Chapter 9: The Thing I Do Best

23.9K 442 131
                                    

I immediately moved backwards and sat on the sofa behind me. And then I looked at him, his eyes too are directed to me at halata sa mga yun na narinig niya ako. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumangon at umayos ng upo sa sofa.

 

“Why didn’t you tell me?” mahinang tanong ko sa kanya pero umiwas lang siya ng tingin.

 

“It’s not that big deal,” he said still trying to avoid my gaze. He’s lying. It’s pretty much obvious now that he isn’t well. How did I miss that?

 

“Okay,” sabi ko naman na patango-tango lang and then I just shut my mouth up pero nanatili pa rin ang mga mata kong nakafocus sa kanya.

And then he smiled saka niya tinaas yung kumot na hawak niya. “Thank you for this,” he said as he looked at me finally. But I can’t bear that look in his face. It’s time for me to do what I’m good at or rather what I think I’m good at, making him feel better.

Kinakabahan ako at hindi ako sure kung tama pero it’s the best I can think of. Tiningnan ko ang oras and it’s almost 6 PM kaya pwede pa. “Gusto mong lumabas?” hinintay kong magbago ang reaction niya and he actually looked a little bit surprised kaya tinuluy-tuloy ko na. “Sh-shot?” nag-aalangang tanong ko sabay tingin sa kisame.

Pero di niya ako sinagot at sa halip tumawa lang siya nang mahina kaya naman muli akong napatingin sa kanya. “Ikaw? Shot?” nakakunot ang noo niya.

 

“Oo! Bakit sa tingin mo hindi ako umiinom?” he nodded. “Hoy, di mo lang alam malakas ang tolerance ko sa alak ano.”

 

“Sus, talaga lang ah,” malakas ang loob kong tumango pa.  “Sige ba. Pero sigurado ka, tayong dalawa lang?” sabi niya na may dumi na naman sa mga ngiti niya.

 

“Oo nga sabi eh, tara!” ngiting-ngiting aya ko pa at nauna nang tumayo.

 

“Are you sure you’re going out with those clothes?” nakaupo pa rin siya at nakatingin sa suot ko. And then I realized I’m only wearing one hell of a super short short sa baba at tsaka maluwang na t-shirt naman sa taas. Tapos nagulat pa ako nang itapon niya sa akin yung unan sa sofa. “Halayin ka niyan eh, magpalit ka muna!” nakangiting sabi niya saka siya tumayo at dumiretso sa pintuan. “Una na ako sa kotse,” paalam pa niya bago siya tuluyang lumabas. Kaya naman nagmadali na rin ako.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now