Chapter 21: Missing you...

16.6K 492 167
                                    

You were never and will never be part of that list Louise… parang sinabi lang niya na he will never be interested in me. Ang ouch lang talaga. Naiiyak tuloy akong pumasok sa bahay namin, dumiretso sa kwarto ko at humagulgol. Hindi ko na kaya, grabe!

Mayamaya pa’y lumapit ako sa may make-up table ko, umupo sa silya at tumitig sa salamin. At pagkatapos ay nagpunas ng luha at pilit na ngumiti.

“Louise ang abnormal mo!” umiiyak na ngumingiting kinakausap ang sarili ko. “Ganito nga, matanong nga kita. Bakit mo ba kasi gusto ang buwakaw na iyon ha?!”

Natahimik naman ako, nag-isip habang nakatitig sa mukha ko sa salamin. Oo nga ano, bakit ko ba kasi gustung-gusto ang kumag na iyon?

“Kasi… kasi… Honestly, di ko alam,” muli akong natahimik at saglit na nag-isip. “Mahal ko siya kasi kahit ang gago-gago niya, napapangiti niya ako…” at biglang nagulat ako sa mga sinabi kong yun.

Sandali nga, mahal? Tama ba nasabi ko? And those words from my mouth hit me hard. Mahal ko siya? Damn! Hindi ko lang pala siya gusto, MAHAL ko siya?

“OO tanga! Mahal mo siya! Niloloko mo lang sarili mo eh! Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, wala ka pa ring pinapatulang iba. Kasi hanggang ngayon umaasa ka na isang araw, titingin siya paliligid at makikita ka. Kasi diyan puso’t isipan mo, pinagdarasal mo na darating  yung panahon na sasabihin niya sa’yo na hinihintay ka din pala niya!” at walang prenong biglang labas nun sa bibig ko. Para tuloy akong biglang binuhusan ng malamig na tubig.

Bakit ba kasi tako’t na takot ako? Na takot na takot akong malaman niyang gusto ko siya, na mahal ko siya? Dahil ba sa takot akong masaktan? Parang bigla ko tuloy narealize na masyado pala akong weak. Ni hindi ko pa nga sinusubukan, sumusuko na ako. Shit!

And that was one of my most painful days. Ang magkulong sa kwarto ko dahil broken hearted kuno? Para kasing biglang nag-bounce pabalik sa akin ang lahat. Parang biglang na-ipa-realize sa akin in that instant na kaya ako nasasaktan eh dahil sa kagagawan ko mismo. Na dahil sa sobrang dami kong precautions para huwag masaktan, I still ended up hurt and even causing the guy I like na masaktan din. Kung tutuusin nga, wala naman talagang kasalanan sa akin si Harold di ba? Ako lang talaga ang taboy ng taboy, na wala akong ibang ginawa kung di ang isipin na marami siyang nasaktang babae at na hindi dapat ako mahulog sa kanya kasi masasaktan lang din ako kagaya nila. Pero ni minsan, di ko inisip na kaya siya nandiyan eh dahil para sa kanya, kaibigan niya pa rin ako, na gusto niya akong proteksyonan at pangitiin.

Gosh, I think I have missed all that just all because of the fear of falling hard for him. And that was very stupid of me! Bigla tuloy akong naiyak, ang tanga ko ba? Do you agree na something is freaking wrong with me?

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now