Paper Planes (AD) [COMPLETE]

By ad_thor

215K 5.4K 451

Despite the fame her band Portmanteau and the attention she was getting, Alyssa Valdez, a second year High Sc... More

Prologue
Paper Planes I
Paper Planes II
Paper Planes III
Paper Planes IV
Paper Planes V
Paper Planes VI
Paper Planes VII
Paper Planes VIII
Paper Planes IX
Paper Planes X
Paper Planes XI
Paper Planes XII
Paper Planes XIII
Paper Planes XIV
Paper Planes XV
Paper Planes XVI
Paper Planes XVII
Paper Planes XVIII
Paper Planes XIX
Paper Planes XX
Paper planes XXI
Paper Planes XXII
Paper Planes XXIII
Paper Planes XXIV
Paper Planes XXV
Paper Planes XXVI
Paper Planes XXVII
Paper Planes XXVIII
Paper Planes XXIX
Paper Planes XXX
Paper Planes XXXI
Paper Planes XXXII
Paper Planes XXXIII
Paper Planes XXXIV
Paper Planes XXXV
Paper Planes XXXVI
Paper Planes XXXVII
Paper Planes XXXIX
Paper Planes XL
Paper Planes XLI
Paper Planes XLII
Paper Planes XLIII
Paper Planes XLIV
Paper Planes XLV
Epilogue

Paper Planes XXXVIII

3.7K 94 12
By ad_thor

-----

"HAPPY BIRTHDAY KIMMY!"

"Happy Birthday Kimmy! Happy Birthday Kimmy! Happy birthday, happy birthday, happy birthday Kimmy!" Kanta ng lahat.

"Salamat guys sa pagpunta!" Pasasalamat ni Kim at hinipan na ang kandila sa cake niya. "Party na!" Sigaw niya at nagsimula na ang party. Malakas ang tugtog at maingay dahil na rin sa mga nagk-kwentuhang mga bisita. Imbitado ang mga kaklase ni Kim, teammates, friends at siyempre ang barkada.

That girl is so dangerous, dangerous, dangerous
I've seen her type before.

"Happy birthday Par!" Sigaw ni Vic mula sa likod ni Kim at pwersahang isinuot sa kanya ang party hat.

"Ahhhhh!" Sigaw ni Kim. "Bakit may ganito pa?" Tanong niya habang inaadjust ang party hat niya.

"Birthday kasi ni Vic Par." sarkastikong sabi naman ni Kiefer habang kumakain ng favorite niyang braso ni Mercedes.

"Hay nako." Sabi na lang ni Kim.

"Kuya Kim!" Natawa naman sila nang may sumigaw, si Jirah may hawak na phone. "Si kuya Gretch." Dugtong niya habang pinapakita si Gretch na nasa screen, naka-videocall.

"Hoy Kim happy birthday! Sorry 'di nakapunta, daming gagawin eh. Padalhan na lang kita ng babae jan."  Bungad ni Gretch at nagtawanan sila.

"Ayos lang salamat!" Natatawang sagot ni Kim. "Gusto ko lima." Sagot naman niya. "Pahingi ng may dugong bughaw!"

"Kahit limang lima pa!" Sagot naman sa kabilang linya ni Gretchen. "Marami dito, kaso ginawa kong berde dugo."

"Babaero talaga!" Sagot ng halos lahat.

"Well, pogi eh." Sagot naman ni Gretchen.

"Oo nga pala Par, may kanta kami para sa'yo!" Sigaw ni Kiefer at dali-daling inubos ang pagkain niya at uminom.

"Mga Par, pwesto!" Sigaw naman ni Vic at pumwesto sila Kiefer, Thirdy, at Aly sa harap ni Kim. Sinukbit na ni Aly ang strap ng gitara niya.

"Ehem!" Tikhim ni Thirdy at nag-vocalization pa sila kuno. Si Aly naman hinihintay lang ang mga vocalists niya.

"Hope you like it Par." Sabi ni Vic at ngumiti pa nang nakakaloko. "In 1, 2, and 3!" Nagstrum na si Aly at kumanta na 'yung tatlo.

"Happy birthday, happy birthday pareng Kim!"  Unang line ng kanta. Sinabayan pa nila ng palakpak at ganado pa silang kumanta kaya natatawa 'yung iba.

"Tropa naming, tropa naming ma---- hmm!"  Naningkit ang mata ni Kim sa pangalawang line at nagpipigil naman 'yung tatlo ng tawa. Na-gets rin ng iba kaya may tumawa.

"Tropa naming 'di makita sa ----- hmm!" 

"Hoy ang lakas ng trip niyo ah!" Sigaw ni Kim nang ma-gets na niya 'yung two lines.

"Ang sama na ng tingin niya sa'min!"

"HAPPY BIRTHDAY KIM!" bati ulit nilang apat 'yung iba naman tumatawa na.

"'Kala niyo 'di ko na-gets ha?" Tanong ni Kim.

"Ang ganda 'no? Galing ng composer!" Sabi pa ni Vic.

"Sino?" Tanong ni Kim.

"Siyempre!" Sabi ni Vic nang may pagmamalaki kaso nakita niyang mukhang manunugod na si Kim. "Siyempre uhm si Manong." Sabi niya at nagulat naman si Kiefer.

"Uy hati-hati tayo sa lines ah!" Sabi agad ni Kiefer at tumingin kay Kim. Tinginang guilty.

"Tumakbo na kayo kung ayaw niyong mabatukan." Sabi naman ni Kim.

"Waaaaaah!" Sigaw ng tatlo nang lumapit na si Kim. Si Aly nagtaas naman ng kamay.

"Uhm 'yung first line akin." Agad na sabi nito kaya hindi siya hinabol ni Kim dahil una, hindi siya ang may sala at... hindi siya tumakbo.

"Ba't pala 'ko tumakbo eh 'yung last line sa'kin!" Hingal na sabi ni Thirdy habang bumabalik sa pwesto nila kanina. Nakayuko pa siya habang nakahawak sa mga tuhod niya. 'Yung dalawa naman nakatakbo na.

"Galang, Ravena!" Sigaw ni Kim at tumakbo na rin para habulin sila. Tumatawa naman 'yung iba habang naghahabulan 'yung tatlo, 'yung dalawa namang inosente ay umupo na.

Pinanood lang nilang magbatukan 'yung tatlo hanggang sa mapagod ang tatlo at umupo na rin.

"Sa labas ko kayo patulugin eh." Hingal na sabi ni Kim.

"'Wag po kuya Kim." Sabi naman ni Kiefer. Naka-pajama silang lahat dahil mag-o-overnight sila kila Kim ngayong gabi.

"Gusto ka pa naming makatabi." Hirit pa ni Vic at nagtawanan na lang sila.

Tuloy lang sila sa pagk-kwentuhan at tawanan. Si Aly ngumingiti na lang habang umiinom ng juice sa gilid at nakaupo. 'Di na niya masyadong narinig ang ibang mga pinag-u-usapan nila dahil sa ingay sa paligid.

Bigla siyang nakaramdam ng kung ano sa tenga niya at may tumunog. Pagtingin niya ay earphone pala na pinasok sa tenga niya. Pagtingin niya kung sino 'yon, ay si Dennise. Umupo ito sa tabi niya at suot niya ang isa pang earphone habang kumakain ng candy na flower galing sa cake. Nahirapan naman si Aly na marinig 'yon dahil sa ingay sa bahay nila Kim kaya tinakpan niya ang mga tenga niya para mas marinig niya iyon.

"Ano 'to?" Tanong niya habang naka-focus sa kanta. "Ambulansya?" Dugtong niya.  May pinaparinig na naman kasing kanta si Dennise sa kanya. Ganto ang ginagawa ni Dennise kapag may nagugustuhan siyang kanta na na-discover, pinaparinig niya kay Aly at papakinggan nila nang sabay. Kaso magkaiba sila ng gusto. Si Dennise, kadalasan ay maiingay ang gusto at si Aly naman kabaligtaran, gusto niya ay kalmado lang. Tinignan naman ni Alyssa si Dennise dahil hindi ito sumasagot. Nakikinig lang din 'to sa kanta habang sinasabay ang ulo sa beat. Nag-focus na lang din siya sa kanta.

Kumanta si Dennise sa chorus, o kung kanta nga ba 'yon dahil parang binibigkas lang nito ang mga salita. Hindi rin naman maintindihan ni Aly 'yung sa mismong tugtog kaya kay Dennise na lang niya pinakinggan 'yung lyrics.

"There's a place in this world
Where people like me are found by people like you
So find a place as this forever divine
Oh yeah you're the best damn friend that I'll ever have
You'll always smile upon me when the seasons bad
You'll always make me feel best even when I'm blue
You'll always smile upon me and I'll smile upon you too"

Nang matapos ang chorus ay nagsalita si Dennise, 'yung totoo na.

"Hay, I'm starting to love Passion Pit na! Song nila 'to." Sabi niya kay Alyssa.

"Uhuh." Sabi na lang ni Aly. Tinignan siya ni Dennise from head to toe.

"Mukha kang preso." Seryosong sabi nito. Tinuro pa siya nito gamit ang stick ng candy na flower kanina. Kulay orange kasi ang kulay ng pantulog ni Aly. Naningkit ang mga mata ni Aly sa narinig at tinignan naman niya ang suot ni Dennise, color light blue ang kanya. "Letter P na lang sa likod ang kulang." Tinignan naman ni Alyssa ang suot niya, hindi naman bright orange ang kulay nito. Light lang, parang kupas na orange, inisip na lang niyang inaasar lang siya ni Dennise.

"So mag-oovernight ka rin?" Tanong na lang ni Aly at tumang-tango naman si Den.

"'Di ba malapit lang school dito, nilalakad mo ba 'yon 'pag pumapasok ka?" Biglang tanong ni Dennise. Tinignan siya ni Alyssa.

"Oo." Sagot nito na may tango. "Minsan nagcocommute ako."

"How 'bout, takbuhin?" Tanong ni Den at ngumiti, 'yung ngiting feeling ni Aly mapapahamak na naman siya.

"Hindi..." nag-aalangang sagot ni Aly. "Pa."

"Oh." Sabi ni Dennise at tinanggal ang earphones na nakakabit sa tenga nilang dalawa.

"Bakit?" Tanong ni Aly pero tumayo na si Den at kinindatan siya. "Uy." Tumayo din siya pero naglakad na papalayo sa kanya si Den. Hinabol niya ito but she was suddenly nowhere in sight and she bumped into someone. She turned to look. "Oh sorry uhm."

"It's okay 'Ly." Nakita niyang si Laura pala 'yon.

"U-uh Lau ikaw pala yan." Napakamot si Aly sa batok. "Sorry may hinahabol kasi ko kanina, hindi ko napansin dinadaanan ako."

"Don't mind it." Laura said and smiled timidly.

"Uhm, kanina ka pa dito?" Tanong ni Aly dahil ngayon niya lang nakita si Lau.

"Yes." Sabi ni Laura. "Watched your performance, great song!" She chuckled that made Aly blush so she turned to look from left to right hoping she wouldn't notice.

"Uhm thanks." Sabi ni Aly. "Though I didn't really do much."

"That was actually too much." Laura said.

"Ma-oovernight ka rin ba?" Tanong niya.

"Unfortunately, my parents didn't allow me." Nakasimangot na sagot nito. "'Ly, can you tour me around Kim's house instead?" She suddenly asked.

"Oh?" Gulat na tanong ni Aly. "Sige. Uhm sa'n mo gusto magsimula?"

"I'm done here, can we go upstairs?" Laura asked. Alyssa suddenly felt uneasy.

"This isn't our house," nag-aalangang sabi ni Alyssa. "But I guess they won't mind. Lagi naman ako dito, so tara?" She gave way for Laura then followed her.

Pagka-akyat sa hagdan ay sinabayan na ni Aly si Lau sa paglalakad.

"Hmm ituturo ko lang sa'yo 'yung kwarto nila, pero 'di tayo papasok baka magalit si Kim eh." Paliwanag ni Aly.

"I understand." Sabi naman ni Laura at tuluyan na silang naka-akyat, ni-lead ni Aly si Lau sa unang kwartong nakita niya.

"Diyan 'yung kwarto nila tita at tito, magkasama sila sa iisa." Turo ni Aly sa unang kwarto sa kanan. Laura is just watching her intently, not even looking to where she's pointing. "Ta's," sabi ni Aly at lumingon sa kabila. "Iyon naman 'yung kwarto ni Kim, mag-isa lang siya do'n. Hmm diyan kami nag-oovernight minsan. Minsan kila Vic, minsan sa'min." Turo niya sa kwarto sa kaliwa at tinignan si Lau, which is looking at her also. "Uhh." Nahiya siya bigla kaya napaiwas siya ng tingin. Naglakad na siya palayo para maturo pa 'yung isa pang kwarto. "Dito naman 'yung---" naputol naman ang sasabihin niya nang magsalita si Laura.

"'Ly," Laura. Napatingin sa kanya si Aly. "I like you." Nagulat naman si Aly at napanganga siya ng ilang segundo.

"Huh?" Tanong ni Aly dahil nabigla siya.

"I. Like. You." Seryosong sabi ni Laura. "I-i don't know why, but I like you so much 'Ly." Bigla siyang nautal at nakaramdam ng hiya.

"Lau..." 'yun na lang ang nasabi ni Aly, halo-halo ang nararamdaman niya.

"I've been thinking about this for a year 'Ly, and I'm sure now that I really do." Bakas sa mukha ni Laura na parang frustrated siya sa mga sinasabi niya pero sincere ang tono niya.

"But, y-you're straight?" Tanong ni Aly. Lumapit sa kanya si Lau at hinawakan ang mga kamay niya.

"I am, 'Ly." Laura said. "But definitely not, for you." She squeezed her hands. "'Ly please say something, I feel like I'm going to burst." Nakatingin lang si Lau sa mga mata ni Aly at si Aly naman ang hindi makatingin s kanya.

"Lau, actually." Aly said and tried to look at her. "Actually, I,"

"Huy andito pala kayo!" A voice stopped them from their cracks and Kiefer came out of nowhere. "Kanina pa namin kayo hinahanap, may regalo kami kay Kim dapat makita niyo rin." He saw their hands, but he didn't just mention it.

"Ah g-gano'n ba." Sabi na lang ni Aly. She let go of their hands together. Nasaktan si Laura do'n, pero hindi na lang niya pinahalata.

"S-sige bababa na kami." Sabi ni Lau at tumingin kay Kiefer.

"Okay, tara na excited na 'ko!" Sabi ni Kiefer at nauna na sa kanila. Tinignan ni Aly si Lau para magsalita.

"Lau," nag-aalalang tawag ni Aly sa kanya.

"Hmm, I guess let's forget about it muna? It's Kim's day, I don't want you to forget about our friend's day." Laura said at tumalikod na sa kanya at naglakad na pababa.

"Pero Laura." Aly said at hinabol siya.

"'Ly it's okay, you don't have to worry about me. Let's talk about it some other time and just focus on Kim." Tumingin sa kanya si Laura at ngumiti pero agad ding umiwas ng tingin para bumaba na. Hindi naman na nagsalita si Aly kahit na gusto na rin niyang umamin.

Bumaba siyang litong-lito, buti na lang at wala namang nagtanong dahil kay Kim sila naka-focus. Si Laura naman sumama sa iba nilang classmates na invited.

"Uy mukhang dumadamoves tayo ah." Rinig niyang bulong ni Vic sa kanya. "May utang kang kwento sa'kin, pero save it. Nakita mo na ba surprise namin kay Kim?"

"Hindi pa, ano ba 'yon?" Tanong ni Aly at 'di na pinansin 'yung unang sinabi ni Vic.

"In-invite namin si Carmela." Excited na sabi ni Vic at hinatak siya papunta sa living room para ipakita sa kanya.

Pagkarating nila ay maingay sa pangunguna ng mga Ravena, nakita naman ni Aly si Kim na may kasamang babae. Mukhang hiyang hiya si Kim at 'di mapakali.

"Ayun siya oh! Nagulat si Kim, first time din nilang mag-meet sa personal." Bulong ulit ni Vic. Nakita naman ni Aly ang babaeng sakto lang ang kulay ng balat, mahaba ang buhok, at cute.

"Wait, Carmela?" Tanong niya kay Vic at tinignan siya nito.

"'Yung nakita niya sa park! Na naging textmate niya!"

"Ahh." Sabi ni Aly nang maalala na niya. "Pa'no mo siya na-invite?"

"Lagi kasi silang magka-text, kinuha ko 'yung number ni Mela habang nagtetext si Kim. 'Di naman niya alam na nakuha ko na kasi tutok na tutok siya sa phone niya. Then 'yun nagmessage ako sa kanya, nagpakilala, then I invited her." Kwento ni Vic kay Aly na tatango-tango lang habang nakatingin kila Kim. "Tara, pakilala ka na rin."

Lumapit sila sa kanila, nagpakilala silang magbabarkada kay Carmela, at tinanong naman siya ng kung ano-ano. Habang kumakain ay todo asikaso naman si Kim kay Carmela at bakas sa mukha nito ang saya.

"Naka-jackpot 'to si Kimtot." Bulong ni Vic.

"Oh I know how that feels, kinuyog din nila ko no'n because of 'Ly. You can tell them to stop if you want Carmela." Sabi naman ni Den at tumawa silang lahat even Carmela.

"Nagtatanong lang naman."

"Mabait naman kami."

"Hindi ka namin kinuyog no'n ah!" Defensive na sagot ng iba.

"It's okay, Den. Tutal first time ko rin kayo na-meet lahat. Ang saya niyo nga kausap eh." Sabi naman ni Carmela.

Tuloy lang sila sa pagk-kwentuhan, hindi naman maiwasan ni Aly na isipin si Lau kahit subukan niyang makinig sa usapan. Tahimik lang siya sa upuan niya.

"Hey Kim, happy birthday ulit salamat sa pag-imbita una na kami." Rinig nilang sabi ng isa nilang classmate kaya napatingin sila.

"Ah sige guys salamat din, hatid ko na kayo sa labas." Sabi naman ni Kim at tumayo.

"Bye 'Ly." Rinig ni Aly na may tumawag sa kanya kaya napatingin siya at nakita si Cathy, classmate nilang crush na crush siya. "'Wag mo 'ko pagpapalit ah?" Natawa naman sila sa sinabi nito at napangiti lang si Aly. Nakita naman ni Aly na katabi ni Cathy si Lau, kaya napatayo siya bigla.

"Uhm, Kim ako na maghahatid sa kanila sa labas. Asikasuhin mo na lang si Mela." Sabi naman ni Aly kaya napatingin sila sa kanya. Si Kim at Vic naman ay nginitian siya nang nakakaloko.

"Ayos ah." Sabi ni Vic habang nakangiti pa rin.

"Oh sige salamat par. Ingat kayo." Sabi ni Kim at umupo na ulit.

Lumapit na si Aly sa classmates nila at lumabas na sila sa bahay nila Kim. Gusto sanang lapitan ni Aly si Lau kaso lang ay kumapit sa braso niya si Cathy.

"Yeee, kinikilig naman ako 'Ly hahatid mo pa talaga 'ko. Uwi ka sa'min?" Tanong ni Cathy. Aly smiled.

"Next time." Sabi na lang ni Aly. Cathy giggled. Sinisilip lang ni Aly si Lau na kausap ang iba nilang classmates, napakamot naman siya batok dahil 'di niya 'to makausap.

Nakarating na sila sa sakayan hindi pa rin nakakalapit si Aly kay Lau.

"Salamat 'Ly!" Sabi ng mga classmates niya.

"Ah sige ingat kayo." Sabi naman ni Aly. Bago makasakay ay hinawakan niya sa braso si Laura kaya napatingin ito sa kanya. "Uhm ingat ka." Tipid na sabi niya at bumitaw agad.

"You too." Sabi ni Laura at agad na sumakay. Pinanood naman ni Aly umandar ang jeep hanggang makalayo na ito. Bumalik na siya sa bahay nila Kim.

Naglakad na siya pabalik at nadatnan niya si Kim at Mela na naglalakad palabas sa bahay. Napansin naman siya ni Kim.

"Uy par, diyan ka na pala. Una ka na sa kwarto hahatid ko lang si Mela." Sabi ni Kim.

"Sige ingat, uhm bye Mela."

"Bye din, nice to meet you." Sabi naman ni Mela.

-----

Dahil sa nakakapagod na gabi ay ala-una ay nakatulog na ang lahat pwera kay Aly na nakapikit lang at gising pa ang diwa. Rinig na rinig nga niya ang hilik ng isa sa mga Ravena. Walang natulog sa kama lahat sila ay nakahiga sa sahig. Naglatag lang sila, para fair sa lahat. Sanay din naman sila at hindi sila maarte.

Hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Aly ang pag-amin ni Lau sa kanya kanina, halo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung paano mag-re-react kaya wala siyang masabi kanina. Magtatanong na lang siya sa mga kaibigan kung ano ang gagawin niya.

Naputol naman ang pag-iisip niya tungkol doon nang may marinig siyang kung ano. Napabangon siya at nakita niyang bukas ang sliding door sa terrace. Pumikit pa siya at dumilat muli para masiguradong hindi siya namamalikmata. Bukas nga iyon. Tinignan naman niya ang mga kasama niya, lahat ay mahimbing nang natutulog. Nagtaka naman siya kung bakit bukas 'yon kaya dahan dahan niyang tinanggal ang kumot niya at tumayo. Naglakad siya papunta sa terrace para isara ang pinto. Dahan-dahan niya itong sinara nang may mahagip ng mata niya. Isang pigura kaya dahan dahan niya ulit itong binuksan para tignan kung may tao. Dahil do'n ay napatingin 'yung nasa terrace, paglingon ay nakita niya si Dennise. Nagulat sila parehas.

"Oh ba't gising ka pa?" Mahinang tanong ni Aly pero sapat na para marinig ni Den. Lumabas din si Aly at lumapit sa kanya.

"Nagpapaantok lang, ikaw?" Tanong din ni Den.

"'Di rin ako makatulog eh." Sagot naman ni Aly. "'Yung isa kasi diyan eh, sinanay na'ko magpuyat." Dugtong niya. Den giggled. Naglakad si Den pabalik sa kwarto. "Tutulog ka na?" Tumalikod siya para makita si Den.

"Nope." Sagot ni Den. "I'll go out for an adventure." Simpleng sagot nito. Napakunot ang noo ni Aly.

"Ano na namang iniisip mo Dennise?" Tanong ni Aly at bahagyang lumapit sa kanya.

"You will only know if you go with me." Den grinned. "So sasama ka ba?" Tanong nito at sinagot naman siya ni Aly, ang lagi niyang sagot sa tanong na iyon ni Den.

"Hindi."

-----

"Where the hell are we going Dennise!" Mahina pero madiing tanong ni Aly sa kanya. Ano pa nga ba? As usual wala na naman siyang nagawa kahit 'di siya pumayag, hindi niya alam pa'no 'yon nagagawa ni Den. Lumabas sila ng bahay nila Kim. Madilim sa labas at konting ilaw na lang ang bukas.

"Punta tayong school!" Masaya at excited na sabi ni Den habang naglalakad, si Aly naman ay nakasunod lang sa kanya.

"What the? Alam mo ba kung anong oras na?" Tanong ni Aly sa kanya. Nilingon naman siya ni Den.

"Hindi, anong oras na ba?" Inosenteng tanong ni Den.

"Alas tres ng madaling araw." Sagot naman ni Aly.

"Ahh." Sagot lang ni Den. Napabuntong hininga naman si Aly.

"Bumalik na nga tayo do'n." Aya niya kay Den at hinila siya pabalik ng bahay nila Kim.

"Hindi na tayo makakabalik do'n kasi 'di ba ni-lock mo yung pinto? Kung kakatok ka nakakahiya naman sa kanila." Sabi naman ni Den at napatigil si Aly do'n. Napasapo siya sa noo.

"Pa'no na tayo niyan saan tayo pupunta?" Tanong ni Aly, hindi naman pwede sa kanila kasi malamang tulog na rin mga tao do'n.

"Sa school nga." Sagot ni Den. "Malapit lang 'yun dito 'di ba?"

"Sarado 'yon ano namang gagawin natin sa labas no'n?"

"Tss. Don't you trust me?" Tanong ni Den. "On the second thought, 'wag mo na sagutin alam ko na sagot. Of course you trust me." Ngumiti pa ito nang malapad and wiggled her brows. "Tara na. Takbuhin na natin." Hinawakan siya ni Den sa wrist at saka hinila, tumatakbo sila ngayon. Natatakot naman si Aly dahil baka may tanod o kaya kaskaserong driver ang mapadaan.

"Uy! 'Wag na!" Sigaw ni Aly at tumigil siya kaya napatigil din si Den sa pagtakbo. "Parang wala kang asthma. Lakarin na lang natin." Sabi pa niya at siya naman ang humawak sa wrist ni Den at naglakad na.

"Yeee concern." Sabi na lang ni Den.

"'Pag tayo nahuli ng tanod ah." Sabi naman ni Aly nang 'di nakatingin sa kanya.

"Nako pagkakamalan kang takas." Tumatawang sabi ni Den kaya napatingin sa kanya si Aly napasimangot.

"Kasalanan mo 'to eh." Sabi ni Aly. Binitawan siya nito at sumabay na lang kay Den sa paglakad.

"Uy tara 7/11 muna tayo." Aya ni Den at biglang tumakbo papunta sa 7/11.

"Teka!" Sigaw ni Aly at hinabol siya.

Nang makarating ay kung ano-anong pagkain ang binili ni Den, bumili na rin si Aly.

"Banana?" Tanong ni Den kay Aly at ngumuso sa saging na nasa may cashier.

"Tss." Sabi ni Aly habang nagbabayad at natawa na lang si Den.

Nang makabili ay naglakad na ulit sila papunta sa school.

"Pa'no tayo makakapasok sa school eh sarado pa 'yon?" Tanong ulit ni Aly for the nth time.

"Makakapasok tayo do'n." Sabi lang ni Den. Hindi na nagtanong ulit si Aly at naglakad na lang sila. Panay naman ang kwento ni Den kaya nawala ang antok ni Aly.

Nang makarating na sila sa harap ng school ay hinila ni Den si Aly.

"Aray! Bakit?" Tanong ni Aly at hinimas ang wrist niya.

"'Wag ka diyan, makikita tayo sa CCTV." Bulong ni Den sa kanya at hinanap naman ng mata ni Aly ang CCTV na nasa may bandang taas ng gate. Bumalik ang tingin niya kay Den.

"Eh saan naman tayo dadaan?" Tanong niya. Hindi na nagsalita si Den at naglakad na lang papunta sa likod ng school. Sinundan naman siya ni Aly habang patingin tingin sa paligid. "'Wag ka ngang masyadong malayo." Sabi ni Aly kay Den at sinabayan ito maglakad. 

Matapos ang ilang hakbang ay tumigil si Dennise sa paglalakad kaya tumigil din si Alyssa. Palingon lingon si Dennise na parang may hinahanap kaya palingon lingon din si Alyssa.

"Asan na ba 'yon?" Tanong ni Dennise sa sarili habang may hinahanap na kung ano sa gilid ng pader.

"Uy ano na? Uwi na lang tayo." Sabi ni Aly habang tumitingin pa rin sa paligid.

"Umuwi ka kung gusto mo." Sagot ni Den nang 'di nakatingin sa kanya. Napakamot naman si Aly sa batok, ano pa nga bang magagawa niya.

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ni Aly at lumapit sa kanya.

"Wait lang." Sabi ni Den at yumuko para maghanap ulit.

"Tulungan nga kita." Sabi naman ni Aly at yumuko rin.

"Eto!" Biglang sigaw ni Den at pagka-angat niya ng ulo niya ay nauntog siya kay Aly.

"Aray!" Sabay nilang sabi.

"Bigla bigla ka naman kasi." Reklamo ni Aly habang hinihimas ang ulo niya. Den giggled.

"Eto na, dali tulungan mo 'ko kunin 'yung hagdan." Sabi naman ni Den habang hawak ang dulo ng hagdan. Pumwesto naman si Aly sa kabila at inangat nila 'yon. Nang mapwesto na ang hagdan ay humawak si Den dito para umakyat.

"Teka lang." Pigil ni Aly sa kanya. Napatingin si Den sa kanya. "May tatalunan ba tayo sa kabila?"

"Hmm." Sabi ni Den habang nag-iisip. "'Yung lupa."

"Hay." Sabi ni Aly. "Bumaba ka nga diyan, ako na mauuna." Bumaba naman si Den at nagsimula nang umakyat si Aly. "Baka mabalian pa tayo pagtalon nito eh."

"Edi mauuna ka?" Tanong ni Den habang pinapanood siyang umakyat. "Prone ka pa naman sa injury ako na lang mauuna uy!" Hinawakan niya sa paa si Aly para pigilan.

"Bitawan mo nga 'ko. Mas matangkad ako kaya mauuna ako."

"Hey! Anong ibig mong sabihin?" Tinaasan siya ng kilay ni Den pero 'di naman niya kita dahil umaakyat siya.

"Ah basta." Sabi na lang ni Aly. "'Di ako mababalian agad kasi kumakain nga ko ng," 'di naman na tinuloy ni Aly sasabihin niya dahil alam niyang mali. Pero huli na. Tumawa si Den.

"Ng saging? Oo nga pala." Sabi ni Den at tumawa ulit. Nagdirediretso na lang si Aly sa pag-akyat. "Sige mauna ka na unggoy kapit ka na lang sa puno pagkatalon." Natatawang sabi pa ni Den. Umupo na si Aly sa tuktok ng pader. Humarap siya kay Den.

"Hay, para naman tayong magnanakaw nito." Sabi ni Aly.

"For the nth time ikaw lang 'no." Pang-asar ni Den.

"I can't believe I'm doing this." Sabi ni Aly and Den giggled.

"You always say that whenever you're with me." Sagot naman ni Den.

"Yun nga, because I'm with you. Saluhin na lang kita dito sa kabila ah." Sabi ni Aly at isa isang binaba ang paa niya sa kabila saka bumaba. Medyo mataas ang pagkakahulog pero hindi naman siya nabalian. Nagpagpag siya ng kamay saka inabangan si Den. Maya-maya ay nakaakyat na rin si Den at umupo sa tuktok ng pader. Hinagis nito kay Aly ang plastic niyang 7/11 na may pagkain. "Oh. Talon ka na pagkabilang ko ng isa--- oy!" Napasigaw si Aly dahil pagkasabi niya ng isa ay agad tumalon si Den. Dali dali naman siyang umatras ng bahagya para masalo si Den ng mga braso niya. Tumili naman si Den kaya medyo napaiwas ng ulo si Aly dahil sa tining ng boses.

"Aray!" Sigaw ni Den kaya agad din napatingin sa kanya si Aly. Nasalo siya ni Aly pero dahil sa bigla at impact, hindi na-ready si Aly masyado kaya napabitaw ang isa niyang braso at nalaglag si Den. Una ang pwetan pero hindi naman ganon kalakas ang pagkakabagsak nito. Nakahawak pa rin si Aly sa balikat niya. "Nakakainis ka! Sabi mo sasaluhin mo 'ko!" Pinaghahampas naman ni Den si Aly at nagulat siya nang biglang tumawa si Aly. Dahan dahan siya nitong binitawan dahil natatawa siya.

"Nagulat naman kasi ako sa pagkahulog mo, 'di pa nga ko ready eh." Pagpapaliwanag ni Aly at nang mahimasmasan ay inabot niya ang kamay niya kay Den. Tinayo niya si Den at agad nagpagpag si Den.

"Pucha, sabi mo pagkabilang ng isa!" Reklamo ni Den.

"'Di pa nga 'ko nagbibilang!" Sagot naman ni Aly. "Sorry. Ano masakit ba?" Bahagya pa iting tumingin sa likuran ni Den.

"H-hoy! Ano 'yan manyak!" Namumulang sigaw ni Den at humarap kay Aly. Hinampas niya ito sa braso.

"H-ha? H-hindi! Baka lang nabalian ka!" Sagot agad ni Aly at tinakpan ang mga mata niya. "S-sorry 'di ko sinasadya!"

"Tara na nga! Baka 'di natin maabutan 'yung sunrise!" Naunang maglakad si Den at sinundan naman siya ni Aly. Mag-a-alas singko pa lang kaya madilim pa sa paligid. Sinabayan naman ni Aly si Den maglakad para 'di sila magkawalaan. Gamit nila ang flashlight sa phone ni Aly at para silang nagg-ghost hunting.

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ni Aly, umakyat si Den sa hagdan.

"Rooftop." Sagot naman ni Den.

"Wala bang tao dito baka mahuli tayo."

"Multo lang kasama natin dito." Sagot naman ni Den at napabuntong hininga naman si Aly.

Matapos maakyat ang pinakatuktok ay tumigil din sila sa may rooftop.

"Teka pa'no tayo papasok eh naka-lock?" Tanong ulit ni Aly habang pinipihit ang door knob palabas sa rooftop.

"Ofcourse I'm ready." Sagot ni Den at may nilabas na susi. Sinusian niya ang pinto.

"Sa'n mo naman nakuha 'yan?" Gulat na tanong ni Aly.

"Kay guard." Sabi ni Den at ngumisi. Binuksan na niya ang pinto at naramdaman nila ang masarap na simoy ng hangin. Agad tumakbo si Den palabas at nilasap ang hangin. Pumikit siya at in-eenjoy ang hangin. Sinundan siya ni Aly at pumikit din.

"Ang ginhawa sa pakiramdam, kahit na kinakabahan pa rin ako sa ginagawa natin." Sabi ni Aly.

"'Wag ka ngang kinakabahan 'pag kasama mo 'ko, just enjoy!" Sabi ni Den at binuksan ang isa niyang mata para tignan si Aly.

"I'm trying," Sabi ni Aly kaya natawa si Den. Ngumiti si Aly. "And enjoying." Napangiti rin si Den.

Nagkwentuhan nang nagkwentuhan silang dalawa tungkol sa kung ano-ano habang kumakain. Nawala ang antok nila pareho, nakalimutan na nilang kailangan pala nilang matulog. Nakaupo sila sa isa sa mga bench.

"Iyak nang iyak no'n si Kim kasi takot siya sa zombie, hanggang sa bus 'ata humihikbi pa rin siya at 'di kami pinapansin." Pagkwento ni Aly sa fieldtrip nila dati. Si Den naman ay tawa nang tawa dahil naiimagine niya raw ang itsura ni Kim.

"Kailan 'yon?" Natatawang tanong ni Den.

"Last last school year lang. Sumama ka ba sa field trip no'n?" Tanong naman ni Aly.

"Hmm. Nope. Wala pa 'ko no'n dito." Sagot naman ni Den. Napakunot ang noo ni Aly.

"Ibig sabihin third year ka nung nag-transfer ka dito?" Tanong ni Aly at tumango naman si Den. "Ahm bakit? Hindi mo tinuloy sa last school mo? I mean, 'di sa ayaw kita dito. Uhm natanong ko lang." Nahihiyang tanong ni Aly, na-curious lang siya. Nginitian siya ni Den.

"Wala lang." Nakangiting sagot ni Den at napatingin sa kanan. Napatingin din si Aly sa tinitignan niya dahil nasilaw sila parehas. "Hey! Sunrise!" Parang batang sabi ni Den at tumayo. Nagmadali itong tumakbo at sumandal sa harang para mas makita pa ang view. "Ang gandaaa!" Manghang sabi ni Den. Tinabihan siya ni Aly, siya rin ay nagagandahan sa nakikita. Tinignan niya si Den.

Ang ganda...

Napakunot ang noo ni Aly at napaiwas ng tingin. May maingay siyang naririnig pero 'di niya mahanap kung saan. Napahawak siya sa dibdib niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya na tila naririndi siya. Tumingin naman siya sa paligid dahil baka nahuli na pala silang pumasok sa school ng walang paalam kaya malakas ang tibok ng puso niya.

Bakit?

Hindi naman siya nakikita ni Den dahil naka-focus lang ito sa sunrise.

Gan'to, gan'to ang nararamdaman ko...

Napabuntong hininga si Aly.

Kapag nakikita ko si Laura...

-

A/n:

Go LauLy!

Hahahahahahahahahahaha hi guys musta
Sino gusto na sapakin si Ineng? Hahahaha sorry sa super late updateee

Ps. Sorry for the typos kung meron

Pps. Inaantok nako

Continue Reading

You'll Also Like

30.7K 1K 34
May mga bagay talagang sadyang mahirap iwasan. At yon ay ang pag-ibig at ang katapusan. Paano na lang kung parehas niyo pang ayaw bumitaw pero kaila...
898K 14.2K 72
Love was never enough, it takes efforts and Perfect Timing.
41.4K 1.4K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
24.5K 170 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...