Love You Like Crazy

By AnnyMeLoveU143

6K 182 43

Unang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa da... More

-One-
-Two-
-Three-
-Four-
-Five-
-Six-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Thirteen-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Nineteen-
-Twenty-
-Twenty One-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Five-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Two-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-

-Twenty Six-

146 3 0
By AnnyMeLoveU143

"Ma, alis na po ako." Hinalikan ko si Mama sa pisngi.

"Sige. Mag-ingat ka." Habilin ni Mama saken.

Tumango ako. "Opo." Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Pumara ako ng jeep at sumakay don.

Back to work na ulit ako. Bumalik ulit sa dating ikot ang buhay ko simula nung umalis kami ng Camotes. Pero di tulad ng dati, mas masaya ako ngayon dahil kumpleto ang pamilya ko.

"Para po, manong!" Sigaw ko.

Pagkahinto ng jeep sa tapat ng coffee shop agad akong bumaba. Pumasok ako at dire-diretsong nagpunta ng cr upang magpalit ng damit, maglagay ng pulbos at kaunting lipgloss. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Pagkatapos kong magpalit ay nilagay ko ang mga gamit ko sa loob ng locker at lumabas na din ako.

"Morning, Shane." Bati saken ni Dorothy.

"Morning." Bati ko pabalik.

Lumapit ako sa counter at naabutan ko si Hazel na pinupunasan ito. Kinalabit ko siya. Nagulat pa nga siya nang makita niya ako.

"Para kang nakakita ng multo dyan." Sabi ko. "Wala pa bang order?"

"Wala pa. Pero teka nga muna..." huminto siya sa pagpupunas at tinitigan ako.

Bigla naman akong nagtaka dahil kakaiba yung oagtitig niya saken. "Bakit?"

"Shane, may nangyari noh?" Gumuhit ang isang mapanuksong ngiti sa kanyang labi.

Umiwas ako. "A-anong pinagsasabi mo dyan?"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pilit niya akong pinapaharap sakanya. Ang sakit ah! Brutal na babaeng to!

"Magsalita ka! May nangyari sa inyong dalawa ni Ezezkiel noh?"

"Bishawan mo ang pishngi ko! Nashashaktan akoh!"

Binitawan niya ang pisngi ko. Hooh! Ang chakit! Kapag ito namaga, lagot siya saken!

"Bakit blooming ka ngayon?" Tanong niya.

"Anong blooming?" Tanong ko pabalik habang hinahaplos ang namumula kong pisngi.

"Ayan. Yang mukha mo. Parang... parang may something sa mukha mo eh."

"Ha?" May something sa mukha ko? Teka, may natira bang muta sa mga mata ko? Pero naligo naman ako ah.

"Parang... mas lalo kang gumanda." Sabi ni Hazel habang titig na titig sa mukha ko.

Halos maduling ako dahil sobrang lapit ng mukha niya saken. "Umayos ka nga, Hazel." Marahan kong tinulak ang noo niya upang mailayo ang mukha niya saken. Baka sa sobrang lapit ng mukha niya saken baka magkapalit yung mga mukha namin.

Kinuha ko na lang ang mop at nag-mop na lang ng sahig kesa makipag-usap ako dito kay Hazel. Nagsisimula na naman siyang maging praning eh.

"I'm serious. Blooming ka nga ngayon, Shane. Mas lalo ka pang gumanda kesa sa huli nating pagkikita." Patuloy pa rin si Hazel sa pagsasalita pero hindi ko siya pinansin.

"Ano ka ba, Hazel. Matagal na kayang maganda yang si Shane." Narinig kong sabi ni Yael. "Kaya na-inlove ako sakanya eh."

"Pero binasted ka naman." Sabi naman ni Mandy at may dalang tray at nilagay sa ibabaw ng counter.

"Huwag mo nang ipaalala, Mandy. Nasa stage of moving-on pa kaya ako." Nakasimangot na sabi ni Yael.

Napailing na lamang ako. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong apron namg bigla itong mag-vibrate.

From: Ezekiel

Look outside.

Look outside daw? Tumingin ako sa harap. Nakita ko si Ezekiel sa may glass door. Nakangiting nakatingin siya saken suot ang kanyang business suit. Siguro papasok na siya ng trabaho. Pumasok siya sa loob ng coffee shop.

"Oh, andito pala si Superman." Narinig kong sabi ni Hazel sa tabi ko. "In fairness, na-miss ko ang pagmumukha niyang mala-adonis sa sobrang kakisigan." Nakangiting sabi pa niya.

Tinitigan ko siya. Nang mapansin niyang nakatitig ako sakanya tumawa siya bigla. "Haha. Huwag ka ngang magselos dyan, Shane. Hindi ko siya aagawin sayo noh. Sayong-sayo si Ezekiel."

"Ewan ko sayo, Hazel." Yun na lang ang nasabi ko.

Lumapit si Ezekiel sa may counter kung saan ako nakatayo sa tabi ng mesa nito at hawak ko pa rin ang mop.

"White rose for a beautiful lady." Sabay abot saken ng isang puting rosas

Natawa ako sa sinabi niya. "Bolero ka." Tinanggap ko ang puting rosas.

"I'm not. You're the most beautiful girl I've ever seen in my entire life and I am so damn lucky to have you as my girlfriend." He said and gave me a sweet smile.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Okay, ako na ang kinikilig. Such an sweet boyfriend.

"Oh...my...gosh."

Tiningnan ko sina Mandy at Hazel na sabay pa talagang nagsalita. Pinaniningkitan nila ako ng mga mata habang nakangiti ng nakakaloko. Hindi ko gusto ang mga ngiti na yan.

"Ezekiel, don muna tayo sa labas." Sabi ko sakanya.

"Okay." Tiningnan niya sina Hazel at Mandy and winked at them bago siya lumabas ng coffee shop. What was that? Bakit niya ginawa yun?

Anyway, aalis sana ako upang sundan siya sa labas nang biglang hawakan ni Hazel ang braso ko. "Humanda ka samen. Marami kang dapat ikwento."

Napabuntong-hininga ako. Lumabas ako ng coffee shop at hinarap si Ezekiel. Pagkaharap ko sakanya nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Hindi ko mapigilang mamula.

"Good morning, Love." Bati niya saken.

"Good morning." Nahihiyang sabi ko. "Sana nag-text ka na pupunta ka pala dito."

"I wanted to surprise you."

"Oo nga nasurpresa mo nga ako sa halik mo. Anyway, kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Ano? Bakit hindi ka pa kumakain ng breakfast? Alam mo bang masama sa katawan kapag nalipasan ka ng gutom?"

"Naks naman. My girlfriend is worried about me." Pinisil niya ang ilong ko.

"Seryoso ako, Shawn Ezekiel." Tiningnan ko siya ng masama.

"Okay. I'm sorry. I don't have enough time for breakfast because I'm running late for my meeting."

"Male-late ka na pala eh bakit nandito ka pa?"

"Because I wanted to see you before I go. And also I need an energy boost from my girlfriend."

Energy boost?

"Anong klaseng energy boost?" Tanong ko.

Bigla siyang ngumuso. At don ko lang na-realize kung ano ang kailangan niya. "Seryoso ka?" Tumango siya habang nakanguso pa rin. Ang cute niya. Sarap kunan ng litrato eh.

I sigh. "Fine. Pero saglit lang ah." Kilala ko to eh. Kapag tumanggi ako kukulitin at kukulitin ako nito hanggang sa pumayag ako. Kulit ng boyfriend ko noh?

Lumapit ako sa kanya at mabilis na hinalikan sa labi niya. "Ayan. Okay na?"

"Hmm. Parang hindi ko naramdaman eh. Isa pa nga."

"Ano?" Ako ba pinagtitripan nito? Eh ako nga naramdaman ko yung labi niya nung hinalikan ko siua eh tapos siya hindi niya naramdaman ang labi ko?

Lumabi ako at binigyan ulit siya ng isang halik sa labi. Medyo tumagal ng limang segundo bago ko pinakawalan ang labi niya.

"Okay na?"

"Hindi pa rin. Isa pa."

Napayuko ako. Naman eh! Namumula na tong mukha ko! Para nakong kamatis dito sa sobrang pula!

Tumingala ako at tiningna  siya. "Last na to ah. Kapag hindi mo pa rin naramdman bahala ka sa buhay mo. Uminom ka na lang ng milo nang magka-energy ka." Sabi ko sakanya.

Tumango siya.

Okay. Last na talaga to. Muli kong nilapit ang mukha ko sakanya at hinalikan siya sa labi. Ganun na lang ang gulat ko nang maramdaman ko ang matipuno niyang braso sa beywang ko at nilapit ang katawan ko sa katawan niya. Nagtagal ng sampung segundo bago niya pinakawalan ang labi ko.

"Much better. Now I'm full of energy." He said with a playful smile on his face.

Hinampas ko siya sa braso. "Loko ka talaga. Gusto mo lang akong halikan eh."

Tumaas ang left side ng labi niya at tinaasan ako ng kilay.

"Kumain ka ng breakfast. Huwag mong gugutumin ang sarili mo, Ezekiel. Please don't make me worry."

"Yes, boss. I won't make you worry."

Ngumiti ako sakanya. Inayos ko ang business suit niya. "Pasok ka na. Baka ma-late ka pa sa meeting mo."

"Right. Thanks for the energy." He winked at me bago siya umalis.

I waved at him. Tapos pumasok ako ng coffee shop. Sinalubong ako nina Mandy at Hazel sa counter. Hindi pa nga ako nakakapagsalita nang bigla nila akong hinila papasok sa staff room. Sinarado nila ang pinto at nilock ito.

"Explain." Sabi ni Hazel at nilagay ang magkabilang kamay sa kanyang beywang. Pati si Mandy hinihintay din na magsalita ako.

Napabuntong-hininga ako. "Kami na."

Nanlaki ang mga mata nila. Nagkatinginan silang dalawa tapos sabay silang tumili with matching talon pa.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh!" Tili ni Hazel.

"Kayong dalawa manahimik nga kayo! Baka marinig tayo dito!" Asik ko sakanilang dalawa.

"Sabi ko na nga ba kayong dalawa ang magkakatuluyan eh." Sabi pa ni Mandy.

"Tamaaa! Obvious naman kasi na gusto ni Shane si Ezekiel eh. Masyado lang talaga tong pabebe." Tinuro pa ako ni Hazel. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray! Ang sakit nun ah! Isusumbing kita kay Ezekiel!"

"Pwede ba manahinik kayong dalawa? Basta atin lang to ah. Walang sinuman ang dapat na makakaalam."

"Of course! Peksman!" Sabi ni Hazel at nakataas pa ang right hand na parang nanunumpa.

"Pero teka, pano naman yung isa?" Napatingin ako kay Mandy. "Diba dalawa silang nanliligaw sayo, Shane? Si Ezekiel tapos yung isang tisoy at gwapo pero cute."

"Type mo siya noh?" Tukso ni Hazel kay Mandy.

"Hindi ah. Naalala ko lang siya bigla." Sabi ni Mandy.

Si Tyler yata ang tinutukoy ni Mandy. Alam kong masasaktan ko si Tyler kapag nalaman niyang sinagot ko na si Ezekiel. Naalala ko pa hiniling niya saken na huwag ko daw munang sagutin si Ezekiel. Pero hindi ko na talaga mapigilan eh. Mahal ko si Ezekiel. Mahal na mahal.

--

Pagkatapos ng trabaho ko sa coffee shop ay sa bookstore naman ang susunod kong trabaho. Hindi ko man lang nakitang dumalaw si Tyler sa coffee shop. Hanggang ngayon ba problemado pa rin ang company nila? Ilang linggo na yan ah?

Nilagay ko na ang huling libro sa shelf sa romance section tapos ay bumalik ako sa cashier. Walang masyadong pumupunta dito sa bookstore. Kadalasan ang pumupunta lang dito ay mga estudyante kapag tapos na ang mga klase nila.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. Malapit na palang mag-alas dose. Bigla ko tuloy naisip si Ezekiel. Kumain na kaya siya ng lunch?

"Miles, pwede bang ikaw na muna ang bahala dito? May pupuntahan lang ako pero babalik din ako agad." Sabi ko kay Miles na katabi ko.

"Ah, sure. Walang problema." Sagot niya.

"Salamat."

Binitbit ko ang bag ko at nagmadaling tumakbo sa company ni Ezekiel. Hindi naman kalayuan ang company ni Ezekiel sa pinagtatrabahuan ko kaya hindi ko na kailangang sumakay ng jeep o taxi.

Binagalan ko ang paglalakad ko nang may maalala ako. Ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa company ni Ezekiel. I've never been in his company before. Hindi niya nga ako niyayang pumasok sa loob eh. Ewan ko ba kung bakit.

Nasa tapat na ako ng company na pagmamay-ari ng pamilya nila Ezekiel. Grab lang ang taas. Ilang milyon kaya ang ginastos nila para makapagpatayo ng ganito kataas na building?

Naglakad ako sa may hagdan at papasok na sana sa loob nang pigilan ako ng gwardiya.

"Ano po ang kailangan natin, Ma'am?" Tanong niya.

"Uh, may pagbibigyan lang po sana ako." Sabi ko.

"Pa-inspect po muna ng bag niyo, Ma'am. Kung okay lang po sa inyo."

"Opo naman." Kinuha ko ang bag ko at binigay sakanya. "Heto po."

Binuksan niya ang zipper ng bag ko at nilabas lahat ng gamit ko na nandon. Masyado palang mahigpit ang security nila dito.

"Okay na po, Ma'am. Pwede na po kayong pumasok." Sabi ni manong nang binalik niya lahat ng gamit ko sa bag.

"Salamat po." Dala ang bag ko ay pumasok ako sa loob.

At ganun na lang ang pagkamangha ko nang makita ko nang makapasok ako. Wow, as in wow. Ang ganda dito sa loob! Grabe lang. Maganda na nga sa labas pero mas maganda dito sa loob. Tapos ang kinis ng sahig nila na kulang na lang ay gawing salamin. Nahiya naman ang sahig ng coffee shop sa sahig nila sa sobrang kintab.

Pero hindi ito ang oras para mamangha ako sa company niya. Saan ba ako pwedeng magtanong?

Nahagip ng mga mata ko ang information desk kaya lumapit ako don. "Excuse me."

Tiningnan ako ng babae tapos ngumiti siya saken. "Yes, Ma'am? How may I help you?"

"Um, pwede ko bang malaman kung saang floor ang opisina ng boss niyo?"

"Do you have any appointment with him today, Ma'am?"

Napakamot ako sa pisngi ko. "Wala eh. Pero may ibibigay lang sana ako sakanya."

"May I know your name, Ma'am?"

"Shane Kazumi Nishida."

"Okay, Miss Nishida. I'll just call the CEO and tell him that you are looking for him. Makakahintay po ba kayo?"

Tumango ako. "Opo naman."

Kinuha niya ang telepono at may dinial doon. Siguro konektado ang teleponong to sa opisina ni Ezekiel. Pinanood ko ang mga taong naka-business attire. Mukhang busy silang lahat. Hindi ko tuloy mapigilang mainggit. I've always wanted to work inside an office. Pero dahil nga dalawang taong kurso lang ang natapos ko kaya hindi pwede.

"Miss Nishida?" Napatingin ako sa babae nang tawagin niya ako.

"Po?"

"The CEO will be here in a minute."

"Ganun po ba? Maraming salamat po."

"You're welcome."

Maya-maya pa ay dumating si Ezekiel. Professional na professional ang dating niya. The way he walks and nod to his employees whenever they greet him. That's a good example of being a boss in this big business.

"Love..." nang makalapit na siya ay hinalikan niya ako sa pisngi.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "Ezekiel naman! Nakakahiya sakanya!" Tapos tumingin ako kay ate na nakangiting pinanood kaming dalawa.

"Sorry about that, Sheryl." Paumanhin ni Ezekiel.

"It's okay, boss. Kaya pala nagmamadali kang bumaba mula sa opisina mo." Natawa siya ng bahagya. Tapos tumingin siya saken. "So I guess you are Mr. Montefalcon's girlfriend? I admit you two look perfect together."

Bigla akong namula sa sinabi niya. Kami? Perfect for each other?

"Huwag mo ngang tuksuhin ang girlfriend ko, Sheryl. Tingnan mo namumula na siya." Tapos inakbayan niya ako.

Again, kinurot ko na naman siya sa tagiliran. Natawa na lamang si Sheryl saming dalawa.

"Let's go to my office." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila yon papasok ng elevator. May nakakasama kaming ibang empleyado. And I must admit ang bait niya sa mga empleyado niya. Nakikitawa din siya sakanila na parang kabarkada lang niya ang mga ito.

Nakarating na kami sa 26th floor. Naglakad kami habang hawak niya pa rin ang kamay ko. Huminto kami sa isang pinto na may nakalagay na CEO's Office at pumasok kami don. Ganun na lang ang pagkalaglag ng panga ko nang makita ko ang opisina niya.

Grabe ang laki! Mas malaki pa to kesa sa bahay namin! At nakikita ko pa ang mga naglalakihang mga building mula sa glass window. Waaa! First time kong makatungtong dito. This is so amazing!

"I've forgot this is your first time na makapasok ka sa opisina ko." Sabi ni Ezekiel.

Tanging tango lang ang naisagot ko sa katanungan niya dahil hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa opisina niya.

Hinila niya ang kamay ko papunta sa desk niya. Umupi siya sa swivel chair at nagulat ako nang paupuin niya ako sa hita niya.

"E-Ezekiel..."

"What?" Tanong niya.

"Nakakahiya to. Pwede naman akong umupo sa sofa mo eh."

"I like you sitting on my lap." Pinulupot niya ang mga braso niya sa beywang ko tapos pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Halos magkahalikan na nga kaming dalawa dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"

"Um, kumain ka na ba ng lunch?" Tanong ko.

"Yeah. Kanina pa. Why?"

Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Kumain na pala siya ng lunch. Ibig sabihin hindi ko na mabibigay sakanya ang dala kong lunch? Ako pa naman ang gumawa nito para lang sakanya.

"Love, what's wrong?" Narinig kong tanong niya.

I smiled at him and shook my head. "Wala. Mabuti naman at kumain ka na ng lunch mo."

"How about you? Kumain ka na ba ng lunch mo?"

Nahihiyang umiling ako.

Natawa siya and pinch my nose. "Una ako ang pinagsasabihan mo na hindi ko dapat ginugutom ang sarili ko dahil masama yun sa katawan pero yun pala ikaw din pala ginugutom mo din ang sarili mo."

I pout. "Sorry na. Nakalimutan ko kasi."

He chucked. "Ang mabuti pa kainin na lang natin yang lunch na nasa bag mo."

"Pano mo nalaman?" Nanlaki ang mga mata ko namg tinanong ko siya.

"Marami akong cctv camera dito sa building ko. Including from outside. Kaya nakita ko sa computer ko na may dala kang lunchbox nung nilabas ng guard lahat ng gamit mo."

Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko patayo. Nagpunta kami sa sofa niya. Nilabas ko ang lunchbox na nasa bag ko at nilapag sa sofa. Binuksan ko ito.

"Woah, escabeche. Ikaw nagluto?" Manghang tanong niya.

Tumango ako. "Niluto ko pa naman sana yan para sayo pero dahil nga tapos ka nang kumain kaya--"

"I'll eat it." Tumingin ako sakanya. "You cooked it for me, right? So I'll eat it."

"Pero tapos ka nang kumain diba?"

"I don't want to waste your effort on making me a lunch. Kaya kakainin ko pa rin yan. Alam kong pinaghirapan mong gawin yan para saken."

I can't help it but to smile. I really love this guy.

"Let's eat?" Kinuha niya ang kutsara. Pero teka, anonf gagamitin ko? Eh isang kutsara lang ang dinala ko?

"Susubuan na lang kita." Kumuha siya ng rice tsaka isda. Tinapat niya saken ang kutsara. "Here. Say 'ahh'."

Nahihiya man ako pero binuka ko ang bibig ko at sinubo ang kutsara na may pagkain kahit na ginamit niya din ito.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko sasabog na tong puso ko sa sobrang bilis ng tibok.

Nagulat ako ng punasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang thumb niya. Napatingin ako sakanya. Nakatingin lang siya saken habang patuloy niyang pinupunasan ang gilid ng labi ko.

Nakita kong bumaba ang mga tingin niya sa labi ko. Tapos unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.

The sweetest lips I've ever tasted. Hinding-hindi ako magsasawang tikman ang malambot niyang labi.

"Oh my gosh!"

Napabitaw kami pareho ni Ezekiel nang may marinig kaming boses ng babae na nanggaling sa pinto.

Napatayo kami at napatingin sa pinto.

"Cassy?"

Continue Reading

You'll Also Like

290K 4.1K 33
Wala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin ny...
867K 39.6K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.5M 55K 80
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ...
198K 3K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...