Going the Distance (Book #1 o...

By JuliaSoleil

12.6K 774 3K

-Completed- Highest Ranking: #34 in Chic lit, #15 in LDR Sophie Jimenez, whose heart has been broken by the... More

Preface
Prelude
1: Hazel Eyes
2: Smitten
3: If Only
4: Spark
5: Bittersweet
6: Wishful Thinking
Interlude: Meeting Her
7: "Hello Andy"
8: Line To England
9: Rare Moments
Interlude: "Can I See You?"
10: Lovely Thought
11: Believe
12: The Sign
Interlude: Linger
14: Chance
15: A Moment
Interlude: Feelings
16: Discovering You
17: White Lies
18: You and Me
Interlude: Lost In Her
Interlude: Slowly
19: Undetached
20: Feigning Insecurities
21: Love-Hate
Interlude: Want
22: Faith
23: Real
24: Priceless
Interlude: Care
25: Bliss
Postlude

13: Gatecrashed

190 11 18
By JuliaSoleil

"Real love is rare but fake words and promkses are everywhere."
-The Diary for Life

🤍🤍🤍

"Fiction"
by Adib Sin

♪ Are you with me?
Is this fiction?
I've always known you
Since the story began
Can you feel me
In these moments?
I'll keep on searching
'Til I no longer can ♫

🧳🧳🧳🧳

It occurs to me that love is like a gatecrasher, who shows up in a party perpetually uninvited. This is one of the things that love does best-- it gatecrashes your heart and catches you off guard the least you expected it.

It runs down its own path. It doesn't have an itinerary to follow. And it doesn't have a time set needed to be in love.

Kahit sandali pa nga lang, o sa loob ng isang araw, ay pwede kang ma-in love agad sa isang tao. Minsan pa nga, hindi lamang iisang beses na ma-re-realize mong in love ka na. Paulit-ulit na ipapaala ng puso mo sa iyo na ikaw ay in love, hanggang sa hindi mo na iyon maipagkakaila at gusto mo na iyong ipagsigawan.

Tulad ngayon, gustong-gusto kong ilabas ang sinisigaw ng puso ko... Mahal na kita, Andy!

And I hope he feels the same way. I don't know how he feels exactly about me, but last night, he told that he has a soft spot for me.  That I am special.

Inabot na ako ng sikat ng araw sa pakikipagkuwentuhan sa kanya. Kung hindi lang niya ako pinilit ay hindi pa talaga ako matutulog. Kinakailangan ko rin kasing mag-restock ng baking needs and we have about six cakes to bake and deliver this Saturday.

May lakad rin daw sila ng pinsan niyang si Bruce na siyang housemate din niya sa apartment. Pinakilala niya kami sa isa't isa sa webcam.

In the trenches of my blanket, while I browse his pictures in my phone, and admired his features as I zoom in his photos, I felt the lightness in my limbs and I knew I am feeling it already. I realized I'm in love with him. And I want to know if what we're having is real.

"So Sophie, what do you want for a gift?" tanong ni Dad out of the blue, dahilan para maputol ang pagde-daydream ko. Kasalukuyan kaming nanananghalian sa patio ng aming garden.

"Daddy, in three months pa po ang birthday ko," sagot ko sa kanya pagkatapos humikab nang malalim. Kakagising ko lang at ni hindi pa ako nakakaligo. Naghilamos lang ako matapos akong gisingin ni Manang Delma para mananghalian.

"

Ah ganoon ba? Isipin mo na lang na advanced gift ko ito sa'yo."

"New car, Ate! Luma na iyang kotse mo eh," suhestyon ni Marcia.

"Hindi ko kailangan ng bagong kotse. My Rav 4's working perfectly at alagang-alaga ko iyon. Gift sa'kin iyan ni Mom so I cannot give it up."

"Tito, love na love kasi ni Sophie ang car niya." sabad ni Jane na kasama naming nagla-lunch.  Umaga pa lang ay nandito na siya para magtrabaho. Ginising niya ako kaninang umaga pero inamin kong nag-chat kami ni Andy kaya napuyat ako. Siya na rin ang namili ng baking needs. Nakapag-bake na rin siya ng dalawang cakes.

"I can understand where she's coming from," says Dad. He really knows. Tinanong na niya ako before kung gusto ko ng bagong kotse, para si Billie, si Marcia na ang gagamit. Pero humindi ako. Ayaw rin naman ni Marcia na mag-drive pa. Andiyan naman ni Mang Claudio o ang boyfriend niya kung kinakailangan niya ng service. Most of the time, mas prefer pa niya ang magtren para iwas traffic. Sa university belt kasi siya nag-aaral.

"Low season ngayon, hija. Don't you want to go for a short vacation?" tanong ni Dad.

"Actually, I like that idea, Daddy!" This is just the right time. "Uhm," I pause for a while.  "Can I go to the UK?"

"UK?" Marcia and Jane blurt in unison.

"Ang layo naman, Ate!" gulat na sabi ni Marcia.

"Wow! Is there a Disney Land, there, Ate Sophie?" sabik na tanong ni Jeremy. Sabay kaming sumenyas ng wala ni Marcia, habang siya naman ay hinagod ang ulo ng bunso namin at hinalikan ito sa pisngi.  Napatingin ako pagkatapos kay Jane. Paiiling-iling ito na nangingiti habang nakatingin sa akin.

"Oo nga anak, ang layo naman. Iniisip ko, somewhere in Asia ka lang magpupunta." He reaches up a hand to lightly clasp his throat. Binitawan niya ang kubyertos na hawak, at sinenyasan ang isang maid na i-serve sa kanya ang green tea.

"I want to see England," sagot kong hindi maitago ang pananabik.

"May makakasama ka ba?"

Narinig ko na parang nabilaukan si Jane na nasa tabi ko lang. Hindi ko sigurado kung nabilaukan siya o pinigilan niya ang matawa.

"Hindi ka ba sasama, Jane?" baling niya rito. Hindi kaya napansin ni Dad ang reaksyon niya?

"Baka hindi po, Tito."

"Ganoon ba?  Oo nga pala, ang sarap ng mga manggang pinadala ng parents mo. Lalo na nang ginamit niyo ang mga iyon sa Peach-mango cake."

"Salamat po. Siyempre, masarap din kasi talaga ang pagkaka-bake ni Sophie," papuri ni Jane.

"Wait until you guys try her Dulce de Leche!" bawi ko sa kaibigan. Kakaiba talaga ang Dulce de Leche niya. Kakaiba sa lahat ng natikman ko. Jane's more into Commercial Cooking, but this one's among her best cakes.

"Back to your trip, young lady." Tumahimik kaming lahat sa pagsasalita ni Dad. Parang sumeryoso kasi bigla ang kanyang mukha. "So you'll be traveling by yourself?"

"Yes, Dad," maikli kong sagot. "Wala rin pong mag-aasikaso ng bakeshop kung parehas kaming mawawala ni Jane. Ngayon pa po na nagpapakilala pa lang kami."

"Yes, Tito," dagdag ni Jane. "Kailangan ko pong maiwan para mag mag-bake ng orders. Hindi ko rin naman feel ang maglakbay nang ganoon kalayo, unlike Sophie na alam kong mag-e-enjoy talaga roon. Matagal na niyang gustong makita ang UK, most especially ENGLAND." May diin talaga sa pagbabanggit niya ng "England". Ito talagang si Jane, baka makahalata si Dad na may tinatago kami.

Nagpatuloy ang aking ama sa pakikinig.

"Tito, sa tingin ko po ay mas ma-e-enjoy ni Sophie ang trip niya nang mag-isa." Tiningnan ako ni Jane sabay kindat at nakakalokong ngiti.

"Sophia Lara?" Ibinaba niya ang hawak na tasa ng tsa, pagkatapos ay tiningnan ako nang seryoso.

"Jane's right. I like to travel alone. This would be exciting, right? You told me to go out and see the world."

"Gustong-gusto mo ba talaga, anak?"

"Yes, Dad. More than anything else now."

"More than anything else now.  Hindi halatang gusto mo, Ate!" biro sa akin ni Marcia.

"Well then, I'll ask Berna to coordinate with you about your itinerary and visa. Tatawagan ko siya agad pagkatapos nating kumain." Dinampot ni Dad ang teapot at nagsalin siya ng tsa sa kanyang tasa.

"Oh my God! Daddy, thank you, thank you, thank you!" I squeal. Tumayo ako sa kinauupuan upang lapitan siya at halikan. Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi at niyakap nang pagkahigpit-higpit. "There's no doubt that you're really the best daddy in the universe!"

Bahagya niyang pinisil ang ilong ko at hinagod ang aking ulo. "Noong nakaraan, best daddy in the whole world lang, ngayon universe naman. Panigurado sa susunod, galaxy na!"

~~~~~~~~

Hindi ko alam na may flight pala ang Daddy ngayong araw papuntang Cebu, pero natawagan naman niya ang sekretarya niyang si Ms. Berna, na siyang tutulong sa akin sa paghahanda sa trip ko sa England.

Pinakausap ni Dad sa akin si Ms. Berna at binigyan ako nito ng listahan ng ilang websites ng may iba't-ibang tour packages na maaari kong pagpilian. Bubuksan ko ang mga sites na iyon mamayang gabi, dahil sa ngayon ay abala pa kami ni Jane sa pag-aasikaso ng orders sa amin.

"Ilang araw mo naman balak magbakasyon sa UK?" tanong ni Jane.

Hinawi ko ang maliliit na strands ng bangs kong nakawala mula sa hairnet, at ipinagpatuloy ang paglalagay ng frosting para balutin ang tinapay ng cake.  "Siguro, kukuha ako ng isang 7-day tour package, then I will stay there for another two weeks."

Umikot siya sa island counter upang magpunta sa ref, at ilabas ang prepared filling niya for her Dulce de Leche.  Inilapag niya ang container ng filling sa countertop at dinampot ang spatula. "Are you really sure about this now? Ikaw pa talaga ang pupunta sa kanya?"

"I'm sure about this. What's wrong with that?"

"Have you talked about this plan? Ano na ba ang status niyo talaga?" Hininto niya ang ginagawang pagpahid ng filling sa ginagawa niyang cake. Tumayo siya nang tuwid at nagpameywang, diretso ang mga tingin sa akin.

"I haven't told him yet. Tsaka na kapag nakahanda na documents ko."

"Seems like things are getting serious between the two of you."

"Honestly, I'm not sure."

Nahuli ko ang reaksyon niyang halos mapanganga sa sinabi ko.

"Eh, bakit ka magte-take risk na puntahan siya?"

Napahinto na rin ako sa ginagawa. Sinispsip ko ang mga sumaging chocolate frosting sa braso kong hindi inabot ng plastic gloves. "I stopped playing the game," Napayuko ako sa hindi malamang kadahilanan.

"Never niyo ba napag-usapan ang meet-up?"

Umiling akong nakayuko pa rin. Hinubad ko ang suot kong pares ng gloves pati ang hairnet, at inayos ang pagkakatali ng buhok ko. "Not really."

"I just hope that this vacation will be worth it."

"Oo naman, Jane! Kahit pa hindi ko nakilala si Andy, pupunta at pupunta pa rin naman talaga ako ng Europe eh. Alam mong isa ito sa mga gusto kong mapuntahan."

~~~~~~~~

Nakapili na ako ng tour para sa trip ko. I need to inform my Dad's secretary regarding this first thing on Monday, then I can apply for my tourist visa. Tatlong buwan pa naman tatakbuhin ang tagal ng proseso na iyon.

I just made a quick decision then suddenly I feel a bit worry. Sa loob ng tatlong buwan, nag-uusap pa rin kaya kami ni Andy? A lot of things can happen in three months. He can grow tired and find himself a real girlfriend.

I'm being too negative again. Perhaps I shall send him a message now and forget about my foolish thoughts.

Sophie: Hi, Andy...

No reply yet after two minutes. Nakipaglaro muna ako kay Zeus sa sahig ng kuwarto ko. Na-miss ko ang matabang pusang ito! Minsan na lang kami makapag-bond ni Zeus mula nang buksan namin ang online bakeshop.

Napag-desisyunan din namin ni Jane mag-hire ng apprentice para tumulong sa amin. Siya na bahala roon dahil mas marami siyang kilalang undergrad sa akin sa Culinary school.

At last, I hear the sound of the ping that's a music to my ear.

Andy: Hello, babe!

Sinundan ako ni Zeus sa ibabaw ng kama, pagkatapos ay nanatili siya sa kandungan ko.

Sophie: Sorry if you haven't heard so much from me today. We've been very busy preparing the orders. How are you?

Andy: I'm good. Just played football today and work on my canvass.

Sophie: Will you call me?

Andy: I'd ask that. I miss my chef! You tired?

~~~~~~~~

A few days after I've decided my trip, our communication starts to die down. It's not because I'm busy. I always find the time to message him even on the verge of being tied up with my own activities.

Sobrang abala lang raw niya sa freelance commissioned artworks niya kaya madalas, hindi na rin niya ako natatawagan.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko lubos na inaasahan. Comes a week after he told me to believe that what we have is real, I get the most painful message I ever receive in my whole life.

Sophia,

I want to keep this short because It pains me to write this. But I have to. I've been thinking about this lately and I realized LDR is not for me. Please don't try to contact me anymore. I'll be closing my accounts, for sure you'll block me anyway. It was nice knowing you.

Andy

Frozen in my seat, I read his message on Skype one more time. Baka namamalik-mata lang ako. But I'm not. Every word in it screams good-bye. He can't be kidding. Because if he is, this is a hell of a bad joke!  Pero sana nga, masamang biro lang ito. Sana panaginip lang ito. Pero hindi. I just feel Ema's soft tap on my shoulder.

"Sophie, natulala ka na riyan sa phone mo. Kausap mo ba si British guy?" Naupo siya sa tabi ko matapos ilapag ang order naming frappes. Sumunod na dumating si Jane at Ashley dala ang kani-kanilang order na kung anuman ang mga iyon ay hindi ko na napansin. My mind's in a daze and I just want this day to end. Baka bukas, hindi na masakit.

"No. Hindi ko siya kausap," pagsisinungaling ko. This isn't the right time. I'm not ready to open this up to my friends.

Reading his message one last time, I take a deep, painful breath and start composing my reply.

Andy,

It was nice knowing you too.

Sophie

Yes, this short. Wala naman akong iba pang sasabihin sa kanya. I hover my finger to his profile and without blinking, click the block option in his name. Sunod kong binuksan ang Connected at pinuntahan ko ang account niya. He was just online about half an hour ago. He has still been active all along?

Why would I block him if I can deactivate my account as I should? Mariin ang hawak ko sa cellphone, habang ang mga daliri ng isa kong kamay ay madaling hinanap ang settings ng dating site para tuloyan ko nang i-deactivate ang account ko sa Connected. I zoom it out, revealing the deactivate button that almost fits my screen. And again, without blinking, hit it to deactivate it for good.

And just like that, he disappears in my life.

I was right about my thinking that love is like a gatecrasher. It gatecrashed my heart and caught me off guard, then left me without any warning. He just disappeared in my life without any warning, leaving me with only the reason that LDR is not for him.

"Okay ka lang ba, Sophie?" alalang tanong ni Jane. "Kanina ka pa tahimik."

"I'm not feeling well. I shouldn't have jogged today," ang tanging sagot ko, sabay tayo bitbit ang aking back pack.

"Sophie, yung frappe mo," habol ni Ema pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad nang mabilis palabas ng coffeeshop. Habang nagda-drive ako pauwi, napapaisip ako kung may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan. Sinusubukan kong alalahanin ang mga huli naming pag-uusap at baka may nasabi akong ikina-offend niya.

His last message to me was a "Good night. Sweet dreams, babe."

Jane blames me for my naiveness. "Sinasabi ko na nga ba, you're just a game to him! He won, Sophie. I knew it from the start! He was just playing!" gigil na gigl na sermon sa akin ni Jane. "Hindi ka kasi nakinig sa'kin eh!" Napahampas siya nang malakas sa table ng dresser ko. After numerous attempts of contacting me after rejecting her calls, she eventually went here at home to see me. She knows there was something. She know me too well.

Napayuko ako at napakapit nang mahigpit sa unang kandong-kandong ko sa kama. Ang bilis ng tibok ng puso ko, na halos ba nag-uunahan ang mga iyon kaya ang bigat-bigat ng pakiramdam sa dibdib. Pigil-hininga kong pinipilit na hindi maiyak. Ang sakit! Bakit ko ba hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya nang ganoon na lang?

Mula sa peripheral vision ko ay napansin kong huminto na si Jane sa pabalik-balik na paglalakad.

I stare at her for a moment. And from her state of enmity with so much rage in her eyes, her expression turns to a look of sympathy. Lumapit siya sa akin sa kama at niyakap ako nang mahigpit.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko magawang maiyak hindi dahil sa 'di na ako kinokontak ni Andy. Napaluha ako sa sobrang touched sa ginagawang pagko-comfort sa akin ng bestfriend ko.

"Hayaan mo na, Sophie. He's not worth the tears. Screw him!"

"I'm not crying about him, silly!" Nagawa ko nang makapagbiro dahil gumaan ang loob ko sa pag-comfort sa akin ni Jane. "I'm really just overwhelmed for having a friend like you in my life."

Bakit ba hindi ko magawang maiyak? Could it be that unconsciously, I sticked to my promise after I cried over Tristan? The promise to myself that I won't waste my tears again.

Continue Reading

You'll Also Like

266 40 13
In high school, two best friends meet Justin and Liam, the secret sons of rival Jamaican dons. As they transform these tough guys into devoted lover...
3.4K 294 27
Mara, an ordinary person, is struggling with a difficult decision. Should she continue living a solitary life or take a chance and open her heart to...
28.9K 2.6K 51
WRITTEN BY SOFIA VITORATOS ALL RIGHTS RESERVED πŸ’‘Fictionalized under true facts πŸ’‘ πŸ›‘*MATURE CONTENT*πŸ›‘ [PUBLISHING] πŸ†1st Place in Chicklit by The...
2.1K 33 20
Twelve years ago, he drove away with my heart in his hands. I've moved on since then. Or so I thought. Growing up in a small town, there weren't too...