Paper Planes (AD) [COMPLETE]

By ad_thor

215K 5.4K 451

Despite the fame her band Portmanteau and the attention she was getting, Alyssa Valdez, a second year High Sc... More

Prologue
Paper Planes I
Paper Planes II
Paper Planes III
Paper Planes IV
Paper Planes V
Paper Planes VI
Paper Planes VII
Paper Planes VIII
Paper Planes IX
Paper Planes X
Paper Planes XI
Paper Planes XII
Paper Planes XIII
Paper Planes XIV
Paper Planes XV
Paper Planes XVI
Paper Planes XVII
Paper Planes XVIII
Paper Planes XIX
Paper Planes XX
Paper planes XXI
Paper Planes XXII
Paper Planes XXIII
Paper Planes XXIV
Paper Planes XXV
Paper Planes XXVI
Paper Planes XXVII
Paper Planes XXVIII
Paper Planes XXIX
Paper Planes XXX
Paper Planes XXXI
Paper Planes XXXII
Paper Planes XXXIV
Paper Planes XXXV
Paper Planes XXXVI
Paper Planes XXXVII
Paper Planes XXXVIII
Paper Planes XXXIX
Paper Planes XL
Paper Planes XLI
Paper Planes XLII
Paper Planes XLIII
Paper Planes XLIV
Paper Planes XLV
Epilogue

Paper Planes XXXIII

3.1K 103 5
By ad_thor

-----

Time flew really fast they didn't even realize it, not until now.

"Ho, Gretchen Ong." Rinig nilang sabi ng speaker.

Nakita naman nila ang kaibigan nila na umakyat ng stage, nakangiti at naglakad na para kunin ang diploma niya, ang patunay na nakapagtapos na siya sa paaralang 'yon. Nakipag-shake hands ito at nagpasalamat. Nang bumaba na siya ay hindi nila mapigilang 'di malungkot, dahil mababawasan na sila sa barkada. College student na si Gretchen sa pasukan kaya sa ibang school na siya mag-aaral, naluluha naman ang iba sa kanila.

Umiiyak si Jirah at pinapatahan naman siya nila Kim at Thirdy na katabi niya. Inaabutan siya ng tissue.

"Wala ng babaero sa'tin."

"Wala ng beat ang tugtog natin."

"Mami-miss ko mga kalokohan niya."

Kung nakikita siguro sila ni Gretchen ngayon ay tumatawa na 'yon dahil hindi naman madrama 'yon.

May hawak na box ng tissue si Aly, panay naman ang kuha ni Den ng tissue doon at punas ng luha. Mas emosyonal siya kesa kay Aly, mami-miss niya kasi si Gretchen lalo na't naging close niya 'yon dahil sa 'dates kuno' nila. Panay ang hagod ni Aly sa likod ni Den, pinapatahan niya habang sinasabi ang mga katagang.

"Bibilhan kita ng ice cream mamaya, tahan na."

Kahit naman si Aly ay nalulungkot, the band will never be the same kapag nabawasan ng isa. Patuloy lang ang pagtawag sa mga ga-graduate. Palungkot naman sila nang palungkot lalo na nang tawagin pa 'yung isa.

"Pineda, Sheila Marie." Sabi ng speaker at napatingin naman sila sa biglang humagulgol. Iyak naman nang iyak si Vic habang naglalakad si Sheila para kunin din ang diploma.

"Mga par, kailan lang naging kami magkakalayo na agad." Sabi pa niya at lahat kami ay pinatahan siya kahit 'yung mga pinapatahan kanina.

"Sssh par, okay lang yan. Magkakasama pa rin kayo." Sabi naman ni Kiefer habang hinahagod ang likod niya. Panay naman ang punas ng luha ni Vic. Three months pa lang sila, malungkot nga talaga si Vic lalo na't matagal na niyang gusto si Sheila. Kung kailan napasakanya na ay graduate naman na.

"Let's be happy for them pa rin guys. Gagawa tayo ng paraan para makapagsama pa rin tayo." Sabi naman ni Thirdy.

"Tahan na guys, ubos na 'yung tissue." Sabi naman ni Aly at natawa naman sila kahit hindi naman niya intensyong magpatawa.

Matapos ang ceremony ay kanya-kanyang yakapan, picture-an at iyakan ang mga magba-batchmates, inantay na lang nila yung dalawa sa gilid. Nang matapos ay lumapit na sila Gretch at Sheila sa barkada at nag-group hug sila.

"Ba't may umiiyak? Ang drama niyo! 'Di naman kami namatay." Naluluhang sabi ni Gretchen, si Sheila rin ay naluluha na.

Humiwalay na sila sa yakap at nagpunas ng mga luha.

"Congrats Par." Sabi ni Vic kay Gretchen at tinapik ito sa balikat.

"Salamat par." Sabi naman ni Gretch.

"Congrats Gretch/Par." Sabi pa nung iba. Nakita naman nilang nagyakapan sila Vic at Sheila na parehas umiiyak, parang nag-uusap pa sila. Hinayaan muna nila sila.

"This is it guys nagsi-sink-in na kainis!" Naluluhang sabi ni Gretch pero tumawa siya. "Nakakahawa 'yung iyak niyo!"

"Gretch," sabi ni Aly kaya tumingin si Gretchen sa kanya. "Mami-miss ka namin." Dugtong niya at ngumiti. Dumilat naman ang mga singkit niyang mata.

"Par!" Masayang sabi ni Gretch at niyakap si Aly. "Ba't 'pag sayo galing nakakakilig? Mami-miss ko rin kayo!" Natawa naman sila, niyakap din ni Aly si Gretchen at napa-iling na lang habang nakangiti.

"Aba minsan lang magsabi 'yan kasi!" Sabi naman ni Kief. "Grouphug!" Sigaw niya at inipit nila si Gretchen.

-----

So I sing this song to all of my friends
These are the questions we got to face
And in this cycle that we call life
We are the ones who are next in line

Sabay na pagkanta ni Kiefer at Jirah. Nang magsimula na ang summer vacation ay tuloy pa rin ang mga gigs ng Portmanteau, para na rin masulit lalo ay pumayag na silang gawing twice a week ang pagtugtog nila doon. Every wednesday and saturday sila tumutugtog doon. Hindi na muna nila inisip na aalis si Gretch at in-enjoy na lang ang bawat tugtugan nila. Pinag-iisipan pa ni Gretchen kung saan siya magc-college.

Minsan naman ay hindi sila nakakatugtog dahil na rin may mga sari-sarili silang bakasyon, 'pag hindi pa araw ng gig nila ay pumupunta-punta sila sa mga bahay-bahay nilang magkakaibigan. 'Pag naman sa bahay ng mga Ravena, nakakapunta rin sila, pero 'yun ay kapag wala ang tatay nilang si Bong. Naging busy rin sa bakasyon ang dalawang players sa kanila, sila Vic at Kim dahil kahit bakasyon ay may training sila.

Sila Aly at Den naman, mas naging close pa sila lalo habang bakasyon. Madalas silang magkasama, pupunta sa mga bahay nila, aalis, o kaya magf-foodtrip. Aaminin ni Aly, masaya siyang kasama si Den, tinotoo nga niya 'yung vow niya sa kasal kuno nila, pati yung sa calls and messages, pero 'yung vow ni Den? Aly doesn't think she is ruining her every single day, if Den thinks this is how to ruin someone's day, 'Ly wouldn't mind that, at all. As for Lau, nakakapag-usap naman sila minsan pero hindi sila nagkikita.

-----

"Par gising!"

"'Ly gising!"

Kanina pa katok nang katok sila Kim at Vic sa pinto ng kwarto ni 'Ly pero hindi pa rin binubuksan ni Aly.

"Ano ba nangyari do'n? Himala anong oras na 'di pa rin siya gising." Tanong ni Kim kay Vic habang kumakatok pa rin.

"Hindi ko rin alam, nakakapanibago." Sabi naman ni Vic at parehas silang parang nas-stress. "Alyssa gising!"

"Kahapon pa kami dito!" Sigaw naman ni Kim, 'buti na lang at gising na yung ibang kasama nila sa bahay kundi nabulabog na 'yon.

"Teka lang par," sabi naman ni Kim at natigil sila sa pagkatok. Napatingin naman si Vic sa kanya. Nanlaki 'yung mga mata ni Kim. "Napanood ko na 'to sa palabas eh, 'yung hindi pinagbubuksan ng isa 'yung pinto, ta's nung binuksan na ng bida..." napahawak pa siya sa bibig niya na tila ba nagulat sa nangyari. Napaganon din si Vic.

"'Di kaya..." sabi ni Vic. "'Di kaya... nanonood siya?" Takang tanong ni Vic at napatingin naman sa kanya si Kim na parang 'seryoso ka pa?' At pinanliitan ng mata.

*click*

Narinig nilang may pumihit ng doorknob kaya sabay silang napatingin doon, sa pagmamadali ay binuksan nila agad 'yung pinto.

"'Ly!" Sabay nilang sigaw.

"Aaah!" Rinig nilang may sumigaw at may narinig silang kumalampag. Nang tuluyan na nilang nabuksan 'yung pinto ay nakita nila si 'Ly na naka-upo sa sahig habang hinihimas ang noo.

"Oh ba't ka nakaupo?" Takang tanong ni Vic.

"Nauntog ako sa pinto!" Sigaw ni 'Ly.

"Hala sorry par!" Sabi ni Kim at agad nilang tinayo si Aly. Nag-stretch naman si Aly ng katawan.

"Kagigising mo lang ba? At bakit?" Tanong ni Vic dahil kita niyang nagkukusot pa si Aly ng mata.

"Ah oo, napuyat lang." Sabi ni Aly at halatang inaantok pa siya dahil sa boses niya, nagising lang kasi siya sa ingay ng dalawa.

"Ano daw? Nabingi ako. Ikaw napuyat?" Agad na tanong ni Kim at nilapit pa ang tenga niya kay Aly. Nilayo naman 'yon ni Aly gamit ang kamay niya.

"Kailan ka pa natutong magpuyat?" Tanong naman ni Vic. Tinignan siya ng dalawa kaya si Aly palipat-lipat ang tingin sa kanila.

"Wala," sabi ni Aly. "Ah, maliligo na pala 'ko." Sabi ni Aly at tumingin sa wall clock. "Alas dose na pala!" Gulat na sabi niya.

"Oo nga pala aalis pa tayo! Bilisan mo susunduin ko pa si Sheila!" Sabi ni Aly at tinulak pa si Aly papasok sa CR.

"O-oo teka!" Sabi naman ni Aly. "Ganon ba mauna na kayo, susunod na lang ako." Sabi naman niya.

"Sure ka? Kasi mas okay sa'kin 'yon baka mainip si Sheila. Sige una na 'ko sa inyo guys ah!" Sabi ni Vic at tinapik silang dalawa sa balikat saka tumakbo palabas.

"Teka nasa baba si Den!" Sigaw naman ni Kim. "Oy par, ano, sabay na rin ako kila Vic ah bye?" Kumaripas na rin siya ng takbo. Hilong tinignan na lang sila ni Aly. Napa-iling siya at pumasok na sa CR.

-----

"Grabe ang tagal!"

Siningkitan ni Aly ng mata si Den, na nagreklamo.

"Wala na tapos na birthday ni Gretch." Sabi pa niya at tumayo na sa sofa. "Tagal pang gumising." Sabi pa niya habang na-iling.

"Eh sino ba kasi may kasalanan?" Asar na tanong sa kanya ni Den.

"Uhm ikaw?" Inosenteng tanong sa kanya ni Den. Napailing na lang din siya.

"Nay alis na po kami." Paalam ni Aly at nagpaalam na silang dalawa.

"Ate ganda one more please?" Request ni Kian, naglalaro kasi sila ng Tekken. Nginitian naman siya ni Den at aktong pupwesto na ulit para maglaro pero inakbayan na siya ni Aly at hinila sa leeg gamit ang braso.

"Next time na lang Kian, late na kami." Sabi ni Aly at sumimangot naman si Kian.

"Sorry pogi next time na lang ulit bye!" Sabi naman ni Den habang naglalakad sila palayo.

Nang makalabas na sila sa gate ay tinignan ni Aly si Den.

"'Di na ko magpupuyat ulit." Seryosong sabi ni Aly at tinanggal na 'yung pagkaka-akbay niya. Tinawanan lang siya ni Den.

"Nung march mo pa sinasabi 'yan." Sabi naman ni Den at nginisian siya.

Napuyat na naman kasi siya kanina. Madalas na siyang mapuyat/magpuyat simula nang magbakasyon, at kahit ayaw dahil labag 'yun sa kanya at sa katawan niya nasira pa body clock niya, meron at merong paraan si Den to keep her talking. Madalas silang mag-text sa isa't isa, magbabad sa telepono o 'di kaya ay mag-video call na umaabot ng umaga na. Si Den lagi ang nagsisimula at mag-uusap lang sila about random things na hindi maintindihan ni Aly kung bakit at paano umaabot ng umaga. Katulad kanina, 4 sila natapos, maaga pa 'yun dahil sabi ni Den may lakad daw sila bukas. Pero madalas talaga ay 6 ng umaga sila natatapos, kahit reklamo nang reklamo si Aly ay laging humahantong sa makikipag-usap pa rin siya. Na-eenjoy naman niya eh, pero 'yung time lang kasi, laging anong oras na siya nagigising, precious pa naman ang time para sa kanya. Yamot at takang tinignan ni Aly si Den.

"Parang 'di ka napuyat ah. 'Di ka talaga tao eh 'no?" Sabi naman ni Aly, ang hyper pa rin kasi ni Den sa daan at panay ang ngiti gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Oo 'Ly," sabi ni Den at bahagyang lumapit para bumulong sa kanya. "I'm a Goddess." Sabi niya pa at lumayo na ulit para bigyan si Aly ng ssh gesture, hintuturo niya ay nasa labi niya. "Ikaw din naman eh, unggoy ka." Sabi pa niya sa tonong parang 'di papahuli na parang wala dapat maka-alam.

"Hays tara na nga lang." Sabi ni Aly at pumunta na sila kila Gretchen.

-----









Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 272 17
AshMatt fanfic
57.8K 2.7K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
415K 12.9K 93
*Editing* Sabi nila walang pinipiling panahon at pagkatao si kumpareng Tadhana. Pag tinamaan ka daw ng kidlat at kulog nito kahit pa gaano ka kawasak...
100K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...