Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)

By swaegmonster

113K 4.4K 2.4K

(Completed) She's fixing him. He's breaking her... More

Prologue
Pyxis
Dedication
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
33.1
Chapter 34
Chapter 35
35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
38.3
Chapter 39
Chapter 40
40.4
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
45.5
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
June's Journal (20XX)
June's Journal (20XY)
Chapter 52
Epilogue
Breaking Mr. Perfect
Self-Publishing!

Chapter 20

1.7K 66 26
By swaegmonster


Chapter 20 - Stranger


<"So tell me about these jokes of yours."> saad muli ni Jacin mula sa kabilang linya. Nakaramdam ako ng pag-asa.

"Basta kapag napatawa kita ha? Papasok ka bukas!"

<"Yeah, yeah.">

"Promise mo!"

Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nagpaikot siya ng mga mata. <"I promise.">

"Game!" tumikhim ako. "Bakit sa tingin mo maswerte ang kalendaryo?"

<"Marami syang ka-date.">

Ang bilis niyang sumagot! "Eh, bakit malungkot ang kalendaryo?"

<"Bilang na kasi ang araw nya.">

Bakit alam niya?! "Anong puno naman ang hindi pwedeng akyatin, sige nga?"

<"Punong nakatumba, June."> Sigurado ako, nagpaikot na naman siya ng mata sa tono niya.

"Anong pwede mong gawin sa gabi na hindi mo pwedeng gawin sa umaga?"

<"Magpuyat.">

Bakit ba kasi alam niya?! "Anong room ang walang dingding at pinto?"

<"Mushroom.">

"Anong tawag sa kotse ni Jollibee?"

<"Bee-MW.">

Napabuga ako ng hangin. "Bakit alam mo?!"

"Ilang beses ko nang narinig kay Aiden at Hunter ang jokes mo. Tsk, not even funny at all."

Hindi ako makapagsalita dahil wala na kong maisip na mga jokes.

<"Meron pa ba?">

"Pumasok ka na lang bukas, please."

He laughs triumphantly, <"Not a chance, June. Better luck next time.">


~*~


"Bes, 'wag ka ngang sumimangot! Akala mo ba cute ka?"

Lalo lang akong napasimangot sa sinabi ni Roxy, "Minsan na nga lang tayo magkasama, lalaitin mo pa ko?"

"Hindi kita nilalait! 'Wag ka na kasing bumusangot!"

Paano ko hindi bubusangot? Eh naiinis ako. Nakakainis kasi si Jacin. Hindi na talaga siya pumasok o nagpakita man lang dito sa school. Ang tagal ko pa namang naghintay sa greenhouse kanina dahil akala ko darating siya. Ang dami ko pa namang hinandang jokes!

"Nag-text na si Tito bes," untag ni Roxy, "Nasa gate na daw siya. Sinusundo na ko."

"Sasandali pa lang tayong magkasama..." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Dapat hindi ka muna agad nagpasundo kay Tatay. Marami ka bang gagawin? Sobrang busy ba talaga sa A?"

Hindi siya sumagot. Niyakap niya lang ako ng sobrang higpit.

Agad ko siyang niyakap pabalik. "Bes?"

"Miss na miss na kita, June. Hindi na dapat ako lumipat sa A. Nagkahiwalay tuloy tayo."

"Susundan na lang kita sa A next quarter! Promise! Mag-aaral akong mabuti!"

Kumalas sa'kin si Roxy. Nakangiti siya pero...

"Bes? May problema ba?"

Mabilis siya umiling. "Waley! Sige na uuwi na 'ko. Naghihintay na si Tito."

Nasundan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad palayo sa'kin. Unang beses kong makita na malungkot ang mga mata ng best friend ko.

Siguradong may problema si Roxy.


~*~


"Ingat po kayo Ms. Fe." Nakangiting saad ko paglabas namin ng library.

"Sabay ka na sa'kin palabas ng gate?"

"Hindi na po, maglalakad na lang ako." Alam kasi ni Ms. Fe na sinusundo ako ni Tatay.

"Mauna na pala ako kung gano'n. Mag-iingat ka rin."

"Opo, Ms. Fe."

Sumakay siya sa kotse niyang nakaparada sa gilid ng library. She waves her hand at me bago ako nilampasan.

"June!"

Agad akong napangiti nang makita ko kung sino ang tumawag sa'kin. "Miles!"

Ngumiti rin siya, at pinasadahan ng kamay ang itim niyang buhok. Ang gwapo ng habit niyang 'yon. "Are you free this weekend? Have any plans?"

"W-wala naman? B-bakit?"

"Come with us then. Pupunta kaming island nila Hunter bukas. It's a perfect place to spend the long weekend!"

Napanganga ako. "A-ako? S-sasama?"

Tumawa siya. "Oo naman. Roxy could come, too. We need to relax and unwind, lalo na sa mga tulad nating seryoso sa pag-aaral—"

"Miles Devane!"

Sabay kaming napalingon ni Miles sa babaeng paparating. Nakataas ang isang kilay nito at mukhang galit.

Napakaganda niya! Lalo pa siyang gumanda ngayong nakalapit na siya. Walang sali-salitang pinalipad niya ang palad sa pisngi ko.

Ramdam na ramdam ko ang init ng mga daliri niya sa pisngi ko, na unti-unting humahapdi.

"What the hell?! Erica?!" Miles yells, gulat na gulat din tulad ko.

"Erica?" tumawa nang mapait ang babae. "I can't believe you, Devane! I'm Jenica! Limot mo na ba agad sa dami ng babae mo?" sinamaan niya ako ng tingin at dinuro, "Siya ba? Siya ba ang pinalit mo sa'kin?"

Bumuntong hininga si Miles bago ako hinarap. "I'm really, really sorry about this, June--"

"O-okay lang ako." Pilit ang ngiting sagot ko.

"You want another slap? I'll gladly give you another!"

"Jenica, enough!" yells Miles again, hinablot niya sa pulso si Erica at hinatak ito palayo.

Wala sa sariling napatulala na lang ako.

"Miss, are you okay?"

Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko. May matangkad na lalaking nakatayo sa tabi ko, he looks worried.

"You just... got slapped and I swear hindi ko 'yon sinadyang makita. I was just passing by and then..." He clears his throat, "Anyway, my first question is stupid. Obviously, you're not okay. Saan ba ang infirmary n'yo dito? I could take you there."

Umiling ako, "Hindi na. O-okay lang ako. Sampal lang naman 'yon. 'Wag ka nang mag-alala."

Now he looks even more worried. "Sampal lang? Miss--"

"'Wag mo na 'kong intindihin. Okay lang talaga ako."

Matagal siyang hindi nagsasalita, nakatitig lang sa'kin na parang nag-iisip ng gagawin. "Stay here, I'll be back."

Napatulala na lang ulit ako. Kahit hindi niya sabihin, wala pa talaga akong balak umalis o pumunta kung saan. Wala pang lakas ang mga paa at tuhod kong maglakad.

Maya-maya lang, nakita ko nang pabalik 'yong lalaki. Medyo hingal pa siyang huminto sa tapat ko.

"This will make you feel better." Inabot niya sakin 'yong isang ice cream cup na hawak niya. Nakatitig lang ako sa ice cream, kaya siya mismo ang nagbukas nito para sa'kin. "Malulusaw 'yan kung titigan mo lang."

Nagmagandang loob pa siyang ilibre ako, hindi ako dapat tumanggi. "T-thank you." I take a spoonful. Ang sarap!

"Feeling better now?" tanong niya ulit maya-maya, nakangiti pa rin.

Tumango ako. Nakatulong ang ice cream, pati ang magandang ngiti niya. Ang ganda rin ng mga mata niya, na lalong pinaganda ng nunal sa ilalim ng kanang mata.

Pinunasan ang gilid ng bibig ko gamit ang thumb niya. "Good."

Napahawak tuloy ako sa bibig ko. Nakakahiya, ang laki-laki ko na, pero ang kalat ko pa ring kumain! The tall stranger doesn't seem to mind though, dahil patuloy lang siya sa pagngiti ng maganda sakin.

"Shoot, I have to go." he says, glancing at his wristwatch. "It's nice meeting you... Miss." Tumawa siya, "Sorry, but what's your name?"

"June." Nakangiting sambit ko. "Andrea June."

"Andrea June? But what do I call you, Andrea or June?"

"June na lang."

"June then... it's nice meeting you." Nilahad niya ang kamay niya.

Na tinanggap ko agad."It's nice meeting you too..." Natawa din ako, "Ano rin pala ang pangalan mo?"

"I'm Yu—" tumunog ang phone niya, using his free hand, he fishes his phone out of his pocket then answers it. "I'm on my way. Yeah, palabas na 'ko." Matapos ang tawag, doon niya lang binitawan ang kamay ko. He smiles again. "Andrea June. I'll see you around, okay?"

Nasundan ko na lang siya ng tingin nang tumakbo siya palayo.

Hindi na niya nasabi ang pangalan niya.

At anong ibig sabihin niya sa 'see you around'? Hindi siya taga-Luxford, iba ang uniform niya. Ang alam ko uniform 'yon ng mga estudyante sa Laurent Academy, ang isa sa sister school ng Luxford. Ang sabi pa sa'kin ni Roxy, may grupo rin daw ng mga kalalakihan doon gaya ng Pyxis, sikat, ginagalang, at kinatatakutan.

Bakit kaya napadpad ang mabait at matangkad na lalaking 'yon dito?


Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 128 42
MARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thi...
2.7K 315 37
Mahirap magmahal lalo na pag alam mong masasaktan ka lang. Mahirap magtago kapag sobrang sakit na ng nararamdaman. Mahirap magkunwari lalo na't alam...
35.6K 1.1K 39
If you love someone don't take another one because love is not a buy 1 take 1
231K 9K 53
The Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pamumuhay, simple lang din ang pangarap niy...