Before Sem Break
A/N: Gosh! Ang hirap talagang ilabas ng gusto mong ilabas na sama ng loob. Ang hirap rin gumawa ng mabibigat na eksena.. Tsk tsk..
mabuti na lang nairaos ko yun. It's not much pero at least nagawa ko, sana may nafeel rin kayong intensity kahit papano. haha
So, this is the beginning of the new Fara.
Hope you all enjoy!
Happy Reading!
___________________-
Fara's pov
"Fara, kumain ka pa. Pumapayat ka na oh!" saad ng mama niya.
So, etoh yung part na ikokompara mo yung noon at ngayon.
NOON:
Walang pakialam ang mama niya sa kanya. And it's working on my advantage. Kaya naman pala hindi siya masyadong pinapakalaman ng nanay niya,
kasi confident daw ito na hindi siya gagawa ng kahit anong katarantaduhan di gaya ng Kuya niya.
Ngayon:
Wagas kung pakialaman siya ng nanay niya. Lagi na lang may binibilin, lagi na lang may sinasabi... kesyo daw hindi siya gaanong lumalabas, kung lalabas naman
siya, maiisyuhan siyang nakikipagdate.... hai buhay, ang saklap..
Pero, she likes her mother more now.
Palagi silang nagbobonding.
=) Yung papa niya rin, nakikipagkulitan sa kanya... Grabeh! ang gulo talaga ng pamilya niya!
Hindi niya rin masasabi pero
Ang Fara ngayon, mas may confidence na sa sarili niya....
Mas optimistic na sa mga bagay-bagay..
Mas pinapahalagahan ang sarili....
at higit sa lahat...
Ang Fara ngayon, mas magiging involved na at magiging friendly sa lahat.
Sumagap muna ako ng hangin at tumakbo na papuntang sakayan ng jeep.
Ang ganda talaga ng araw ngayon..
Come to think of it, Sungit has a big part kung bakit naenlighten siya sa mga bagay-bagay.
Mukhang nakadagdag na naman yun sa pogi points niya ah.
Lord, konting-konti na lang talaga.....
Aamin na ako.
___________________________________
(Sa School)
"Hi Mike!" bungad ni Fara sa kaklase niyang lalaki na nakatayo sa gilid ng corridor.
"h-hai F-fara.. ikaw p-pala.." Mahiyain talaga tong si Mike kahit kelan..
"Sige. Una na ako sa yo."
Supposedly, wala ng pasok ngayon.. Pero dahil hindi pa kami tapos sa lab namin.. babalik pa kami.
Hmmm... Excited na akong mag sembreak!
"Hi Mark, Marvin, and Dan! Hindi pa kayo papasok?" tapos todo smile pa siya...
"Hindi pa. wala pa naman si prof ei." nakita niyang nagtataka ang mga mukha nito..
Hindi naman talaga siya namamansin dati.. walang pakialaman kung baga.
Masyado kasing mahangin ang mga boys para sa kanya... at masyado siyang focus sa kanyang studies para makipagsosyalan pa sa kanila no..
"Fara! Andito ka na!" Charis is beaming.
Nu kayang nangyari.
"Hai Charis!! Musta na?"
"etoh ok lang."
"Hulaan mo kung anong nangyari?"
"Ah. Nandito si Harry Potter?" Adik kasi si Charis sa HP. haha
"Nice try. Pero try harder."
"Ah. Kayo na ni Keith?"
"Hindi no! pahihirapan ko pa yun.. Sige na.. last guess."
"Ah. Binilhan ka ng Nimbus 2000?" haha.. Harry Potter related pa rin..
"EEEEEE.. hindi! Etoh na, sasabihin ko na! Faraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"
Ok. Nabingi ako dun. Dapat ganun talaga.. Sobrang Happiness ba to? Eto na ba yung Euphroriang sinasabi nila? Lol.
Adik ka Fara..
"Oh ano nga??"
"EEEEEEEE.... kasi-------
WALA AKONG BAGSAK NA SUBJECT!" tapos hinug niya ako.
"Ahh.. Congratz kung ganun!" at hinug ko rin siya.
Siya nga naman. At least alam kong parehas pa rin kaming regular. Si Charis nga lang ang superfriend ko sa classroom ei!
Pagkatapos naming maghug ay nakita ko si Mike sa gilid namin.
"uhhhm.... F-fara.. Pwede bang magpaturo nito sa yo? Hindi ko kasi magets."
inabot niya sa akin yung libro niya.. Yung formula pala yun na gagamitin para sa experiment mamaya... hmmm..
"Sige Mike. Halika, doon tayo." pinaupo ko siya and I started teaching him.
__________________________-
Josh's pov
"Grabeh pare. Ang cute talaga ni Fara kahit kelan.."
"Akalain mong pinansin niya tayo?"
"Oo nga. Grabeh, natulala ako nung nagsmile sya sa akin."
"Atin uy.. hindi lang ikaw!"
Yun ang una kong narinig nung naglalakad ako sa corridor. at nagpanting ang tenga ko!
Whatthe? Pinansin sila ni Sungit? Ei hindi namamansin yun?
Pero mas gusto ko ata na ako lang ang papansinin niya kesa mamansin pa siya ng iba.
Nung pumasok ako sa loob ng lab ay mas nagdilim yung paningin ko na panay ang tingin ng patpatin ko atang klasmeyt na hindi ko matandaan yung pangalan
kay Fara. Obvious naman na alam niya na yun kasi di siya nakikinig kay Fara. Nakatunganga lang siya roon.. Etong Si Sungit naman ei wala talagang kaaalam-alam
kaya panay pa rin ang paglelecture dun kay patpatin. Masuntok ko yang lalaking yan ei. Makikita niya.
Lalapitan ko na sana sila ng biglang inakbayan ako ni Keith..
"Josh! Huwag ka namang masyadong halata! Atat ka ei!"
"tol, obvious ka masyado." sabi naman ni Kevin
At nakangising-aso pa sila.
Pinagbabatukan ko nga!
"Ui, walang ganyanan! Huwag mong ibaling yang init ng ulo mo sa amin! Kami kaya ang supporters mo!"
"Supporters, my ass!"
Nagtuluy-tuloy na ako kena Fara kasi kami ang lab partners. Alam niyo na, alphabetical order pa rin... Ang ganda pa naman ng gising ko kaninang umaga dahil dun..
Tapos..
Tapos,, etoh ang madadatnan ko???!!
No way!
"uhhhmm, I believe that's my seat." sabi ko nga sa kanya. Kapag wala ako sa mood, kawawa ang lahat ng nabibiktima ko.. Pasensiyahan tayo.
"uhmm sorry pare, malapit na man lang tong matapos ei. Wait lang."
At talagang gusto niyang paghintayin ako.....?
"Pare, pasensiya ka na. Pero yung ayaw ko kasi ei yung kinukuha yung alam kong sa akin."
Mukhang nabahala si Sungit kasi alam niyang walang magagawa yung patpatin sa akin. Medyo natulala pa siya. Bahala siyang umintindi sa sinabi ko. Kung may
double meaning yun o wala.
Pero double meaning talaga yun. Rawr!
"Ah. Fara, salamat sa pagpapaintindi ah. gets ko na! Sige! Alis na ako." at biglang umalis na nga yung lalaki. Salamat naman.
Umupo na ako sa tabi niya at hindi kumibo. Badtrip pa rin ako.
"Problema mo?" tanong niya sa akin.
"Wala." padabog kong sagot.
"Yan na pala ngayon ang walang problema? Nanghahaba ang nguso?" at inipit niya ng dalawa niyang daliri ang bibig ko.
"Aray Sungit. Ano ka ba naman??" at tinanggal ko yung kamay niya.
"Ano ngang problema mo.." hindi pa rin niya ko tinantanan..
"Wala nga sabi.."
"ah... Wala pala ha!" Shit! Bigla niya akong kiniliti.. Sa may tagiliran ko pa!
"hahahahaha! Tama na yan Sungit. hahahahahaha. Sungit!
oo na.. sasabihin ko na probblema ko.. tantana--- hahahaha... tantanan mo na ako!!! Ui!"
tinantanan niya naman ako.
"oh, sabihin mo ng problema mo dali!"
"ikaw..." nakayuko ako ng sinabi ko yun..
"ano?"
"ikaw..." inulit ko pa.. tsss.. bingi.
"ano?"
"sabi ko ikaw ang problema ko!" ayan. sinigaw ko na. Bakit ba hindi niya marinig.
____________________________
Fara's pov
"Aba't anong ginawa ko sa yo aber???!!"
ako? ako ang problema niya! Lakas ng tama mo tsong!
"asdfghjkl asddasfsdgdfhj..." may binulong siya.. di ko na naman narinig... tsss... bakit kasi bububung-bulong pa.. pwede namang sabihin.
"Ano?"
"Sabi ko bingi."
"hindi yun yung sinabi mo ei! Sabihin mo ulit!"
at ako'y nagulantang!
"Sabi ko!.. Makinig kang mabuti dito ha... Nababadtrip ako kasi pinagselos mo ko! Nagseselos ako sa patpating yun, oh ano? Rinig mo na???!!!" sinigaw niya talaga..
Ano daw?? Siya... Nagseselos?? Pakshet bilbil. Ako'y pinagpawisan.
"Ah yun oh!!! yun yun ei! Ikaw na Josh! Ikaw na!" sigaw ni Keith.. dagdagan pa ni Kevin..
" Naku naman Fara, bakit mo naman kasi pinagselos si Josh! Yan tuloy." pero nakangising-aso sila.
"naghiyawan pa ang iba kong mga classmates.
Grabeh.. hiyang-hiya ako...
Kakahiya talaga..
Per bwisit talaga ang lalaking yun.. Pakiulit nga nung sinabi niya???
Ano daw?? Nagseselos daw siya!
Bwisit ka Josh!
Kinilig ako dun !!
___________________________
Josh's pov
Badtrip naman. Napaamin tuloy ako! Bakit kasi ang bingi nung babaeng yun ei. Nevermind, ...... excited na ako sa second date namin!
Sisiguruhin ko ng walang Justin na iistorbo sa amin! *buwahahaha*
Habang nag-eexperiment ay tahimik lang kaming dalawa... Siya ang tagarecord... ako naman yung bahala sa gagawin... mukhang nahihiya ata sa akin.
Ang cute niya!
Pulang-pula siya!!
Natatawa na lang tuloy ako sa sarili ko.
Dapat siguro hindi ko na siya binigla.
_____________________-
Fara's pov
Hai salamat... Tapos na rin ang Physics!!!
Sem break na!!! Wooohooo!!!
"Sungit, we need to talk. Ah Charis, hiramin ko muna siya sa yo ha?" bah. hindi pa nakaka-oo si Charis, kinuha na agad kamay ko?
Shet.. pinagpapawisan na naman ako! hmmmffff..
Dinala niya ako sa may garden..
then he sit on the grass... ginaya ko rin siya at umupo sa tabi niya.
"oh? Ano yung pag-uusapan natin?"
tinetensyon niya ako, alam niya ba yun??
Para akong maiihi na something..
"Naremember mo yung bet, one month date yung hiningi ko..."
oo nga pala no... talo nga pala ako!! Phew..
"ei, Sem break naman ah! Wala ka namang dapat takasan na babae."
"Wow! Talagang naniwala ka na ganoon talaga ang intensiyon ko sa yo?"
"What? anong ibig mong sabihin?"
"Yung mga babaeng yun na humahabol sa kin, they are just a mere excuse sa totoong rason kung bakit gusto kong makipagdate sa yo." and he smiled at me. Shet na malagket.
"Ano pala ang totoong rason?" hindi na ako makatingin sa kanya!...
"Find it out for yourself." yun lang at tumakbo na siya.
Narinig ko pa siyang tumawa!
Nung malayo-layo na siya ei, sumigaw siya sa akin!
"Hai naku Sungit, matalino ka nga pero ang manhid manhid mo!"