Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)

By swaegmonster

113K 4.4K 2.4K

(Completed) She's fixing him. He's breaking her... More

Prologue
Pyxis
Dedication
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
33.1
Chapter 34
Chapter 35
35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
38.3
Chapter 39
Chapter 40
40.4
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
45.5
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
June's Journal (20XX)
June's Journal (20XY)
Chapter 52
Epilogue
Breaking Mr. Perfect
Self-Publishing!

Chapter 23

1.8K 79 26
By swaegmonster


Chapter 23 - Daisy


- JUNE -


Umikot ako ng isa pang beses sa harap ng salamin matapos akong ayusan ni Sam.

"Ang ganda mo lalo, June!" puri pa sa'kin ni Alisson.

Tumango-tango naman si Sam, "We told you, you're really pretty."

Hindi ko alam kung gumanda nga ako pero... gusto ko ang kinalabasan ng pag-aayos ni Sam sa'kin. Braid ang ginawang niyang ayos sa buhok ko, waterfalls daw ang tawag sa style na 'yon. Bukod sa face powder, nilagyan niya rin ako blush at lip gloss na strawberry flavor. Ang sarap... gusto ko tuloy kainin!

May pinausot naman sa'kin na sandals si Alisson, katulad ito ng suot nila ni Sam pero gold ang kulay.

Maya maya lang, lumabas na kami ng kwarto. Lilibutin daw naming tatlo ang buong island.

Sa likod ng mansion kami dumaan palabas, kaya nadaanan namin ang infinity pool. Hindi ko maiwasang maalala ulit ang mga nangyari kagabi dito. May hagdan pala sa gilid nito, pababa sa beach.

Napakaganda ng beach! Pinong-pino at puting puti ang mga buhangin! Nakapagtampisaw na pala sila rito kahapon habang natutulog ako. Inis na inis si Alisson habang kinukwento ang mga nangyari, pinagtulungan pala siya nila Miles, Jacin at Hunter na itapon sa dagat. Si Sam naman tawa ng tawa.

Naghabulan din sila, nagkarera, at gaya ng inasahan nila, si Jacin ang nanalo. They all had fun yesterday, habang ako maghapon lang natulog.

Napagdesisyon nilang bumalik sa villa nang mangawit ang paa't binti namin sa paglalakad.

"M-mauna na kayo. Dito muna ko." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Hindi ka pa ba pagod, June?"

"Do you still want to walk around?"

Tanong ni Alisson at Sam sa'kin, umiling ako. "P-pagod na rin pero dito m-muna ko."

"Nahihiya kang makita si Jacin?" pigil ang ngiting tanong ni Alisson,

"But he should see you, June." sabi naman ni Sam. "You should see him. Now."

"Susunod na lang ako sa inyo mamaya." nahihiyang sambit ko. "Gusto ko lang makalanghap pa ng fresh air."

Nagkibit balikat si Sam, "If that's what you want."

"'Wag kang gaanong lalayo ah?" bilin ni Alisson bago sila naglakad pabalik sa villa.

Naglakad-lakad ulit ako sa tabing dagat. Ang daming magagandang shells. Uwian ko kaya si Roxy? Mahilig sa shells 'yon eh. Sirena daw kasi siya, at mas nababagay daw siya dagat.

Napangiti ako. Roxy will really love it here.

Pumingit ako at nilangap ang sariwang hangin.

Tama si Alisson.

Nahihiya akong makita si Jacin.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Nahihiya ako.

Nagprisinta akong maging girlfriend niya. Ano na lang iisipin niya sakin? Na ang desperada ko?

Lasing naman ako kagabi. Pwede ko namang sabihin sa kanya na hindi ko alam ang ginagawa ko. At paano kung pinatulan niya lang talaga ang kalasingan ko kagabi?

Magpapanggap na lang ako na hindi ko alam ang mga nangyari kagabi... na wala akong maalala.

Imposible June. Nasabi ko na ang lahat kay Alisson at Sam.

Nakakainis naman kasi si Jacin eh, bakit ba pumayag siya sa alok ko? Bakit pumayag siyang maging boyfriend ko? Lasing din kaya siya kagabi?

Paano naman kung hindi siya pumayag, ano kayang mararamdaman ko?

Malang mugto ang mata ko ngayon kakaiyak. O kaya nagpapanggap na okay, kahit hindi naman talaga.

Bahala na nga!

Dinilat ko ang mata ko.

At nakita ko sa harap ko ang lalaking kanina pa tumatakbo sa isip ko.

Hindi ba siya napapagod? Kanina pa siya takbo ng takbo sa isip ko! Tapos ngayon biglang nasa harap ko na siya!

"Boo."

Nakita ko na siya sa harap ko, pero nagulat pa rin talaga ko.

Napaurong ako at impit na napatili.

Tinawanan niya lang ako.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad pabalik ng villa.

"Hey, wait up!" Nakakailang hakbang palang ako ng mahablot niya ang pulso ko, hinarap niya rin ako sa kanya. "May problema ba?"

Hindi ako sumagot. Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Ano bang dapat kong sabihin? Tinanong niya ko... ano bang dapat kong isagot?

Kaharap ko na si Jacin.

Ano bang dapat kong gawin?

Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa nagwawalang nilalang sa loob ng dibdib ko.

Nang mapansin niyang hindi ako umiimik, ngumiti siya. Ang totoong ngiti ni Jacin na sa malayuan ko lang madalas makita. Nilibot niya ang tingin sa buong mukha ko, pababa sa buo kong katawan. Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Mas gumanda ka."

Lumunok ako dahil pakiramdam ko nasa lalamunan na ang puso ko, gusto na yatang kumawala mula sa dibdib ko.

Gusto ko sanang sabihin na ang gwapo niya rin, pero hindi ako makapagsalita. Beanie, white shirt, jeans, at timberland boots ang suot niya. Nakasapatos siya kahit nasa beach kami, at naka-backpack rin. Ang gwapo niyang talaga. Isabay pa ang pabango niyang nanunuot sa ilong ko.

Naging smirk ang kaninang maganda ngiti niya, "I can feel your heartbeat. Ang bilis. Is it because of me?" Tinaas niya pa ang pulso kong hawak-hawak niya pa rin.

Mabilis na iling lang ang naisagot ko kay Jacin. Binawi ko ang kamay ko at tinalikuran siya ulit. Muli akong naglakad pabalik sa villa pero nahabol niya lang ulit ako.

"Bakit mo ba 'ko tinatakbuhan?" natatawa pang tanong niya.

Hindi pa rin ako makasagot. Kabang-kaba ako na hindi maintindihan.

"And why aren't you talking?"

Hindi pa rin ako makapagsalita.

Bumuntong hininga siya at nilabas ang kanina pa nakatagong kanang kamay mula sa likuran niya. May hawak itong pink daisy.

Hindi ako nakagalaw nang dahan-dahan niya itong inipit sa gilid ng tainga ko.

Ngumiti siya ulit, "It suits you... girlfriend."

Hindi ko na naman alam ang ire-react ko. "'I-iyong kagabi... l-lasing lang ako."

He nods, "And?"

"H-hindi ko s-sinasadyang sabihin ang mga 'yon..."

Biglang nawala ang ngiti niya, "So you didn't mean it?"

"I m-meant it! L-lahat ng sinabi ko, t-totoo 'yon... kahit wala ako sa katinuan. A-ang ibig kong sabihin... hindi ko sinasadyang lumabas sila sa bibig ko."

Siya naman ngayon ang hindi nagsalita.

"B-bakit ka pumayag?" lakas loob na tanong ko.

"I like your offer." simpleng sagot niya.

"S-seryoso ka rin ba sa mga s-sinabi mo kagabi? Kahit pa lasing ako?"

"Kung seryoso ka, seryoso rin ako."

"J-jacin..."

"I'm letting you fix me June."

"P-paano kung hindi ko magawa?"

Ngumiti siya ulit na ikinagulat ko, "I am fully aware that fixing and healing someone's heart may take ages. You have a lifetime to fix me. Let's take everything slowly and carefully. So take your time and I'll take mine."

"P-pero..."

"Ayaw mo ba?"

"G-g-g-gusto ko..."

"It's settled then. Boyfriend mo na ako. Girlfriend na kita."

"S-sigurado ka ba? P-pero ako lang 't-to. B-baka kung anong isipin ng mga tao sa'yo..."

"Let's not care about them." Pinitik niya ng mahina ang noo ko, "You don't have to be perfect to be with me, June. Just be yourself." Hinawakan niya ang pulso ko at hinatak pero hindi pabalik sa villa.

"S-saan tayo pupunta?"

Ngumiti lang ulit sya, "You'll know."


~*~


"Wow!" Ang tangi kong nasabi.

Dinala ako ni Jacin sa isang parte ng island kung saan may napakagandang waterfalls na sa tantiya ko ay nasa twenty feet ang taas. Waterfalls, gaya na lang ng tawag sa style ng braid ng buhok ko.

"What do you think?" narinig kong tanong niya, hindi ko kasi magawang alisan ng tingin ang anyong tubig sa harap namin.

"Ang ganda... sobra." Kulang yata ang salitang ganda para i-describe itong waterfalls. Kahit ang lagaslas ng tubig nito, ang sarap ding pakinggan.

Ano bang tamang word?

Kabigha-bighani?

Majestic?

"Papasa na bang subject mo?"

Nilingon ko siya at tumango ng sunod-sunod. "Sobrang perfect nito para maging subject ko!"

Muntik ko nang malimutan na kailangan ko nga palang magpasa ulit ng art work kay Sir Jimenez! Akala ko mahihirapan akong humanap ng subject, pero heto ako ngayon sa harap ng pinaka-perpekto na yatang subject sa lahat.

Pero kung si Jacin ang subject ko, masasabi kong perfect din 'yon.

Kusang gumalaw at naglilikot ang mga daliri ko.

"Hindi ko dala ang mga gamit ko." bagsak ang balikat na sabi ko sa kanya. Gusto ko nang magpinta ngayon.

Umupo siya sa damuhan, pinuwesto ang backpack sa harap niya, at isa-isang inalis ang laman nito.

Nakangananga akong umupo sa tabi niya.

Ngumiti siya at kumindat, "I brought mine."

Kung pwede lang siyang yakapin, nagawa ko na.

Pero girlfriend na niya ko 'di ba? Pwede naman siguro?

Hindi ko pa rin ginawa. Ayokong i-take advantage ang sitwasyon ko bilang 'girlfriend' niya.

Ngumiti na lang ako pabalik sa kanya. Kinukuha ko ang canvass sa tabi niya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"I'm sorry." seryosong sabi niya.

Nagtataka akong lumingon sa kanya. "B-bakit ka nagso-sorry?"

"Miles told me what happened the other day. You were slapped. I was supposed to invite you here but I got too excited. If I hadn't forgotten, Miles wouldn't have to do it, hindi ka makikita ni Erica, hindi ka masasampal. I'm so sorry."

"Hindi naman ikaw ang sumampal sa'kin eh, kaya hindi mo kailangan mag-sorry. At tapos naman na 'yon."

"I'm sorry, June."

Ngumiti ako, "I forgive you."

He smiles back, a bit forcefully. Siya na rin ang nagpwesto sa hita ko ng canvass. Pininturahan ko muna ito ng white paint, bago ko binalik ang tingin sa waterfalls. I draw its beautiful outline, before proceeding to paiting.


"June."

Nilingon ko si Jacin. "Bakit?" Napahawak ako sa likod ko nang makaramdam ako ng pagkangawit. Namamanhid din ang mga paa ko.

"It's lunch time."

"H-ha?"

"Hungry?"

Hindi ko kailangang sumagot dahil mismong tiyan ko na ang gumawa no'n. Napakamot ako sa noo.

Nakangiti lang si Jacin habang nakatingin sa noo ko, "Balik na lang tayo mamaya."

"O-okay."

Nakangiti pa din siya, sa buong mukha ko na siya nakatingin.

"B-bakit?"

Hinarap niya sakin ang nakapatay na screen ng phone niya. Agad kong nakita ang reflection ng mukha ko doon.

Ang dami kong bakas ng pintura sa mukha!

Buti na lang malinis pa rin ang dress ko! Puti pa naman ito, at ibabalik ko pa 'to kay Sam!

Pinitik ni Jacin ang noo ko, "You look like a mess."

Sinimangutan ko siya habang hinihimas ang noo ko. Ang sakit!

"A cute mess." At pinanggigilan niya naman ang pisngi ko.


~*~


Namumula ang parehong noo at pisngi ko. Pabalik na kami ng villa, at nauuna siyang maglakad. Ilang beses ko siyang sinamaan ng tingin pero tinatawanan at nginingisihan niya lang ako.

Ang sama ni Jacin!

Huminto ako ng tumunog ang phone mula sa bulsa ng dress ko.

Tumatawag si Roxy. Agad ko itong sinagot. "Bes..."

<"Pwede mo na bang ipaliwanag ng mabuti sa'kin ngayon kung anong nangyayari d'yan?">

Nakailang lunok ako bago nagsalita. "T-totoo na... Bes. K-kami na talaga ni Jacin. B-b-b-boyfriend ko na siya." Nauutal na bulong ko habang nakatanaw sa likod ni Jacin, medyo malayo siya sa'kin dahil sadyang binagalan ko ang lakad ko.

Dinig na dinig ko ang malakas na buntong hininga ni Roxy mula sa kabilang linya.

"B-bakit, Roxy? A-ayaw mo ba?"

<"June, hindi naman sa ayaw ko pero... baka kasi masaktan ka lang. Alam nating pareho na mahal niya pa rin si Ayu hanggang ngayon. Ikaw lang ang inaalala ko. Ayokong makita kang luhaan sa huli dahil baka masampal ko 'yang gwapong mukha ni Jacin.">

"Bes, c-chance ko na siguro 'to para mas lalong mapalapit sa kanya..." kumbinsi ko sa matalik kong kaibigan, habang hindi inaalis ang tingin sa likuran ni Jacin.

<"June alam kong okay naman si Jacin at suportado kita sa kanya. Crush lang naman eh... lumilipas din. But this is different! Relasyon na ang usapan! Feelings mo na ang nakataya. He might hurt you. Sadyain niya man o hindi, masasaktan at masasaktan ka niya. This is Jacin we're talking about June, we both know hindi siya basta basta. Ayoko lang na masaktan ka.">

Pumikit ako at huminga ng malalim. "A-alam ko naman 'yon Bes eh... 'w-wag kang mag-alala, ihahanda ko ang sarili ko kapag dumating ang araw na 'yon."

Bumuntong hininga ulit siya, <"Hindi ko na mababago ang desisyon mo 'di ba?">

"S-suportahan mo na lang ako Bes, please? I w-want to take the risk this time. G-gaya na rin ng sabi mo, wala akong mapapala kung hihiya-hiya ako... eto n-na nga ako. G-girlfriend na ko ni Jacin... be happy for me p-please? H-hindi ako tuluyang magiging masaya kung hindi ka masaya eh..."

<"Fine..." Labas sa ilong na sagot ni Roxy. "Basta 'wag mo kong pipigilang gantihan 'yang Jacin na 'yan kapag sinaktan at pinaiyak ka niya.">

"Bes naman..." Iba kasing gumanti si Roxy, wala sinasanto ang kaibigan kong 'yon eh.

<"Sagot Andrea June!">

"O-opo."

Nakailang sermon pa si Roxy bago tinapos ang tawag.

Sakto namang lumingon sakin si Jacin, kaya binilisan ko ang lakad.

"Who were you talking to?" tanong niya nang makalapit ako.

"S-si Roxy."

Nilahad nya ang kamay niya. "Hand."

"B-bakit?"

"Hand." sabi niya ulit, mas may diin.

Inangat ko ang kamay ko. Hinawakan niya ito at pinagsalikop ang kamay naming dalawa.

Ang mga kamay ko sa kamay niya. Daliri ko sa daliri niya.

Gamit ang malayang kamay niya, pinitik niya ang noo ko. "Turtlehead."

Nagwala pa rin ang puso ko sa kabila ng pitik niya... dahil hawak niya ang kamay ko, hanggang sa makabalik kami ng villa.


Continue Reading

You'll Also Like

3K 229 39
Venice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She ne...
231K 9K 53
The Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pamumuhay, simple lang din ang pangarap niy...
35.6K 1.1K 39
If you love someone don't take another one because love is not a buy 1 take 1
78.4K 2.6K 67
Panibagong buhay. Iyan ang nahanap ni Shirley nang umuwi siya Palawan kasama ng inang matagal na nawala at ng anak-anakan nitong si Sebastian Agoncil...