Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 23

18.7K 585 212
By jaysanj




Zoe's POV

Hinarangan ko si Japan na hawak ngayon ang bola. Mabilis nyang drinible ang bola at sa pagdribble nya ng bola ay alam kong mag-a-ankle break sya kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Nakita ko syang napangisi at mabilis syang tumalon para itira ang bola.

"Shit." inis na sambit ko dahil isa 'yon sa posiblidad kapag lumayo ako sa kanya kapag nag-ankle break sya pero kapag hindi naman ako lumayo sa kanya ay matutumba naman ako. Wala talaga akong laban.

"Not so fast Japan!" may biglang humawak sa balikat ko at mabigat na hinila ako pababa. Pagtingin ko ay si Torey lang pala at na-block nya ang tira ni Japan. "Hindi ko hahayaan na maka-score ka na naman, Japan." sabi ni Torey kay Japan na nakaharap ngayon sa kanya.

Napasmirk lang si Japan sa kanya at mabilis na umalis. Tumingin ako kay Torey

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya dahil bigla syang sumeryoso pero napangiti rin na parang baliw. Umiling lang sya tapos tumakbo sa kabilang court. Nagtaka ako sa kinikilos nya.

"Zoe!" tumingin ako sa tumawag sakin pero mas napansin ko ang bolang papunta sakin at yung mga kalaro naming papunta rin sa pwesto ko.

Sinalo ko ang bola at takang tinignan sila. May tumapik paitaas sa bola at sinundan ko 'yon ng tingin. May mga kamay na kumuha sa bola tsaka ako nilagpasan ng taong 'yon.

Parang naman nag-slow motion sakin nung matanto ko kung sino ang taong 'yon. Bumigat ang pakiramdam ko na parang nahihirapan akong huminga. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.

Dalawang araw. Sa loob ng dalawang araw parang akong dinadaganan ng isang higante sa sobrang bigat na nararamdaman ko. Lagi akong nakakaramdam ng bigat sa pakiramdam ko kada may pinahihinayangan ako na bagay na nawala sakin pero hindi naman ganito kabigat na hanggang sa pagtulog ko ay iniisip ko pa rin sya.

Sa dalawang araw na 'yon ay hindi ako kinikibo at pinapansin ni Alexa. Sobrang ilap nya sakin at lagi akong iniiwasan. Hindi ko naman sya masisisi roon pero hindi ako sanay na wala ang prensesya nya. Nandyan nga sya pero sobrang layo naman. Nalulungkot ako at aaminin ko na nasasaktan ako pero alam kong mas nasasaktan sya kaya hinahayaan ko na lang sya.

Isang malakas na hampas sa likod ang nagpagising saking diwa. Sinong hindi magigising ang diwa kung kahoy yung hinampas sayo?!

"Putcha! masakit!" reklamo ko. Kahoy 'yon tandaan nyo hindi kamay!

"Edi nagising ka rin." nakangising sabi ni Ate Maki. Napanganga ako habang iniindian ang sakit ng likod ko.

"Panget mo." sabi ni Louise. Alam kong ngiwing ngiwi ang mukha ko dahil masakit yung hampas ng kahoy! nakabaluktot na nga ang katawan ko dahil hindi ko maidiretso, lalo lang sasakit.

"Hoy Medic Medic! hindi kinaya ni Zoe!" sigaw ni Ate Dom. Napaluhod na kasi ako sa sobrang sakit.

"Gago bakit mo kasi hinampas ng kahoy?" rinig kong tanong ni Ate Sam. Oo nga bakit ako hinampas ng kahoy? pwede naman kamay lang.

"Para mas malakas." grabe si Ate Maki, ang sakit kaya, sya kaya hampasin ko non.

"Hoy ano tutunganga lang kayo? tulungan ninyo si Zoe." sabi ni Ate Ashley. Naramdaman ko naman na may humawak sa braso ko at dahan-dahan akong inaalalayan patayo.

"Ayos ka lang?" tanong ni Torey. Nakangiwing tumango ako sa kanya. Ayos naman ako, masakit lang.

"'Yan kasi kung sino-sino ang pinag-iisip." may himig na pang-aasar ni Kiara. Hindi ko sya pinansin, pasalamat sya ay namimilipit ako sa sakit kundi ay maasar ko rin sya.

"Sub muna kay Zoe." sabi ni Ate Avey. "Maki wag mo ng uulitin 'yon. Mamaya magkaroon pa ng damage ang pagkahampas mo." sermon nya kay Ate Maki. Parang namang tutang napa-opo na lang si Ate Maki.

Dinala nila ako sa gilid. Nagsub sakin si Ate Cyril dahil wala ng ibang rookies na pwedeng pumalit sakin dahil lahat sila ay naglalaro, tsaka sila nagpatuloy ulit sa paglalaro. Ngayon ang last day ng training namin dito pero may isang linggo pa kaming natitira para ienjoy ang bakasyon dito. At ngayong huling training, ang Miracle nagtra-train samin. Hindi ko alam kung bakit sila dahil kahit miyembro dati sila Ate Avey, Ate Kill at Ate Ashley ng Dragon Empire ay hindi na sila miyembro ng Dragon Empire para itrain ang mga rookies. Hindi sa ayoko na itrain nila kami, mas pabor pa nga 'yon dahil at least mae-experience namin na iba ang magtra-train samin lalo na sila ang Miracle. Ayun lang ay napapaisip ako kung bakit sila ang nagtrain samin. Kahapon ang Blue team ang trinain nila, ngayon kami naman.

"Kiara wag kang magpapatalo kay Jayden! pigilan mo sya!" sigaw ni Ate Dom.

Katulad ng sabi ni Ate Dom ay hinabol ni Kiara si Jayden papunta sa kabilang court. Napahinto sila sa pagtakbo nang maharangan ni Kiara si Jayden. Umikot pakanan si Jayden pero hinarangan sya ni Kiara. Itinaas ni Jayden ang mga kamay nya para itira ang bola.

"Fake!" sigaw ni Ate Dom dahil nag-fake natatalon si Jayden kaya napatalon din si Kiara para sana iblock yung bola pero hindi naman tuluyan tumalon si Jayden kaya nakuha nya ang pagkakataon na nasa ere pa si Kiara, nilagpasan nya ito at mabilis na nagdunk sa ring.

"Easyhan mo lang Dom para ka ng coach dyan eh." pang-aasar ni Ate Maki sa kanya. Inirapan lang sya ni Ate Dom.

"Time out!" nagtawag ng time out si Ate Avey. "Kausapin ninyo sila." sabi nya.

Kanya-kanya naman lumapit ang mga Miracles kanila Jayden. Kada nagtatawag ng time out si Ate Avey ay kinakausap kami ng mga Miracles kung ano yung mga bagay na kailangan naming gawin. Nag-aadvice sila at minsan sinasabi nila ang kahinaan na nakikita nila samin para gamitin 'yon para makascore at madepensehan.

"Okay na ba ang likod mo?" tanong ni Ate Avey sakin. Isa rin 'to ang pinagtataka ko. Imbis na nagho-honeymoon sila ni Ate Kill ay nandito sila at nagtra-train samin.

"Okay na po siguro." sagot ko. Nailing sya.

"Ayoko ng siguro lalo na kung nasaktan ka. Hindi ka muna maglalaro hangga't hindi sure ang sagot mo." napatango na lang ako. "Wag mo kasi syang isipin masyado kang nagpapaepekto eh." sabi nya. Napakamot ako ng ulo.

"Ate Avey naman." sa dalawang araw na 'yon ay hindi naging usapan ang nangyari. Ewan at parang nakakaramdaman sila na magiging awkward ang pangyayari kung pag-uusapan 'yon kaya ngayon lang ulit na para bang binubuksan ang nangyari.

"Matanong kita, bakit mo nagustuhan ang dalawang 'yon?" tanong nya. Tumingin ako sa court. Bumalik na ulit sila sa paglalaro.

"Si Japan kaya ko sya nagustuhan dahil na-curious ako sa pagiging cold nya at tahimik."

"Pero curious ka lang."

"Nung una dahil nacha-challenge ako kung paano maging sweet si Japan, paano maging makulit ganon."

"Ramdam kita." nakangiting sabi ni Ate Avey kaya napangiti na din ako.

"Habang tumatagal na pangungulit at pang-aakit ko sa kanya na para namang hindi tumatalab ay unti-unti ko syang nagugustuhan lalo na nung mahalikan ko sya ng ilang beses." nakangiting sabi ko habang pinapanood syang maglaro.

"Si Alexa?" tanong ni Ate Avey na saktong nag-double team sina Alexa at Japan kay Torey.

"Sya ang unang babaeng nagustuhan ko sa camp. Unang kita ko pa lang sa kanya ay nagandahan na ako sa kanya. Yung tipong mapapalingon at mapapalingon ako sa kanya kada nakikita ko sya. Sya nga yung sinundan ko nung nasa gubat kami eh kaso 'tong si Louise ay biglang naaksidente kaya nawala sya sa paningin ko." natatawang sabi ko nang maalala ko ang pangyayaring 'yon.

"Tapos?" nakangiting tanong nya parang interesado sa sasabihin ko.

"Tapos nung nagtour kami sa buong camp? pasulyap sulyap din ako sa kanya. Ang seryoso nya at ang tahimik, siguro dahil si Ivy pa lang ang kakilala nya non. Medyo nagulat lang ako sa ugali nya nung unang laro namin sa gym. Ang sungit nya eh tapos ang dali rin mapikon kada inaasar ko sya kaya nauuwi kami sa habulan at awayan eh." nailing si Ate Avey sakin. "Though, gusto ko rin na nasa akin ang atensyon nya kahit na madalas ay nasasaktan nya ako physically." natatawang sabi ko.

"Sa kwento mo parang mas gusto mo si Alexa kaysa kay Japan." sabi nya.

"Naalala ko lang naman po ang mga oras na 'yon. Simula nung nacurious ako kay Japan ay mas madalas na kay Japan na ang atensyon ko." sabi ko. Natawa ako nang may maalala ako.

"Oh bakit ka natawa?"

"May naalala lang ako. Nung mga time na naadik ako sa lips ni Japan, panakaw nakaw ako ng halik sa kanya mapa-smack o torrid tapos nung isang araw ay bigla na lang sya nag-mask. Halatang ayaw nyang halikan ko sya pero tumutugon naman sa halik ko." sabi ko. Pabebe rin minsan si Japan.

"Tama nga si Alexa." napatigil ako at tumingin kay Ate Avey. "Mas gusto mo si Japan." ngumiti ako at tumingin sa court. Bakit feeling ko may hindi tama? "Kung ako sayo, pagbutihan mong tunawin ang yelo dahil baka maunahan ka."

"Maunahan? ibigsabihin hindi lang ako ang may nagkakagusto sa team na 'to kay Japan?" napakunot noo ko.

"Dalawa kayong nagkakagusto sa kanya pero yung isa ay hindi masyadong pinapansin ang feelings nya kay Japan dahil may mas gusto syang iba." sino naman kaya 'yon?

"Eh kung ganon bakit naman ako mauunahan?"

"Mauunahan ka ni Japan."

"Huh?" hindi ko naintindihan eh. Napatawa ng mahina si Ate Avey.

"May nagsabi na ba sayo na may nagugustuhan din si Japan sa team ninyo?" tumango ako.

"Si Ate Abby."

"Sinabi nya rin bang hindi ikaw ang gusto ni Japan?" napasimangot ako at tumango. So totoo nga yung sinabi ni Ate Abby na hindi nga ako ang nagugustuhan ni Japan? "Kaya ko sinabi na mauunahan ka ni Japan dahil liligawan nya ang taong 'yon. Maunahan ka pang maging sila bago mo pa matunaw ang yelo."

"Li-liligawan nya?" gulat na sabi ko tapos tumingin sa kinaroroonan ni Japan.

"Oo kaya ikaw, kumilos ka na." sabi nya. Tumayo na sya. "Maglalaro ka na ulit, be ready." bago sya naglakad palayo hinawakan ko ang braso nya.

"Ate Avey." pagmamakaawang tawag ko sa kanya. Natawa. sya.

"Oh bakit?"

"Tulungan nyo ako kay Japan." sa totoo lang ay wala akong alam o plano kung ano gagawin ko para kay Japan. Ginawa ko na lahat eh, wala namang epekto. Kailangan ko ng tulong lalo na liligawan ni Japan ang taong gusto nya. Hindi ako papayag, sakin lang si Japan at gagawin ko lahat mapasakin lang sya.

"Alright, kapag nanalo kayo sa laro." sabi nya.

"Okay! mananalo kami!" sabi ko na nakangiti. Napatingin naman samin yung ibang Miracle at nagtataka kung anong nangyayari. Hindi ko lang sila pinansin. "Ate Cyril sub!"

"Sa wakas!" sabi nya. Natawa naman ako. Pumasok ako sa loob ng court.

Tumingin ako sa score board. 56-52 ang score lamang sila Japan. Hindi na rin masyadong masama. Kailangan ko lang habulin 'yon.

"Ayos ka na?" tanong ni Torey. Ngumiti ako sa kanya.

"Ayos na." sagot ko.

"Wag kasing palutang lutang." sabi ni Kiara. Napa-pout ako.

"Oo na, magser-seryoso na ako." kailangan naming manalo. Para matunaw ang yelo!

"So ano balak natin para mahabol ang score?" tanong ni Ivy.

"Good question. Score kayong tatlo, ako bahala sa bola."

"Paano kami iiscore kung nasa sayo yung bola." natatawang sabi ni Kiara.

"I mean, ako bahala ipasa sa inyo ang bola." medyo hindi ko nagagamit ang misdirection, magandang pagkakataon 'yon ngayon dahil magugulantang sila kapag nagamit ko 'yon.

"Okay, sabi mo eh." sabi na lang nilang tatlo. Ngumiti ako sa kanila.

"Game na." sabi ni Ate White. Ibinigay nya ang bola kay Torey tsaka kami tumakbo sa court nila Japan.

"Welcome back, Zoe." sabi ni Jayden. Nginitian ko sya, sya ang bumantay sakin.

Tumingin ako kanila Torey at Alexa. Na kay Torey ang bola. Napalingon din si Jayden kay Torey kaya mabilis na pumunta ako sa open space. Nakita ako ni Torey kaya pinasa nya sakin ang bola. Naghanap ako na pwedeng pagpasahan. Open si Ivy. Pagdating sa harap ko ng bola, ginamit ko ang misdirection papunta kay Ivy.

Nagulat ang lahat nung gawin ko 'yon kahit si Ivy pero mabuti nga nasalo nya ang bola at mabilis na pinasok sa ring eh. Napangisi ako sa kanilang lahat at tumakbo sa court namin.

"Nice Zoe, nakalimutan ko 'yon ah." sabi ni Kiara.

"Sabi ko naman sa inyo ako bahala sa bola." sabi ko.

"I-orient mo naman kami Zoe. Muntik ko na hindi masalo ang bola sa sobrang bilis." sabi ni Ivy na makahabol.

"Sorry na." sabi ko.

Humarap kami sa likod para bantayan ang kalaban pero hindi ako nakareact nung mabilis akong nilagpasan ni Japan. Napamura ako at balak na habulin sya pero huli na dahil naipasok nya na ang bola sa ring.

"Nice Japan!" sigaw ni Jayden.

Napayukom ako ng palad. Tumakbo kami sa kabilang court. Nagsign ako kay Ivy na ipasa sakin ang bola pero bago ko pa masalo ang bola ay nakuha 'yon ni Alexa at tumakbo sa court namin. Hinabol ko sya at bago nya pa tira ang bola, ginawa ko ang lahat para mahawakan ang bola. Laking pasasalamat ko na madaplisan ang daliri ko. Tumingin kami sa ring at napangisi ako na hindi iyon nashoot. Kinuha ni Kiara ang bola at malakas na binato ang bola sa kabilang court dahil nandoon si Torey.

Score namin nung maishoot 'yon ni Torey. Walang pumigil sa kanya dahil halos lahat nasa court namin. Huminga ako ng malalim dahil hiningal ako sa paghabol kay Alexa.

Kainis naman 'to, mukhang mahihirapan kaming manalo. Tumingin ako sa mga Miracle. Mukhang enjoy na enjoy sila sa pinapanood nila.

Bahala na nga.

Binantayan ko si Jayden. Kahit wala sa kanya ang bola mahigpit ko syang binantayan. Hindi sya makaalis sa pagbabantayan ko kaya alam kong naiinis na sya.

"Zoe naman eh." inis na sabi nya. Napangisi na lamang ako. Nakita ko syang napangiti kaya pinakiramdaman ko ang likod ko dahil baka may tao sa likod ko para harangan ako nang makatakas si Jayden sa pagbabantay ko. At hindi nga ako nagkakamali. Nasa likod ko si Alexa.

Pumunta sa kanan si Jayden at kapag hirangan ko sya sa kanan ay mapipigilan ako ni Alexa kaya umikot ako pakaliwa at hinarangan si Jayden na ngayon ay nasa kanya na ang bola. Nagulat sya nung naharangan ko na naman sya. Napangisi ako.

Sinamaan nya ako ng tingin tapos ng back step sya at tumira. Tumalon ako para iblock 'yon kaso hindi ko nagawa dahil mabilis nyang nirelease ang bola. Tumingin ako sa ring at laking tuwa ko na hindi 'yon nashoot at nakuha pa ni Torey.

"Tangna 'yan." rinig kong sabi ni Jayden. Nailing na sumunod na lang ako sa kabilang court.

"Zoe!" tawag sakin ni Torey tapos pinasa ang bola. Napansin kong open si Kiara sa ilalim ng ring. Ipapasa ko sana sa kanya kaso biglang humarang si Japan kaya imbis na ipasa kay Kiara sinalo ko na lang ang bola at drinibble na lang.

"Psh." naghanap ako na pwedeng pasahan pero mahigpit ang bantay nila. Si Louise ang nagbabantayan sakin. Aaminin kong gumaling sa paglalaro si Louise kaya hindi ko sya basta basta minamaliit.

Nagawi ang tingin ko sa likod ng ring. Nandoon si Ate Kill na nakatayo. Ngayon ko lang sya napansin na kanina pa sya nawawala. Pagkakita ko kay Ate Kill ay pumasok sa isip ko na isa pang bagay para makaalis sa bantay ni Louise pero hindi ko pa 'yon nagagawa ng maayos. Mukhang nabasa ako ni Ate Kill kaya tumango ito sakin. Ako naman ay napabuntong hininga.

Kaya ko 'to.

Drinibble ko ang bola ng mabagal. Umayos ako ng pagkatayo at dahan-dahan kong binilisan ang pagdribble. Pinasa ko sa kaliwang kamay ko ang bola tapos pabalik sa kanan. Pabalik balik ang ginawa ko pero mabilis. Nagstep forward ako sa kanan ni Louise sya naman na umatras pero hiraharangan pa rin ako, nagfake ako papunta sa kaliwa nya kaya humarang sya roon. Pinasa ko ang bola mula likod ko at kumanan. Humarang na naman sya. Pinadaloy ko ang bola sa hita ko papunta sa kaliwang kamay ko kasabay na pagpunta ko sa kaliwa nya. Doon sya tumumba. Mabilis na tumakbo ako papunta sa ring. Nasa ilalim sina Kiara at Japan tapos biglang sumulpot si Jayden. Pinasa ko patalikod ang bola kay Torey na nasa likod ko. Tinira nya ang bola na walang nakapigil sa kanya.

Score namin by the way.

"Wow!" sigaw ng Miracles. Hingal na tumigil ako saglit sa pagtakbo. Nakakapagod talaga magbasketball.

"Nagawa mo mag-ankle break!" sigaw ni Ate Dom. Napangiti naman ako na nagawa ko nga ang ankle break.

Biglang nanlambot ang mga tuhod ko kaya tumumba ako sa semento pero may sumalo sakin. Pagtingin ko si Torey.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nya.

"Ah yeah, nanghina lang tuhod ko." sagot ko. Inalalayan nya ako paupo sa semento.

"Time is over." sabi ni Ate Avey. Lah tapos na ang laro? "All 58 ang score." nakangiting sabi nya.

"Hindi na kami magpapadagdag pa ng oras dahil pagod na pagod na kayo." sabi ni Ate Ashley.

"Sapat na nakita namin na sinunod ninyo ang advice namin sa inyo. Good job girls." sabi ni Ate Sam.

"Ang masasabi ko lang. Magagaling kayong lahat. Walang nagpapatalo sa inyo." sabi ni Ate Dom. "Kaya ninyo ng lumaban sa Cup sa galing nyong 'yan." dagdag nya pa.

"Sus nambola pa ng rookies." epal ni Ate Maki. Inirapan lang sya ni Ate Dom. Ang cute talaga ng dalawang 'to.

"Waah! tapos na rin!" sigaw ni Jayden. Halos lahat pala kaming mga rookies ay nakaupo na sa semento sa sobrang pagod.

"Sa wakas maeenjoy na natin ang rest days!" sigaw din ni Ivy. Natawa ako ng mahina. Last day na pala ng training ngayon sa Bora.

"Hala paano 'yan? walang nanalo. Paano 'yan? hindi aaminin ni Kiara kung sino crush nya." sabi ni Louise. Kanina kasi bago magsimula ang laro ay may sinabi si Kiara na may nagugustuhan na syang babae kaya hindi raw sya papatol sa babaeng lumandi kanina sa kanya kaya pinipilit namin syang sabihin kung sino yung gusto nya kaso mapilit din 'to ayaw sabihin. Napagdesisyunan namin na kapag natalo kami sa laro, aamin si Kiara kaso walang natalo.

"KJ naman kasi nito, ayaw na lang sabihin kung sino." sabi ni Torey.

"Sus, ikaw nga sabihin mo kung sino crush mo." paghahamon din ni Kiara sa kanya. Natawa ako.

"Parang kayong bata." sabi ko.

"Wow napasa sakin. Scared ka lang umamin eh."

"Kaya nga ayokong sabihin kasi baka magbago ang lahat." sabi ni Kiara. "Ikaw ba hindi takot? sige nga sabihin mo kung sino gusto mo." hamon ni Kiara. Napangisi pa sya.

"Wow talaga. Pinasa na sakin." sabi ni Torey.

"Halata naman kung sino eh." sabi ni Ate Avey.

"Ate Avey!" nagulantang sabi ni Torey. Natawa ako dahil ganyan yung itsura ko nung binubuking ako ni Ate Juls.

"Halata naman? teka si Zoe?!" gulat na sabi ni Louise. Miski ako nagulat sa sinabi nya. Anong ako?

"Oh selos ka naman?" ngising sabi ni Ate Ashley.

"Huh?!" hindi makapaniwalang sabi ni Louise pero namumula ang mukha. Nagtakip ako ng bibig ko para maiwasan wag matawa.

"Teka, may gusto ka kay Zoe, Torey?" tanong ni Jayden na parang masaya pa sya sa nalaman nya.

"Hoy wag nga kayo." sabi ko. Baka naman hindi ako 'yon, masyado lang observe si Louise kay Torey kaya kung ano pinagsasabi.

"Yes, I like her." sagot ni Torey na nagpa-huh sakin. "Zoe, gusto kita. Wag sana magbago ang pagtingin mo sakin." sabi nya na may pag-aalala sa mukha. Napakamot ako ng ulo.

"Torey...ano." nagawi ang tingin ko kay Louise. Nakayuko sya. Patay.

"Alam kong gusto mo si Japan wala akong pakialam. Hayaan mo lang ako magustuhan ka." talagang ilantaran na gusto ko si Japan?

Napabuntong hininga ako.

"Paano ba 'to?" tanong ko sa sarili ko pero rinig naman nilang lahat.

"Haba kasi ng hair mo 'day." sabi ni Ate Cyril. "Putol putol din." dagdag nya pa kaya napapout ako.

"Nako Cyril, may mas mahaba pa sa buhok ni Zoe." sabi ni Ate Avey. Napakunot noo ko. Hindi dahil may mas mahaba pa sa buhok kuno. Nahiwagan ako kung sino 'yon.

"Ay oo nga pala si Four." sabi nya. Sabi na eh! hindi ako naniniwala na ako yung Four na 'yon! pero sino?

"Huh sinong si Four?" takang tanong ni Ivy.

"Hindi nyo alam?" umiling sila Jayden.

"Si Zoe lang nakakaalam." sabi ni Ate Kill na kakalapit lang samin. Inakbayan nya si Ate Avey at hinalikan sa pisngi.

"Ano 'yun Zoe?" tanong ni Kiara. Napakamot ako ng ulo.

"May circle of love kuno raw sa team natin." sagot ko.

"Huh? circle of love? ano 'yon?" I feel you bruh. Ganyan ang reaction ko noon.

"Hindi ba umamin kayo sa mga seniors ninyo?" tanong ni Ate Cyril. "Napansin nila na yung mga nagugustuhan ninyo ay umiikot lang sa inyong lahat."

"Kaya imbis na love triangle, naisip nilang itawag na circle of love since madami kayo." sabi ni Ate Dom.

"Ang baduy naman, circle of love talaga." nakangiwing sabi ni Jayden.

"Eh ano yung si Four?" takang tanong ni Louise.

"Si Juls nagpauso nito eh. Hindi ba walo kayong magkakagrupo? Pinangalanan kayo sa number para hindi ninyo malaman kung sino ang mga nagkakagustuhan. Si One kasi may gusto kay Two at Three at si Two naman may gusto kay One pero si Three may gusto kay Four na si Four naman ay may gusto din kay Three at Five pero si Five may gusto kay One. Si Six may gusto din kay Four pati si Eight habang si Seven may gusto kay Two. Ang gulo 'no?" natatawang sabi ni Ate Avey.

"Pero himalang tanda ninyo po yung pagkasunod sunod." biro ni Kiara.

Ngayon alam ko na ang pagkasunod sunod ng number na nagkakagustuhan. Possible na ako si One at si Alexa ang Two tapos si Japan ang Three dahil si Two na si Alexa may gusto rin sakin, pero si Japan na may gusto kay Four na putek kung sino 'yon! mygod totoo ngang hindi ako ang gusto ni Japan! hindi talaga ako makapaniwala sa ganda kong 'to hindi ako?

"Si Three, Six at Eight ang nagkakagusto kay Four habang si One ay dalawa lang. Kaya mas mahaba ang hair ni Four." sabi ni Ate Dom.

"Oh? hindi si Zoe yung Four?" sabi ni Ivy.

"Nope, sya si One." sabi ni Ate White. Edi ako nga si One.

"Edi si Alexa si Two dahil gusto din sya ni Alexa habang si Japan ang Three. Teka ibigsabihin may gusto ka kay Four Japan?!" gulat na tanong ni Torey. Hindi nya alam na may nagugustuhan si Japan?

"Tama ka at ikaw si Five na may gusto kay Zoe na si One." sabi ni Ate Maki. Napatigil naman si Torey tapos namula ang mukha. Natawa ako ng mahina dahil ang cute nya.

"Once na may umamin na may gusto kay Four malalaman nyo na kung sino-sino nagkakagustuhan dito at titignan na lang natin kung sino ang magkakatuluyan sa huli." sabi ni Ate Avey.

Natahimik kaming lahat parang tinitignan namin kung sino ang mga nasa number na wala pang nababanggit na pangalan. At doon ko lang may napansin.

"Shoot! impossible!"





-------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 74.1K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
384K 14.4K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...
2.6M 101K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
475K 10.2K 61
REACHED #27 IN TEEN FICTION Sobrang close si Kat sa kuya niya. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi sila katulad ng ibang mag'kapatid na nagsisig...