kita ni Jenny ang abot tengang ngiti ng ama ni Berto. Subalit hindi ito ang magpagimbal sa kanya.

Sa kanyang unahan, unti-unting nag-iba ang anyo ng manghihilot. Humaba ang mga pangil at tenga nito. Naglalaway itong nakatitig sa bagong silang na sanggol. Ilang minuto pa ay bumukas ang pakpak nitong napakalaki.

Napaiyak si Jenny sa sobrang takot at sa sobrang awa sa sarili dahil wala siyang kayang gawin. Hinang hina na sya at nanlalabo pa ang paningin. Hindi niya rin naramdamang nagulat ang iba pang taong naroon sa loob bagkus ay nakangiti ang mga ito.

Umiyak ng napakalakas ang sanggol na siyang ikina-bungisngis ng halimaw na may malaking pakpak na may hawak nito. Maya maya pa'y may pumasok na iba pang tao sa loob ng bahay. Gutom na gutom at naglalaway ang mga itsura nito.

Walang nagawa si Jenny ng makita nyang pinaghati-hatiang kainin ng mga aswang ang kanyang bagong silang na sanggol. Matapos maubos ito, ay siya naman ang pinagtulungan.

Continue Reading

You'll Also Like

362K 13.1K 44
Rival Series 1 -Completed-
14.6K 608 37
Siya ay isang normal na babae, isang pulis na ang palaging nais ay hustisya at kapayapaan... Ngunit paano kung mapunta siya sa isang lugar na hindi...
7.4M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes