Montalban Cousins: New Genera...

By DianeJeremiah

1M 22.7K 2.8K

Ashley "Ash" Gray - The firstborn among the second generation of Montalban Clan. A role model to her cousins... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Samantha Frances Chavez
Chapter 2 Strike One
Chapter 3 Keeping You A Secret
Chapter 4 What I Have
Chapter 5 Show Off
Chapter 6 The Present and the Past
Chapter 7 Thinking of You
Chapter 8 Make Love To Me
Chapter 9 Can't Help
Chapter 10 Next to You
Chapter 11 Honesty
Chapter 12 A Part of Me
Chapter 13 Ruined
Chapter 14 The Broken Vow
Chapter 15 Terms
Chapter 16 Sweet Dreams or Nightmare
Chapter 17 The Wrath of Ash
Chapter 18 Ultimate Goal
Chapter 19 In Her Arms
Chapter 20 Lost in Love
Chapter 21 Love & Sacrifice
Chapter 22 Not Ready
Chapter 23 Ashley's Property
Chapter 24 See Me Not
Chapter 25 Whirlwind

Chapter 26 Bewilderedness

22.8K 860 246
By DianeJeremiah

"I was your cure and you were my disease. I was saving you but you were killing me."


Sam POV


Konting konti na lang mahihimatay na ako sa mga nangyayare. I'm inside the car... with Ashley beside me. Kasama ang mama Dani niya at sina Abegail at Alexandra Montalban na sa wakas ay kumalma na rin pagkatapos ng kasal.

Yes.

I am married to Ashley in just a blink of an eye. Yung utak ko parang nagsi-circus na. Para akong wala sa sariling nagpapatianod na lang sa agos.

Napatingin ako sa suot kong singsing na nagpapatunay na nakatali na ako sa kanya.

I closed my eyes hard trying to understand everything that's happening to me right now.

Naramdaman ko yung pagpisil ni Ashley sa kaliwang kamay ko. Napamulat ako at napatingin sa kanya, at nakita ko yung pag-aalala sa mukha niya. Ngumiti siya sa akin ng tipid.

Nag-iwas ako ng tingin at nagbaling sa labas ng bintana. Marahan ko ding binawi sa kanya yung kamay ko.

I can't help not to think about what happened a while ago...

"Alexandra, put the gun down." Mahinahon na sabi ni Abegail sa pinsan.

"No." Mariing sagot ni Alexandra na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. "Not until she admits she took the heirloom."

Yung relo pala ni Abegail ay nagmula pa sa great ancestors nila. Kaya ganun na lang ang pagpapahalaga nila sa bagay na iyon, na siya na lang palang natitirang gamit mula sa mga ninuno nila.

Hindi ko alam kung paano napunta sa kuwarto ko ang relo niya. Marahil naiwan niya iyon nung nagbihis siya at ginamit yung banyo ko dun nga sa kuwarto ko.

Pero ang lumalabas, parang itinago ko daw yun. Which is not true! Definitely not. Ni hindi ko nga alam na nandun lang pala yung relo niya eh. Kung alam ko lang eh di sana isinuli ko na agad sa kanya.

"Hindi ka ba aamin?" Galit na tanong niya.

"Tita Alex, please calm down." Sabi ni Ashley na kanina pa nasa harapan ko at itinago niya ako sa likuran niya.

"You're going to jail? Or you'll die." Pinapili niya ako. "You choose, Miss Chavez."

"Wala akong dapat aminin dahil wala kong kasalanan!" Ganti ko.

I heard the clicking of the gun. At ang sumunod nga ay ang ingay ng putok dun na itinutok niya sa ceiling. Nabutas yung kisame dun kasabay ng pagsigaw namin.

"I hate waiting." Sabi ni Alexandra na determinado talaga sa pagpapaamin sa akin.

"A-ash..." Nanginginig na ako sa takot at nerbyos.

"I can't do anything right now, Sam. I don't know how to calm her down." Bulong sa akin ni Ashley na nakamasid sa tita Alex niya.

"Alangan naman umamin ako sa kasalanang di ko ginawa." Ganting bulong ko habang nagtatago sa likod niya.

"But there's only way she will spare you..." Hinarap niya ako.

"Ano yun?" Tanong ko.

Ayoko pang mamatay o makulong. Knowing Alexandra Montalban, she will do everything and anything in her power para makulong ako.

"Be a part of our family."

Naguguluhang napatitig ako sa mukha niya.

And to cut the story short, wala na akong nagawa kundi magpatianod na lang. Nagpunta kami sa kamag-anak nilang Judge at ikinasal. Agad agad.

"We're here." Narinig kong sabi sa akin ni Ashley ng nasa bahay na nila ulit kami.

Nakita kong nauna ng lumabas ng kotse yung mama niya na siyang nagmaneho ng sasakyang kinaroroonan naming lima, kasunod si Alexandra na kasama niya sa harapan at magkasunod na lumabas si Abegail at si Ashley, na umikot para pagbuksan ako.

Inalalayan niya akong bumaba ng kotse at sabay na kaming pumasok sa loob ng tahanan nila.

"Congratulations!"

Nagulat ako ng madatnan namin dun ang buong angkan nila at may masayang ngiti sa kanilang mga labi.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

Masiglang sabi pa nung iba. Isa-isa silang lumapit sa amin ni Ashley at binati kami. Ang bilis ng mga pangyayare, at singbilis nun ang balita at ang konting handa daw na inihanda nila para sa amin ni Ash.

"Tsk, inunahan mo na ako." Biro ni Hailey sa pinsan ng niyakap niya ito. Ngumiti lang naman si Ash sa kanya. "Congratulations, Sam." Bati naman niya sa akin pagkatapos at niyakap din ako.

"Welcome to the family." Bati din sa akin ni Jazmine kasama si Chyler.

Isa isa nila kaming niyakap at binati. Nandito din pala si Stef na kasal na lang talaga ang kulang para pormal na siyang maging parte ng pamilya.

Hindi ko na din alam kong nakakaganti pa ba ako sa kanila ng ngiti or what. Di ko na din yata marinig yung sarili kong boses. They're very welcoming.

"Masaya ako para sa inyo." Huling lumapit sa amin yung mommy Camille ni Ash.

"Salamat, mom." Sabay yakap ni Ash ng mahigpit sa ina.

Nagbaling siya ng tingin sa akin. Parang dun ko naramdaman yung hiya ko. Sa mommy Camille niya ako nahihiya.

"I'm glad to have you as an additional to the family, Samantha." Nakangiting sabi niya sa akin.

Nahihiyang ngiti ang naigawad ko sa kanya at nailang ako dahil nasa amin yung atensyon nilang lahat.

"T-thank you." Nangingiming tugon ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko yung paghagod niya sa likod ko na para bang sinasabi niyang I should feel comfortable.

"Let's eat?"

Nakangiting basag ni Alexandra sa katahimikan. May pagka-bipolar yata siya dahil ang init init ng ulo niya kanina, tapos ngayon, masaya na.

Sumang-ayon naman silang lahat at naglakad na patungong dining room.

Hinawakan naman ako ni Camille sa braso. "Let's go?" Magiliw na aya niya. Nakamasid lang naman sa amin si Ashley.

"S-sige ho." Sagot ko naman.

"Better start calling me, mommy." Saka niya ako iginiya papuntang dining room.

Na-surprise naman ako ng pagdating namin dun sa may mahabang lamesa. Nakadulog na silang lahat, kaming tatlo na lang nina Ashley at mommy Camille ang hindi pa. Ang dami naman nilang inihandang pagkain.

Masaya silang lahat na nagkukwentuhan, pwera sa akin na nawiwindang pa din sa mga nangyayare. Mula paggising ko kaninang umaga, palagi na lang akong nasosorpresa sa mga kaganapan.

"Don't you like the food?" Untag na tanong sa akin ni Ashley na nasa kanan ko.

Napansin yata niyang di ako masyado nakakakain. "Don't mind me."

"Sam, ---"

"Ash, please." Mahinang saway ko sa kanya.

Di naman nila kami pansin dahil busy silang nag-uusap tungkol sa magaganap na party mamyang gabi, sa may ballroom hall sa bandang likod bahay.

Mataman niya akong tinitigan bago walang kibong ipinagpatuloy na niya ang pagkain.

Something's telling me that she planned all of these, pero ayoko din namang mag isip ng di maganda laban sa mga naunang Montalban. Hindi naman nila siguro yun magagawa. Isa pa, di naman nila alam na may nakaraan kami ni Ashley.

Hindi ba?

Pagkatapos ng pananghalian, naghiwalay ang mga matatandang Montalban at ang bagong henerasyon. Sinusubukan ng mga pinsan ni Ash na isali ako sa usapan pero nahuhuli na lang nila akong natatahimik at natutulala.

"Gusto mo ba munang magpahinga?" Sabi sa akin ni Ash.

Tumango ako sa kanya bilang sagot. Gusto ko munang mapag-isa sa ngayon para makapag-isip ng mabuti.

Nagpaalam si Ash sa mga pinsan, inulan tuloy kami ng tukso kaya di ko naiwasang pamulhan ng pisngi. Lalo na nung hinawakan ako ni Ashley sa beywang at iginaya na paakyat ng hagdan.

"Don't mind them." Sabi niya sa akin habang paakyat na kami ng bahay nila.

Hindi ako kumibo. Sumasakit yata yung ulo ko. Dinala niya ako sa isang kuwarto.

"This is my room." Hayag niya. "And it's yours now, too."

Dun ko naisip na wala ako pamalit ng damit. Itong suot ko nga ngayon na white mini dress, bigay ni Abegail, including all my underwear and shoes. Kakatanggal nga lang nung tag price nito.

Para namang nakuha ni Ashley yung nasa isip ko at naglakad siya papuntang gilid at may binuksan dun. Isa pala iyong walk in closet. Pumasok siya dun at ilang sandali pa'y lumabas na siya na may dalang pambahay.

"Here." Iniabot niya yun sa akin.

Walang kibong kinuha ko yun sa kanya. Naglakad ako papunta sa isang puting pintuan.

"Is this the bathroom?" Tanong ko sa kanya sabay turo dun sa pintuan.

Tumango siya. "Yes."

"Okay." Sambit ko. "Pwede mo na akong iwan. Bumalik ka na dun."

Hindi siya agad nakakibo. Nakatayo lang siya sa gitna ng kuwarto at nakatitig sa akin.

"Sam..."

"Ashley, pakiusap." Sabay talikod sa kanya na saad ko. "Give me at least a moment to process everything that's going on right now." I said. "Hindi ako makasabay." Pag amin ko.

Ilang saglit pa'y narinig ko yung malalim na pagbuntong hininga niya.

"Alright." Reluctant na sabi niya. "I will leave you for a while. If you need anything, I'm just a few feet away." She paused. "And Sam,"

Hinintay ko kung anuman yung sasabihin niya. Nanatili lang kasi akong nakatalikod sa kanya.

"You're my wife now."

Bigla akong napalingon sa kanya ng marinig ko yung sinabi niya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"Gusto kong isipin na plinano mo 'tong lahat." Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko.

"What made you think that?" Naa-amused na tanong niya.

"I don't know." Pormal din ang mukhang sagot ko. "I just do." Saka muling tumalikod at pumasok na sa loob ng banyo. Ni-lock ko yung pintuan at napasandal dun.

Napapikit ako at pilit kinakalma yung puso kong kanina pa parang kinakabahan. Ikinagulat ko pa nung may kumatok sa pintuan nun.

"What?" Napilitang sagot ko pero nanatili pa din akong nakasandal dun sa likod ng nakasarang pintuan.

"Take some rest." Si Ashley. "Medyo mahaba ang magiging gabi natin."

Out of nowhere, bigla bigla na lang pumasok sa isipan ko yung imahe naming dalawa ni Ashley... sa kama... kapwa hubad at may ginagawang kababalaghan.

Damn it! Naguguluhan na nga ako eh!

Binuksan ko yung pinto at masungit siyang hinarap. "What are you talking about?!"

Parang ikinagulat pa niya yung reaksyon ko. "I'm talking about my party." Kunot noong sabi niya.

Party?

Ay oo nga pala, party pala niya mamyang gabi. Tsk. Gusto ko mapatampal sa sarili kong noo dahil sa kahalayang naisip ko.

"Why?" Amused na sabi niya. "May iba pa ba tayong pagkakaabalahan mamyang gabi?" Makahulugang tanong niya.

Para namang bigla akong napahiya dito. Naiinis ako at nagagalit. Nasa sitwasyon ako kung saan gulung-gulo ako sa mga nangyayare tapos may maiisip pa akong mga ganung bagay?

Ayos ka lang Samantha? Tuya ng aking isipan.

Hmp!

"Wala!" Inirapan ko siya saka muling pabalang na isinara yung pintuan ng banyo.

Dinig na dinig ko yung malakas na pagtawa niya. "Come on, Sam. Tell me what's going on inside that pretty head of yours." May panunukso sa tono niya.

"Leave me alone!" Ganting sigaw ko sa kanya.

Pero mas malakas na tawa lang yung isinagot niya sa akin. Ramdam ko yung pag-iinit ng mga pisngi ko.

"Oh, Samantha... my lovely wife." She sing song. "Parang alam ko na kung anong naglalaro sa isipan mo ngayon." Patuloy niya sa pagtukso sa akin. "Don't worry love." Ang tagal kong di narinig ang endearment na iyon mula sa kanya. "We will get there."

"Just go!" Sigaw ko sa loob ng banyo habang kipkip ko yung pamalit ko. "Umalis ka na nga!" Pikon na sabi ko sabay sipa nung pintuan, pero agad din akong napangiwi sa sakit sa paa na dulot nung ginawa ko.

"Okay, okay." Sabi niya. "Iiwan na muna kita... and dwell with your thoughts of me... and you. Lying naked on my bed ---"

"Stop!" Tinakpan ko pa talaga yung mga tenga ko.

Muli na naman siyang tumawa. "Alright!" Natatawang sabi niya. "Lalabas na ako."

Hanggang sa ilang sandali nga'y wala na akong narinig na ingay mula sa labas ng pintuan. Parang doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Napapikit akong muling sumandal sa likod ng pintuan. Para akong nasa circus ngayon. Ang daming tumatakbo sa isipan ko.

Paano na ngayong kasal na kami ni Ashley? Ano ng mangyayare sa buhay ko? At si Jill. Paano ko sasabihin at ipapaliwanag ang lahat ng 'to sa kanya?

Parang mas lalo tuloy sumakit yung ulo ko sa isiping iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

210K 4.8K 67
In the same blood, We both ended, The Forbidden Love, We both started.
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
974K 11K 81
[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Stories Real Life confessions from Readers
367K 17.8K 25
Kreme Tiffany Montalban. A beauty queen... someone who excels in her chosen career. Lahat yata nasa kanya na, halos successful siya sa lahat ng aspet...