Love You Like Crazy

By AnnyMeLoveU143

6K 182 43

Unang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa da... More

-One-
-Two-
-Three-
-Four-
-Five-
-Six-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Thirteen-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Nineteen-
-Twenty-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Five-
-Twenty Six-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Two-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-

-Twenty One-

121 5 1
By AnnyMeLoveU143

"E-Ezekiel..." napakurap ako nang makita ko siya.

Ngitian niya ako. Pero agad din itong nawala nang makita niya si Tyler.

"Ate, asan po si Mama?" Tanong ni Jai.

"Andon sa kusina." Sagot ko. Agad namang pinuntahan ng kambal si Mama sa kusina.

Naiwang nakatayo si Ezekiel. Lumapit siya saken at inabot saken ang dala niyang bulaklak. Nahihiyang tinanggap ko ito. "S-salamat..."

"You're welcome..." pinisil niya ang ilong ko. Ngumuso ako dahil sa ginawa niya.

"Luto na ang escabeche. Kakain na." Narinig kong sabi ni Mama. "Oh, Ezekiel. Andito ka pala."

"Magandang araw po." Magalang na bati ni Ezekiel.

"Magandang araw din sayo, iho. Tamang-tama ang dating mo. Luto na yung escabeche. Dito ka na lang kumain ng tanghalian. Ikaw rin, Tyler."

"Ah, hindi na po, Tita. May trabaho pa kasi ako." Tanggi ni Tyler.

"Ganun ba?"

"Opo. Sa susunod na lang po siguro." Tumayo siya bigla. "Sige po, Tita. Alis na po ako. May aasikasuhin lang po ako sa kumpanya."

"Sigurado ka bang ayaw mong kumain muna dito?" Tanong ko.

Tiningnan niya ako tapos ngumiti siya. "Hindi na. Sa date na lang natin, kakain ako ng marami." Ginulo niya ang buhok ko. "Take care. Okay?"

"Hatid na kita sa labas." Sabi ko.

"Huwag na. Kakain na kayo diba?"

"Ikaw masyado kang pabebe." Tiningnan ko siya nang naka-pokerface.

"Hehe. Ayan ka na naman sa pagiging harsh mo saken. Sige na alis nako."

"Sige. Ingat ka."

Muli niya akong ngitian pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Sana naman magiging okay na si Tyler.

"Osya, ang mabuti pa kumain na lang tayo ng tanghalian. Halina kayo sa kusina." Sabi ni Mama tsaka siya nagpuntang kusina.

"Tara na?" Yaya ko kay Ezekiel.

Habang kumakain kami ng escabeche, kuwento ng kuwento naman ang kambal tungkol sa papalapit na University day sa paaralan nila.

"Alam niyo po ba, Mama? Si Kuya Ezekiel po ang nagsundo samen don sa paaralan." Sabi ni Jai.

Napatingin ako kay Ezekiel na katabi ko lang. "Totoo? Sinundo mo ang kambal?" Tanong ko.

Tumango naman siya sabay subo ng escabeche.

"Grabe, ang daming mga babaeng nakatingin sakanya nung dumating siya. Sobrang gwapo nga talaga ni Kuya." Nakangiting sabi ni Shai. "Kaya ang swerte ni Ate kung magiging boyfriend niya si Kuya Ezekiel."

Bigla akong nabilaukan. Kinuha ko agad ang isang basong tubig at dire-diretsong ininom yun.

"Anak, dahan-dahan sa pagkain." Sabi ni Mama.

Hinagod naman ni Ezekiel ang likod ko. "Okay ka lang?" Tanong niya.

"O-okay lang." Tiningnan ko si Shai at pinanlakihan ng mga mata. Ngumiti siya saken at nagpeace sign. Loko-loko talaga!

"Sa totoo lang boto naman ako kay Ezekiel para sayo, Shane."

For the second time nabilaukan na naman ako. Uminom agad ako ng tubig. "Ma!"

"Bakit? May nasabi ba akong mali?"

Nakakahiyaaa! Andito kaya si Ezekiel!

"Ako din!" Sigaw ni Jai at nagtaas pa siya ng kamay.

"Huwag ka nang sumali pa!"

"Mama oh! Inaaway ako ni Ate!" Sumbong niya kay Mama.

"Anak, wala namang kaso saken kung magka-boyfriend ka na. Nasa tamang edad ka na. Ang akin lang, huwag ka niyang saktan at paiyakin. Yun lang ang hinihiling ko mula sakanya." Nakangiting sabi ni Mama.

Ngumuso ako. Ang pamilya ko excited na yata silang magkaboyfriend ako.

"Syanga pala, Ezekiel. Nagustuhan mo ba ang niluto kong escabeche?" Binalingan ni Mama si Ezekiel.

"Yes, Ma'am. Sobrang sarap niyo palang magluto ng escabeche."

"Huwag mo nakong tawaging ma'am. Masyado kang pormal. Tawagin mo na lang akong Tita."

Ngumiti si Ezekiel. "Sige po, Tita."

"Much better."

Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin at nilagay sa lababo.

"Anak, ako na ang maghuhugas. Pumunta ka muna don sa sala." Sabi ni Mama.

"Po? Sigurado po kayo?"

"Oo. Tsaka, Ezekiel."

"Yes po, Tita?" Ani Ezekiel habang hinuhugasan niya ang kanyang kamay.

"Pwede ka bang maiwan dito sa kusina? Gusto sana kitang makausap."

Tiningnan muna ako ni Ezekiel tapos binalingan niya ulit si Mama. Tumango siya. "Sige po."

"Teka, a-anong pag-uusapan niyo?"

"Basta. Punta ka na sa sala. Ngayon na."

Ngumuso ako tsaka nagpunta na lang sa sala. Umupo ako sa sofa at kaharap ang maliit naming tv. Ano kaya ang pag-uusapan nina Mama at Ezekiel? Hindi ko tuloy mapigilang ma-curious. Gusto kong malaman kung anong pag-uusapan nila! Ang daya naman ni Mama! Bakit si Ezekiel lang ang gusto niyang makausap? Sino ba sameng dalawa ang anak niya? Siya ba? Diba ako?

"Ate!" Biglang bumaba ang kambal mula sa kanilang kwarto. Nilapitan nila ako tsaka sila umupo sa sofa. Bale nasa gitna nila ako.

"Ano?" Tiningnan ko silang dalawa.

"Gusto lang namin itanong ito sayo, Ate." Sabi ni Shai. "Sino ang pipiliin mo? Si Kuya Ezekiel o si Kuya Tyler?"

Nagulat ako sa tanong ni Shai. "Ano bang klaseng tanong yan?"

"Uuuuyy, si Ate. Nahihirapan kung sinong pipiliin niya." Tukso ni Jai. "Hindi mo naman sinabi samen na nanliligaw din sayo si Kuya Tyler."

"Pano niyo nalaman?"

"Duh, Ate edi sa facebook! In-add kami ni Kuya Tyler tapos tinanong namin kung kaano-ano mo siya tapos ang sagot niya future boyfriend mo daw." Paliwanag ni Shai.

"Yun din ang sagot ni Kuya Ezekiel samen nung tinanong namin siya." Dugtong ni Jai.

Napatampal ako sa noo ko. Pahamak na facebook yan! Sino ba kasi ang nag-imbento niyan at masapak ko?!

"Ano ang sagot mo, Ate? Sino ang pipiliin mo? Si Kuya Ezekiel ba? O si Kuya Tyler?" Tanong nilang dalawa.

"Hindi ko alam! Okay? Kaya pwede manahimik kayong dalawa?"

"Mas bet ko si Kuya Tyler para sayo, Ate!" Nagtaas ng kamay si Jai. Akala ko ba boto siya kay Ezekiel? Bakit biglang nagbago ang isip niya?

"No! Si Kuya Ezekiel, Ate! Siya ang piliin mo!" Niyugyog ni Shai ang braso ko.

Napapikit ako at hinilot ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sakanilang dalawa.

Maya-maya ay lumabas na si Ezekiel mula sa kusina. Kasunod naman niya si Mama. Pansin kong nakangiti si Mama kay Ezekiel. Okay, I seriously want to know king ano talaga ang pinag-usapan nila sa kusina.

Lumapit saken si Ezekiel. "I need to go. May business meeting pa kasi ako in an hour." Sabi niya.

"Ah, okay. Hatid na kita sa labas."

Hinatid ko siya sa labas ng bahay namin. Naka-park pala ang kotse niya sa labas and take note, bagong kotse na naman ang ginamit niya. Nangongolekta ba siya ng kotse?

Binuksan niya ang pinto ng kanyang kotse. Bago siya pumasok pinigilan ko siya.

"Ezekiel..."

Hinarap niya ako. "Hmm?"

"Uh... ano kasi, umm..." kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo kung anong pinag-usapan namin ng Mama mo." Sabi niya. Naunahan niya ako!

"Bakit? Ganun ba ka-importante ang pinag-usapan niyo kaya ayaw niyong sabihin saken?"

"Sasabihin ko rin sayo, pero huwag muna ngayon." Lumapit siya saken. Nagulat ako nang halikan niya ang noo ko. "I'll be going. Take care, love..." pumasok siya sa kotse niya at umalis na din.

Naiwan ako natulala. Napahawak ako sa noo ko kung saan niya ako hinalikan.

--

"Handa na ba ang lahat ng mga gamit niyo?" Tanong ni Mama samen.

"Opo!" Sigaw ng kambal at may dala silang bag.

Ngayon ang araw na pupunta kami ng probinsya. Sa Camotes Island sa Cebu. Buti na lang at Sunday ngayon at nag-text din si Hazel saken na hindi daw magbubukas ng shop ngayon si manager kasi may meeting daw siya out of the country.

Umaga pa lang ay ginising na kami ni Mama upang makakain ng breakfast. Actually, kagabi pa namin hinanda ang mga bagahe namin. Sobrang excited nga ng kambal. Pati ako excited din kasi magkikita ulit kami nina Lolo at Lola. Ilang taon din kaming hindi dumadalaw don sa probinsya.

"Tara na." Sabi ni Mama.

"Excited nakong makita sina Lolo at Lola!" Sabi ni Jai.

"Ako din!" Dugtong ni Shai.

Paglabas namin ng bahay, dala an mga bagahe, nagulat ako nang makita ko siyang nakaabang sa harap ng bahay namin. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakagiti.

"Ezekiel?!" Gulat na sabi ko.

"Good morning." Bati niya.

"Good morning, Kuya Ezekiel!" Bati ng kambal sakanya.

"Magandang umaga po, Tita."

"Magandang umaga din sayo, iho. Kanina ka pa ba dito sa labas?" Tanong ni Mama.

"Hindi naman po." Biglang kinuha ni Ezekiel ang dala kong bagahe. "Ilagay niyo na lang ang mga bagahe sa likod ng kotse ko."

"Sasama ka po samen sa probinsya?" Tanong ng kambal.

"Yup." Sagot naman ni Ezekiel.

"Yehey!" Nag-uunahang pumasok ang kambal sa loob ng kotse ni Ezekiel.

"Ma, sasama satin si Ezekiel?" Tanong ko kay Mama. Tumango naman si Mama. "Bakit?"

"Bakit ayaw mo ba?"

Hindi ako sumagot.

"Hayaan mo na. Tutal siya naman ang nagsabi na gusto niyang sumama saten. Wala naman akong tutol dyan." Sabi ni Mama tsaka pumasok sa loob ng kotse. Naiwan kaming dalawa ni Ezekiel sa labas.

"Pwede mo ba akong tulungang ilagay tong mga bag sa likod ng kotse ko?"

"Ah, s-sige."

Pagkatapos naming ilagay ang mga bag sa likod ng kotse niya ay sinarado na niya ito.

"Ito ba yung pinag-usapan niyo ni Mama? Sasama ka samen sa Cebu?" Hinarap ko siya.

Ngitian niya lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya papasok ng kotse niya. Pumunta naman siya sa kabila. Pinaandar na niya ang kotse niya tsaka kami umalis.

"Ma, okay lang po ba kayo dyan sa likod? Gusto niyo dito na lang kayo sa harap umupo." Tiningnan ko si Mama sa likod kasama ang kambal.

"Okay lang ako dito, Shane. Huwag mo nakong alalahanin." Sagot ni Mama at ngitian ako.

Ilang oras din ang biyahe namin papuntang airport. Nilingon ko ulit sila Mama sa likod kung okay lang ba sila pero nakatulog na pala sila.

Tiningnan ko si Ezekiel na nagmamaneho. "Pano mo napapayag si Mama?"

He shrug his shoulders. "Sinabi ko lang na gusto kong sumama. Tapos pumayag siya."

"Bakit gusto mong sumama samen?"

"Nothing. I just want to."

Kumunot ang noo ko. Kaya siya sumama samen kasi gusto niya? Lakas din ng topak ng lalaking to.

"Bahala ka. Ikaw magbabayad ng pamasahe mo." Sabi ko.

"It's fine. We'll use my private jet papuntang Cebu. So no need for pamasahe."

Napatuwid ako ng upo. "Seryoso ka?"

Tumango siya. Napanganga ako.

Pagdating namin sa airport ginising ko na sila Mama at ang kambal. Lumabas kami ng kotse ni Ezekiel at nagpunta sa private jet niya. Ang bongga nga ng jet niya kasi may flat screen na tv, sofa, ref, kama, etc. Basta para kang nasa bahay kapag andon ka sa jet niya. Tapos may waiter pa na nags-serve samen. Ilang milyon kaya ang ginastos niya para bumili ng ganito ka-bonggang private jet?

Nakaupo ako sa malayo habang pinagmamasdan ko si Mama at ang kambal na nanonood ng palabas sa tv. Tawa sila ng tawa kasi comedy yung pinapanood nila. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapanood ko sila.

"Bakit mag-isa ka lang dito?" Biglang dumating si Ezekiel habang may hawak na apple at may kagat na. "Are you okay?"

"Uh, okay lang ako. Ano lang, gusto ko lang mapag-isa." Sabi ko.

Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Tiningnan ko siya at nagulat ako dahil nakatingin pala siya saken.

"B-bakit?" Nauutal kong tanong sakanya.

"Nothing. I just want to stare at you. Ang ganda mo kasi." Sabi niya sabay kagat nung apple na hawak niya. Habang kumagat siya ng apple yung mga mata niya naka-glue lang saken. Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa titig niya.

"Huwag mo akong titigan!" Tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang kamay ko. The way he stares at me... those gray eyes. Nakakatunaw!

Tinanggal niya ang kamay kong nakatakip sa mukha niya at tiningnan ako na may nakakalokong ngiti. "What's wrong with staring at you? You're so beautiful that I want to stare at you for the whole day."

Mas lalong pumula ang pisngi ko. Sheet! Stop it, Ezekiel! Please!

"You're blushing..." pinisil niya ang namumula kong pisngi.

"Tigilan mo ako. Kakagatin kita." Banta ko pero tinawanan niya lang ako. Amp! Ang bad niya! Kinurot ko nga sa tagiliran.

"Ow!" Napahawak siya sa tagiliran niya kung saan ko siya kinurot.

"Haha! Buti nga sayo! Bleh!" Ngayon, ako naman ang tumawa. Hanggang sa mapansin kong nakayuko pa rin siya at nakahawak pa rin sa tagiliran niya. "Ezekiel?"

Hindi siya sumagot. Hala, ganun ba kasakit yung kurot ko sa tagiliran niya?

"Ezekiel, uy. Okay ka lang?" Niyugyog ko siya sa braso pero hindi pa rin niya inangat ang ulo niya. Nagsimula akong kabahan. Hala, anong gagawin ko? "E-Ezekiel, sorry. Masakit ba?" Yumuko ako upang tingnan ang mukha niya pero laking gulat ko nang bigla niyang iangat ang ulo niya kaya muntik na kaming mag-kiss. Nagdampi lang yung ilong ko sa ilong niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. He smiled at me showing his dimples.

"Kinabahan ka noh? Haha." Tawa niya.

Lumayo ako sakanya. Don ko lang na-realize na pinagtitripan niya lang pala ako. Sa sobrang inis ko hinampas ko siya sa braso. "Kainis ka! Akala ko nasaktan ka!"

"Hahahaha." Tinawanan niya lang ako habang ako naiinis na dito.

"Sige pagtawanan mo pa ako! Ang sama mo!" Inirapan ko siya at tumingin na lang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga ulap.

"I was just kidding, Love. I'm sorry." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin. "Love... sorry na." Hinawakan niya ang kamay ko.

Huwag kang magpadala sa lambing niya, Shane! Tandaan mo galit ka! Galit!

"Love... uy, pansinin mo naman ako. Sorry na. Bati na tayo oh." Patuloy pa rin siya sa paglalambing saken. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa totoo lang, kinikilig ako dito. Bwisit! Galit nga ako eh! Galit!

"Love... sabihin mo na kung anong gusto mo. Kahit ano'y gagawin para lamang sayo..."

Teka, kanta yun ah. Yan ang kantang ginamit niya nung araw na galit ako sakanya. Hinarana niya pa nga ako sa harap ng coffee shop at sa maraming tao.

"Sabihin mo na. Kung papaano mo. Mapapatawaaad."

Syeteng kambing! Ang ganda ng boses niya!

Nilingon ko siya. Nakita ko ang pagmumukha niyang napaka-cute! Nakapout kasi siya tapos nagpapaawa effect pa habang nakatingin saken. Why so cute? Sarap kuhanan ng picture!

"Hindi mo ako madadala sa pagpapa-cute mo kaya tigilan mo ako." Sabi ko sakanya.

"Love naman eh. Bati na tayo oh. Please?"

Kinamot ko ang ulo ko. "Fine. Sige na nga. Pero... sa isang kundisyon."

"Ano?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Ngumiti ako sakanya ng pagkatamis. "Kiss mo muna ako..."

Natigilan ako. Takte, say whut?! Bakit yun ang sinabi ko?!

He smiled at me. "Yun lang ba?"

"J-joke lang--" pero huli na dahil nahalikan na niya ako...

Sa pisngi...

Sa pisngi lang? Bakit parang disappointed ako?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko sobrang init din ng magkabilang pisngi ko. Pakiramdam ko hihimatayin ako anumang oras.

"What else do you want me to do?" Tanong niya.

"H-HEH!!!" Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko. Narinig ko siyang tumawa. Tiningnan ko siya ng masama. Hinila niya ako palapit sakanya tsaka niya ako niyakap. Binaon ko ang mukha ko sa maskuladong dibdib niya.

"You're so cute." Sabi niya.

"I hate you." Sabi ko sakanya.

"I love you..." naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. "Hindi akong magsasawang sabihin yun sayo."

Hindi ako umimik. Naririnig ko ang tibok ng puso niya. Sobrang bilis. Gaya ng sa akin.

I looked at him. "Ang bilis ng tibok ng puso mo."

Hinaplos niya ang pisngi ko. "Ganyan kabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing kasama kita."

Continue Reading

You'll Also Like

359K 17.5K 53
[ Iskwala Series #1 ]
1.3M 19K 41
Dice and Madisson
2.3M 58.6K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
170K 4K 49
To be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, st...