Chapter 26: The Man Behind the Arrogance

7.2K 217 44
                                    

“Kurt ibaba mo ako!” singhal ko sa lalaking katabi ko. “Ibaba mo ako sabi!” magkahalong kaba at takot ang biglang sumalakay sa akin.

“Babe, just take it easy okay. Saglit lang ito, ibabalik din kita agad,” paninigurado pa niya pero sa halip na kumalma ako ay mas lalo pa akong nagalit.

“Just please pull over!” I demanded na parang di ko narinig ang sinabi niya. “Shit Kurt! Ibaba mo ako dito!” halos pasigaw kong protesta.

“Louise, come on. Ngayon lang naman ‘to, I’ll bring you back before the game ends, don’t worry,” he tried to assure me again.

“This isn’t funny at all. Kurt please, ibalik mo na ako,” I’m already freaking out lalo na’t hindi ko maipalawanag ang itsura niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya or isang biro ito at tinatakot lang niya ako.

“Relax. I’m not going to hurt you, I just really need your help big time.” At mukha yatang wala talaga siyang balak na ibalik ako dahil mas lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan. “Malapit lang naman ‘to at hindi naman tayo magtatagal,” medyo bumagal ang pagpapatakbo niya nang tumapat kami sa isang gusali at diretsong pumasok siya sa may driveway papunta sa parking lot ng naturang building.

“Ano ba ‘to Kurt? Please kung may gagawin kang kalokohan, spare me!” umaangal pa din ako habang naghahanap siya ng space where to park. “Kelangan kong makabalik doon pwede ba?  Siguradong nag-start ng yung laro!” hindi pa rin ako tumitigil sa kakadakdak sa sobra kong inis. Grabe, how can this guy be such an asshole? Ang tanga ko kasi eh, ba’t ba kasi ako naniwala sa mokong na ‘to. Baka magtampo nito si Harold since I won’t there pag nag-start na yung game. Gusto ko pa man ding masimulan yung laro niya. Gosh! Parang gusto kong pagsusuntukin ang kumag na ‘to. “Shit ka Kurt! Shit ka!” at hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

“Wow!” pero sa halip na seryosohin ang pagmumura ko, parang amaze na amaze pa ang itsura niyang bumaling sa akin. “Even when you say ‘shit’, it’s cute!” oh damn this guy! How can he not even get serious! This is really even making me frustrated.

“Seryoso ako Kurt. Naiirita na ako sa’yo. Akala mo nakakatuwa ‘to? Ha?” my voice was stern. “Masyado kang ma-feeling eh! Just quit this freakin’ trip of yours and let me go. Kung ayaw mo akong ibalik, ako na ang bahalang bumalik doon!”

Pero sadya yatang trip niya ring dedmahin ang pinagsasabi ko dahil hindi man lang nagbago ang reaction ng mukha niya. “At last!” sabi na lang niya nang tuluyan na siyang makahanap ng mapagpaparadahan. “Halika na!” sabi niya nang pinatay niya ang kotse at nauna ng lumabas. Hindi ko naman malaman kung susunod ba ako sa kanya kaya hindi muna agad ako lumabas. Pinagbuksan niya pa tuloy ako ng pinto. “Come on, this won’t take long if you’ll cooperate.”

“Why are you so confident that I’ll go with you?” taas ang kilay kong tanong. Excuse me, hindi ko siya basta pagbibigyan na lang. My plan is kung kakayanin kong tumakas, I will.

“You’re really asking me that?” I wonder what he was thinking. “Because I know that deep inside that,” sabay turo sa tapat ng puso ko, “you like me. You just can’t see it yet kasi natatak na sa utak mo na dapat ayaw mo sa akin. Thus, my job is make to make you realize what you’re missing,” at confident pa niyang sabi. What a nerve!

Tumawa tuloy ako with sarcasm. Where is he getting his confidence? I wish I had that. So what I did was, binilisan ko na lang bumaba at hinintay ko pa muna siyang isara ang pinto bago ko itinuloy ang pinag-iisipan kong gawin kanina. Pagkaharap pa lang niya sa akin ay mabilis ko siyang sinuntok sa tiyan, nang malakas, I wish. Napahawak naman siya sa tiyan niya at napayuko. And there was my chance to escape, pero nang akmang tatakbo na ako palayo, mabilis naman niyang nahagip ang kamay ko.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now