Chapter 7: Bawi-bawi lang!

25.3K 427 61
                                    

 “Tara na!” sabi ko agad pagkalabas ko nang hindi siya hinaharap. Kinakabahan kasi ako eh. At nagsimula na akong naglakad na kunwari ayos na ang paa ko para di na niya ako kelangang alalayan pa. Pero kahit malakas ang loob kong gawin yun, di naman nakayanan ng katawan ko kasi na-out-balance ako bigla.

 

“Oooopppsss!” at nandoon na naman siya para tulungan ako. “’Nay naman, huwag mo ngang pilitin kong di mo pa kaya!” may halong pag-aalala at inis ang boses niya na di ko inaasahan.

 

“Let me go Harold, kaya ko ‘to,” malamig ang boses na sagot ko sabay tanggal sa kamay niyang nakaalalay sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang bigla akong natauhan na di tama ‘tong hinahayaan ko ang sarili kong masanay at umasa na naman. Na parang what the hell Louise, are you out of your freakin’ mind?! Napapansin ko na naman kasi sa sarili ko lately na nagiging tanga na naman kasi ako eh. Why the ffff am I having my hopes again?

 

“Teka lang, galit ka ba?” he attempted to grab my hand pero mabilis kong winaksi ang kamay niya. “I know that look Louise, masama loob mo eh,” kulit niya nang maharangan niya ako.

 

“Oo, kaya pwede ba tantanan mo muna ako, kahit ngayon lang!” di na ako nakatiis at nasigawan ko siya. I know I probably look weird and moody kasi biglaan tong pagkatopak ko pero alam ko kasi na the more I dwell in with this raging emotion, the more it is hard for me to back out. And I can’t just risk that kaya kelangan ko nang gumising. “Hindi mo ba ako padadaanin?”

 

“Were you mad because I kissed you?” at tinanong niya yung tanong na kinakatakutan ko kaya ako naman ang biglang natahimik. “Come on, tell me!” he demanded na tila nauubusan na siya ng pasensya. Siguro nainis na din siya sa pagka-moody ko.

 

“Oo!” matapang kong sagot nang di na kailangang mag-isip. I need to tell him for him to stop. “I hate it you when you constantly teases me with your unexpected kisses!” natahimik siya. “Pakiramdam ko kasi, pinaglalaruan mo ako dahil alam mong natataranta ako lagi,” I tried looking into his eyes. “I don’t know but it makes me feel cheap.”

 

“Louise…”

 

“I’m sorry but I don’t find it fun as you do,” sabi ko sa kanya bago ko siya tuluyang nilampasan at pumasok na sa may lobby. Shit my heart is hurting like hell pagkatapos kong masabi lahat nun. Parang tinuturukan ang puso ko habang naglalakad palayo sa kanya, but then I need to. Ayoko na, napapagod na ako.

 

“Louise…” I heard him say my name one more time pero di ko na siya pinansin hanggang sa marating ko ang pagliko sa may corridor. Napasandal na lang ako sa wall nang mapag-isa ako finally.

 

“Good job Louise!” kausap ang sarili kong napapunas sa papalabas ko ng luha. “Kaya to!” I breathed deeply saka pinagpatuloy ang pahirapang paglalakad.

 

“Need a hand?” I heard a quite familiar voice. Oh, it’s Kurt the other Jerk na nakilala ko kanina.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now