The Sweetest Escape

By endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Five

8.2K 189 8
By endlesslaugh

Hannah

Kadiliman ang unang sumalubong sa akin.

Mabilis kong binuksan ang mata ko nang maging aware na nananaginip ako. Hindi ko maalala kung ano mismo ang napanaginipan ko pero base sa bilis ng tibok ng puso at sa bigat ng pakiramdam ko, alam kong isa muli itong nightmare.

Hinintay ko munang kumalma ang buong katawan ko bago ko abutin ang cellphone ko at tingnan ang oras dahil iyon na lang naman ang silbi nito: ang maging orasan. Wala rin naman kasing kumokontak sa akin. At ayos lang ako roon. Mas matatakot ako kapag nakatanggap ako ng message dahil magkataong mangyari iyon, alam kong kailangan ko na uling magbalot at magtago. Alam kong alam na niya kung saan niya ako matatagpuan.

Nasa alas-tres pa lang at nakakatatlong oras na tulog pa lang ako. Hindi ko na sinubukan pang bumalik sa kama dahil alam kong hindi na rin naman ako makakatulog kaya pumunta na lang ako sa may bintana at binuksan iyon, hinahayaang pumasok ang sariwang hangin na medyo may amoy ng dumi ng kabayo pero ayos na rin ang amoy dahil nasanay na ako. Isa pa, pawis na pawis na rin ako mula sa paikot-ikot sa kama at marahil na rin sa init ng panahon.

Mula sa drawer ay kinuha ko ang sketchpad at lapis. Hinila ko yung kaisa-isang upuan at pumwesto sa tapat ng bintana para mag-sketch gaya ng nakagawian ko. Tila may sariling isip ang kamay ko habang gumuguhit at natuto na akong sundan na lang ang daloy ng mga linya sa pahina.

Ilang oras na rin ang nakalipas at saka ko lang naramdaman ang strain ng matagal na pag-bend dahil nakasubsob sa page ng sketchpad. Nakuntento na rin naman ako sa drawing ko kaya nag-stretch na ako para ma-work out ang kink sa likod ko. Saka ko pa lang tinignan ang drawing ko.

It was of our boss sa Nymph. Kaya nga lang, imbis na whole body niya ang naka-drawing ay kalahati lang nito tapos nilagyan ko ng bat wings ang likod niya, proportionate sa laki niya. Medyo naka-form ng snarl yung labi niya at nakataas pareho ang kamay with claws coming out from it.

Hindi ko napigilan ang maliit na ngiti na namuo sa labi ko sa ginawa ko. Oo at masama pero kailangan kong ilabas ang frustrations ko somewhere, 'di ba? At kung hindi dahil sa kanya, edi sana may trabaho ako ngayon. Paano ko pararamihin ang ipon ko kung ang tanging gagawin ko lang ay magbayad ng napakalaking renta? Hindi ko pa nga nababawi yung limang-libo na pinambayad ko eh.

Magtrabaho na lang kaya ako sa rancho?

Agad kong isinantabi ang naisip ko na iyon. Kapag nagtrabaho ako doon equals more Migs at more Migs equals more trouble. I don't want to take that risk.

Dahil muli na namang bumabalik kay Migs ang isip ko, nagpasya na lang ako na lumabas ng kwarto ko't maligo na lang. Isa pa, gaya nga ng sinabi ko, init na init na ako.

Unang beses kong lumabas ng kwarto ko ng ganitong oras. Pakiramdam ko kasi nasa horror movie ako. Bukod kasi sa sobrang laki at empty ng bahay ni Lolo, luma na rin ito. Ang style pa niya ay yung tipong panahon pa ng Kastila. May ilang modifications here and there na nahaluan ng modern touch pero mas angat pa ring yung oldies feel nito. Maging yung sahig na kahoy, nakakatakot kasi mamaya isang maling hakbang mo lang baka diretso kang malaglag sa first floor.

Naiintindihan ko rin si Lolo kung bakit hindi niya gaanong pinapaayos ang buong bahay. Sabi sa akin ni Mama, sa Lolo pa raw ni Lolo ang bahay na 'to maging ang rancho. Kumbaga kakapasa sa mga susunod na henerasyon, napakalaki na ng sentimental value ng buong kalupaan ng mga Villaroman.

Napakunot ako ng noo dahil ngayon ko lang na-realize na marami-rami rin pala ang facts na nasagap ko mula sa Mama ko. Yung mga maliliit na impormasyong nasasagap ko tungkol sa pamilya ay nakatago sa kadulu-duluhan ng utak ko at wala akong ideya kung bakit. Baka dahil na rin sa kagustuhan kong magkaroon ng pamilya bukod sa Mama at Papa ko. Noon, naririnig ko ang mga kaklase ko sa eskwela na nagkukwentuhan ng iba't ibang istorya tungkol sa mga family outing nila o di kaya yung kinaiinisan nilang tita o pinsan. Samantalang ako nabiyayaan ng patay na ina, walang-hiyang ama, at gahaman na Lolo.

Ang aga-aga, sobrang bitter ng iniisip ko. Napatawa ako ng malakas habang binubuksan ang pinto ng banyo. Ako na ata ang pinaka-abnormal na tao sa mundo.

Napatigil ako sa pinto at nanlaki ang mata sa nadatnan ko sa banyo.

Si Migs. In a bathroom towel and nothing more.

"Nasa taas ang mata ko," sambit niya at walang kaduda-duda ang tawa sa boses niya.

Regretfully, inalis ko ang tingin ko sa backside niya at tinapatan ang tingin niya sa salamin. Naka-tilt yung ulo niya dahil nag-aahit siya pero kahit na ganoon ang anggulo ng mukha niya ay nakatingin pa rin siya sa 'kin. Napansin ko rin na nakakunot ang noo niya as if hinihintay na ako yung magsalita.

Inaamin ko na na-caught off guard ako nang makita siya sa banyo ko na halos walang saplot kaya medyo bumagal yung pag-angat ko ng depensa ko kay Migs. Pero nang makita ang nang-aasar niyang tingin, naging defensive na naman ako. "Anong ginagawa mo dito?"

"Nag-aahit," tipid niyang sagot habang patuloy sa gawain niya.

"Ha-ha. Anong ginagawa mo sa banyo ko? Breaking and entering 'to. Isusumbong kita kay Lolo."

Tinapat niya yung razor sa dumadaloy na tubig tapos pinagpag ito. Tapos nag-ahit uli siya. "Hindi ko alam na banyo mo na rin pala 'to. Sana nilagyan mo ng pangalan sa pinto para alam ko. Isa pa, breaking and entering ang tawag kapag pumasok ka sa bahay ng may bahay. Nagkataon lang na bahay ko rin 'to."

Ewan ko ba kung bakit pero bakit ang aga-aga ang bitch ni Migs? "Dito ka nakatira?"

"Kwarto ko yung nasa tabi ng iyo."

"Bakit ngayon lang kita nakita dito?" Curious talaga ako kung bakit sa isang buong linggong pananatili ko dito ay ngayon ko lang nalaman na dito nakatira si Migs. Hindi ko siya nakikita o naririnig na dumadaan sa hallway gayong mas malapit yung kwarto ko sa hagdan at kailangan niyang daanan iyon bago makarating sa kwarto niya.

Ibinaba ni Migs ang razor at itinago sa shelf. Kung binuksan ko siguro dati yung shelf na 'yon ay magkakaroon ako ng clue na may ibang gumagamit ng banyo.

Humarap siya sa akin, nag-lean sa lababo at nag-cross arms. Kahit na pigilan ko ay kusang bumaba ang tingin ko sa buhol ng towel niya kasi natatakot ako na bigla itong bumagsak. Tapos yung itsura pa niya ay laidback na tila wala siyang pakialam kung malalaglag yung towel niya.

"Wala naman kasi ako rito araw-araw," sagot niya sa nauna kong tanong. Nang marinig ang boses niya ay napaangat uli ako ng tingin at nakitang nakangiti siya. Parang gusto ko tuloy sapakin. "Nakikitira lang ako kapag tinatamad akong umuwi ng bahay. Tsaka hindi tulad mo, ayaw kong nakakulong sa kwarto ko bente kwatro oras."

"Hindi ba diyan ka lang nakatira?"

Umiling siya at tumayo ng maayos. Napatingin na naman ako sa towel, inaabangan na malaglag ito. Sandali. Inaabangan?

Napakamao ako sa dahil kung saan-saan ako dinadala ng iniisip ko.

"Lumipat na kami ng bahay noong namatay ang Inay. Masyadong maraming alaala at hindi kinaya ng Itay kaya lumipat sila sa may Silangan." Isang hindi ko mapangalanan na emosyon ang dumaan sa features ni Migs. Malapit ang emosyong iyon sa lungkot at nagulat na lang ako nang lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat as if to comfort him.

Kaso napatigil ako nang matauhan sa mga kinikilos ko. Ganito nagsisimula ang mga heart-to-heart na pag-uusap and to be honest, iyon ang pinakanakakailang na conversation para sa akin. Ayokong nalalaman ang mga personal na detalye ng ibang tao dahil sa huli, aasa silang magbibigay din ako ng kwento ko sa kanila. And I don't want to tell them anything.

Isa pa kapag in-entertain ko ang conversation na 'to, hindi ko maipagkakaila na I care. I care enough to want to know more about him. And I don't want to go there.

Hinigpitan ko ang hawak sa matipuno niyang braso at tinulak ko palayo ng lababo. "Lumabas ka na nga, Migs. Ang aga-aga ang sakit mo sa ulo."

Sa salamin ko pinanood ang reaksyon niya. Nawala yung playfulness sa expression niya at napalitan ng pagkayamot. Dahil sa ginawa ko?

Ayan na naman ako, iniisip ko ang nararamdaman niya. Get a grip, Hannah!

"Ano? Hindi ka pa lalabas?"

"Iniisip ko na gusto kong maligo uli. Ang init-init kasi ng panahon," komento niya sabay hawak sa knot na nagse-secure ng towel sa bewang niya.

Lumapit ako sa kanya at gamit ang lahat ng lakas ko ay itinulak ko siya palabas ng banyo at isinara ang pinto sa mukha niya. Huminga ako ng malalim at hinarap ang salamin. Hindi ako vain pero napagkumpara ko ang itsura ko ngayon sa itsura ko kagabi. At naiinis ako dahil may faint traces ng blush sa mukha ko. Ayaw ko sa mga emosyong inilalabas ni Migs mula sa sistema ko. I really need to leave.

❈    ❈    ❈

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako, handa na para salubungin ang araw. Babalik ako sa bayan para maghanap ng bagong trabaho.

Nagulat ako dahil nakita ko ang Lolo ko sa hapag-kainan. Palibhasa lagi akong late bumababa dati, ngayon ko lang uli siya nakasalubong sa bahay mula noong huli naming pag-uusap.

Tatalikod na sana ako't napagpasyahang mag-almusal sa ibang lugar pero pinigilan niya ako. "Saan ka pupunta? Tabihan mo muna ako dito't mag-almusal ka."

Gusto kong pagtarayan ang Lolo ko dahil kung umasal siya akala niya close kami. Pero kahit papa'no naman ay pinalaki ako ng Mama ko na may galang pa rin sa matatanda kaya umupo ako sa harap niya. Agad naman akong pinaghainan ni Manang Lita ng sinangag at itlog.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa naunang matapos si Lolo sa akin. Pagkatapos niya ay lumapit si Manang Lita at naglapag ng iba't ibang gamot sa lamesa at isa-isa itong ininom ng Lolo ko. Nang matapos niya lunukin ang halos sampung gamot ay iniangat ni Manang ang sleeve niya tapos kumuha ng bulak na may alcohol at pinahid sa braso ni Lolo. Nakita kong kumuha siya ng isang mukhang ballpen na device tapos tinanggal niya ang takip at isinaksak sa nilinis niyang parte ng braso. Napaurong ako sa kinauupuan ko dahil mukhang masakit iyon pero mukhang wala lang kay Lolo.

"Diabetes," paliwanag niya sa unspoken question ko. "Gamot na lang ang bumubuhay sa akin. Hindi ko magawang tigilan dahil kung mawawala ako, sino'ng mag-aalaga sa Rancho Villaroman? Ako ang nasa dulo ng family tree. Walang magmamana nito at hindi ko magawang iwanan sa hindi ko kadugo."

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara. Mabuti na 'yon at baka sumabog ako sa kinauupuan ko.

Ayos lang sa akin na hindi niya ako i-acknowledge na kadugo pero para sabihin na siya ang nasa dulo ng "family tree" na parang hindi niya naging anak si Mama ang nakakagalit sa lahat. Habang tumatagal ako dito parang mas nasasakal ako. Maling desisyon nga ata talaga na dito ako pumunta.

Tumayo na ako at nagtungo sa direksyon ng pinto dahil hindi pagkain ang naubos sa akin kundi ang pasensya ko.

"Saan ka pupunta?" habol niya. "Nasa kabilang direksyon ang rancho."

Napatigil ako. "Anong gagawain ko do'n?"

Kinuha niya ang tungkod niya at naglakad papalapit sa akin. "Akala ko ba magsisimula ka ngayong magtrabaho? Nabanggit sa akin ni Miguel kanina na magsisimula ka daw ngayon. Ayaw ko sanang pumayag dahil alam kong hindi mo kakayanin ang mahirap na trabaho pero mapilit yung bata."

Nasa tapat ko ngayon si Lolo at nakatingin ng diretso sa mata ko as if he's challenging me. Inaakala niyang hindi ko kaya ang mahirap na trabaho pero doon siya nagkakamali. Walang naging madali para sa akin habang lumalaki ako kaya sanay ako sa hirap. At mas lalo namang hindi ako aatras sa panghahamon niya sa akin kahit silent dare lang iyon.

Hindi sana ako papatol sa matanda pero ang stubborn niya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko noong sumagot, "Magkano ang sweldo ko?"

Continue Reading

You'll Also Like

12.8K 5.2K 60
METANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto...
3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...
237K 3.9K 83
A famous icon in the music world and an heiress that is gifted with such fine talents, were connected by one fateful accident, meeting unconsciously...