Love You Like Crazy

By AnnyMeLoveU143

6K 182 43

Unang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa da... More

-One-
-Two-
-Three-
-Four-
-Five-
-Six-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Thirteen-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Nineteen-
-Twenty-
-Twenty One-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Five-
-Twenty Six-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-

-Thirty Two-

99 3 0
By AnnyMeLoveU143

Minsan lang mag-request si Author kaya pagbigyan niyo na. Please support my story. I know may iba sa inyo na hindi gusto ang flow ng story ko kasi medyo OA na eh. Sorry okay? NBSB kasi ako tbh lang. So, yeah. That's why hindi ako magaling magsulat ng romance genre na story. Wala kasi akong experience sa mga ganyan kaya ayun pagtyagaan niyo na lang ang story ko. Hehe.

Anyways, here's an update. Enjoy reading! :)

--

Gulat pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Why is he here?

Niyukom niya ang mga kamao niya at naglakad palapit samen. Hinila niya ang braso ko palayo kay Tyler.

"We have to go. Now." Sabi ni Ezekiel. Pakiramdam ko tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang lamig kasi ng boses niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila yon nang pigilan ako ni Tyler. Hinawakan din niya ang isa kong kamay.

"Shane, wait--" hindi natuloy si Tyler sa pagsasalita nang bigla siyang suntukin ni Ezekiel kaya natumba siya at napaupo sa lupa.

"Fuck off!" Singhal ni Ezekiel kay Tyler. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Tyler!" Nilapitan ko si Tyler. Nakita kong dumugo ang gilid ng labi niya. "Okay ka lang?"

Pinahid niya ang dugo sa gilid ng labi niya. Tumayo siya at walang anu-ano'y sinuntok din si Ezekiel.

"Gago ka, Montefalcon! Ano bang problema mo ha?!" Sigaw ni Tyler kay Ezekiel.

"Ikaw ang gago! Tangina mo!"

"Ano ba!" Pumagitna ako sa kanilang dalawa upang pigilan sila. "Magsitigil na nga kayo!"

Nagkatitigan sila ng masama. Tapos biglang hinawakan ni Ezekiel ang kamay ko at hinila yun. Hindi ko na nakuhang lingunin si Tyler.

"E-Ezekiel..." ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. "Ezekiel, nasasaktan ako..."

Hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siya sa paghila saken. Malalaki ang mga hakbang niya kaya kailangan ko pang magmadali sa paglalakad. Sumasakit na din ang paa ko dahil sa suot kong dollshoes.

"Ezekiel..." hindi pa rin niya ako sinagot. Sa inis ko ay hinila ko pabalik ang braso ko kaya napatigil siya sa paglalakad. Nilingon niya ako at magkasalubong ang mga kilay  niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga tingin niya saken. Napalunok ako.

"Ihahatid na kita sa inyo." Sabi niya tsaka naglakad palapit sa kotse niyang nakapark pala malapit lang sa kinatatayuan namin.

Sumunod ako sa kaniya at pumasok din sa loob ng kotse niya. Pinaandar na niya ito at tsaka kami umalis.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Walang kibuan. Sinulyapan ko siya at nakatuon lang ang mga mata niya sa tinatahak naming daan.

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay namin. Hininto niya ang kotse niya sa tapat ng bahay namin, pero hindi pa ako lumabas.

Mag-sorry ka na kasi, Shane!

Lumunok ako ng ilang beses. "E-Ezekiel... I-I'm--"

"Magpahinga ka na. Bukas na lang tayo mag-usap. Sigurado akong pagod ka." Sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at lumabas. Yumuko ako habang nakabukas pa ang pinto. "G-good night."

"Yeah. Good night." Walang ganang sabi niya.

Medyo nasaktan ako dahil sa inasta niya pero anong magagawa ko? Kasalanan ko din naman kasi!

Pumasok na lang ako sa loob ng bahay namin. Lumapit ako sa sofa at pabagsak na naupo don.

Huminga ako ng malalim at sinuklay ang buhok ko.

"Shane?"

Tumingin ako sa hagdan at nakita ko si Mama na pababa.

"Ma, bakit gising ka pa? Gabi na po."

"Hinihintay kasi kita." Lumapit siya saken at umupo sa tabi ko. "Kumusta nga pala ang date niyo ni Tyler?"

Bumuntong-hininga ako at sumandal sa sofa. "Galit saken si Ezekiel."

"Bakit? Anong nangyari?"

"Nakita niya kaming magkasama ni Tyler." Napayuko ako. "Galit siya saken. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"Nagpaliwanag ka ba sa kaniya kung bakit magkasama kayo ni Tyler?"

"Sinubukan kong magpaliwanag sa kaniya pero ayaw niya akong pakinggan."

"Mag-sorry ka sa kaniya."

"Tatanggapin niya kaya ang sorry ko?"

"Matatanggap niya ang sorry mo. Sa maiksing panahon na nakilala ko si Ezekiel, pakiramdam ko isa siyang mabuting tao. Kaya alam kong tatanggapin niya ang sorry mo at mapapatawad ka rin niya." Lumapit saken si Mama at niyakap ako. Niyakapa ko na lang din si Mama.

--

"Bakit nakabusangot ka diyan? Smile ka nga. Para kang binagsakan ng langit at lupa eh." Salubong saken ni Yael ng makapasok ako sa coffee shop.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa staff room at nagpalit ng uniform. Pagkatapos kong magpalit ng uniform ay lumabas na rin ako. Pagkalabas ko nagulat ako ng makita ko ulit ang pagmumukha ni Yael.

"Okay ka lang?" Lumapit siya saken.

"Okay lang ako." Aalis na sana ako ng bigla siyang humarang sa harap ko.

"Yung totoo?"

"Yael, please. Huwag ngayon. Wala ako sa mood para sa mga kalokohan mo. Kaya umalis ka na diyan kasi may trabaho pa ako." Mahina ko siyang tinulak sa tabi para makadaan ako.

Lumapit ako sa counter. Nakita ko si Hazel na palapit.

"Good Morni---oh, bakit bagsak yang mukha mo? Anyare sayo?" Tanong saken ni Hazel.

"Wala." Sagot ko.

"Wala? Eh pang-undas yang mukha mo eh. Oh, tingnan mo." Tinuro niya ang mukha ko.

Inalis ko ang kamay niya. "Tigilan mo ako."

"Nakow!" Pinitik niya ang daliri niya sa harap ko. "Alam ko kung anong itsura yan. Nag-away kayo ni Ezekiel noh?"

Hindi ako nakasagot.

"True?!" Lumapit siya saken. "Nag-away kayo ni Ezekiel?!" Gulat na tanong niya.

Tinulak ko siya sa noo. "Tumahimik ka nga."

Napasinghap siya at napatakip sa bibig niya. "I can't believe this!" Umupo siya sa katabing upuan ko. "Kwento, daliii! Bakit kayo nag-away?!"

"Anong meron? Bakit ang ingay ng bunganga mo, Hazel?" Biglang dumating si Mandy.

"LQ." Sagot ni Hazel at tinuro pa ako.

Napatingin saken si Mandy at tinaasan niya ako ng dalawang kilay. "Totoo?"

Again, hindi ako sumagot.

"Bakit?" Lumapit si Mandy at tinukod ang magkabilang siko sa counter.

"Nakita niya kaming magkasama ni Tyler." Sabi ko.

"Magkasama kayo ni Tyler?" Tanong ni Hazel.

"Bakit naman kayo magkasama ni Tyler?" Tanong naman ni Mandy.

"Oh my gosh! Hindi kaya niloko mo si Ezekiel?"

Tiningnan ko ng masama si Hazel. "Hindi ko magagawang lokohin ko Ezekiel, Hazel."

"Then bakit kayo magkasama ni Tyler?"

"You're having a date with Tyler at hindi alam yon ni Ezekiel?"

Napabuntong-hininga ako. "Makinig kayo, hindi yun date. At hindi ko niloloko si Ezekiel. Pumayag lang ako na makipagkita kay Tyler para sabihin sa kaniyang sinagot ko na si Ezekiel at boyfriend ko na siya. Ayokong saktan si Tyler kasi kaibigan ko siya dahil magkaibigan kami."

"So, na-misunderstand ni Ezekiel lahat?" Tanong ni Hazel.

"Ganun na nga siguro."

"Pero nag-sorry ka naman sa kaniya?" Tanong ni Mandy.

"Oo."

"Tinanggap niya?"

"Hindi... ko alam."

"Have you tried explaining it to him?"

"Sinubukan kong magpaliwanag pero ayaw niya akong pakinggan. Aish! Anong gagawin ko?"

"Bakit kasi hindi mo sinabi kay Ezekiel na makikipagkita ka kay Tyler?"

"Sandali, kung hindi mo sinabi kay Ezekiel na makikipagkita ka kay Tyler. Pano niya nalamang magkasama kayo?"

Hindi ako nakasagot. Napatingin ako kay Yael na nasa likod ko.

"Anong ginagawa mo diyan?! Chismoso ka talaga eh noh?" Tiningnan ni Hazel si Yael ng masama.

"Hindi ako chismoso. Ang lakas kasi ng boses mo kaya dinig na dinig ko don sa kusina." Inirapan niya si Hazel tsaka tumingin saken. "Totoo ngang nag-away kayo ng boyfriend mo? Tsk. Sabi ko naman kasi sayong ako na lang ang binoyfriend mo. Hindi kita sasaktan, promise."

"Hoy, Yael. Tigilan mo na ang pagiging assuming mo kay Shane. Taken na siya, okay? TAKEN! Naintindihan mo? O gusto mo ispell ko pa? Capital T-A-K-E-N!" Sigaw ni Hazel kay Yael.

"Tsh. Panira ka eh. Wala namang masama kung aasa ako, diba?"

"Masama kayang umasa. Lalo na kung wala ka namang aasahan. Edi masasaktan ka lang."

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at inis na napasuklay sa buhok ko. Napayuko ako habang hawak ang ulo ko. "Anong gagawin ko para mapatawad ako ni Ezekiel?"

"Just say sorry."

Inangat ko ang ulo ko. Napatingin ako kay Yael.

"Pano kung hindi niya tanggapin ang sorry ko?" Tanong ko.

"Trust me, he'll forgive you. Mahal ka niya kaya imposibleng hindi ka niya mapapatawad."

Napabuntong-hininga na lang ako. Sana nga ganun kadali yun.

--

EZEKIEL

"Return this to the Marketing Department. The report they gave me is incorrect. Tell them to repeat it." Sabi ko kay Fred at binigay ko ulit sa kaniya ang folder na galing sa Marketing Department.

"All of it, Sir?"

"Yes. All of it. I want it after lunch. Okay?"

"Yes, Sir."

Kinuha niya ang folder. Ako naman nagsimula ng basahin ang ibang reports galing sa ibang departments. Meron ding mga documents na kailangan ang approval ko. Habang abala ako sa pagbabasa pansin kong nakatayo pa rin si Fred sa harap ko.

I looked at him. "Why are you still standing there, Fred?" Tanong ko.

"Do you want me to bring you a coffee, Sir? Mukha ka kasing... wala sa mood?"

Tinitigan ko siya ng ilang segundo tsaka ako napabuntong-hininga.

"Yes, please..."

"Okay, Sir. Do you want me to put a creamer?"

"Just black coffee."

"Okay."

Pagkatapos ay lumabas na si Fred. Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa ko. Maya-maya ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa tabi lang ng fountain pen ko. Kinuha ko yun at tiningnan kung sino ang nag-message saken.

From: Cassie

Hi, honey! Pupunta ako diyan sa office mo. See you later! :*

I sigh. Nireplayan ko siya.

To: Cassie

No. Not now. I have many paper works to do.

From: Cassie

Oh? Is that so? Do you want me to bring you a cake in your office?

Napahilot ako sa sentido ko.

To: Cassie

No. Don't bother.

Pagkatapos ay pinatong ko ang cellphone ko sa lamesa at hindi na nireplayan si Cassie. Inikot ko ang upuan ko at tumingin sa labas ng building ko. Nakikita ko ang mga nagtaasang mga building mula dito.

Then suddenly, her face appeared in my mind.

Her sad face...

Ang totoo, ayokong magalit sa kaniya. Well, hindi naman ako galit pero ng makita kong magkasama sila ni Tyler sa restaurant na yun? Like they're having a date? I can't help it but to get jealous!

Why? Bakit hindi sinabi saken ni Shane na makikipagkita pala siya kay Tyler? Bakit kailangan niyang ilihim ang tungkol don?

Damn it!

--

SHANE

Kanina ko pa tinitigan ang cellphone ko. Nagdadalawang-isip ako kung tatawagin ko ba siya o hindi.

Kapag tinawagan ko siya? Sasagutin niya kaya? Eh galit nga siya saken eh.

Napabuntong-hininga ako.

"Kanina mo pa tinititigan ang cellphone mo." Sabi ni Miles. "May hinihintay kang tawag?"

Umiling ako tsaka tinago ang cellphone ko sa bulsa. "Wala.."

Biglang tumunog ang chime. Bahagya akong nagulat ng makita kong pumasok si Cassy. Tss. Anong ginagawa ng babaeng to dito?

"Hello, Ma'am. What can we do for you?" Tanong ni Miles sa kaniya. Nanatili lang akong tahimik habang nakatitig kay Cassy.

Tinaggal niya ang suot na salamin at tumingin saken. She has this smirk on her face which I don't like. Gusto kong punitin ang nakakaasar na ngiting yan sa labi niya!

"Anong kailangan mo?"

"Tsk tsk tsk." Iiling na sabi niya. "Is that how you greet your customer? No manner at all?"

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko inalis ang paglakatitig ko sa kaniya at ganun din siya saken.

"Marunong akong gumalang ng tao. Pero ang mga kagaya mo hindi dapat ginagalang." Sabi ko.

"Such a bitchy attitude. May tinatago ka rin palang bitchy side." Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Bibili ka ba ng libro o hindi? Dahil kung hindi ka bibili ng libro umalis ka ma dito."

"I came here to talk to you."

"I don't want to talk to you." Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Miles, cr lang ako."

Aalis na sana ako ng bigla niyang hampasin ang lamesa ng counter. "Don't you dare turn your back on me while I'm still talking to you!" Sigaw niya.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagkatapos ay hinarap ko siya. "Ano ba talaga ang kailangan mo ha?"

"Stay away from Ezekiel."

"Ano?"

"Stay. Away. From. Him! Do you hear me?! Layuan mo siya!" Sigaw niya habang tinuturo ang mukha ko gamit ang hintuturo niya.

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Because Ezekiel is MINE! Nobody owns him but me!"

Nobody owns him, but her? Hah. Patawa yata ang babaeng to.

"Yours? Kelan pa naging sayo si Ezekiel?" Hinarap ko siya.

"Ako at si Ezekiel, matagal na kaming nagsasama. Simula bata pa, gusto ko na siya. Kaya dapat lang na mapunta siya saken at hindi sa kagaya mo!"

"But sad to say the guy you like the most, loves me. Not you."

"How dare you talk to me like that!"

"Umalis ka na, Cassy. Huwag kang manggulo dito."

"Tandaan mo ito. Hindi ako titigil hangga't hindi napapasaken si Ezekiel. I will definitely steal him away from you!"

"Subukan mo lang dahil sasapakin kita hanggang sa madeform yang mukha mo at gawin kong mukha ng kabayo."

"Sa tingin mo natatakot ako sayo?"

"Dapat lang na matakot ka saken. I won't let you steal Ezekiel away from me."

She smirks. "Let see about that." Then she left.

Huminga ako ng malalim at napaupo na lang. Bwiset ma babaeng yun! Nakakasira ng araw! Kaasar!

"Okay ka lang, Shane?" Tanong ni Miles. Tumango ako. "Sino ba ang babaeng yun?"

"Huwag mo ng alamin." Sabi ko.

Hindi ko siya hahayaang maagaw saken si Ezekiel. Hindi ako papayag. Hinding-hindi ako papayag!

--

Pleas support this story. Thank you ng marami. Mwahugs. :*

You can also add me on fb:
annacorina.almacin@yahoo.com :)

On IG: thatsanna.mazing :)

Continue Reading

You'll Also Like

224K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...