Chapter 17: Girlfriend?

16.6K 246 36
                                    

“Hmmm…” Natigilan ako at napalunok. Halla naman, di ko alam kung ano isasagot ko. Ni hindi ko naman kasi naiisip na darating pala ang ganitong pagkakataong tatanungin niya ako ng ganito. Pero sandali nga, bakit nga ba kasi hindi pwede?

Muli akong napatingin sa kanya na umaasang palalagpasin niya ang tanong niyang iyon, kaso hindi eh.  His eyes seemed to be longing for an acceptable reason. Pero hindi pa rin ako makahagilap ng isasagot.

“Is it because you don’t see me as a man?” and I wasn’t expecting that at all. “Dahil ba hanggang ngayon, ang nakikita mo lang sa akin ay gagong kaibigan mo dati?” hindi ko ma-explain ang itsura niya habang tinatanong niya ako. Yung parang may lungkot sa mga mata niya habang nakatingin siya sa akin pero hindi ko naman ma-justify kasi pangiti-ngiti naman habang tinatanong niya yun.

“Siguro?” pakunot at patanong na sagot ko. In fairness ha, kahit papaano I suddenly had the guts to answer his questions.

“Siguro?” ulit niya, at sadyang ayaw niyang palampasin yun. “Di ka sigurado? May iba pa bang dahilan?” at biglang sumeryoso pa siyang tumitig sa akin. Teka lang, iba na ‘to ah. Ba’t kelangan niyang malaman?

“Ahm,” at kunwari tumingin pa ako sa itaas at nag-isip. “Kasi nga, imposible namang magkagusto ka sa akin di ba?” nakangisi kong sinalubong ang mga mata niya. “Kilalang-kilala na kita Harold, I know exactly what kind of women you go out with. At wala akong binatbat sa mga yun. Sabi mo pa nga, katawan ko pa lang bagsak na di ba? Kaya imposibleng magustuhan mo ako,” at kunwari pailing-iling pa daw ako. Pero what the hell was that?  Anu-ano na ba ‘tong pinagsasabi ko? Hindi ba parang ang bitter lang ng dating?

“You’re so confident about that, huh?” at biglang nagbago ang reaction niya. Para pa kasing mas nalungkot pa siya sa pinagdadakdak ko.

“O-oo k-kaya,” tuloy bigla akong na-distract.

“’Nay, masyado mo naman atang minamaliit ang sarili mo,” sabi niyang pilit na ngumiti saglit. “Hindi mo ba alam na pamatay yang appeal mo?” at biglang nangingiting dagdag niya. “Nakikita pa nga lang kita, napapangiti mo na ako eh,” ano daw? At wala sa oras ay nag-init naman na ang mukha ko. Grabe, kahit alam kong nanggagago lang siya eh di ko talaga mapigilang magblush. Tuloy, mas napangiti pa siya.

“Haha,” pekeng tawa ko saka ko siya tinaasan ng kilay. “Please don’t bother, di ako utu-uto,” basag trip ko pang sagot sa kanya.

“Ba’t ba kasi ayaw mong maniwala?” at natatawa naman na siya.

“Ewan ko sa’yo!” naiiritang tinalikuran ko siya.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now