Death University

By thisbtsfangirl

245K 7.7K 569

Zaya chose to run away from home with nowhere to go. After a long drive with her car, she stopped in front of... More

Death University
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Epilogue
Author's Note

Chapter 23

4K 146 3
By thisbtsfangirl

Chapter 23: Golden Knife

"You should go to your next class now," He said, which made me come back to reality.

"Yes, I should be going." Sabi ko at hindi ko na inantay na magsalita ulit siya. Umalis na ako.

Gosh Zaya, what's happening to you? Bakit ang sama-sama ng loob mo? You shouldn't be feeling this!

Dumiretso na ako sa next class ko, and as usual, the professor gave an individual activity at ng matapos kami sa activity, pinasa na namin ang papel namin.

"Listen up, students! Next, next week, Death University will have a program." Sabi ni Prof Lona nang matapos niyang makuha lahat ng papel namin.

Program na naman. Alam ko patayan na naman 'to.

"And if you think that this program is only about killing, then you are wrong."

Natigilan ako sa sinabi ni Prof Lona. Not about killing, huh? What is it about then if it's not about killing?

"What is it about then, Prof?" Naka-upo kong tanong at napatingin sa akin ang mga kaklase ko.

"This is about music, Miss Dawnt. Marunong naman kayo sigurong mag-perform with music?"

I was shocked. Ha? Are you kidding me? May pa-music music pang nalalaman ang school na 'to tapos mangkikitil naman ng buhay! Ano 'tong program na gaganapin? Kakanta at sasayaw? No way, I'm out. This is such a waste of time.

'Yung mga kaklase ko naman eto at 'yung iba ay nagproprotesta. This sucks big time. May oras pa talaga ang impyernong ito para sa mga ganito?

"Who planned this, Prof Lona?" Naka-upo ko pa ring tanong. 'Yung mga kaklase ko, tinitigan na naman ako ulit. Big deal talaga para sa kanila. Nakakainis.

"Of course the headmistress herself, Miss Dawnt." Nakangiting tugon ni Prof.

Ano na naman bang pinaplano ni Madame Selina? Ano na namang pakulo ito? Pagsamantalang kasiyahan ba 'to bago dumating ang kamatayan ng bawat estudyante?

"So, you have two weeks to prepare from now. Either you'll sing, dance, play an instrument, whatever you choose. Any performance, but make sure that it is music-related." Sabi ni Prof. "Are we all clear? No further questions?"

"One last question, Prof Lona." Sabi ko na ikinatingin na naman ulit ng mga kaklase ko. "What if you don't want to join? What will happen to you?"

Nagbulung-bulungan agad ang mga kaklase ko.

"Oo nga, 'no? Paano kaya kung ayaw mong sumali?" Narinig kong sabi ng isang kong kaklase sa unahan.

"Good question, Miss Dawnt. Okay students, if you wouldn't join the program, you would rather make a ten-thousand word essay."

Nagulat kaming lahat sa sinabo niya. Shit, are you kidding me?! Ten thousand word essay?! I could die with that! Hindi na siguro ako makakakain at makakatulog kakasulat ng essay na 'yan!

'Yung mga kaklase ko, nagh-hysterical na. Pareho ang reaksyon namin.

"So I would suggest that you all join the program. Pero kung ayaw niyo talagang sumali, prepare for your ten thousand word essay." Nakangiting pa ring sabi niya.

"No! Sasali kaming lahat, Prof! Diba? Sasali tayong lahat?" Sabi 'nung isa. Tumango naman ang mga kaklase ko.

"That's good, then. Class dismissed. If you have further questions, just approach me. Goodbye." Sabi ni Prof at sabay-sabay na tumayo kaming nga estudyante at nag-ayos.

Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na ako ng classroom ni Prof Lona. I started to walk when someone approached me. Kaklase ko yata?

"Hi! Ikaw 'yung babaeng nagtatanong kanina kay Prof Lona, diba?" Nakangiting sabi niya. Nakasuot siya ng thick-rimmed eyeglasses. Mukhang siya 'yung kaklase kong nasa pinaka-unahan talaga at tahimik siya palagikaya hindi ko siya napapansin masyado.

"Uhh, yeah, ako 'yun. Bakit?"

"Ang lakas-lakas ng loob mo! Dahil 'don, idol na kita!" Sabi niya na ikinagulat ko.

"Nagtanong lang naman ako. It's no big deal."

"Kasi ako, hindi ako pala-tanong kasi natatakot ako. Tapos ikaw? Ang confident mo!"

"Umm... okay? Thank you, I guess." Sabi ko na lang. Ang weird naman nitong babae. Hindi naman kasi talaga big deal 'yun. I just asked.

"By the way, ako pala si Reena Atrevala. Nice to meet you." Nakangiti niyang sabi at nag-angat pa siya ng kamay.

"Nice to meet you, Reena," Sabi ko at inabot ang aking kamay at nakipag-handshake sa kanya. "I better get going."

"May next class ka pa?"

"Oo eh. Ayaw kong ma-late." Sagot ko.

"Ano bang next class mo?"

"Calculus kay Leonsio," Sagot ko na ikinagulat niya.

"Omg, magkaklase tayo!" Hagikhik niya. "Sabay na tayo... uhh, ano nga 'yung first name mo?"

"Zaya,"

"Sabay na tayo, Zaya. Tutal naman diba, magkaklase tayo." Sabi niya at wala na akong nagawa pa kundi ang sumang-ayon since I don't want to be rude kung tatanggi ako.

Nang makapasok na kami sa room ni Prof Leonsio, hinablot niya ang braso ko at dinala niya ako sa dalawang bakanteng upuan sa unahan.

"Dito tayo, Zaya."

Shit, I don't want to sit in the front! "No, I won't sit here. Sa likod ako."

"Occupied na riyan mamaya. Dito ka na lang sa tabi ko." Sabi niya pa. Totoo nga. Nagsidatingan na ang mga kaklase namin at umupo na sa likuran. Wala na akong choice kundi umupo na lang dito sa unahan.

Habang nagle-lecture si Prof, si Reena ay sagot ng sagot. Matalino pala siya. Kaya pala confident siya at sa unahan siya umuupo palagi dahil prepared na prepared siya sa mga tanong. Siya naman pala ang mas confident saming dalawa. And I think ang isa pang dahilan kung bakit siya sa unahan umuupo dahil siguro kahit may eyeglasses siya, hindi pa rin siya makakita ng maayos.

*****

Natapos na ang mind-wrecking na pagle-lecture ni Prof Leonsio at lumabas na kaming mga estudyante mula sa classroom niya. Salamat naman at isang klase na lang ang papasukan ko ngayong araw!

"Ano next subject mo?" Nabigla ako kay Reena.

"Research kay Mrs. Magallanes,"

"Ay sayang, hindi tayo magkaklase. English sakin eh." Ngumuso siya.

"Sige, alis na 'ko." I said with a smile.

"Sige, bye!" Nakangiti niya ring tugon. Umalis na ako at dumiretso na sa last period class ko.

Kaya mo 'to, Zaya. Bukas, vacant ang first period class mo. Agad kong naalala si Julia. Siya 'yung nag-inform sa akin na wala akong klase sa first period class bukas. I wonder, kumusta na kaya siya? Sana okay lang siya at sana bumalik na siya sa dorm.

"Demerine!"

Kilala ko ang boses na 'yun at siya lamang ang tumatawag sa akin sa second name ko.

"Uy Selton, wala kang pasok?" Tanong ko sa kanya nang nakalapit na siya sa'kin.

"Wala 'yung prof namin ngayon, eh."

"Swerte mo naman,"

"Swerte ka naman. Wala kang first period class bukas."

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na vacant 'yung first period class ko bukas? Chinek niya ba ang schedule ko?

"Did you check my sched for tomorrow?"

"W-Well, yes. I-I was just curious." Sabi niya at nagkamot pa ng ulo.

Tumawa ako sa ekspresyon niya. Mukhang nag-blush pa nga siya ng kaunti, eh! Ang cute niya! Lalo siyang gumagwapo!

"Sige na, aalis na 'ko. May klase pa ako." Sabi ko ng nakangiti.

"Bye, Demerine. See you when I see you." Sabi niya na naman at kumindat pa.

Natawa na lang ako sabay iling at dumiretso na sa room ni Mrs. Magallanes

Umupo ako sa assigned seat ko at binasa ang mga notes ko 'nung nakaraang meeting namin dito sa Research.

"Good afternoon, class. Pasensya na at ten minutes late ako medyo nagka-problema lang sa Science corner." Sabi ni Mrs. Magallanes ng makarating na siya.

"Mabuti pa nga at na-late ka," Narinig kong sabi ng kaklase ko.

"Okay today, as I have said, gagawa kayo ngayon ng proposal. I will give you an hour to do so. You may start now."

Nag-isip na agad ako ng ideya dahil isang oras lang 'yung binigay sa aming oras ni Mrs. Magallanes! Gosh!

Thirty minutes na ang nakalipas at nasa gitnang parte pa lamang ako sa ginagawa! This is so mind-wrecking that I feel like I could die!

"Kaya niyo 'yan. Kaya niyo ngang pumatay, eto pa kaya?" Natawa siya. "But seriously, kaya niyo 'yan. Marami kayang simpleng problema diyan na pwede niyong mapag-tuunan ng pansin at gawan ng proposal... And if you're done, pass it here in my desk."

Nang matapos na ako sa proposal, ipinasa ko na agad iyon kay Mrs. Magallanes at lumabas na ako ng classroom niya. Pagod na pagod ako! For sure, mukha na akong lantang gulay! Makapag-bubble bath nga mamaya para ma-relax naman ako kahit papaano.

"Miss Dawnt," Habang naglalakad ako papunta sa dorm, bigla akong tinawag ni Mrs. Kang, ang ina ni Godwin.

"Yes po, ma'am?"

"Favor please. Pakibigay mo muna ito kay Mrs. Minnea. Kilala mo naman siya, diba? 'Yung librarian." Sabi ni Mrs. Kang sabay abot sa akin ng isang black folder. Wala akong choice kundi sumunod sa utos kahit na pagod ako dahil syempre, ginagalang ko si Mrs. Kang.

"Nasaan po siya ngayon, ma'am?" Tanong ko para alam ko kung saan ako pupunta.

"Nasa library pa rin siya at this moment,"

"Okay, po. Ibibigay ko lang sa kanya."

"Sige, hija. Salamat talaga, ha?" Huling sabi ni Mrs. Evelyn Kang at umalis na ako papuntang library.

Nang makapasok na, hinanap ko kaagad si Mrs. Minnea at nakita ko siya sa front desk at mukhang may sinusulat.

"Umm, excuse me po? Good afternoon." Sabi ko na ikinahinto niya sa pagsulat at tumingin siya sakin.

"Good afternoon. Ano ang maipaglilingkod ko?"

"Eto po, ipinapabigay ni Mrs. Evelyn Kang." Sabi ko sabay bigay kay Mrs. Minnea ng black folder.

"Thank you,"

"Walang anuman, po. Alis na ho ako, gumagabi na rin." Sabi ko. It's past five already!

"Oh sige, mag-ingat ka." Seryosong sabi ni Mrs. Minnea at sa huli ay ngumiti.

Nang makaalis na roon, kaonti na lamang ang mga estudyanteng nakakalat. And the time is 5:40! Malapit ng mag-six!

Habang naglalakad ako, may mga nakakasabay akong nga estudyante sa daan at meron ding time na wala talaga. Ang dilim na at tanging mga ilaw lamang sa poste at mga buildings ang nagbibigay ilaw sa paligid.

Napapatakbo na nga ako dahil nakakatakot talaga! Shit!

Habang papalapit na ako sa dorm, may nararamdaman akong sumusunod sa akin. Grabe ang takot na nasa dibdib ko.

Nararamdaman kong sadya talaga akong sinusundan ng tao sa likod ko. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon na parang sasabog na ang dibdib ko.

Nang makalapit na ako sa dorm namin ni Julia, nakakita ako ng kumikislap na bagay sa tabi, and it seems na bubog ito mula sa basag na bintana. It has a sharp edge.

Panginoon, ikaw na po ang bahala sa akin.

Niligaw ko muna ang tao sa likod ko tapos tumakbo ako papunta sa bubog at kinuha ko ito at humarap ako sa taong nasa likod ko.

Ang tindi ng kaba ko at nakita ko ang isang lalake na mukhang... kaklase ko sa Calculus! Shit!

"Hello, Dawnt. Gusto kong pumatay ngayon at mukhang ikaw ang mapupunterya ko." Naka-smirk na sabi niya.

Nanginginig ako sobra! May kinuha siya mula sa likuran niya at nakita ko ang kutsilyong napakatulis!

"H-Huwag k-kang l-lalapit!" Sigaw ko. Pero imbis na lumayo siya ay mas lumapit pa siya.

Tangka niya nang isasaksak sa akin ang kutsilyo nang dali-dali kong isinaksak sa dibdib niya ang bubog.

Nabitawan niya ang kutsilyo at ang tindi ng pagdanak ng dugo mula sa dibdib niya at sa bibig niya. Natumba siya at lumayo ako sa kung saan siya nakahandusay.

Nanginginig ang buong katawan ko at napaiyak ako ng malakas. Napaupo ako sa lupa at inilagay ko ang aking mga palad sa mukha ko. Humagulgol ako ng humagulgol. Parang hindi ko kayang maglakad. Hindi ko kayang tumayo.

"Zaya, shit!"

I heard Julia's voice at mukhang palapit siya sa'kin. Hindi ko magawang matignan siya. Walang ano-ano'y nakaramdam ako ng pagyakap at alam kong si Julia 'yon.

"J-Julia akala ko m-mamamatay na ako. At n-n-nakapatay a-ako..." Nauutal kong sabi habang umiiyak. Nahihirapan akong huminga dahil sa paghagulgol.

"Sshh, tahan na. Tahan na, Zaya. Pumasok na tayo sa dorm." Aniya at pinatayo ako. Inalalayan niya ako papasok sa dorm.

Nang makapasok na kami ay pinaupo niya ako sa couch at agad-agad siyang nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay niya ito sa akin.

Nanginginig kong kinuha ang baso ng tubig mula sa kanya at ininom ko ito.

"Tahan na, ha. Tahan na, Zaya." Hinaplos niya ang likod ko.

"J-Julia a-akala k-ko t-talaga—"

"Sshh, tahan na... Tahan na. Huwag na nating pag-usapan ito, Zaya. You have to rest. Maligo ka muna para ma-relax ka. You have to clear your head."

Akmang aalalayan niya ulit ako, pero pinigilan ko siya. "K-Kaya ko na. S-Salamat... B-Bakit ka pala nandito?"

"I'm here to come back, Zaya... I'm at fault too, and I'm sorry."

"I'm sorry, too. Thank you for coming back." I said and hugged her.

"Now, I think you should go upstairs to take a bath so you can rest." Sabi niya, pagkatapos kaming magyakapan.

"Mabaho ba talaga ako?" I managed to joke around.

"Wala akong sinabing ganoon, ha! You have to rest, Zaya. What happened to you today is so scary."

Yes, I really have to rest. Matindi nga ang nangyari sa akin ngayong araw. I don't know if I'll be able to go to school tomorrow. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko.

*****

Nang makaakyat na ako sa ikalawang palapag ng dorm namin,
pumunta muna ako sa kwarto at kumuha ng damit. At habang pumipili ako ng damit, nanginginig ang mga kamay ko.

Hindi mawala sa isip ko ang mukha ng lalake habang duguan siya. I can't believe that I killed him! Takot ako sa dugo at nagawa ko siya saksakin gamit ang bubog mula sa nabasag na bintana!

Thank God I managed to save myself! I really thought that was the end of me.

Pumunta na ako sa banyo at hinubad ko na ang aking mga damit at nagbabad ako sa bath tub na may maligamgam na tubig. I swirled the lavender body wash on the water. Hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako...

"Zaya, hoy! Sumagot ka naman, oh! Buhay ka pa ba riyan? Please tell me you're still alive!" Narinig ko mula sa labas.

Nagising agad ako. Anong oras na ba? Napatagal ata ang tulog ko.

"Oo, Julia! Buhay pa 'ko. Sandali lang, magbibihis na ako." Sagot ko at nagpatuyo na saka nagbihis.

Pagkalabas na pagkalabas ko, nakita ko ang hysterical na itsura ni Julia. "Akala ko kung ano na ang nangyayari sayo sa loob! I thought you committed suicide!"

"Bakit ko naman gagawin 'yon? I'm not that desperate to kill myself."

We talked for a little bit before I decided to go to bed and sleep.

*****

Nagising ako dahil sa naramdaman kong hangin mula sa bintana na malapit sa'kin. Tumingin ako sa direksyon 'non.

What the heck? Bago ako matulog, sirado na 'yang bintana! Bakit nakabukas?

Tinignan ko si Julia sa kabilang kama at mahimbing na mahimbing ang tulog niya. Siya ba 'yung nagbukas ng bintana?

Tumayo ako sa kama at isinarado ko ang bintana. Tinignan ko ang orasan at ala-una na ng umaga.

I turned on the lamp that is on the bedside table of mine, and I was shocked to see a foldable golden knife on the table.

Sino namang naglagay nito rito? Si Julia ba? Parang ang imposible naman yata!

At sa tabi ng gintong kutsilyo, may papel doon at may nakasulat.

'Use this golden knife to protect yourself. Huwag mong kalimutang dalhin palagi.'

-

Continue Reading

You'll Also Like

30.1M 996K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
177K 4.6K 40
"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo." WARNING: Unedited. Maraming grammatical errors. Date Started: March 27, 2017 Story End: September 1, 2017
11.1K 991 45
May isang paaralan na tinatawag nilang Cristal Academy Kung saan naninirahan o nag aaral ang mga may iba't ibang mahika at ang mga apat na brilliante...