Confessions Of Our Guilty Hea...

Door EnergyStarsss

496K 4.5K 464

They sworn to secure and protect, not fall and fall in love! Meer

Confession 1
Confession 2
Confession 3
Confession 4
Confession 5
Confession 6
Confession 6: Part 2
Confession 7: Beautiful Target
Confession 8: Happy First Day!!!
Confession 9: Chocolate Love
Confession 10: I Know You Know
Confession 11 (Part 2): Little White Lies
Confession 12: I Got A Boy
Confession 13: First Day, First Love
Confession 14: Second Day, Happiness?
Confession 15: Third Day, Glad You Came
Confession 15 (Part 2): Back For You
Confession 16: Fourth Day, Crazy Thing.
Confession 17: Caught Up In You
Confession 17 (Part 2): Sorry, Sorry
Confession 18: You And I
Confession 19: Just A Feeling
Confession 19 (Part 2): Beautiful Goodbye
Confession 20: Why Goodbye?
Confession 21: Just A Little More US
Confession 21 (Part 2): A Little More You
Confession 22: More Than This?
Confession 22 (Part 2): Is There Anybody Out There?
Confession 23: Half Alive
Confession 24: Half A Heart
Confession 25: Change My Mind
Confession 26: All My Love Is For U
Confession 27: Wouldn't Change A Thing
Confession 28: Love Love
Confession 29: Loving U
Confession 30: Oh My My My
Confession 31: Better Than Revenge
Confession 32: Better Than Words
Confession 33: Me and You TOGETHER
Confession 34: A Step Closer
Confession 35: Closer This Time
Confession 37: Dzi Loverz
Confession 38: Wait a Minute!
Confession 39: Round of Applause
Confession 40: Wala eh!
Confession 41: Ring Ding Dong
Confession 42: Girls Girls Girls
Confession 43: Scream!!!
Confession 44: I Know, you Know.
Confession 45: Boom Boom
Confession 46: Tonight is the Night
Confession 47: Vulnerable
Confession 48: It's You All Along
Confession 49: You LOVE me Anyway
Confession 50: Its Up To You!
Confession 51: It's Me or It's You?
Confession 52: C-R-U-S-H
Confession 53: Think What To Think! (Feel It In Your Heart)
Confession 54: You Got My Heart...
Confession 55: What Now?
Confession 56: Love Never Fails
Confession 57: Way To Go.....
Confession 58: Stonger
Confession 59: Forget Forever
Confession 60: Out Of Goodbyes
Confession 61: Talk Dirty
Confession 62: Daylight
Confession 63: 정말?
Confession 65: Yearning Heart
Confession 66: She Was Mine
Confession 67: Cordially Invited
Confession 68: Who you?
Epilogue
Me. You. Us.

Confession 36: Love with Pain

5.9K 53 3
Door EnergyStarsss

- ARA -

“Kaya na ni Mika ‘yan. Just watch..” Saad ni Camille ng pabulong. Napatingin na lang ako sa kanila at nagtataka. Ano kayang pinagsasabi nila? Walang kaalam-alam ang taong ‘yan sa ganitong bagay. May mga lumapit na mga tao at pinalibutan kami. Baka sumikat pa kami ng wala sa oras nito.

“An—“

“Trust us. Okay?” Hinawakan ni Cienne ang mukha ko at hinarap sa kanila. Pumunta na rin sa harapan ko si Camille. Ano bang nangyayari sa kanila. “Now. Stand back, relax and just...just watch..” Umalis sila sa harapan ko at pumunta na sa likuran ko. Tumango ako at pinanood na lang. Ano ba kasing problema nila?

“Ahhhhhh! Ahhh! It f**king hurts. Come o—ahhhh!” Napatingin na lang ako sa harapan ko at nagulat na lang.

“Told ‘ya..” Nagpatingin ako kay Camille na binulungan ako mula sa likuran. Nilingon ko sila at nakitang nag-apir sila ni Cienne. “Never gets old huh?” Tumango lang si Cienne at ngumiti ito. “What?” Umiling na lang ako ng ibaling nya ang tingin sa akin.

“Now. Say sorry….” Nakahiga pa rin ang lalaki. Ang mukha nito ay nakaharap na sya sa sahig habang pinilipit naman ni Mika ang kamay nito at napapabalikwas na sya sa sakit. Nakahawak lang si Mika dito at parang manebela lang kung ikutin ito. “Moooooveee iiiiit…” Na-iiritang sambit ni Mika.

“O—Aw! Fine. Fi—Ow! What’s your f**king problem?” Tumayo na ang lalaki habang binabalibag ni Mika ang kamay nito. Ang sakit kaya ‘non.

“My f**king problem? Your asking me what's the f**king problem? You pointed gun at me, you made a scene here and lastly…” Huminta si Mika at tinilak ang lalaki papalapit sa akin habang binbalibag pa rin ang kamay nito. “..you have to apologize to my Girlfriend…” Nagulat na lang ang lahat sa sinabi ni Mika. “Do I ha—“

“Okay. Okay.” Lumapit naman ang lalaki sa akin at bigla itong lumuhod. Binitawan nya rin ang baril sa harapan ko. Susuko na ba ito? “Sorry..” Sabay irap nito. “Ahhhh!” Mukhang hinigpitan ni Mika ang pagkakahawak nito kaya napasigaw ang lalaki.

“I want to see sincerity.” Bulong ni Mika dito. Inangat naman nya ang mukha at tumingin sa akin. Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Nanatunaw alam mo ba? Sh** lang. Nakaka-in love. Sabayan mo pa ng kindat. Wala na. Wala na akong masabi. “Saaaaayyyy iiiiiit.”

“Okay. Sorry Ara. I’m really sorry.” Paghingi na tawad ng lalaki. Tumango na lang ako kay Mika at agad naman niya itong itinayo pero nakahawak pa rin ito sa kamay na nasa likuran nito. “Can I go now?” Tanong ng lalaki. Lumingo lang si Mika at tumingin sa akin. May problema ba? Ah! Meron pala. Baliw na girlfriend ko. “Uggghh!”

“Kambal. Do the honors.” Tinulak naman ni Mika ang lalaki at sinalo ito kaagad ng kambal. Napatingin ako sa team na halatang gulat pa sa nangyayari. Maski naman ako ‘no. Nakakanerbyos kasi ngayon. Alam naman namin at maski si Mika walang alam sa mga pangyayari din. Halatang hindi planado. “Want to watch naked man?” Mahina ko sya tinulak at pero nagback hug sya sa akin. Kinikilig ako sa mga back hug scene naman eh. “Joke. Watch babe.” Bulong nito.

“Anong magandang gawin sa panahon ngayon?” Tanong ni Camille. Anyare? Parang may hindi magandang pinaplano ang kambal na ‘to? Nakatinginan silang dalawa at ngumiti sa isa’t isa. Samahan mo pa ng tawa at apir nila. Tatawag na ba sa mental?

“Guys.. Alis na daw tayo.” Sabi ni ate Abi habang nakatingin lang sa cell phone niya. Tumango kaming lahat at nagsimula na ngang maglakad.

“Thank you for watching guys..” Singit ni Mika sa gitna. Nagpatingin ang lahat ng tao na nanonood kanina sa kanya at nagtaka na lang. Kung ako ang nasakatayuan nya ngayon, hiyang-hiya na ako ngayon sa mga tingin ng mga tao sa akin. “MOVE IT!” Sigaw ni Mika at agad namang umalis ang mga tao at bumalik na sa kanilang ginagawa kanina.

“Nakakatakot ka Miks hahaha!” Pang-aasar ni ate Kim. Wahahaha! Kakatakot rin naman talaga si Mika. Kinina pa lang kasi. Kung walang batas na pinagbabawal ang pagpatay, baka pintay na nya ang lalaki at walang bangkay na iiwan.

“Wala eh.” Ngumiti si Mika at lumapit na naman sa akin. Hangin ng taong ‘to pero nakakatakot lang naman. Parang kaya nyang pumatay ng tao kahit walang atrasa sa kanya.

“Balik na nga tayo sa bus.” Sabi ni ate Mel. Naglakad na kami habang nakasunod pa rin ang lalaki sa amin. Napapalingon ako baka kung ano naman ang gawin ng kambal sa kanya. Bakit parang mga amazona ‘tong tatlo? Hindi kaya nag-aral ng mix marial arts ang tatlo? Pweedeee!

“Nakakapagod maglakad kambal ‘no?” Reklamo ni Camille kaya na palingon kaming lahat sa kanya. Tumakbo ka na lang para hindi ka mapagod kakalakad. Aw! Bitter.

“Oo nga eh.” Sang-ayon ni Cienne dito. Nagkatinginan naman sila at parang may pinaplano na masama na ano. “Gusto ko maghorseback riding..” Napataas ang mga kilay namin habang nakatingin sa kanila. Hindi naman pwedeng magdala ng kabayo dito.

“Are you thinking what I am thinking?”

- JESSEY -

Nakakaawa na si baby Ria hindi pa nakaligo kaya hinatid ko muna siya sa bahay nya para makaligo. Nandito ako ngayon sa agency may kukunin lang akong result. Dapat wala ako dito kung tutuusin kasi break namin pero importante kaya go. Ako ang may kailangan so yeah!

“JERON? ANONG GINAGAWA MO DITO?” Pasigaw kong tanong sa kanya.. Humarap sya sa akin at nagulat na lang. Anong ginagawa ng gag*ng ‘to dito? Sa office ko pa?

“Ah! Jess… May ah may ah hina…hina..hanap lang..” Wag mong sabihin na nandito ‘to para idelete na naman ang mga nakuhang files. Susunugin para walang ibedensya para sa kanya. Tsk!

“Bakit dito ka naghahanap? Malamang dito pero anong ginagwa mo? Bakit nagkakagulo dito? Bakit parang nagmamadali ka? At bakit nasa office ko pa? Paano ka nakapasok dito?” Ayon! Umulan ng mga tanong. Wala akong pakialam kung naulanan sya nito pero dapat masagot nya ito kasi naman baka siya ang dakilang taksil sa agency na ‘to.

“Ah! Kasi may hinahanap lang ako..” Sagot nito. Sinara ko na ang pinto at pinulot ang mga papel na nasa sahig. Office ko ‘to at sya ang may ganang magkalat? Hindi ko nga magawang magkalat dito tsk! His a traitor here. “..’yong kay Mika..” Natigilan ako. Hindi na sya kasama sa assignment naman ni Mika bakit pa sya nandito? Oo hindi na. Si Ria ang pinalit ko sa kanya simula nong araw na nadelete ang lahat ng files, nawalan ako ng tiwala sa kanya.

“Bakit hinahanap mo pa? Hindi ka na kasali sa laro namin ni Mika. Bakit hinahanap mo pa?” Tanong ko sa kanya at nilagay sa desk. Pati drawers ko dito nagkakagulo. Buti na lang at hindi nya nakita ang vault ko dito kung hindi, patay. “Umalis ka na lang at wag ka ng magpakita sa akin. Nanggugulo ka lang..”

“Kasali pa rin ako sa assignment nyo. Wala sinabi si boss na pinapaalis ako kaya kasama pa rin ako sa assignment na ‘to.” Sumbat nito. Gusto mong magsumbatan dito? Baka gusto mong malaman ang mga nalalaman ko tungkol sayo?

“Anong kasali? Oo kasali ka noon at wala na ngayon. Pinapalitan na kita at wala ka ng karapatan para makasawsaw pa dito. Wag ka ng magmaang-maangan na gusto mong tumulong. Hindi kami ang gusto mong tulungan kundi ang grupo nina Thomas..” Napaatras sya sa sinabi ko. Gulat ka ata? “Ano? Ang talino ko para mahalata ang mga kagaguhan mo ‘no? Oo alam ko ang mga pinaggagawa mo kaya wala ka ng kawala sa akin. Alam ko kung saan ka nagtatrabaho at pinapabagsak mo lang kami. Kasi kasali ka rin sa mga kagaguhan nina Thomas. Gusto mong tumulong? Umalis ka na para makatulong ka..” Tinulak ko sya at napaatras naman sya. Buti na lang at nalaman nyang may clue ako para matakot sya.

“Hahaha! A..anong pinagsasasabi mo Jessey? Ako kasali? Kina Thomas? Nananaginip ka ba? Bakit naman ako tutulong sa kanila?..” Sabay turo nito sa akin. “Baka ikaw ang tumutulong sa kanila? Nagmamaang-maangan ka lang na tumutulong para maibigay mo ang mga impormasyon sa kanila. May pa delete delete ka pang nalalaman pero ikaw lang pala ang may ganang gawin ito..”

“Sa akin mo ba pinapahid ang mga kasalanan mo? Anong ako? Kung ako ang taksil dito, sana noon ko pa binigay lahat ng leads natin para mabuko na tayo…” Hinarap ko sya at binigyan ng isang malakas na sampal. Nagagamit pala ang pagiging spiker mo sa volleyball dito. “..ang hindi mo pagsabi na nasundan tayo ni Thomas ay isa sa mga maling nagawa mo. Hindi nakita? Ang laki mong tao Jeron, ang laki rin ng screen, hindi ka rin gaano ka singkit para hindi mo makita.”

“Binubuko mo lang ang mga gawain mo. Kuwari tumutulong? Tumulong para bumagsak? Ang gag* mo lang din para ipahalata…” Tumayo ito at nagpagpag na rin. Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Ang tapang nya rin para isumbat sa akin lahat. Ang gag* lang nya para ipahalata. Babalik lang din sa kanya ang mga kasalanan nya. “..wala akong paki-alam mas may alam ka sa akin pero ito ang tandaan mo, simula sa araw na ‘to lalabas at lalabas ang mga masamang baho mo.”

Sabay lakad nito pa punta sa pintuan. “Woooah! Dahan-dahan lang dre.” Tinaas naman ni Ria ang dalawang kamay nito na parang susuko. Nilingon ako at tinignan ng masama ni Jeron, tuluyan na ding lumabas. Naglakad naman papasok si Ria at niyakap ako. Ang bilis ng taong ‘to makapunta dito ah. “Anyare don?” Lumingo ako at bumalik sa desk para ayusin ang mga kalat ni Jeron.

“Ms. De Leon? Nandito na po ang file na kailangan nyo..” Tinuro ko ang table at nilagay na nga doon. Umalis na din sya at naiwan kaming dalawa ni Ria dito. Kinuha naman ito ni Ria habang binabalik ko ang mga papel sa mga drawer. Ang kalat din ni Jeron ‘no?

“Si kuya Jeron ‘to ah. Nagpagawa ka pa ng research sa kanya, nakakaselos naman ‘to.” Sabay pout ng loka. Baliw ‘to. Dapat ba akong magparesearch sa kanya? Nagiging traydor din ba ‘to?

“Heh! Tumigil ka nga dyan Meneses.” Hinamblot ko sa mula sa kamay nya ang folder at sinimulang binasa. Tama nga ang hinala ko. Isang dakilang actor ang taong ‘to. Mabait pala ah. Gusto mong maglaro ng tagu-taguan? Pwes! Makikipaglaro ako ng habulan. “Wala ka namang kasalanan.” Sinara ko ang folder at hinila si Ria palabas. Siniguradong nakasara ang pinto para hindi na makapasok si Jeron dito. “Bantayan nyo po office ko. Wag kayong magpapapasok ng kahit sino sa loob.” Sabay hagis ko ng susi sa guard. Tumango lang ito.

“Ano ‘yon? Bakit parang ang laki ng kasalanan sayo ni kuya Jeron? Wag mong sabihin na nagpapaligaw ka rin sa kanya?” Tumingin ako ng masama sa kanya. Sira ulo ‘to. Sa lalaking nagpapanggap magpapaligaw ako?

“Sya ang dahilan ng kapalpakan ng mga assignments natin.” Sabay pasok ko sa loob ng sasakyan.

Maraming tao ang hindi na mapagkakatiwalaan sa panahong ito.

- MIKA -

“Paano mo nagawa ‘yon Mika? I mean nag-aral ka ba ng martial arts?” Tanong ni ate Abi kaya napatigil ako sa pangungulit kay Ara. Pakipot din ‘tong isang ‘to eh!

Hahaha! Martial arts daw oh! Galing ko naman. Haha! Medyo mahangin na din. Ngumiti ako sa kanya at nakitang nakatingin na din ang ibang team mates ko pati si Ara na nakahawak lang sa kanang kamay ko na naka-akbay sa kanya. Tumingin din ang kambal sa akin. “Hahaha! TV lang po. May nahahagilap po kasi akong channel sa TV at natutunan ko din.”

“Tsk! Sinungaling.” Tinignan ko ng masama ang lalaking muntik na akong patayin kanina. Ang lakas din ng loob nyang makisali.

“May sinasabi ka?” Tanong ni Camille sabay hila buhok ng lalaki at hinarap sa kanya. Lumingo lang ang lalaki at yumuko. “Good. Bilisan mo rin kasi.”

“Wala kayong awa kambal ah. Kitang hirap na hirap na ang isa dyan.” Sabi ni ate Mich sa kambal na chillax lang. Parang ang lahat ng mata ay nakatingin sa amin ngayon. Ganyan na ba talaga kami kaganda at kapogi? Pssh! Wag nyo nang ipamukha hahaha!

“Feel na feel nyo dyan ah.” Komplemento naman ni ate Wensh.

“Hahaha! Ganyan talaga. Nakakapagod rin kayang maglakad.” Sabay ngiti ni Camille. “Bilisan ma nga kahit kunti lang.”

“Oo nga. Nahuhuli na tayo oh.” Sang-ayon naman ni Cienne.

Nakasakay lang naman silang dalawa sa likuran ng lalaki kanina habang ang lalaki naman ay hirap na hirap na sa paglalakad gamit ang kanyang mga tuhod. Horseback riding nga di ba? Hindi ko alam kung bakit ‘yan ang naisipin nilang ipagawa. Kanina pa kasi nagrereklamo na nakakapagod raw maglakad. Isipin nyo na lang ang hirap ng lalaki sa paglalakad gamit ang kanyang tuhod papunta sa bus.

“Sitting like a boss lang ang scenario nyo dyan ah.” Komplemento naman ni ate Mel.

Naka de-kwartro kasi ang dalawa ayon! Like a boss talaga. Nag-thumbs up naman silang dalawa sa amin habang nakatingin ang lahat sa kanila. Kinaka-usap rin nila ang lalaki pero palagi itong pinagalitan. Hahaha! Nakakatakot ang kambal ngayon. Ang bibigat kasi nilang dalawa.

“Paano ba ‘yan kuya? Mamimiss mo ang mga pinasan mo sa likuran mo..” Sabay tayo ni Cienne at nagpat sa ulo ng lalaki. Ginawang aso? Hala!

“Wag mo kaming mamiss kuya ha? Mahirap na baka masanay kami sa pagho-horseback riding hahaha!” Sabay tayo naman ni Camille ngayon. Isa-isa na kaming pumasok sa loob ng bus at pumwesto na. Tinignan ko sa bitana ang lalaki na tumatayo at napahawak lang sa likuran nya.

Umandar na ang bus at umalis na kami. Nakita ko ang lalaki na napakamot-ulo ito. At may tinawagan. Saan ka nagtatrabaho? Bakit balak mo kaming patahimikin? Hindi kaya kay Thomas? Bakit kilala nya ako? Kami? Sino pa pinupunterya nya dito?

“Nag-oover think ka na naman dyan Reyes.” Sabay pitik nito sa ulo ko. Hinawakan ko lang ito at nagpout. Ang sakit din kasi dre. “Wag ka ngang magpout dyan. Nakakagigil ehh!” Hinila ko sya at pinulupot ang mga braso nito sa beywang ko. Hehehe!

- THOMAS -

“Nandito nga sila, Sir..”

Binaba ko na kaagad ang telepono. Nandito nga sila. Saan sila? Alam ko na mamayang gabi babalik na sila. May tune up game sila kaya dapat maka-uwi na sila kaagad. Pero mamaya pa nga. Baka pwede kong sirain ang time nila. Letting them know the truth right? Ano ba kasing problema kung malaman nila ang katotohanan? Oopss! Masisira pala ang lahat.

“Hindi po ba natin sila pupuntahan,Sir?”

Humarap ako sa kanya habang nakapamulsa. “Wag na. Hayaan mo munang magsaya sila ngayon para hindi nila masyadong maramdaman ang sakit pagnalaman na nila ang katotohanan.”

Ako na mabait. Dapat may break sila para hindi masyadaong madurog ang puso nila pagnalaman nila ang katotohanan. Hay! Buti na lang at may natira pa akong kabutihan sa katawan. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas.

“Alam na ni Jesse yang serkreto natin. Ililigpit na ba natin?”

“Wag muna. Baka sya ang may malaman na sekreto.”

- CAMILLE -

Ang bilis naming nakaabot sa bahay ah! Pero parang walang isa sa amin ang nakaramdam ng pagod. Hindi kasi uso ayon. Walang nakaka-alam. Nasa sala silang lahat. Pinagdiskitahan ang grand piano sa baba. Ngayon lang raw nila na pansin simula ng dumating kami dito. Sa back door kasi kami domain nong nakarating dito, hindi namin alam kung paano bubukasan ang front door.

Kinuha ko ang t-shirt ko sabay pagpasok naman ni Carol. Hindi sya makatingin sa akin ng diretso. Galit pa rin ako sa kanya. Kahit maliit lang na bagay at parang biro lang. Hindi kasi sya magandang biro sa akin. Pumunta ako sa CR at nagpalit na damit. Tsk! Galit pa rin ako sa kanya ‘no. Sinabihan nya ang babae kanina na kami raw. Ayon! Naniwala ang babae at inasar pa kami.

Ang sarap nyang patayin alam nyo ba? Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko sya papatayin dahil sa ginawa nya pero parang gusto ko syang tirisin ngayon. Ang malala pa kasi nyan sinabihan pa nya na ikakasal na kami. Sh*t lang. Sh*tness lang kasi. Ang sarap pumatay ng tao. Hindi ako magpapakasal sa kanya ‘no. Over my dead sexy body.

“Camille…” Malambing nyang sambit habang kumakatok sa pinto. Tumingin ako dito at huminga ng malalim. Ano ba kasing pumasok ka kukute nya at sinabi nya? At madre pa ah! Sh** lang kasi. Oo. Madre ang sinabihan nya. Hindi raw nya alam kasi hindi naka-ayos. Pero kahit madre man o hindi, hindi dapat nya sinabi. Tsk! “Camille.. So..sorry na oh!”

Bigla kong binuksan ang pinto at halatang nagulat sya. Nagulat din ako ng ilang inches na lang ang layo ng mukha namin. “Bakit mo ba kasi sinabi ‘yon?” Sabay tulak ko sa kanya. Nilagpasan ko ito at pumunta sa bag ko at inayos ang damit ko. “Alam mo ba na kahit sabihin mong joke lang ‘yon. Hindi sya nakakatuwa. Swear.”

“Sorry please?” Lumapit sya sa akin at tumayo sa harapan ko. Napalunok ito tumingin ako sa kanya. Hindi sya nakatingin ng direkta sa mata ko. Sa akin. “Alam ko beyond the limit ang sinabi ko, ginawa ko. Below the belt. Camille sorry na oh. Alam kong galit na galit ka ngayon.”

“Ano ba kasing nakain mo at sinabi mo ‘yon? Anong nag-udyok sayo na magpakawala ng mga salitang hindi na nakakatuwa? Okay sana ang babe at mga endearments mo, nasanay na ako. Ang team pero ang ibang tao? Isipin mo naman sila. Hindi lang puro sarili mo ang iniisip mo. Kung ano ang nakakapagpapasaya sayo. Wag kang selfish!” Napaatras sya at nakita kong parang gusto na nyang manuntok.

“OO! SELFISH AKO. SELFISH ANG PAKIRAMDAM KO. ALAM MO KUNG BAKIT? KASI GUSTO KITA. NARIRINIG MO BA AKO CAMILLE? GUSTO KITO. GUSTO. kita.” Sabay patak ng luha sa kaliwang mata nito at napa-upo sya sa sahig. Left eye? It's pain.

Dapat ba akong maguilty? Ano ba dapat ang maramdaman ko. Should I feel the same? Wala naman kasi akong nararamdaman na special sa kanya. Oo friends na hate ko kasi nakakainis masyado. Kung aamin ba sya? Magugugustuhan ko rin ba sya? Ayaw ko naman na pilitin ko ang sarili ko. Para lang masuklian ko sya.

“Thank you?”

“Hahaha! Wag kang magpasalamat.” Bipolar ba ‘tong taong ‘to? Ba’t tumatawa? “Ako dapat ang magpasalamat kasi nasabi ko na rin sayo at last…” Tumayo sya at pinunasan ang luha sa mata nya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nagui-guilty ba ako? Bakit ako nagkakaganito?

“Carol…”

“Tsk! Bakit? Narealize mo rin? Hahaha! Ang tanga ko ‘no? Ang tanga ko para paasahin ang sarili ko. Hindi mo ako pinaasa, wag kang mag-alala. Wala kang pinaasa. Ako ang nagpaasa sa sarili ko. Baka kunting push pa magiging mabait ka sa akin, kikiligin ka lang kahit kunti pero hindi ka tinatablan,  o maririnig ko ang mga sagot mo sa mga paglalambing ko pero ano? Sumagot ka nga pero joke lang. Ahaha! Ang sakit lang kasi..”

“Ca..carol” Hindi ko na rin mapigilang tumahimik. Gusto kong magmokmok dito. Umalis para hindi na marinig ang mga sasabihin nya. Parang masakit na may taong umaasa sayo. May taong aasa sayo. Ang sakit lang kasi. Hindi mo alam na may umaasa pala. May umaasa pala sa mga kunti at walang kwentang pakipot at parang pa-hard to get mo.

“Kung gusto mo akong sampalin at bugbugin. Wag na. Araw-araw ko ng kasing ginagawa ‘yan para magising sa katotohanan na wala akong pag-asa. Ang gago ko para umasa na may isusukli ka. Salamat lang kasi nakinig ka. Salamat kasi nandyan ka pagsinusumpong ako ng kabaliwan hahaha! Kahit ang epic nga mukha mo pang tinatawag kitang babe o ano at halatang galit na galit ka nga talaga, galit din ako sa sarili ko para ipagpilitan. Salamat kasi ngayon nakinig ka sa mga sinasabi ko. Hindi ako nag-asumme na pagnatapat ako, sasagot ka rin ng pagmamahal mo. Katulad nila…

Pero tanggap ko na rin na wala akong pag-asa. Simula’t sapol pa lang. Wag kang mag-alala. Lalayo ako sayo. ‘yan naman ang gusto mong mangyari di ba? Noon pa? Hindi mo naman nakikita ang mga paglalambing na pang-aasar ko sayo kaya what’s the use di ba? Hindi na kita kakausapin. Hindi na kita lalapitan. Kung pwede lang hindi na rin kita titignan para makalimuntan kita. Ngayon kasi uso na ang salitang move on kahit walang dapat i-move on…

Simula ngayon kalimutan mo na ang taong tumatawag sayo ng babe o ano pa kasi simula ngayon walang ng tatawag sayo ng ganyan pwera na lang kung may may boyfriend ka na. Meron na naman siguro, ang galing mo lang magtago. Simula ngayon kalimutan mo na ang lahat sa atin, kalimutan mo na ang araw na ‘to. Isumpa mo kung gusto mo. Murahin mo kung ‘yan ang gusto mong gawin…”

Napahawak ako sa pisngi ko ng makaramdam ako ng biglang nabasa ito. Umiiyak ba ako? Pinunasan ko na lang ito at pinigilan ang pagtulo ng luha ko pero hindi pa rin ito nakikinig. Ano ba dapat ang gawin ko? Ano ba kasing gusto kong mangyari? Ano ba kasing nangyayari? Wala akong maintindihan.. Meron naman siguro pero pinipilit ko lang hindi maintindihan.

“Ilang metro ba ang kailangan mong space? 100 meters? 200 meters? 300 or 1000? O baka naman, ilang milyon ba? Lalayo na ako kasi ako ang puno’t dulo nito. Sorry kasi pina-iyak kita. Wag kang umiyak kasi I’m just a nobody and a waste of tears. Sayang ang mga luhang dapat hindi sa akin pumapatak. Sorry kasi binigyan kita ng sakit sa ulo, pinag-alala kita at ginambala ko ang araw mo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang mag-sorryy. Basta sorry kasi nagkamali ako. Nagkamali ako ng nagustuhan na tao..” Sabay labas nito sa pinto.

Nanlambot ang tuhod ko at napaluhod sa sahig. Ganyan ba ang nararamdaman nya the whole time? Hahaha! Ang manhid mo lang kasi talaga. Ang manhid mo lang talaga kasi Camille. Pero hindi ko naman siguro kasalanan kung manhid ako di ba? Kung bakit hindi ko nakikita ang mga paghihirap nya; ang pagpapansin nya.

SH** ANG MANHID KO NGA….

~ ~ ~ ~ ~ 

Salamat sa votes, reads and comments. Thank you talaga sa support sa first story ko. Mukhang malayo-layo pa tayo sa ending. Gumawa na talaga ako ng storyline. Hahaha! Keep on supporting po. Sana hindi siya nakakainis basahin hahaha! Ang fail lang kasi.

God bless us all. Always pray.

Confessions Of Our Guilty Hearts [Mika-Ara Fanfiction]

Confession 36: Love with Pain

 ~All Rights Served

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
175K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
16.9K 610 34
"I'll always protect you no matter what,Chipmunkie.As I have promised you're father." "I like you too,Jichu." After all the differences and the probl...