She's Complicated (GL) [HSS #...

By InsaneSoldier

1.4M 53.4K 8.7K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 1 || South Date started: May 5 2016 Date completed: August 2... More

She's Complicated
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 32

21.1K 894 64
By InsaneSoldier

Company

--

"Nandito na ang Papa mo."

Bigla akong napalingon kay Mama. Nandito kaming lahat sa dining room at sabay na nag-a-almusal. Kahit si South ay napahinto sa pagkain at napalingon sa akin, umiwas ako ng tingin. Baka ma-distract ako, eh. "Kailan pa po siya nakauwi? Hindi ko man lang napansin."

"Kaninang madaling-araw lang. Baka nasa office niya 'yon ngayon. Alam mo na." Ngiting sagot niya bago magkibit ng balikat.

"Office sa company or dito sa bahay?" I asked. Yes, kahit dito sa sarili naming pamamahay, dala-dala niya ang trabaho. Kaya ayoko ring sumunod sa yapak niya, eh. Mas busy pa siya kaysa sa akin na nagtuturo na.

"Here."

Napatango na lang ako bago pinagpatuloy ang pagkain. Siguro pupuntahan ko na lang siya after nito. Alam ko namang kailangang-kailangan namin mag-usap. Si Papa talaga, gusto pa talagang ako ang pupunta sa kanya.

"Ate, Ate!" Napatingin ako kay Timmy—at nasanay na rin akong nakadikit siya palagi kay South. Hindi ko alam kung anong meron sa batang nakukursunadahan ko't aliw na aliw ang sis ko sa kanya.

Eh, hindi naman siya gaanong pinapansin nito kapag magkakasama kami. Though nakikita ko yung pagiging touchy kay bunso.

"Sama ka sa'min, Ate South and I are going to play!"

"Sure." Maikling sagot ko bago siya ngitian ng matamis. Nagtitili-tili naman sa saya yung cutie kong kapatid.

"Timmy, your voice. Nakain tayo." Saway ni Mama.

"Sowwy!"


--

Dumiretso ako sa office ni Papa pagkatapos kumain. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok, hindi naman naka-lock, eh. Nakita ko kaagad si Papa—nakaupo sa kanyang trono, may suot na salamin, at kasakukuyang nagbabasa ng mga files. As usual.

"Papa."

Tumingin siya sa akin. Ngumiti siya bago ibaba ang hawak. Lumapit naman ako para salubungin siya ng yakap. Kahit may misunderstanding kami, hindi ko naman made-deny na miss na miss ko siya. Napangiti ako nang yakapin niya ako pabalik. Parang naiiyak yata ako. Papa kasi! Kahit na hindi kami okay, ganito pa rin siya. Ramdam ko pa rin na mahal niya ako.

"How's my daughter?" Bulong niya sa'kin.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya bago ngumiti. "I'm good. Same old, same old."

"You speak like an old hag," Biro ni Papa na ikinatawa ko.

"Ay, grabe siya."

Napangiti siya, pero para siyang si South sa bilis ng transition ng expression niya dahil biglang naging serious na yung mukha nito. "You know why I need you here."

Napatango ako. Naalala ko yung sinabi sa akin noon ni Mama kung bakit na rin napauwi ako. "Ano po bang nangyari? How did it happen—"

"May nangyayaring kakaiba."

"Kakaiba?" Natigilan ako sa sinabi niya.

Tumango si Papa bago maupo ulit sa recliner niya. Umupo naman ako sa bakantang single couch na narito. "I don't know what's really happening pero isa sa mga kilalang company dito sa bansa ang mabilis na umaangat—kahit angat na talaga sila."

"Kaninong company po ba?" May pakiramdam ako na bigating kompanya talaga yung sinasabi niya. Hindi naman kasi ng ganito kung wala lang 'yon, and lalong hindi kami aabot sa punto na bumabagsak na ang sariling company.

Umiling siya. "I'll tell you next time. As of now, my people are still investigating about that company. I don't know, the changes are too drastic to ignore." Napahilot siya sa sentido. "The Alvarez are not this aggressive unlike before."

Alvarez...parang familiar. Saan ko ba narinig 'yon?

"So, Papa, how can I help you po ba?" I asked. Pero tingin ko, may clue na ako sa pwede kong maging contribution. Hindi na rin naman kasi 'to bago sa'kin kasi noon pa man, na-train na ako ni Papa. Iyon nga lang, tumaliwas ako sa gusto niya.

"I need your skill to handle some of the minor problems na kinakaharap ng kompanya ngayon. And aside from me, doing my own investigation, gusto kong makapasok ka sa company ng Alvarez."

Kumunot ang noo ko. "Do you mean..."

Tumango siya. Mukhang parehas kami ng naiisip. Papa talaga. Hindi ko ine-expect na gano'n ang ipapagawa niya sa'kin. Hay... "Pero, Pa, may naiisip ka na bang reason kung anong nangyayari?"

Umiling siya. Mukhang ayaw na niyang mag-share ng information. Malihim talaga. Napakamot na lang ako sa leeg ko. "Iyon lang po ba pag-uusapan natin?"

"That will be all for now."

"Okay po," Tumikhim ako. "Lalabas na po ako."

"Jade, anak."

Napatingin ako sa mata niya. Iba na yung way ng pagtingin niya—I mean, hindi na ganoon ka-stern. Hindi na mala-businessman. Hindi ako sumagot pero naghihintay ako ng sasabihin niya.

"Do you really love your profession?"

Napangiti ako ng tipid. "Opo. Sobrang mahal po."

Naalala ko yung mga part na nagtuturo ako sa mga students ko, yung stress sa pag-compute ng grade, yung thrill kapag may magandang nangyayari sa school, pati na rin yung saya kapag nagsh-share ako ng knowledge. Lalo na yung bond na nabubuo sa pagitan ng mga taong nakakasalamuha ko.

"Kaya po sana, huwag ninyo pong bibigyan ng kulay itong gagawin kong pagtulong."

Hindi siya nag-react ng ilang segundo. Akala ko nga magagalit na naman siya, eh. "Matigas talagang ulo mo."

I chuckled. "Kanino pa nga ba ako magmamana?" Napailing na lang siya sa tanong ko. Parehas lang naman kasi kami na matigas ang bungo.

"How about your sexual preference?" Pagbabago niya sa usapan pero tungkol pa rin naman sa akin. "You know very well that I don't favor your taste."

Hindi ko maiwasang mapairap kaya napataas ang kilay niya. Pero hindi yung parang gay ang dating, ang manly masyado ni Papa, eh. "Pa, bisexual ako. Wala na po akong magagawa do'n. I like girls, too."

Kita ko yung disgusto sa mata niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi na kami natapos sa ganitong topic. Ito yung nakakaasar kay Papa, eh. Masyadong traditional.

"But you still like males, right?" Tanong niya. "Then it won't be an inconvenience if I ask you to go out with one my friend's son?"

"Papa, I don't want to." Mariing sagot ko. "At isa pa po—" Natigilan ako. Wait. Sasabihin ko ba? Pero bakit pa? Wala pa nga, eh. Ni hindi pa ako nakakaporma kay South. "Wala pa po sa isip kong pumasok sa relationship." Except na lang kung si South ang makaka-relasyon ko.

Pangarap na lang ba 'yon?

"But you're at the right age—" Sabay kaming napalingon sa pinto nang makarinig ng mahihinang katok.

Para akong nalutang na ewan nang makita si South. Naaakit na naman ako sa blue eyes niya. Ang ganda talaga. Nandito na naman yung mabilis na tibok ng puso ko na siya lang ang nakakagawa. Bata...

"South? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa pinaka-casual na boses.

Tahimik na umabante sya ng ilang hakbang. "Your sister's calling for you. Maglalaro."

"Oh." Naalala kong nag-aaya nga pala kanina si Timmy. "Sige, sabay na tayong lumabas."

"May isinama ka pala rito."

Parang gusto kong batukan yung sarili ko nang ma-realize na kasama ko nga pala si Papa.

Ano ba naman 'yan, oh. Nakita ko lang 'tong babaeng ito nakalimot na agad ako. "Oo nga po pala," Tatawa-tawang sabi ko. "Si South nga po pala, student and f-friend ko rin."

Parang ayaw ko nang term na friend.

"I'm South," Lumapit si South kay Papa. Iminuwestra niya ang kamay sa direksyon ng Tatay ko. "South Hansen. Please to meet you, Sir."

Nakipagkamay ang Papa ko sa kanya. Iba ang tingin nito kay bata. Parang may inaalala. "A Hansen? Are you somehow related to a man named Luis Hansen?"

"No, Sir." Ang mabilis na sagot ni South. Huh? P-pero 'di ba...Tatay niya si Luis, 'di ba?

South, anong kasinungalingan 'yan?

Bakit siya nag-deny na ama niya si Luis Hansen? Gano'n ba talaga siya kagalit sa tatay niya? South...

Tumango-tango si Papa. Bumitaw na siya sa shake hands. "Just call me Tito. Sir is too formal."

"Okay po, Tito." Ang expressionless na sagot nang isa. Ewan ko kay Papa pero napangiti siya sa inaasal ng moody na si Bata. "Aalis na po kami."

"Sure."

Lumapit na sa akin si South at hinawakan ako sa kamay. Halos mahugot ko yung hininga ko sa lambot ng balat niya. Nababaliw na nga yata talaga ako.

Isang hawak niya pa lang, halos nalilimutan ko na ang lahat.

"Timmy's waiting for us."

_____

Continue Reading

You'll Also Like

76.2K 3.4K 17
Valle d'Aosta Series 5
1.1M 52.3K 46
Cee lives her life hiding her true identity as a woman just to be accepted into the Seriantel family. She may be pretending as a man, but she is cert...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
2.4M 78.6K 69
In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom...