The Basketball Jerk [Ongoing]

Galing kay acerkim

611K 9.4K 1.5K

"Yung inakala mong one-sided love lang sa part mo, yun pala mas mahal ka pa niya." - Louise Anne Gabriel All... Higit pa

Chapter 1: Darned!
Chapter 2: Oh he's got to be kidding me!
Chapter 3: That moment when...
Chapter 4: Lub dub! Lub dub!
Chapter 5: He cares.
Chapter 6: Crap! Akala ko yun na yun!
Chapter 7: Bawi-bawi lang!
Chapter 8: What my heart yearns...
Chapter 9: The Thing I Do Best
Chapter 10: Weak lang kasi ako eh...
Chapter 11: Coincidence?
Chapter 12: And she cried...
Chapter 13: The TV episode!
Chapter 14: That moment to dare! ^__^
Chapter 15: "I don't think so..."
Chapter 16: "Hindi siya, IKAW!"
Chapter 17: Girlfriend?
Chapter 18: Let it go
Chapter 19: Heat vs. Spurs
Chapter 20: It stings!
Chapter 22: The Restraining Order!
Chapter 23: His Little Secret
Chapter 24: Redemption
Chapter 25: The Boyfriend in Due Time
Chapter 26: The Man Behind the Arrogance
Chapter 27: The Basketball Court

Chapter 21: Missing you...

16.6K 492 167
Galing kay acerkim

You were never and will never be part of that list Louise… parang sinabi lang niya na he will never be interested in me. Ang ouch lang talaga. Naiiyak tuloy akong pumasok sa bahay namin, dumiretso sa kwarto ko at humagulgol. Hindi ko na kaya, grabe!

Mayamaya pa’y lumapit ako sa may make-up table ko, umupo sa silya at tumitig sa salamin. At pagkatapos ay nagpunas ng luha at pilit na ngumiti.

“Louise ang abnormal mo!” umiiyak na ngumingiting kinakausap ang sarili ko. “Ganito nga, matanong nga kita. Bakit mo ba kasi gusto ang buwakaw na iyon ha?!”

Natahimik naman ako, nag-isip habang nakatitig sa mukha ko sa salamin. Oo nga ano, bakit ko ba kasi gustung-gusto ang kumag na iyon?

“Kasi… kasi… Honestly, di ko alam,” muli akong natahimik at saglit na nag-isip. “Mahal ko siya kasi kahit ang gago-gago niya, napapangiti niya ako…” at biglang nagulat ako sa mga sinabi kong yun.

Sandali nga, mahal? Tama ba nasabi ko? And those words from my mouth hit me hard. Mahal ko siya? Damn! Hindi ko lang pala siya gusto, MAHAL ko siya?

“OO tanga! Mahal mo siya! Niloloko mo lang sarili mo eh! Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, wala ka pa ring pinapatulang iba. Kasi hanggang ngayon umaasa ka na isang araw, titingin siya paliligid at makikita ka. Kasi diyan puso’t isipan mo, pinagdarasal mo na darating  yung panahon na sasabihin niya sa’yo na hinihintay ka din pala niya!” at walang prenong biglang labas nun sa bibig ko. Para tuloy akong biglang binuhusan ng malamig na tubig.

Bakit ba kasi tako’t na takot ako? Na takot na takot akong malaman niyang gusto ko siya, na mahal ko siya? Dahil ba sa takot akong masaktan? Parang bigla ko tuloy narealize na masyado pala akong weak. Ni hindi ko pa nga sinusubukan, sumusuko na ako. Shit!

And that was one of my most painful days. Ang magkulong sa kwarto ko dahil broken hearted kuno? Para kasing biglang nag-bounce pabalik sa akin ang lahat. Parang biglang na-ipa-realize sa akin in that instant na kaya ako nasasaktan eh dahil sa kagagawan ko mismo. Na dahil sa sobrang dami kong precautions para huwag masaktan, I still ended up hurt and even causing the guy I like na masaktan din. Kung tutuusin nga, wala naman talagang kasalanan sa akin si Harold di ba? Ako lang talaga ang taboy ng taboy, na wala akong ibang ginawa kung di ang isipin na marami siyang nasaktang babae at na hindi dapat ako mahulog sa kanya kasi masasaktan lang din ako kagaya nila. Pero ni minsan, di ko inisip na kaya siya nandiyan eh dahil para sa kanya, kaibigan niya pa rin ako, na gusto niya akong proteksyonan at pangitiin.

Gosh, I think I have missed all that just all because of the fear of falling hard for him. And that was very stupid of me! Bigla tuloy akong naiyak, ang tanga ko ba? Do you agree na something is freaking wrong with me?

Bigla tuloy akong nakaramdam ng regret considering I said some hurtful words to him. Samantalang nag-effort-effort pa siyang abangan ako para lang mag-apologize dahil sa isang pagkakamali niyang di ko nalaman ang dahilan dahil sa katigasan ng puso ko.

“Harold, I’m so sorry…” at di ko na lang namalayang biglang nag-unahan muli ang mga luha kong lumabas.

*

The week is almost over again pero parang ang daming nangyari. Nakakapanibago kasi since that night, hindi ko na siya muling nakita pa. Nababalitaan ko na lang kay mama na madalas naman na daw siyang late umuwi. At sa tuwing umaga naman, hindi na siya nambubulabog sa bahay. At syempre, wala na rin akong narereceive sa mga banat at makukulit niyang text messages. 

Nakakamiss siya actually. Namimiss ko yung makulit niyang pagtawag sa akin ng 'nanay'. Namimiss ko yung pang-aagaw niya sa bag ko tuwing papasok ako sa school para lang makisabay ako sa kanya. At namimiss ko yung mga ngiti niya every time na bigla-bigla siyang nagpapakita sa akin.

Pero dapat masanay na ako. I think this is all for the best. I’ll just try to live normally again. Though nag-aalala ako, nahihiya naman akong puntahan siya sa bahay nila at magtanong kung bakit biglang ganun siya kasi nga ako naman talaga may kasalanan nito eh. I just hope na sana okay lang siya.

 

“Excuse me miss?” may grupo ng mga lalaking nakajersey jacket na lumapit sa akin nang nasa mall ako one week later. “Ikaw nga!” sabay-sabay na reaction nila. Naalala ko, sila yung teammates ni Harold na naglaro two weeks ago sa school.

“Excuse me?” balik tanong ko sa kanila. Ako daw yung alin???

“Ikaw yung babae dun sa picture na nasa wallet ni kuya Harold!” the younger guy said na mukhang tuwang-tuwa.

“Huh?”

“Tama nga siya, you look even prettier in person. Kaya pala patay na patay sa’yo si captain eh!” nginitian pa nila ako. Ano daw ulit?

At nakatunganga lang akong nakatitig sa kanila nang finally na-gets ko ang pinagsa-satsat nila.

May tinatago si Harold na picture ko sa wallet niya? Does that mean na... na may gusto din siya sa akin? OMG!

 

Pero baka naman tinatago lang niya iyon kasi ang turing niya pa rin sa akin eh kaibigan? Pwede rin naman di ba?

Pero bakit iba ang pakiramdam ko?

“Where is he?” biglang naisipan kong itanong sa mga Navs. “Kasama niyo ba siya ngayon?” at inisa-isa ko ang team niya wishing na sana nandito nga siya co’z I’m honestly dying to talk to him.

“Nauna na po siyang umuwi sa kanila, may importanteng taong kakausapin daw ata?” sagot ulit ng mas nakababatang member nila.

“Sige salamat!” at kahit nangangatog na ang mga tuhod ko eh pinilit ko pa ring tumakbo palabas ng mall at sumakay pauwi. I don’t care kung sino yung tinutukoy nilang importanteng taong kakausapin niya, all I want to do right now is talk to him. I’m going to ask him once and for all. At kung mali man ako, then mali ako, I don’t care. Kesa naman muli lang akong magsisisi na parang yung dati. Better now or never!

Wala pero siya sa bahay nila nang magpunta ako kaya hinanap ko siya sa malapit na basketball court sa lugar namin. Andoon nga siya. Nakaupo lang siya sa may bench at paulit-ulit lang niyang dini-dribble yung bolang hawak niya.

“Anong ginagawa mo dito?” kumunot ang noo niya pero halata namang nagliwanag ang mukha niya nang makita niya ako.

“Wala, binibisita lang yung admirer ko,” tumayo ako sa tapat niya. Kinapalan ko na ang mukha kong mag-assume tutal matagal naman na akong assumera di ba? Eh di itodo-todo ko na lang.

 Kumunot muli yung noo niya. “Did my mom talk to you?” tapos bigla na lang siyang namula. Grabe, ang pogi niya, bigla tuloy di ko mapigilang mapangiti.

“Nope!” Ngayon ko lang kasi siyang nakitang kinakabahan eh. “I just figured it out myself…”

Tinakpan niya tuloy ang mga mata niya saka tumalikod sa akin. Ang cute-cute niya pala pag nahihiya siya.

“So totoo ba?” nakatingin ako sa suot niyang bracelet. Bigay ko pa yun noong graduation namin ng elementary. I just can't believe na hanggang ngayon sinusuot niya pa rin.

Tumayo siya. “You got me!” ngumisi siya saka niya tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko na. Then balik seryoso ulit ang mukha niya habang dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. "Sorry ha," yumuko siya. At napansin ko na lang na may nangingilid ng luha sa mga mata niya. “Crush na kita bata pa lang tayo…" ngumiti siya nang mapakla. "Then it got deeper nang maghigh-school tayo… then deeper nang magcollege tayo… then even deeper when I kissed you… and it’s still getting deeper now…” seryoso siyang tumitig sa akin.

Ako naman di prepared sa sinabi niya. Na-flatter na tuloy ako at nawala na yung confidence ko kanina.

“And I just can’t stop it… I’m so sorry but I can’t…” tuluyan nang bumagsak yung luha niya. "Kaya when you asked me last week to stay away from you, shit it hurts here!" tinuro niya ang puso niya.

“Harold… uy…” I tried wiping his tears. Nahihiya na tuloy siyang iniwas ang mukha niya sa akin.

Then natahimik na lang kami pareho.

“Eh bakit sabi mo sa akin last week, I have never and will never be part of your list, eh gusto mo naman pala ako?” I asked him bravely.

“Totoo naman yun. You’re not in my list kasi nag-short cut ka. Dito ka na oh!” sabay turo ulit sa puso niya. Mako-kornihan sana ako pero sa halip nakaramdam pa ako ng kilig.

“Bakit di mo ako niligawan?” tanong ko ulit.

“Because I don’t want to mess with your dream,” nagulat ako sa sinabi niyang yun. “Sabi mo kasi noon, hindi ka muna magboboyfriend hangga’t di ka pa nakakapagtapos," aww... super touched ako na pinapahalagahan pala niya ang mga plano ko sa buhay.

“Kaya ba nanligaw ka na lang ng iba?”

Di naman siya nahiya at basta tumango na lang. “Akala ko kasi dati, what I feel for you is nothing but temporary, pero hindi eh. You’ve always been the other girl Louise…”

 Natigilan na naman tuloy ako. So ako pala lagi yung third party sa lahat ng naging relationships niya? My gosh I had no idea. Kinu-curse ko yung taong yun only to find out na ako pala yun.

“I’m sorry I kissed you…” he paused. “I’m sorry that I don’t regret it…” he stared at me right through my eyes. “And I’m sorry that I’m going to do it again…” at nagulat na lang ako when he suddenly pulled me against him.

At dahan-dahan muling bumaba ang mga labi niya sa mga labi ko. And again I was caught off guard but still I didn’t protest.

Nakatulala na ulit ako nang bitawan niya ako. Di na rin tuloy niya naitago yung ngiti niya sa reaction ko. Nahiya tuloy ako bigla at sinimangutan siya.

“Eh ako di mo tatanungin?” kunwari naiinis akong tinanong siya.

“Hindi na,” mayabang niyang sagot. “Your face says it all…” nakangiti pa niyang dagdag. Obvious na obvious bang kinikilig ako? Putakte! “Though I like it so bad that you’re here, I advise you to go home now, please…” biglang nagpi-plead yung mukha niya.

“Okay…” I shrugged, kunwari lang. Natutuwa kasi akong nakikita yung frustration sa mukha niya.

“Bilis! You just don’t know how hard it is for me to restrain myself when I’m here alone with you…” nagmamakaawa na talaga siya kaya natatawa ako. “Lalo na pa’t miss na miss na kita.”

 

“Oo na!” and then I started walking away from the court.

“Louise…” I stopped when I heard him again. “Wala akong balak sirain yung promise mo. I’ll wait for you ‘til you graduate. I promise… I’ve waited long enough and I still can.”

“Thank you…” I mouthed then smiled at him.

Well, that was all worth it...

He was always worth it...

Pero bago pa ako muling umalis eh tumakbo ako sa kanya pabalik at dali-daling hinalikan siya sa lips, smack lang naman yun na di ko pinag-isipan.

“Miss na miss na din kita kung alam mo lang,” saka ako ngumiti nang bonggang-bongga.

================================================

‘Holding back your feelings for someone you really love is like holding your breath; you won’t last forever doing it.’

===============================================

HAHA! Alam niyo bang kahit ilang beses kong binabasa ang mga lines na iyon, di ko mapigilang kiligin. Haha! Wala lang, natutuwa lang ako. XD

A/N: Guys hindi pa ‘to tapos ha, ^__^. End pa lang ‘to ng nasa oneshot and as promised, yung mga after events na. I’m excited, may naiisip na ako. Hehe!

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

228K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.5M 34.4K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...