Mad Hatter

Oleh hrxshyx

2.6K 408 232

(UNDER MAJOR EDITING.) "Have I gone mad?" I asked her. "Yes, but let me tell you a secret, all the best peopl... Lebih Banyak

M A D H A T T E R
T W O: Head Start
T H R E E: Maze
F O U R: Blue Catterpillar
F I V E: Wake Up
S I X: Strangers
S E V E N: Devil in the Pool
E I G H T: Lurking Ghost
N I N E: Past
T E N: Finally
E L E V E N: One of Them
T W E L V E: Dinner Date
T H I R T E E N: Chase
F O U R T E E N: Home
F I F T E E N : The Feast
S I X T E E N : Downfall
S E V E N T E E N : Shelter
E I G H T E E N : Long Night
N I N E T E E N : Don't Breathe
T W E N T Y: Arzillan
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y O N E
T W E N T Y T W O
T W E N T Y T H R E E
T W E N T Y F O U R
T W E N T Y F I V E
----
TWENTY SIX
T W E N T Y S E V E N
T W E N T Y E I G H T
T W E N T Y N I N E

O N E : The Internship

766 26 43
Oleh hrxshyx

CHAPTER ONE:
The Internship

Zch's POV

"Welcome, welcome interns, welcome to WKAS Corporation." A lady with weird red fuzzy hair spoke through the microphone.

Hindi ko malaman kung anong trip nya sa suot nyang ball gown na puti at punong puno ng mga pusong kulay pula. Inikot ko ang paningin ko sa kabuoan ng lugar, napakalawak. Puti ang lahat ng pader, kahit mga kurtina nito ay puti din, kaya't agaw pansin ang babae sa harap namin ngayon. Nakatayo siya sa isang entablado kung saan may isang mahabang lamesa sa likuran niya kung saan may mga nakaupong mga taong halata sa mga suot nila na may mataas na katungkulan.

"You know exactly why you are here am I right?" Tanong nya sa amin, kakaiba ng boses niya, masyadong matinis, masakit sa tenga. Mapapansin din ang nakakakilabot na ngiti niya. Pulang-pula ang mga labi niya dahil sa gamit niyang lipstick.

Ang tawa nya na yata ang isa sa nga tawang nakakatakot and at the same time nakakaasar at nakakainis. Dahil na rin sa mikroponong gamit niya, umalingaw-ngaw ang tawa niya sa buong lugar.

Ang mga mata nyang kulay itim ay nakatuon sa kabuoan ng lugar, iginagala niya ito sa amin habang siya ay nagsasalita, iniintay kung mayroon siyang matatanggap na response mula sa amin, ngunit wala.

Katahimikan.

Tahimik lang ang lahat, kahit palakpakan ay walang maririnig.

Nakatunog naman siguro siya na walang may balak sumagot sa amin kaya't ipinagpatuloy na niya ang kanyang speech.

"So ngayon, kailangan na namin kayong igrupo para... matapos na 'to at makapagsimula na tayo" sabi nya, ang mga ngiti sa kanyang labi ay hindi man lang nawala. May lumapit sa kanya na lalake na nakaputing suit at ibinigay ang kulay pulang envelope. Laman siguro nito ang mga grupo namin.

Halos mapuno ng tao ang lugar na ito, lahat kami ay nakaupo sa pabilog na lamesa. Lahat kami ay kabado, umaasa na sana kami ay mapili.

"Jayden Santos, together with Millie Reyes, and Gordon Bill, you'll be with Dr. Simons here" sambit niya. Agad tumayo ang tatlong tinawag niya. Bakas sa mukha nila ang saya. Sinundo sila ng dalawang lalaking nakaputing suit at pinapwesto sa nakahiwalay na mga lamesa kung saan nagiintay ang isang lalaki, kung hindi ako nagkakamali ay si Dr. Simons.

"Erick Gonzaga, David Alvarez at Monica De Belen, you'll be with Mr. Benson" tawag niya muli at kagaya ng nauna, sila ay sinundo at inihatid sa mga lamesang nakahiwalay sa amin.

Marami pa kaming umaasa at nagiintay na sana dumating na yung na maibibigay sa amin ang pagkakataon na makapagtrabaho sa pinakamalaki at maimpluwensyang laboratoryo sa Pilipinas.

"Alice Finlay, Charle Fernandez and Myxzch Montes, you'll be with Professor Jensen." Napangiti naman ako noong narinig ko ang pangalan ko. Agad akong tumayo at sinundan ang mga lalaking nakaputing suit patungo sa mga naunang intern na natawag.

Naupo kaming tatlo kung saan nagiintay samin si Professor Jensen. Nakatuon lamang ang antensyon niya sa harap, sa nagsasalitang babae. Tuloy pa rin siya sa pagbigkas ng mga pangalan.

Si Alice Finlay at si Charle Fernandez, nakaupo sila sa lamesang kinauupuan ko, halatang mga may malalaking kumpayansa sa sarili ang dalawa.

Si Alice ay may mahabang buhok na kulay itim, hindi ko gaano maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin, medyo payat siya at matangkad. Si Charle naman ay may kulay brown na buhok, masyadong dark ang pagkabrown nito kaya't hindi mo masyadong mahahalata, may kahabaan ang buhok niya na kulot. Isa sa pinakahinangaan ko sa kaniya ay ang kulay ng kaniyang mata. Kulay lumot ito.

Napaiwas naman ako ng tingin ng mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya, hindi niya na lang ako pinansin at patuloy na nakinig sa nagsasalita sa harap.

Ilang sandali pa ay nagsabi na ang babae ng mga katagang, "That'll be all for this year's internship, sa mga hindi pinalad na makapasok, better luck next time." tumawa siya, hindi ko alam kung ako lang ang kinikilabutan sa pagtawa niya.

"May the best of lucks be in your favor." sabi nya at ibinababa ang mic. Sinundo sya ng mga guard na nakaputi at mga nakatakip ang mukha at bumaba ng entablado, bumaba na rin ang mga lalaking nakaupo sa likod niya at sabay-sabay silang umalis sa hall.

Tumayo bigla si Professor Jensen, kaya't natuon ang pansin namin sa kaniya. Sa tingin ko ay nasa 40's na siya, mayroon siyang mahabang buhok na kulay gray na maayos na nakatali sa may likuran niya. Makisig din ang tindig niya sa kanyang itim na suit.

"Sumunod kayo sa akin" wika niya. Sumunod kami sa kanya, naglakad kami ng pagkakalayo at nakadaan sa napakahabang hallway, wala akong makita kundi ang mga puting dingding at mga taong pawang nakaputi rin.

Nakarating kami sa tapat ng isang malaking bakal na pinto. Pumasok kami dito at bumungad samin ang malabahay na lugar. May malawak itong salas, kumpleto ito sa gamit. Puti pa din ang lahat dito.

"Welcome to the faction, this room right here will be our headquarters." pagpapaliwanag niya sa amin. Umupo siya sa upuang nasa harap ng isang lamesa. Pinaupo niya kaming tatlo sa sofa na nasa harapan niya.

"So, introduce yourselves please."

Agad na nagsalita si Charle."I'm Charle Fernandez." taas noo nyang sabi sa amin at sa propesor na aming kasama. Halata sa aura niya na masyado siyang bilib at proud sa kakayanan niya. Isang mapapansin mo sa kaniya ay ang kakaibang ngiti na meron siya. Ngiti na para bang may kahulugan.


Sumunod na nagsalita ay si Alice, ang babaeng may puting buhok. Ngayon lang ako magkaroon ng pagkakataon para makita ang kabuoan ng mukha niya. Maganda siya, may mapungay na mata at ang ngiti niya ay kakaiba kay Charle, ang sa kaniya ay puno ng sinseridad.

"Im Vialice Finlay, Via or Alice na lang for short."

Masyado ata akong nawili sa pagoobserba sa kanila at hindi ko namalayan na tapos na pala silang dalawa magpakilala.

"And you Mister?" Tanong sa akin ng Propesor. Lahat sila'y nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko alam ang aking gagawin, napakamot na lang ako sa batok ko. Hindi ako magaling sa paghahalubilo sa tao, mas gusto kong manood at magobserba sa malayo.

"Uh, ako si.. ano uhmm Myxzch Montes, zch na lang." maikling pagpapakilala ko.

"Interesting, now I will be straight to the point, do you really now what are you doing here? Alam nyo ba kung ano ang pinapasok nyo?" Tanong ni Jensen.


"Opo sir" sagot naming tatlo ng sabay-sabay.


"Charle, what can we benefit from you?" Jensen asked.

"Well sir, I can be the brain. Maasahan niyo ko sa pagpaplano at strategy. I am never a fan of fighting really, ayokong madumihan ang kamay ko, kaya lahat ng kilos ko, lahat planado." Mapapansin ang medyo kayabangan sa boses niya pero siguro nga'y talagang magaling siya. Tumingin si Charle sa akin at ngumisi, para bang nanghahamon.

"Alright, as expected of the top scholar and student ng Maharlika" sagot ni Jensen.

Maharlika? 'Yun na ata ang pinakamataas sa mataas na unibersidad dito sa Pilipinas, tapos top student pa siya? Idinako ni Jensen ang kaniyang mata kay Alice, "Ikaw, Alice?"

"Well unlike him, I am ready to put dirt on my hands sir. I am pretty confident sa fighting skills ko." sagot ni Alice, hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Paanong ang babaeng ito ay kayang lumaban?

Hmm, I guess mali ako sa pagu-underestimate sa mga babae. May itinatago pala silang lakas.

"Oh, napakaswerte naman ng Faction kong ito have the most paid agent eh, Ms. Finlay?" Tanong ni Jensen na ngiting-ngiti.

Wow. Most paid agent?

"Thank you sir, I owe this lab everything kaya it's payback time" sagot ni Alice and Jensen nodded.

"How about you Myxzch?" Tanong ng propesor sa akin.

Shit.

Kumpara sa dalawa, wala akong pwedeng ipagmalaki. Ang meron lang ako ay ang konting kaalaman ko pagdating sa mga computer.

"Ah, actually sir, hindi ko po alam, pero siguro pwede n'yo ako asahan sa computers or any sort of technology, I guess." bulong ko.

"Computer freak." bulong at pangaasar ni Charle sakin sabay ngisi.

"Hacking huh?" Asked Alice, showing a hint of excitement on her eyes.

"Parang ganun na nga" sagot ko at ngumiti.

Nagsimula muling magsalita si Jensen kaya't itinuon na namin ang aming atensyon sa kaniya.
"

Okay so, kumpleto pala ang faction na ito." Jensen stated. Tumango kami as sign of agreement, at the same time, understanding na din.

"So, you three are still and just interns, to be able to get the job, we should be on top" Pagpapaliwanag niya sa amin. Well totoo naman, isang faction lang ang mananalo at ang mananalong iyon ay ang mabibigyan ng oportunidad upang makapagtrabaho sa WKAS.

"So kailangan naming ipaglaban yung trabaho? Ganun?" Pagbibiro ni Alice.

"Not just simply fight as a warrior dear, its a battle of minds too." Jensen said, Charle on the otherhand, smirked.


"May mga pagsubok o trials na kailangan nyong mapagtagumpayan in order to win the job." Pagpapatuloy niya, tumingin muna siya sa aming tatlo tsaka nagpatuloy ng pagsasalita.

"This isn't for the faint hearted, you will not succeed alone. Kailangan n'yo ang isa't-isa. Magtulungan kayo kung gusto niyo talaga ang trabaho dito." sabi niya.

"Ilan po ba yung mga factions sir?" Tanong ko. Charle rolled his eyes and whispered "Di nakikinig."

"There are six faction. Six faction fighting for a job." Jensen answered.

"Easy" Charle side commented.

"Eh ilang trabaho ba nagiintay sa amin?" Tanong ko ulit.

"One job for the best faction" sagot ni Jensen.

"Magiging madali lang to" pagmamayabang ni Charle.

"Never underestimate your foes, it may backfire and hit you" sabi ni Jensen kay Charle. Binuksan niya ang mukhang mamahaling wine at nagsalin sa baso niya tsaka ininom ito.

"Kailan ba magsisimula to?" Tanong muli ni Alice sa propesor.

"Bukas." sagot nya at uminom muli ng wine.

"Alam nyo po ba kung ano yung mga pagsubok o trials na yun?" Tanong ko.

"Oh poor little thing, you know that we can't tell you." sagot nya at ngumisi.

"Nagtatanong lang naman" bulong ko sa sarili ko. Alam ko naman na hindi nila pwedeng sabihin samin, nagbakasali lang ako. Kahit kaunti man lang sana eh may malaman kami para makapaghanda.

"Faction heads, please be here at the Head Master's office now" Biglang tumunog ang speaker na nasa may bandang taas ng kwarto kung nasaan kami.

"I guess I have to leave you this time, babalik din ako" Tumayo si Jensen at umalis ng headquarters.

Tumayo si Charle at nagsimulang maghanap at maghalikwat sa table ni Jensen, sa drawers at mga folders na nandoon.

"What the actual hell are you doing?" Tanong ni Alice.

"Hay ang bobo, 'diba obvious? Syempre naghahanap" Charle simply replied still trying to find anything.

"Ayusin mo nga yang sagot mo! Ano?" Alice asked him again, this time, she stood up and watched what Charle is doing.

"Ayaw nya satin sabihin kung ano 'yung mga trials, pwes tayo ang hahanap nun" pagpapaliwanag sa amin ni Charle.

Tumango si Alice at tinulungan si Charle sa paghahanap ng kung ano mang dapat nilang mahanap.

"Myxzch, dun ka sa pinto, look out ka" utos sa akin ni Charle, I can sense na magaling talaga syang leader. Tumayo ako at pumwesto sa may pinto kung saan mayroong maliit na bintana, minu-minuto kong tinatanaw mula sa bintanang iyon kung pabalik na ba si Professor Jensen.

Lumipas ang ilang minuto at biglang sumigaw si Alice. "Found it! Nahanap ko na!" Sigaw nya.

"Anong nahanap mo?" Tanong ni Charle at isinara ang drawer na tinitingnan at pinaghahanapan nya.

"Laptop nya" Alice grinned, feeling proud of what she did. Parang ang suspicious naman, bakit niya iiwan ang laptop niya dito? For sure maraming data ang nasa loob nito. So bakit? Bakit niya iniwan 'to?

"Ilapag mo dito yan, sigurado ako, they have the schedule thingy dito." sabi ni Charle at binuksan ang laptop. "Shit, nakalock" bulong nya.

"Ako, kaya kong buksan yan" sabi ko.

"Oh, ano pa inaantay mo d'yan? Halika na dito." pag uutos sakin ni Charle.

"Dali na Zch, ako na maglolook out." sabi ni Alice at nagpalit kami ng posisyon.

Lumapit ako sa laptop ng aming faction head at sinimulang kunin ang passcode nito. Lumipas ang ilang minuto, finally we gained access sa laptop ni Jensen.

Naghanap ako ng mga files at nakita ko ang isang folder na may title na '124th Program' binuksan ko agad iyon at tiningnan ang mga files.

"Nakita ko na" sabi ko. Pumunta sa tabi ko si Charle at binasa ang document na aking nakita.

___________________________________________________


WKAS
124th Internship Programmé

THE MAZE TRIALS

Try to seek and you'll find those little things that can save your life. Try to seek and you'll find big things that can cause you death and unbearable pain.
The Maze, The labyrinth, The death hole, and the interns.
Nobody can escape
You can run
You can hide
But you cant escape
Just try to survive

Remember, Death is your friend

___________________________________________________

"Oy, ayokong istorbohin 'yang bed time story nyo pero parating na sya" sabi sa amin ni Alice.

Agad na itinago ni Charle ang Laptop sa drawer kung saan nakita ito ni Alice at hinila ako paupo sa couch. Nakaupo na kaming tatlo muli sa sofa at nagkunwaring naguusap. Pagkapasok ni Jensen agad niyang napansin ang paguusap naming tatlo.

"Ayon sa nakikita ko, close na agad kayo" sabi ni Jensen at naupo sa kanyang leather na upuan.

"Oo, saya nila kausap" sabi ni Alice sabay tawa ng peke.

"I know you did enjoy each other's company. Good to know then." sabi ni Jensen, ang boses nya ay punong puno ng paghihinala.

Natahimik ang lahat at walang sino man ang nagsalita sa aming tatlo.

"Dinner na, you can now go to the cafeteria" sabi ni Jensen at nagbasa ng files na nasa table nya.

Tumayo kami at nang palabas na kami sa headquarters ng aming Faction, napatigil kami ng magsambit si Jensen ng tatlong kataga...


"Trust no one"

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...