The Sweetest Escape

By endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Seven

7.1K 182 10
By endlesslaugh

Hannah

Ito na ang pinakamahabang araw sa tanang buhay ko. Ngayon lang ako gumawa ng mabigat na gawain at inaamin kong mas lalong lumaki ang respeto ko sa mga trabahador na lakas ng katawan ang puhunan sa trabaho. Kung saan man nila hinuhugot lahat ng lakas para gawin ang ganitong trabaho araw-araw, kailangan nila akong bigyan ng pointers. Himala pang nakasurvive ako ngayong araw.

Pagkatapos kong maglinis ng mga kulungan ng kabayo ay inutusan ako na painumin ang lahat ng ito. At dahil sira ang hose dahil naputol daw noong isang araw, isa-isa kong pinuno ang mga balde at binuhat sa palainuman ng mga kabayo.

Nasa dalawampu ang trabahador ni Lolo. Lahat ay lalaki na may malalaking bisig at kayang kaya ang mabigat na trabaho. Bakit ako ang pinagbubuhat nila ng mga timba?

Sa bagay, nakita ko rin naman ang mga trabaho nila na mas mahirap pa sa trabaho ko. Pero wala bang ibang trabaho na mas light lang kesa dito? Tagaluto na pagkain nila, perhaps?

Kung iisipin nga lang, mas gusto ko na dito kesa sa field kung saan sila nagsusuga ng mga kabayo. Panay sila lalaki at hindi ko gaanong kilala para pagkatiwalaan.

Malakas na paghingal ang sumunod sa akin habang naglalakad ako papasok ng bahay. Kakatapos lang kasi ng two-hour extension ko at si Migs ang dapat kong pasalamatan doon. Jerk. Hindi man lang naawa.

Tumigil ako sa paglalakad at tumalikod saka nag-squat. Tiningnan ko sa mata si Ares habang tinatapik ang ulo nito. "Walangya 'yang amo mo. Pahahabain ang oras ng pagtatrabaho ko tapos siya 'tong aalis ng maaga."

Masiglang tumahol si Ares habang kumakawag ang buntot. Siya lang ang naging kaibigan ko buong araw. Siguro pwede kong i-consider si Barney na maya't maya'y kinukulit ako pero mas pagkakatiwalaan ko pa si Ares kesa sa lalaking ngayon ko lang nakilala.

Nang makapasok sa likod ng bahay tungo sa kusina, kung saan una akong pumasok noong dumating ako sa rancho, dumiretso ako sa ref at kumuha ng tubig na iinumin. Alam kong narito rin si Lolo pero ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para huwag siyang pansinin. Pagkatapos kong uminom ay umakyat na ko sa silid ko. Naghalungkat ako ng masusuot kaso wala na pala akong malinis na damit.

Nanlalagkit ako at panigurado amoy tae ng kabayo kaya hindi ko matiis na hindi maligo.

Naisip ko si Migs. Nasa kabilang kwarto lang siya. Baka pwedeng makahiram ng damit.

Bago pa man magbago ang isip ko ay lumabas na ako sa kwarto at kumatok sa pinto niya. Nang walang sumagot ay nilakasan ko pa ang pagkatok ko.

Hindi pa rin sumasagot si Migs. Tulog na kaya siya?

Hinawakan ko yung door knob at pinihit iyon. Hindi naka-lock ang pinto. Itinulak ko iyon ng kaunti at sumilip dahil baka iba ang masaksihan ko. Nang makasiguro na walang tao sa loob ay pumasok ako.

Obvious naman na wala si Migs pero kung bakit ako pumasok ay hindi ko alam. Siguro kasi subconsciously, gusto kong makita ang kwarto niya. Gusto kong makita kung sino talaga siya at ang pagsuri ng kwarto niya ay isang paraan.

Ang unang sumalubong sa akin ay ang amoy. Napaka-distinct ng amoy ni Migs dito. Kapag isinara ko ang mga mata ko maiimagine ko na nasa tabi ko lang siya dahil sa fresh at masculine na amoy niya. Kahit pawis na pawis na siya ay hindi siya mabaho. Hindi tulad ko na dumidikit ang amoy ng kabayo sa katawan ko.

Malinis naman ito para sa kwarto ng lalaki. Ang tanging magulo lang ay yung kama na nakakalat pa ang unan sa paligid. Base dito, na-conclude ko na malikot matulog si Migs.

Katulad lang rin siya ng kwarto ko na may kama, may tukador, at may silya sa gilid. Nagdagdag lang siya ng lamesa sa gilid ng kama at may ilang libro doon. Lumapit ako at binasa ang mga title nito. Nagulat pa ako dahil panay classics ang mga ito- Iliad, The Count of Monte Cristo, at Inferno. Kung babase sa stereotypes, hindi ko ilalagay si Migs sa mga taong mahilig magbasa ng novels. Mukha kasi siyang muscles lang ang pinapagana pero kung sa sitwasyon niya, ma-iaaply siguro ang adage na, "Don't judge a book by its cover."

Sa tabi ng lamesa ay may tatlong picture frame. Yung una ay isang family picture. Bata pa si Migs, mga sampung taong gulang, chubby pa rin. Nakangiti siya sa camera at naka-akbay sa kapatid niyang si Kiel. Nasa likod naman nila ang mga magulang niya. Buhat ng papa niya ang kapatid nilang bunso tapos nakapatong ang kamay ng mama niya sa balikat ni Kiel yung isa ay nakayapos sa asawa. Lahat sila mukhang masaya sa litratong ito. Naisip ko tuloy ang naiwan sa kanila noong namatay ang mama nila.

Yung sumunod na frame ay picture nilang tatlong magkakapatid. Nasa gitna yung babae niyang kapatid habang yung dalawang lalaki naman ay nasa gilid, parehong nakasandal ang bisig sa balikat ng kapatid nila. Kotse ang background ng picture na iyon. May hawak si Kiel na wrench at yung kotse na iyon ay inaayos niya siguro. Nakaupo silang tatlo sa hood.

Ang nasa huling frame ay si Migs at isang babae. Hindi ito yung kapatid niya o mama niya. Base sa pose nila, huhulaan ko na lang na girlfriend niya ang babaeng iyon. Kinuha ko ang frame at inangat para inspeksyuning maigi. Napaka-cliché ng shot pero mukhang candid lang talaga iyon. Nakayakap si Migs sa babae, nakatungo at nakangiti sa kanya. Labas pa nga yung dimples niya eh. Yung babae naman ay nakatingin sa camera at nakadila, yung dalawang kamay niya nasa matipunong balikat ni Migs. Pareho silang mukhang masaya. Na tila kahit anong pagsubok na daanan nila, kaya nila. Kung totoo nga ang "forever" at "happily ever after" ay walang kaduda-duda, silang dalawa ang perpektong couple para 'don.

Suddenly guilty dahil feeling ko mayroon akong ginawang kasalanan, ibinalik ko yung frame sa lamesa. Ang balak ko lang naman kaya ako pumasok sa kwartong ito ay manghiram ng damit. Tapos heto ako ngayon, nag-i-invade ng privacy ni Migs. Nagpunta ako sa drawer at kinuha yung t-shirt sa pinakailalim, umaasang hindi niya mapapansin na nawala ito. Like a culprit, dali-dali akong lumabas ng kwarto at sinara ito saka ako dumiretso sa banyo para pakalmahin ang guilty kong puso. Hindi ko naman sinasadyang makasulyap sa katauhan ni Migs pero sa ginawa ko, I feel as if I had. And I saw more than I probably should.

❈    ❈    ❈

Pagod na pagod lang siguro ako kaya napahaba ang tulog ko. It was a first for me. Napaka-refreshing ng pakiramdam. Ang huling mahimbing na tulog ko na ata ay nung sanggol pa ako. So ganito pala ang sarap ng pagtulog ng mahaba. Kaya pala yung mga iba kong classmate dati tanghali magising, laging late sa klase. Ngayon alam ko na kung anong kaabang-abang sa mahabang tulog.

Nag-inat ako at huminga ng malalim. Una kong naamoy si Migs kaya napatayo agad ako sa kama ko't sinuyod ng tingin ang buong kwarto ko. Saka ko lang naalala na suot ko nga pala ang damit niya na ninakaw ko kagabi. Grabe, nilabhan ba 'tong damit na 'to? Imbis na mag-amoy fabric conditioner ay amoy Migs pa rin.

Magtatrabaho ako mamaya at ilang oras na lang ang kailangan para maghanda ako. Kaso nga lang wala akong susuoting damit. Sa konti kasi ng dinala ko, kinailangan kong maglaba ng maglaba ng damit. Kahapon dapat ang wash day ko kaso dahil sa biglaan kong trabaho, nakalimutan ko na.

Napatigil ako sa bukana ng pintuan dahil dumaan si Migs sa harap ko. Sumisipol siya ng isang oldies na kanta habang pinapaikot ang ring ng keychain sa daliri niya. Nalampasan na niya ang kwarto ko pero nang makita ako ay nag-pause siya, naglakad pabalik at tumitig sa damit ko. Or should I say, sa damit niya?

"Nice," puna niya.

Hinigit ko ang laylayan nito para takpan ang legs ko. Mahaba naman ang t-shirt, halos maging dress na nga pero hindi pa rin karespe-respeto ang iksi nito. Tapos yung tingin pa ni Migs, nakakainis. I've seen guys look at me like that pero parang kapag si Migs ang gumawa, hindi nakakaasar. Pero nagkunwari pa rin akong naaasar dahil kahit anong mangyari hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na lumalambot na ako. "Anong tinititigan mo?"

Yung kamay niya na may tinu-twirl na susi ay nilagay niya sa pisngi niya. Nag-lean siya dito. "Alam mo, may ganyan akong damit eh. Saktong-saktong may ganyang mantsa sa kanang manggas. Akala ko ako lang ang may unique na t-shirt. Trend setter na pala ako. Binibenta nila ang damit ko sa ukay-ukay."

"Nakita ko sa sampayan," sabi ko ang unang pumasok sa isip ko. "Wala na kasi akong malinis na damit na pantulog."

"Nasa dulo ng drawer ko iyang damit na 'yan. Wala kang lusot, Hannah. Hindi ka magaling magsinungaling."

Ako pa ang hindi magaling magsinungaling? Reyna ng Kasinungalingan nga ako, di 'ba? Kelan pa hindi umubra ang kasinungalingan ko?

Apparently ngayon dahil nabisto niya ako agad. Pero sa bagay, kung alam niya bawat sulok ng kwarto niya at kung saan nakalagay lahat ng gamit niya, mahuhuli talaga ako. Lulusutan ko na lang. "Eh kung hindi mo ako pinagtrabaho kahapon edi sana may malinis na damit pa ako."

"Kasalanan ko pa na wala kang malinis na damit? Uso maglaba, Hannah. Tsaka pumasok ka ng kwarto ko?"

"Kailangan ko ng damit eh." Naglakad na ako papunta sa banyo, umaasang bibitawan na niya ang conversation.

"Hindi ka ba tinuruan ng mama mo na kumatok?"

Nag-eye roll ako. "Kumatok ako. Wala ka lang sa kwarto mo. Kaya pinapasok ko na lang ang sarili ko. Saan ka pala pumunta? Date?"

"Bakit mo gustong malaman? Selos ka?"

"Asa."

"Maliligo ka na? Anong susuotin mo? Gusto mo pahiramin pa kita ng isang damit? Madali lang naman akong kausap eh. Sabihin mo lang, ikukuha kita. Pahiramin pa kita ng underwear kung gusto mo." Sasarhan ko na dapat siya ng pinto ng banyo pero pinigilan niya ito.

Tiningnan ko siya sa at nakita ko ang dimples sa pisngi niya. Naalala ko yung litrato na nakita ko kagabi. Bakit napakadaling magbigay ng ngiti ni Migs? Na tila kahit sinong makakasalamuha niya ay deserving sa ngiti niya. Ngayong ako ang nasa receiving end ng ngiting iyon, napaisip tuloy ako kung deserving din ba ako.

I'm not.

Nagsinungaling ako sa kanya, pumasok sa kwarto niya ng walang pahintulot, dumekwat ng damit sa drawer niya, nang-invade ng privacy niya. At heto siya sa harap ko, nginingitian ako na parang wala akong nagawang masama.

Napansin ni Migs ang pagbabago ng timpla ko. "Hannah..." Lumuwag ang pagkakaharang niya sa pinto kaya naman kinuha ko ang opportunity na iyon para isara iyon ng tuluyan. Kinandado ko ito at sinandalan na tila maba-block ko lahat ng ginagawang kababalaghan ni Miguel sa damdamin ko. Foreign lahat ng iyon kaya hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.

Kumatok siya. Three sharp knocks. "Hannah, okay ka lang? Bigla kang namutla kanina. May nararamdaman ka ba?"

Oo, may nararamdaman ako. And I don't like it. Sanay akong manhid sa lahat. Pero bakit sa pagdating sa kanya ay laging may reaction sa parte ko?

"Ayos lang ako," sagot ko, trying to swallow the lump forming in my throat.

"Sigurado ka?"

Huminga ako ng malalim at itinawag sa kalangitan ang unti-unting naliligaw na bitchiness ko. "Pwede ba Migs mamaya ka na mangulit? Panira ka lagi ng araw eh."

For a moment tahimik lang siya. "Wala kang sakit. Lumalabas ang kasupladahan mo eh." Nakarinig ako ng scuffle kaya in-assume ko na pabalik na siya sa kwarto niya. Pupunta na sana ako sa shower pero napatigil nang marinig ang, "Sorry pala."

Nagpinting ang tenga ko kaya bumalik ako sa tapat ng pinto. Para kasing unang beses kong makarinig ng sorry. Ni hindi ko nga alam kung para saan ang sorry na 'yun. "Sorry saan?"

"Sa kahapon, yung in-extend ko ang oras mo sa rancho. Binibiro lang naman talaga kita pero narinig ng Lolo mo kaya hindi ko nabawi."

"Takot ka ba sa Lolo ko? Kasi siya ang nagpapasweldo sa'yo?"

Narinig ko ang mahina niyang tawa mula sa kabila ng pinto. "Malaki lang ang utang na loob ko sa kanya."

Utang na loob? May mga tao pa palang nagkakaroon ng utang na loob kay Lolo. It's a matter of life and death na siguro sa parte ni Migs para kumapit sa Lolo ko. "Papatawarin kita sa isang kundisyon."

Kung kaharap ko siya paniguradong mapanghinala ang itsura niya. "Ano 'yon?"

"Half day lang ako ngayon. Maglalaba lang ako ng damit."

Bumulalas siya ng tawa. Sa sobrang lakas, paniguradong rinig iyon hanggang sa baba. Baka nga nagising pa ang mga tao dito dahil sa tawa niya na 'yon eh. "Basta pumasok ka on time. Madami pa akong ipapagawa sa'yo. No special treatment."

Hinintay kong maglaho ang yabag ng paa at pagsara ng pinto ng kwarto niya bago sumagot. "Yes, boss."

Continue Reading

You'll Also Like

32.3K 1.4K 58
"I would hate to be you when people find out what this story is about." - ABC
3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
249K 6.2K 59
Bata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paa...