Chapter 8: What my heart yearns...

24K 337 43
                                    

“Woooh!” I tried to breathe deeply nang makalabas ako. I did it! Awesome! Pero grabe lang talaga, parang kelangan ko pang kumapit kasi nanginginig talaga ang mga tuhod ko tapos dumadagundong naman puso ko sa sobrang kaba. Wait, kaba nga ba yun or kilig? Putakte naman oh, di ko na ma-differentiate yung dalawa.

And I was to move my foot forward nang bigla na lang siyang nasa harapan ko. I didn’t even notice na nakalabas na din pala siya sa sobrang bilis. Napaatras tuloy ako at napasandal pa sa saradong pintuan ng kotse niya. Pero ang mas kinagulat ko eh when he leaned in, both of hands pushing onto his car’s window mirror habang nasa gitna ako locked within his arms. Shiiit! But what affected me most are his deep eyes fixated on me, nangungusap na parang may gustong iparating pero di ko ma-gets. Hindi ko tuloy alam kung paano mag-re-react sa sobrang pagkagulat at kaba kaya I just stood firm and straight while my heartbeat accelerated rapidly again.

Pero ang di ko maintindihan ay ang katotohanang ni hindi ko siya magawang itulak palayo sa akin. Is there any other acceptable explanation besides the possibility that this is due to the fact that deep inside me, I’m yearning for this kind of affection? The eff! Nahiya tuloy ako kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

And then suddenly, he laughed. Yung tipong parang kanina pa pala niya pinipigilan kaya basta na lang siya napabulanghit ng tawa saka niya ako nilayuan.

“Yung itsura mo!” sabi pa niyang tinuro ang mukha ko sabay tawa ulit nang malakas.

Napanganga tuloy ako sa sobrang di ako makapaniwalang pinagti-tripan na naman ako nang mokong na ‘to. “I hate you!” sabay tapon sa kanya sa hawak-hawak kong purse. Bad trip!

 

“Uy huwag pikon,” pangiti-ngiti pang satsat niya na muling lumapit sa akin. “Sabi mo kasi kanina bawi-bawi lang.”

“Shut up, basta shit ka!” napasimangot ako sabay palo sa braso niya. Pero natatawa lang siyang tumabi sa akin at sumandal sa kotse niya pero nakatagilid siya para nakaharap pa rin sa akin.

 

“Uy ‘nay huwag ka ng magalit, namumula ka na oh,” sabi niya saka niya inabot sa akin muli ang purse ko. “Sorry na, nagbibiro lang naman eh.”

I glared at him bago ako nagsalita. “Biruhin mo mukha mo! Hindi kaya nakakatuwa!” masungit ko pa ring untag pero ngumiti lang siya.

“Sus, apektado ka lang eh,” pang-asar pa niya na pasimple pa siyang napakamot sa ulo niya. Ako naman natamaan sa sinabi niya kaya di na makatingin sa kanya ng diretso.

“Uwi ka na nga,” at kunwari di ko na lang narinig ang huling sinabi niya at nauna nang naglakad.

“Let me,” mabilis niyang hinawakan ang mga palad ko this time at tinulungan niya akong naglakad nang hindi niya ako hinahawakan sa likod ko. Better, kaya di na rin ako pumalag pa. Tinulungan niya ako hanggang makapasok kami ng bahay. “Want me to carry you to your room?” he was grinning as he asked me that question. Halatang may binabalak na naman siyang kalokohan kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay.

The Basketball Jerk [Ongoing]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن