Marrying My Boss [Completed]

By chimchimimi

21.6M 257K 16.3K

Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How... More

Prologue
Chapter 1: "The Boss"
Chapter 2: Overtime
Chapter 3: He's Late
Chapter 4: His Reason
Chapter 5: That GIRL
Chapter 6: Her Crush
Chapter 7: What to do?
Chapter 8: Fiance? Really?
Chapter 9: Alice
Chapter 10: A night with...HIM?! (1)
Chapter 11: A night with...HIM?! (2)
Chapter 12: His Girlfriend
Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend
Chapter 14: The Agreement
Chapter 15: Meeting His Parents
Chapter 16: Unexpected Happenings
Chapter 17: The Text
Chapter 18: The Big Day
Chapter 19: First Night with Hubby!
Chapter 20: What Happened Last Night...
Chapter 21: Trip to South Korea
Chapter 22: City Of Seoul
Chapter 23: At the Mall...
Chapter 24: His Hug
Chapter 25: Continuation?
Chapter 26: Photograph
Chapter 27: Liar
Chapter 28: The Bitch is Back!
Chapter 29: After That Incident
Chapter 30: Meeting Him
Chapter 31: Everything is Fine
Chapter 32: Flowers For Her
Chapter 33: Community Immersion
Chapter 34: Warzone
Chapter 35: LOL
PLEASE READ!!!
Chapter 36:Meeting Them
Chapter 37: The Past
Chapter 38: Heartbreak
Chapter 39: Realizations
Chapter 40: Secret Feelings
Chapter 42: Euphy's Uncle
Chapter 43: Feelings
Chapter 44: They're...OFFICIAL!
Chapter 45: Special Day
Chapter 46: Henry
Chapter 47: Best of Friends
Chapter 48: All About Them
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: It's Him
Chapter 51: The Truth
Chapter 52: Flashback
Chapter 53: False Issue
Chapter 54: Hospital
Chapter 55: Run Away
Chapter 56: Another Past
Chapter 57: Gracious Night
Chapter 58: Dreadful Storm
Chapter 59: Together Again?
Chapter 60: Mess
Chapter 61: I Pray
Chapter 62: Forever
Chapter 63: Respect
Chapter 64: Back
Chapter 65
Epilogue
Message
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

Chapter 41: Jealous...

273K 3.4K 454
By chimchimimi

Chapter 41: Jealous...

EUPHY'S POV

Today is just another boring day.

As usual, nasa office ako ngayon, nagtatrabaho. At feeling ko sa sobrang boring ng araw na ito ay bigla na lang akong makatulog.

Aba'y di ko alam kung bakit di ko feel ang araw na ito. Ang boring boring na tipong wala ka na sa mood magtrabaho. Kaya naman linapat ko muna yung ulo ko sa table ko. Kahit saglit lang gusto kong umidlip. Inaantok rin kasi ako.

Ilang minuto na rin akong nakapikit nang nakarinig ako ng kaunting ingay sa tabi ko kaya naman inangat ko ang ulo ko. At laking gulat ko na lamang nang si Charles pala ito.

"Ay! Sir! Ikaw pala! Sorry kung nakatulog ako" Knowing him, hindi pwede ang hindi niya ako papagalitan.

"It's okay. Eto coffee. Napansin ko kasing inaantok ka" At may nakita nga akong kape sa ibabaw ng table ko.

"T-thank y-you" nahihiya kong sabi.

Nginitian niya ako tapos bumalik na rin naman siya sa opisina niya.

Okay? Binigyan niya ako ng kape?

Bigla na lang akong napangiti at ininom iyon. Medyo kulang sa asukal pero okay na rin lang naman.

Ginawan niya ako ng coffee, isn't that sweet? Pero hangga't maari, ayoko lapatan ng malisya ang magagandang bagay na ginagawa niya sa akin.

It's been a week since nung umalis si Danica at isang linggo akong medyo dumidistansya sa kanya pero bakit ganun? Bigla siyang bumait. Naging caring at mas lalong naging sweet. Bigla niya na lang akong binigyan ng roses nung last week tapos nung tinanong ko siya ayaw naman sagutin. Nag-assume naman ako na kaya niya ako binigyan ng flowers kasi gusto niya ko. Pero asa naman ako!

Pero ang pinakamaganda sa lahat ay yung makalimutan ni Charles yung unfinished business namin or should I say ay yung to be continue na session namin. Hahaha. Thank you Lord!

Hindi rin kinakausap ni Kelly si Charles. Naiinis daw siya sa kanya dahil dun sa ginawa niya sa akin. Naguguilty nga ako kasi dapat hindi siya magalit sa Kuya niya. Pati tuloy siya nadamay.

Biglang nagring yung telephone kaya sinagot ko ito. Sabi sa kabilang linya, may isang bigating business chairman ang gustong kumausap kay Charles kaya naman pumasok ako ng opisina nito.

Hindi niya ako napansing pumasok ng office dahil abala itong makipag-usap sa kung sino man sa ipad nito. Ang lakas pa nung volume kaya rinig na rinig ko ang usapn nila. At ang loko nakangiti pa. Sino kaya kausap nito.

"That's great! Ilang linggo na lang pala at magkikita na tayo" Sabi nito.

"Oo naman. Excited na akong umuwi ng Pinas" Sabi naman nung nasa kabilang linya. Lalaki pala kausap niya.

"Umuwi ng Pinas o makita yung babaeng hinahanap mo? Wait, sino na nga iyon?"

Yun ang conversation na narinig ko bago ko siya tawagin. Kaya naman ay nagpaalam na siya sa kausap niya at humarap na sa akin.

"Sorry, I was just talking to my bestfriend. What is it?" Wow. My bestfriend pala ang kumag na ito. Ba't di ko yun alam?

I wonder kung sino kaya iyon.

Sinabi ko naman sa kanya yung sadya ko kaya naman nagmamadali itong umalis para makausap yung taong naghihintay sa kanya. Bumalik na rin ako sa table ko at tinapos yung ginagawa ko.

After an hour ay biglang bumukas yung pinto. Akala ko si Charles yun, si Kelly pala.

"Oh Kelly, napadaan ka. May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman at ikaw ang kailangan ko."

"Huh? Ako?"

"Yap. Yayayain sana kitang makipagblind date. Sabi ko sa sarili ko na ayoko magkalovelife pero wala namang masama kung makikipagkilala sa mga opposite sex. Way na rin ito para makapagmove on ka kay Kuya. So ano gora?"

Nagloading pa sa utak ko lahat ng sinabi niya. Ano sinabi niya?

BLIND DATE?

"Eh, sure ka ba dyan?" Ano ba naman yang idea ni Kelly.

CHARLES' POV

Papasok na ako sa office nang makita kong medyo bukas ng kaunti yung pinto. Napatigil ako nang bigla akong nakarinig ng dalawang taong may nag-uusap sa loob.

"Sige na please. Ayaw mo nun? Marami tayong mamimeet na mga boys" Boses yun ni Kelly.

"Pag-iisipan ko" Nagsalita naman si Euphy.

"Anong pag-iisipan mo? Sige na please! It's just a blind date. Promise, hindi to makakarating kay Kuya" BLIND DATE? JUST A BLIND DATE? Anong pumasok sa isipan ni Kelly at yayain si Euphy sa ganoong bagay? Alam niya naman na may asawa ito tapos yayayain sa mga ganong bagay? Nakakainit naman ng ulo.

"Hay! Ang kulit mo talaga. Sige na nga" Anak ng! Bakit pumayag si Euphy? Mas lalo tuloy na uminit ang ulo ko.

Sa sobrang inis ko dahil sa narinig ko, mas lalo kong binuksan ang pinto at nagulat na lamang ang dalawa nang makita ako.

"Ano yang pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sa kanila habang matalim ang tingin ko sa kanilang mga mata lalo na kay Euphy.

Halata sa kanilang mga pagmumukha ang gulat tapos umiwas ng tingin si Euphy.

"Kuya, nandito ka na pala! Nag-uusap lang kami ni Euphy ng you know.. Girl stuffs..hehe" At bigla naman itong napakamot sa ulo nito.

Ayos ah. Magsisinungaling pa sa akin.

Binalingan ko naman ng tingin si Euphy.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Tulad nga ng sinabi ni Kelly, g-girl stuffs" sagot niya sa akin. Pero hindi naman siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Oo nga kaya wala ka na dun!" Kinakabahang sabi ni Kelly.

Wow. Just wow. At nakuha pa talagang magsinungaling ng dalawang to, at sa akin pa talaga. Nahuli na nga, magsisinungaling pa.

Nakakainit ng ulo talaga.

"Kelly, bumalik ka na muna sa trabaho mo. And please, next time, kung magyayaya ka ng kasama sa pakikipagblind date, please, huwag naman yung may asawa na" sabi ko dito. Bigla naman itong natakot kaya umalis na kaagad ng office.

At hinarap ko naman si Euphy. Kita mo sa pagmumukha nito ang pangangamba.

"At ikaw naman, alam mo namang may asawa ka pero kung magdesisyon na makipag date, akala mo single. Ayos ah" Linapitan ko ito.

"C-charles, a-ano kasi eh.. W-wala naman talaga akong balak na sumama kay Kelly kaso p-pinilit niya ako eh"

"Nagdahilan ka pa. Ang sabihin mo gusto mo!" Nasigawan ko siya pero hindi ko naman sinasadya. Nadala lang siguro ako ng sobrang galit ko.

"Eh ano naman sayo kung gusto kong makipagdate! Wala naman yun sayo diba kasi wala kang pakialam sa akin! Sa papel lang naman tayo mag-asawa ah! Kaya kung anong gusto ko, gagawin ko at wala kang pakialam dun!" Biglang napantig ang mga tenga ko dahil sa mga narinig ko.

So all this time, wala siyang pakialam sa akin. All this time I thought she...never mind.

Nasaktan ako sa mga narinig ko pero hindi ko yun pwedeng ipahalata.uph

I grab her wrist.

"Listen Euphy, diba may usapan tayo nung bago magpakasal na bawal makipagdate hangga't hindi pa tayo naghihiwalay?! Now, your breaking the rule!" Binitawan ko na siya at pumasok na sa opisina ko at malakas kong sinarado yung pinto.

What a f*cking life! Parang gusto kong magwala, sabunutan ang sarili ko o maghagis ng isang bagay pero hindi ko yun magawa kasi nakikita ako ni Euphy. Tanging glass wall lang ang nakapagitan sa mga opisina namin. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado sa mga napakinggan ko kanina.

Pero ang puso ko gusto nang sumabog. Nasasaktan ako.

Hindi rin makakatakas sa akin si Kelly mamaya. Anong katapatan niyang isali si Euphy sa mga kalokohan niya. Blind date. What a f*cking gorgeous idea.

Hindi ba naaapreciate ni Euphy yung mga bagay na ginagawa ko? Ilang beses kong pinaparamdam at ipinapakita na may nararamdaman ako sa kanya pero parang wala lang sa kanya.

Humuhugot pa ako ng lakas para masabi sa kanya na mahal ko siya. Pero siguro kapag umamin ako, pagtatawanan niya lang ako.

Maraming nagsasabi na manhid ang mga lalaki. Pero sa sitwasyon ko, sino kaya ang mas manhid?

May mga babae rin palang manhid.

Nakikita ko sa diwa ko na nakatingin sa akin si Euphy. Ano, nagiguilty ba siya?

Gustong gusto kong sumigaw ng malakas para maibsan tong dinadala ko. Hindi rin ako makaconcentrate sa ginagawa ko.

Bigla na lang nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko naman ito kaagad.

"Ano?!" Sa kausap ko na lang yata ibubunton ang galit ko.

"Whoa. Easy dude! Galit ka?" Sabi ng nasa kabilang linya. Bigla na lang akong huminga ng malalim.

"Oh Henry, napatawag ka?" It's my bestfriend. Nitong nakaraan lang kami nagkaroon ng communication after how many years kaya naman napapadalas ang pag-uusap namin palagi. Nagdalawang isip na rin ako na ibunton sa kanya ang galit ko at napagdesisyunan kong huwag na lang. Kailangan ko ring makausap ang taong ito.

"Mukhang mainit ang ulo mo ah" Sabi niya without answering my question.

"Nah, just having a little problem on my wife" yun na lang ang sinabi ko. Ayoko nang dagdagan pa ang kwento.

"Hahaha! Married life nga naman. Basta, pag-uwi ko ipakilala mo sa akin asawa mo ha. Huwag ka mag-alala, di ko siya aagawin sayo. Yun siguro kinakatakot mo kaya pati pangalan hindi mo masabi sa akin" Tatawa-tawa pa nitong sabi sakin.

"Babaero"

"Oy, goodboy yata to. At saka parang ikaw hindi" Playboy ako. Pero nung simula nung ikasal ako, wala na akong babaeng nagalaw.

"O siya, kita tayo next week! Malapit na ako umuwi. Tulungan mo ko sa misyon ko ha! Saka ko na sasabihin sayo yung pangalan pag-uwi ko"

"Yung ano? Yung hanapin ang babaeng matagal mo nang hinahanap?" Biro ko dito.

"Tumpak" Ayan na naman siya dyan sa babeng yan na hindi ko naman kilala. Bakit kaya ito hinahanap ni Henry?

EUPHY'S POV

Bwisit! Bwisit! Bwisit! Nakakainis ang lalaking yun!

Aaaarrgggh! Sarap niyang sabunutan na ewan! Sarap niyang ipatapon sa Bermuda triangle.

Pasalamat siya na mahal ko siya kundi naku! Baka hindi na ako nakapagtimpi pa.

Hindi ko naman kasi dapat tatanggapin yung alok ni Kelly kaso paulit-ulit siyang nakiusap kaya hindi na ako nakatanggi pa. Naiintindihan ko naman siya na gusto niya akong tulungan na 'makamove on' daw pero alam ko naman sa sarili ko na mali yun.

Kung tutuusin kasalanan ko naman eh kasi pumayag ako. Hindi ko rin sinasadyang mapagsalitaan siya. Naku! Ang bad ko talaga!

Pero naiinis ako sa kanya kasi ang manhid niya. Walang pakiramdam! Walang pakialam! Siguro pag inamin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman, pagtatawanan niya lang ako at iisiping nagjojoke lang ako.

My life is miserable right now! And it really hurts.

Dahil sa nawala talaga ako sa mood magtrabaho, kinuha ko na lang yung phone ko at nagulat na lamang ako nang merong 17 missed calls.

Nakasilent nga pala yung cellphone ko kaya di ko alam na may tumatawag pala sakin.

Pagtingin ko kung sino yung tumawag...

si J-joseph?

Ano kaya kailangan niya at napatawag siya?

Urgent kaya to?

May nareceive naman akong isang text message galing sa kanya. Mukhang kaninang umaga pa itong text na ito.

From: Joseph

Papunta akong Manila ngayon. Hintayin mo ko dyan.

Papunta ulit siya dito? Eh di good news! Iwewelcome ko ulit siya dito. Siguro may seminar na naman siyang dapat iattend dito.

Excited din yata siyang makita ako kasi call siya ng call. Atat much. Pero ako excited na rin akong makita siya.

Bigla na lang nagring ang cellphone ko, sinagot ko naman ito dahil buong akala ko na si Joseph ito.

"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.

"Hello. Babygirl? Ikaw ba to?" Tanong nung sa kabilang linya.

Para akong hindi makakilos nang marinig ko ang boses niya. Siguradong sigurado ako na hindi siya si Joseph. Isang tao lang ang pumasok sa isipan ko.

"T-tito? I-ikaw ba yan?" Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Oo ako nga ito. Kamusta na ang babygirl ko?",

"Okay na okay lang po ako. Kayo? Kamusta na kayo? M-maganda ba diyan sa Africa? K-kamusta ang buhay missionary? K-kailan p-po k-kayo uuwi?" Halos hindi ko na mabigkas ang mga huling salita.

"About that Euphy, nandito na ako sa Pilipinas. Kakauwi ko lang kahapon"

Nanlaki ang mga mata ko na halos lumuwa na ito sa sobrang gulat,

ANO?! N-nandito na siya sa Pinas? Oh no!

"P-po?" Ayaw magfunction ni katawan ko o brain cells dahil sa sobrang gulat. Akala ko ba next year pa uuwi si Tito? Bakit yata napaaga?

"Nanggaling nga ako sa tinitirahan mo kaso ang sabi nung may-ari ay matagal ka nang umalis dun. Saan ka ba nakatira ngayon at nang mapuntahan kita" Nalalag ang panga ko. Ang tinutukoy niyang tirahan ko ay yung apartment na inuupahan ko bago pa man kami ikasal ni Charles. Binigay ko kasi sakanya yung address ko bago siya lumipad patungong Africa bilang MISSIONARY PRIEST.

Pari siya kaya mas lalo akong natatakot na makaharap ko siya.

"N-nasa trabaho pa po kasi ako. Magkita na lang po tayo mamaya at itetext na lang kita kung saan" Sabi ko sa kanya at binababa ko na ang cellphone ko.

Kaya naman pala nagmamadaling pumunta dito si Joseph dahil dumating na si Tito.

At saka paano na yan? Hindi alam ni Tito na kasal na ako. At sigurado ako, papagalitan niya ako ng husto dahil sa ginawa kong ito.

At mas natatakot ako na malaman niya na isang kasunduan lamang ang kasal namin ni Charles.

Pari siya, kaya hindi pwede sa kanya ang ganyan.

Si Tito ay yung tipo ng pari na napakabait pero istrikto kapag hindi mo sinunod o linabag mo ang kagustuhan niya.

Aaaaahhh!!! Ano gagawin ko ngayon? Ayokong malaman niya ang totoo pero ayoko namang magsinungaling sa kanya. Imagine, magsisinungaling ako sa isang pari?

Hay buhay! Ayoko na!

Continue Reading

You'll Also Like

51K 890 25
side story of unexpected love.
2.3M 4K 7
[COMPLETED][Unedited][Jeje] Book 1 Book 1: My Son's Teacher is his Mother? [ Second Half Under Revision] ~ Paano kung ang anak mo ay walang kinalak...
14.7M 174K 34
(Xander Del Castillo's Love Story) "You were inlove,then you keep it as a SECRET. Wasn't it so HARD......and PAINFUL?" Amber did everything para lang...
5.7M 55.3K 48
Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang...hindi ito alam ni Jeff. Kaya naman ngayo...