The Girl Between Us

By renesmee_keynes_31

137K 7.3K 3.2K

The Girl Between Us By: Renesmee Keynes @renesmee_keynes_31 2017 © Renesmee Keynes. All Rights Reserved Thoma... More

TGBU
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Finale
Special Chapter

Chapter 34

2.1K 115 27
By renesmee_keynes_31

Thomas' POV

Pinipilit kong itago yung luha ko noong makita ko s'ya. Buti na lang, hindi ako nagkamali.

Pagkatapos kong isend sa kan'ya yung mensahe ko ay 'di ko na napigilan. Tinawagan ko ulit si Tito.

Kinuwento ko lahat sa kan'ya ng nangyari at tahimik lang s'yang nakinig. Wala akong narinig na galit na boses o kaya ay hindi magandang sagot. Basta nung nalaman lang n'yang gusto kong makausap si Ara ay hindi s'ya nag-atubiling sabihin saakin. Humingi s'ya ng tawad kasi sinabihan s'ya ng anak n'ya na huwag sabihin saakin ang totoo pero naintindihan ko naman s'ya. Kaya nung nalaman kong andito s'ya ay agad na akong byumahe papunta rito.

Habang nasa byahe ako, maya't maya ay napapaluha ako. Nandun na yung saya, lungkot, takot at pagkasabik dahil makikita ko na s'ya ulit.

Noong nandito na 'ko hindi ko makayanan na basta bastang makikipag-usap kaya nanatili ako sa loob ng kotse at doon ko s'ya simulang kausapin.

Kinantahan ko s'ya para lang mawala yung bigat ng galit pero noong kumanta na ako ay naririnig ko ang pag-iyak n'ya. Ako naman ay kalmado pero aaminin ko, sasabog yung puso ko habang ginagawa 'yun. Sa tagal naming hindi nagpaparamdam sa isa't-isa, sobrang dami na talagang emosyon na naipon.

Pero noong lumabas na s'ya,hindi ko na napigilan yung saya ko. I saw her again.

Thank God!

Kahit pagod na pagod, pilit kong nilalaban. Gusto ko s'ya eh, ang gusto ko lang naman ay makasama s'ya.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan at saka bumaba kasabay ng pagtakbo n'ya para buksan ng gate ng bahay n'ya.

Pinatay ko na yung tawag sa telepono at hinintay ang pagbukas ng gate.

I wanna hug her. Open it quickly!

Pagkabukas na pagkabukas n'on ay agad ko s'yang sinalubong at niyapos.

Mabagal naman ang pagbalik ng yakap n'ya, halatang nagdadalwang isip pero hindi ko na inisip yun. Ang mahalaga kapiling ko s'ya ngayon.

"I'd miss you"I whispered while my eyes were closed.

"How'd you find me?"she asked while still sobbing.

I hold her tighter "Tito"

I heard she chuckled.

Oh,God I really do miss this.

Tiningnan ko s'ya sa mga mata n'ya kahit yapos yapos ko parin s'ya. Tiningnan rin naman n'ya ako.

Those eyes! Shit, I just wanna thank God for this perfection.

I'm so much happy, Jesus Christ! Thank you for this girl.

"Don't you ever do that again to me, silly girl" I said with a smile.

She laughed and wiped her tears.

"God, you look fret"she started to worry.

"But still fighting"I said "I'm worried about you, that's why"

She smiles "You did came after me"

I also answer back the precious smile "I told you, I've got plans to get to you"

She laugh and tears stream down.

I wiped it all away.

"I really do miss you"I said while wiping the tears.

"Oh God, I miss you too" she said "I won't let go again"

I was strucked with those words.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sa gitna ng sala, taimtim lang kami na nakikiramdam.

Nakaupo kami sa sofa habang akbay ko s'ya gamit ang kaliwang braso ko at nakayapos naman s'ya sakin habang nakasandal ang itaas na katawan sa katawan ko. Pilit ko s'yang sinisiksik sa akin kaya yapos yapos ko lang s'ya.

"Gaano na katagal 'tong lagnat mo?"tanong ko

"Sabado ng gabi, sinat na lang naman 'to"sagot n'ya.

"Huwag mo namang pabayaan yung sarili mo"may halong pagkadismayang saad ko.

"Opo Boss"sagot n'ya.

Napangisi lang ako dahil sa pagbibiro n'ya at hinalikan ko na lang s'ya sa sintido n'ya. Pagkabitaw ko ng halik ay hindi ko nilayo ang labi ko sa ulo n'ya.

"I'm sorry"bulong ko.

Hindi s'ya kagad nakasagot.

"It's not really what you think,Ara. You need to know that I do like you for who you are and not just because you're like my wife" I said "Do not think that I'm only using you to fill my husband priorities to a wife. Always remember that I'm doing this because I like you, okay?"

She nodded softly.

Tiningnan ko naman s'ya at napatingin rin s'ya sakin.

"Do you believe me?"I asked

"Oo"sagot n'ya.

"Do you trust me?"

She smirks "Oo naman"

"Aba dapat lang, dahil kung hindi isisisante kita"

"Aba"kagad n'ya akong sinikuhan ng konti at napatawa lang ako.

Gustong gusto ko lang na pinipikon ko s'ya gamit yun. Haha.

Nag-usap na lang ulit kami ng kung ano ano. Sabi nga nila yung heart to heart talk. Nag-usap kami habang pinaglalaruan ko ang kamay n'yang hawak ko at hindi nagpapalit ng pwesto.

Nag-usap kami na para bang walang nangyaring tampuhan.

Nag-usap kami na para bang walang limang araw na dumaan.

Sinabi n'ya ang naramdaman n'ya noong gabing 'yun kaya ngayon naintindihan ko naman na s'ya. Nakuha ko yung punto n'ya kaya wala na akong problema at tanong pa kung bakit n'ya 'yon nagawa.

Hindi ako galit sa kan'ya at hindi rin naman s'ya galit saakin.

Pagbibiro pa nga n'ya baka daw mood swings lang daw yun dahil may dalaw daw s'ya noong mga araw na 'yun in short, baka raw kadramahan lang talaga n'ya 'yun. Natawa na lang din ako.

I can't get mad at this girl, I swear, I can't and I do not know why.

Basta ang saakin lang, kung okay kami, okay ako.

Pagkatapos ng kwentuhan, nagkapatawaran, nagkaintindihan at napag ayusan ay inantok na s'ya.

"Dito ka na sa master's bedroom"saad n'ya habang nililinis ang kwarto.

"Ayos nga lang, dito ka na at doon na ako sa kabila"sagot ko.

"Sige na bossing. Dito ka na po"

Ang kulit ang wala.

"Dito ka na at doon na ako, okay?"

"Eh ka-"

"Hep!"

Napatigil naman s'ya.

Hinalikan ko s'ya sa noo n'ya at sa loob loob ko, kilig na kilig ako.

"Good night,Ara"I said and smile.

"G-Good night"she answered.

Niyapos ko s'ya nang saglit at saka pumunta doon sa kabilang kwarto.

I feel complete. God! I really do.

Humiga ako sa kama na halos wala talagang problema. Hindi na rin mawala ang ngiti sa mga labi ko.

Kung ang kisame ay ngumingiti rin pabalik panigurado, kanina pa ito ngumiti rin saakin.

My everything is complete.

Hindi ko alam kung paano naging kumpleto ang lahat basta ang alam ko lang, wala ng mabigat sa puso ko. Wala na akong pinagkaka abalahan. Wala na akong iniisip na gumugulo sa isip ko.

I've found her. That's what is important.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ara's POV
6 AM

Napamulat ako mula sa aking pagkakatulog. Nakita ko ang oras wall clock at agad akong napabangon. 9 am yung pasok ni Nathan. Kailangan ko s'yang ihatid.

Pumunta kagad ako sa banyo at nag-ayos. Baka kasi makita ako ni Sir na may muta pa. Ay naku! Ayoko namang mangyari 'yun. Haha.

Hay, sobra yata akong kinikilig kagabi! Wala kami masyadong ginawa kundi usapan lang pero sobra na 'yung kilig ko. Grabe. Imagine? Si Sir Thomas naka akbay sakin kasabay ang magkahawak naming kamay? Jusko po! Sobrang kilig ko. Iba na talaga kami ngayon.

Tinupad namin 'yung pangako namin na kilalanin ang isa't-isa at kita nga naman, iba na ang turing n'ya saakin. Hindi na katulad ng dati.

Magtatagal kaya kaming ganto?

Shit, sana.

Bumaba ko ng hagdan at napakunot noo na lang ako nang marinig ko ang parang paghahain ng mga pinggan.

Kagad akong bumaba ng mabilis at pumunta sa dining area.

"Good Morning"

Nabigla ako ng makita ko s'ya at bumati. Tama ba 'tong nakikita ko? Si Sir nagluto at naghain ng pagkain?!

Nilapag n'ya ang dala n'yang pinggan ng bacon at tuyo. May kanin na sinangag pa.

"S-Sir? Bakit kayo ang nagluto?"may kabang tanong ko.

"Gusto ko kasing mag hain ng almusal para sa'yo" sagot n'ya at ngumiti "Kain na"

PUTEK! Bakit kinilig akooooo?! 😭

Hinila n'ya ang isang upuan "Umupo ka na rito para makakain ka na" saad n'ya at kinuha ang face towel na nakasabit sa leeg n'ya sabay punas. Shet! Para s'yang boy ng bahay. Hahahahaha!

Poging boy ng bahay 😝

"Umm, sumabay ka na saakin. Pupuntahan ko pa si Nathan kasi ihahatid ko s'ya pagpasok eh"

Napatango tango naman s'ya "Sige, sama na ako sa paghatid. Pwede ba?"

"Oo naman, sige na. Kain na tayo"

Pinaupo n'ya ako at umupo na rin s'ya.

"Pasensya na, nagalaw ko yung fridge at kusina mo. Lalo na yung bacon"saad n'ya habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.

"Sus! Okay lang, pasensya na rin hindi ako nagising ng maaga. Di tuloy ako nakapagluto"

"It's fine"he said. Kumain na lang s'ya ng kumain ng bacon. Taga ubos ng supply ng bacon.

Habang kumakain kami ay pansin ko ang maya't mayang pagtatanong n'ya kung ano ang gusto ko. Siguro'y pinipilit n'yang maibigay ngayon dahil bumabawi. Haha!

"Ano plano mo after mong ihatid si Nathan?"tanong n'ya.

"Maglalaba kasi ako eh"sagot ko "Ikaw ba? Hindi ka ba papasok?"

"I texted Rex. He's in charge"

Aba, nagpla-planong tumambay rito. Hahaha.

"Nga pala, napagawa ko na 'yung phone mo"saad ko.

"Talaga?"

"Oo, nandoon lang sa kabila. Kunin na lang natin mamaya"

"Ang bilis naman nu'n. Teka, magkano nga pala?"

Napatawa lang ako "Libre na daw. Magaling ako eh"

Napangiti s'ya "Naks! Palibhasa anak ng Mayor eh"

"Luh?! Baliw ka"

Actually, may bayad s'ya 😂 Sinabi ko na lang na libre para di na s'ya mag abala pa. Tsaka mura lang din naman 'yun.

Pagkatapos naming kumain ay halos naghilaan pa ng hugasin. Gusto kasi n'ya na s'ya na ang maghuhugas, syempre as the lady and the owner of the house, hindi ako pumayag. Hanggang sa kami na lang dalawa ang naghugas. Taga sabon ako at tagabanlaw s'ya. Pagkatapos ay ako ang taga punas para matuyo tapos s'ya ang nagpatas patas sa lalagyan.

Nag ayos na lang din kami para makapunta kagad sa bahay nina Mama.

Nasa gate palang halos kami halatang excited na s'ya. Noong nakapunta na kami sa may bahay ay nagsigawan yung mga bata habang naglalaro sa damuhan.

"Laro kagad sila, umagang umaga"tuwang saad ni Sir habang nagmamaneho.

Nakita ko naman si Nathan na nakatayo sa may pintuan, nakauniform na at handang pumasok. Kitang kita ang tuwa n'ya dahil malamang, nahulaan n'ya sa kotse na kasama ko si Sir.

Noong tinigil ni Sir ang kotse ay sabay kaming bumaba.

"Si Tito Pogi!"sigaw ni Bridgette at nagtakbuhan sila.

Sinalubong nila si Sir at natuwa naman s'ya. Puro laro nanaman siguro gagawin nito kay Sir,haha!

Dumiretso ako kay Nathan at nakita ko ang malaking ngiti n'ya.

"Andito si Tito Thomas!"tuwang saad n'ya sakin habang hawak sa kaliwang kamay ang maliit na baunan n'ya.

"Oo, binibisita ka"sagot ko at tumawa s'ya.

"Yehey!!"tuwang saad n'ya at tumalon ng tumalon.

Bigla namang sumulpot si Mama at Tita, nakataas ang isang kilay na halatang iba ang iniisip.

Napatawa ako "Bakit?"

"Sus! Ikaw talaga, deny deny ka pa ha"saad ni Tita.

"Bakit ba? Haha"

"Si Papa ang nagsabi sa kan'ya"saad ni Mama at napatango tango naman ako. Naiintindihan ko naman sila.

"Mama! Lalapit lang ako kay Tito Thomas"pagpapa alam ni Nathan at pinayagan ko naman s'ya. Nakita ko naman s'yang tumakbo kay Sir at nung makita s'ya ni Sir ay agad na lumaki ang ngiti nila sa isa't-isa. Niyapos ni Sir si Nathan at halatang tuwang tuwa s'ya.

"Hay salamat, 'di na ako magsisinungaling"

Napalingon naman ako at nakita ko si Papa na may dalang tasa ng kape.

Mapangiti naman ako at medyo niyapos s'ya.

"Ikaw talaga,Pa"saad ko.

Inakbayan n'ya ako gamit ang malayang kamay n'ya "Nag-usap naman talaga kasi kami ng maayos kaya nasabi ko kung asan ka talaga"

Sabay sabay kaming napatingin kay Sir.

"Alam mo, 'yang Boss mo may iba talagang pagtingin sa'yo eh"saad ni Mama.

"Baka napapasaya ko lang talaga"sagot ko.

"Napapasaya? Pero nung kausap ko kagabi halos paiyak na"

"Ha?!"

Kagad akong napatingin kay Papa sa sinabi n'ya. Natawa naman sila ng konti ni Mama.

"Oo kaya, paiyak na. Hinahanap ka daw talaga n'ya. Kulang na nga lang daw magpapulis s'ya pero ramdam naman daw kasi n'ya na alam ko kung asan ka kaya pinilit na lang n'ya ako"

Napangiti ako ng konti "Ano bang pinag-usapan n'yo?"

Umiling s'ya "Itatago ko na lang yun saming dalawa"sagot n'ya "Ang mahalaga, mas nakilala ko s'ya at mas nagtiwala akong aalagaan ka n'ya sa Manila"

Napangiti naman ako at pinigilan ang kilig ko.

"Kinikilig na 'yan"saad ni Tita.

Tumango ako habang nakangiti at sabay sabay nila akong pinagtawanan. Siguro naman 'di naman nila ako ilalaglag kay Sir HAHA!

"Tito"

Napatingin kami sa tumawag at si Sir 'yun.

"Oh, buti naman ligtas kang nakapunta rito kagabi"saad ni Papa at inilahad n'ya ng kamay n'ya dahil sa paghingi ni Sir. Nagmano naman si Sir kay Papa kasabay na kay Mama pero syempre, pagdating kay Tito, nagpabeso s'ya. Inuunahan talaga ako n'yang Tita ko eh HAHAHA.

"Syempre naman po,gustong gusto ko pa kasi talagang makapunta dito"sagot ni Sir habang hawak ang kamay ni Nathan.

"Kagabi ka pa nandito, Tito?"tanong ni Nathan.

"Oo, kagabi pa pero dun ako natulog sa in'yo kaya"sagot ni Sir.

"Edi kayo lang pala ni Mama dun? Ayiieee!"

"Ayyiieee!"

Napasabay naman ni Nathan yung mga bata sa pangloloko. Napatawa naman sina Mama. Tumawa lang naman si Sir

"Oh s'ya ihatid mo na muna si Nathan,Ara. Magluluto lang kami rito para sa in'yo"saad ni Mama.

"Ah sige po. Tara na Nathan"pagyaya ko kay Nathan.

Napasimangot s'ya.

"Oh bakit?"tanong ko.

"Parang ayoko na pong pumasok"saad n'ya.

"Bakit?"tanong ko ulit.

"Gusto ko pong kasama si Tito eh"sagot n'ya.

"Ha? Eh, kailangan mong pumasok kasi baka mamiss mo yung ibang ituturo ni Teacher mo"

"Alam mo Nathan, pagkauwi mo na lang tayo maglalaro. Ibibili pa kita ng McDo kung gusto mo"saad ni Sir.

Napangiti si Nathan sa sinabi n'ya "Talaga po?"

"Oo naman, tara. Sasama ako sa paghatid sa iyo. Gusto mo ba 'yun?"

"Sige po! Sige po!"

Napatawa naman ako at nagpaalam na sa kanila. Hay naku, for sure! Magulo nanaman mamaya.

Sumakay kami ni Nathan sa backseat at si Sir naman ay nagmaneho na papunta sa school.

"Tito Thomas, sasama ka rin ba mamaya sa pagsundo saakin?"tanong ni Nathan habang nakatayo at nakahawak sa balikat ng dalawang upuan sa unahan pero syempre, hawak ko naman ang likod n'ya.

"Tanungin mo Mama mo kung pwede"sagot ni Sir habang nagmamaneho.

"Ma"kagad lumingon si Nathan. Alam ko na kaya tumango na ako.

"Tito! Tumango si Mama!"tuwang saad n'ya habang nakatingin na muli sa unahan.

"Oh sige, kami ng Mama mo ang susundo sa'yo mamaya. Ha? Basta, galingan mo sa klase"

"Yes! Sir!"

Sabay kaming medyo natawa na Sir sa sagot ni Nathan.

Maya maya pa ay nakarating kami sa school ni Nathan. Bumaba kami ng kotse at nakita namin ang mga magulang nung mga kaklase ni Nathan.

Before we let Nathan go, of course, hugs and kisses. Halata naman kay Nathan ang tuwa.

Naghug rin sila ni Sir at nagpabuhat pa nga si Nathan sa kan'ya. Natawa na lang ako kasi habang buhat ni Sir si Nathan ay todo ang yakap nila sa isa't-isa. Sobrang close na talaga.

"Ayan pala ang Tatay nung bata"

Nakarinig ako ng konting bulungan na hindi nalalayo sa amin.

"Totoo pala talaga ano? Nabuntis ng maaga ang anak ni Tito Galang"

Hindi ako lumingon at nanatili akong nakatitig kina Sir at Nathan.

"Sinong Tito Galang?"

"Yung dati nating Mayor. Si Galang"

"Ha?! Anak n'ya yung babae?"

"Oo, hindi ba't bali-balita dati na nabuntis ng maaga 'yang anak n'ya. Tinago pa nga n'ya ang anak n'ya sa kahihiyan eh"

"Grabe naman pala,ano?"

"Oo, buti ngayon lumabas na. Kita mo nga naman, pati yung ama ng bata inalabas na. Dati kasi tinatago"

"Aba buti naman 'yun kesa naman ikahiya nila yung kasalanang ginawa nila"

DAFUCK?! ANONG KASALANAN?!

Napalingon na ako at nakita ko ang dalawang matanda na sa tingin ko ay mga amiga ni Lola Nidora.

Tumingin rin naman sila saakin. Sinamaan ko sila ng tingin at nagbulungan nanaman sila. Mga lintek.

Muli na lang akong tumingin kina Nathan at binaba na ni Sir ang anak ko.

"Bye po"pagpapa alam ni Nathan.

"Bye anak"pagpapa alam ko at ngumiti. Ngumiti rin s'ya at tumakbo na papasok.

Tinitigan ko na lang si Nathan habang patakbo. Hindi ko alam kung bakit basta tinitigan ko lang s'ya.

"Uy"

Napatingin ako sa kan'ya nang sikuhin n'ya ako ng konti.

"Tara na?"pagyaya n'ya.

Ngumiti ako ng konti "Tara"

Napakunot noo naman s'ya nang konti at halatang nagtaka. Hindi ko na lang yun pinansin at pumasok na lang ako ng kotse n'ya.

Nagtaka s'ya.

.

.

.

Thomas' POV

May nagawa ba ako? May nasabi? Bakit parang sumama ang loob n'ya?

Nagmaneho na lang ako para makabalik kami.

"Ihatid mo muna ako sa bahay ko"saad n'ya kaya napatingin ako sa rear view mirror "Tapos dumiretso ka kina Mama"

"Ha? Bakit maghihiwalay pa tayo?"tanong ko.

"May gagawin pa ko sa bahay kaya dumiretso ka na doon para may magawa ka. Susunod ako doon pag kasundo ko mamaya kay Nathan"

"Ayoko,"saad ko "Maghihiwalay pa tayo? Ayoko"

"Mabilis lang naman"

"Bakit ba? Anong nangyari?"

Hindi na s'ya sumagot.

"Uy, bakit nga?"tanong ko.

"Tsk, maglalaba ako. Anong gagawin mo doon kung maglalaba ako?"

Alam kong hindi iyon ang tamang sagot pero pinalampas ko na lang muna at sinakyan s'ya.

"Edi tutulungan kita"pagbibiro ko.

"Baliw, sige na. Ihatid mo na lang ako doon sa kabila at dumiretso ka kina Mama"

"Tutulungan nga kita"natatawang saad ko "Kaya kitang tulungan"

"Haha, letche ang kulit. Sige na po Sir. Doon ka na lang"

Napangisi na lang ako. May problema nga siguro.

.

.

.

At Ara's Residence

Bumaba kami ng kotse at pumasok kami sa loob ng bahay n'ya.

"Sir naman eh, hindi ako makakakilos kapag andito ka"saad n'ya.

"Bakit ba? Tutulong lang naman ako ah. Marunong ako maglaba, okay? Tatlong buwan na akong naglalaba ng mga damit ko"saad ko.

"Weh? Nagpapalaundry ka eh"

I laugh "Just let me help you. I insist"

"Sige na, kung ayaw mong pumunta kina Mama magbasa ka na lang d'yan. Ayokong may nakikidawdaw pag may ginagawa ako"saad n'ya.

"Okay, di ako makikisali pero magbabasa ako sa tabi mo"suhestyon ko.

"Ayoko, makikita mo kong maglaba"

"Ano bang masama?"natatawang tanong ko.

"Hay naku, kumulit na s'ya"bulong n'ya.

Napangiti na lang ako "Can you just please let me?"

.

.

.

Nasa hapag kainan ako at nagbabasa ako ng libro. Kapitan Sino by Bob Ong. Nabasa ko na 'to kaso gusto ko lang ulit maalala. S'ya naman ay nasa likod ng bahay at naglalaba. Gusto ko man s'yang tulungan ay ayaw n'ya. Konti lang naman daw yun at damit ng anak n'ya yun kaya ayaw n'yang magpatulong.

Habang nagbabasa ako ay may narinig ako na parang pag-iyak. Napatigil ako sa pagbabasa at mas pinakinggan ito. Hindi kaya si...

Kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko at nilapag sa lamesa ang libro. Kaagad akong pumunta sa likod at hayun nga, nakita ko s'yang nagkatayo at medyo umiiyak. Halatang pinipigilan pa n'ya.

"Ara?"

Kaagad s'yang napatingin saakin at pinunasan ang luha n'ya.

"Tapos ka na bang magbasa? Halika, kuha kita ng isa pang libro"

Medyo napakunot noo ako sa pagpapatay malisya n'ya. Inunahan n'ya ako papunta sa loob pero pinigil ko s'ya.

"Ara bakit ka umiiyak?"

Ngumiti lang s'ya at pinunasan ang luha n'ya "Wala"

"Sabihin mo na sakin"saad ko at hinawakan ang pisngi n'ya.

Natawa lang s'ya ng konti "Please don't mention this anymore"

"Ey, tell me please?"

Habang hawak ko ang pisngi n'ya ay pumikit s'ya at lalong umiyak.

Niyapos ko na lang s'ya at pinatahan.

"Natatakot ako para kay Nathan"saad n'ya "Pinagbubulungan parin kami ng mga tao. Hindi ko na alam kung papaano ko ipapaliwanag kay Nathan kapag narinig n'ya ang tsismis ng mga nasa paligid namin"

Hanggang ngayon pa ba? Ano bang problema nila sa mag Ina na ito? Hindi naman buhay nila nasisira,tsini-tsismis pa. Ano ba sila?

"Hayaan mo na, huwag mo na silang pansinin"

"Papano ko ipapaliwanag kay Nathan lahat? Papano ko sasabihin sa kan'ya?"

Hindi naman na ako nakasagot. May naisip na lang ako na paraan.

.

.

.

Nagpaalam ako kay Ara na bibili lang ako ng McDo para kay Nathan at pagkatapos ay babalik ako ng bahay para sunduin naming dalawa si Nathan pero hindi iyon ang gagawin ko.

Bibili ako ng pagkain para kay Nathan pero didiretso na ako sa school n'ya. Gusto kong kausapin si Nathan.

If Ara can't do it, maybe I can.

I'll start it and she shall end it.

Kesa naman hindi na masabi ni Nathan lahat. Mas maganda ng simulan ko.

Dala ang burger at french fries ay nag abang na kaagad ako sa labas ng kindergarten ni Nathan. Nakakatanggap na ako ng tawag at text galing kay Ara pero hindi ko muna ito sinagot.

Habang naghihintay rito sa labas ay pansin kong may kumpol na mga mid 50s na babae. Nakakapagtakang nagbubulungan sila at tumitingin saakin.

Hindi ko na lang sila pinansin.

"Eh akala ko ba yung lalaking nakikita natin dati na laging kasama ni Ara yung Ama nung bata?"

Napakunot noo ako nang mahapyawan ko ang boses nila.

"Baka kaya sila naghiwalay nung lalaking yun ay dahil hindi sya ang Ama nung bata"

"Sino ang Ama?"

"Edi 'yan, kita mo naman oh. Inaantay ang paglabas ng anak n'ya. Mukhang nagbabawi na 'yan sa anak n'ya"

Ano ba 'to? Bakit nila kami pinag uusapan?

Pinilit kong hindi intindihin sila dahil alam ko namang wala silang maitutulong.

"Kamukha nung isang lalaki 'yung bata eh"

"Baka naman yung isang lalaki talaga yung Ama tapos ito yung bagong katipan ni Ara"

"Aba oo nga"

"Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, sobra na lang ang pakikipaglaro"

"Yung pamangkin ko, kabatch daw yung Ara na 'yan nung High School. Ligawin naman daw talaga 'yan"

"Eh kaya naman pala. Mahilig yata sa lalaki kaya nabuntis kaagad"

DAFUCK?!

"Hahahaha, tama ka d'yan Kumare"

"Excuse me ho"

Hindi na ako nakapagpigil at nilapitan ko sila. Napatahimik naman sila.

"Tumanda na ho kayo ng ganyan hindi pa kayo natuto sa buhay"saad ko habang pigil na pigil ang galit ko "Huwag n'yo ho sanang pag-isipan si Ms.Galang ng gan'yan dahil unang una hindi n'yo s'ya kilala at pangalawa, wala kayong alam. Huwag ho sana kayong magmarunong"

*Bell*

Napatigil sila at ganoon rin ako. Uwian na ng mga bata kaya lumayo na ako sa kanila habang nagpipigil parin. Hinintay ko na lang lumabas si Nathan.

Nung makita ko s'ya ay napaltan ng ngiti ang mukha ko. Napangiti rin s'ya at tumakbo s'ya palapit saakin.

Niyapos ko s'ya at binuhat.

"Asan po si Mama?"tanong n'ya.

"Nasa bahay naglalaba, kaya ako na lang ang sumundo sa'yo"

Ngumiti s'ya "Okay lang po, tara po umuwi na tayo para may kasam na sa bahay si Mama"

Ang bait talaga ng batang 'to.

Hinalikan ko s'ya sa noo n'ya at niyapos pa s'ya lalo.

I wish this is my son.

Sinakay ko s'ya sa likod at inabot sa kan'ya ang pagkain. Laking tuwa naman n'ya.

Habang nasa likod s'ya't kumakain, ako naman ay nagsimula ng magmaneho at iuwi s'ya.

"Umm, Nathan?"

"Hmm?"

Mukhang hindi makasagot nang maayos kasi puno ng french fries ang bibig.

"Umm, natatanong mo ba kay Mama mo yung tungkol sa Papa mo?"tanong ko.

"Ahh, umm, opo"

"Ano sinasagot n'ya?"

"Wala daw po eh o di kaya hindi na lang n'ya sinasagot"

Napalunok ako. Paano ko nga ba sisimulan?

"Bakit po? Kilala mo po ba ang Papa ko?"

Napasilip ako sa salamin at nakita kong nakatingin s'ya saakin. Kitang kita na interesado s'ya.

"Alam mo kasi Nathan, may mga bagay kasi talaga na hindi mo pa maiintindihan ngayon. Ang gusto lang kasi ngayon ng Mama mo ay intindihin mo muna s'ya. Kasi si Mama mo, di pa n'ya talaga alam ang gagawin n'ya"

"Tito Thomas, bakit po yung mga kaklase ko? May Nanay at Tatay ako po wala? Bakit ganon? Bakit hindi alam ni Mama ang gagawin n'ya?"

"Nathan kasi.."

"Bakit po hindi basta basta nagpapakita si Mama sa mga tao kapag kasama ako? Masama po ba ako? Pangit po ba ako? Kapalit palit ba ko?"

"No"

"Then why?!"

How I wish, that's happening right now 😒

"Tito Thomas, bakit po yung mga kaklase ko? May Nanay at Tatay ako po wala? Bakit ganon? Bakit hindi alam ni Mama ang gagawin n'ya?"

"Nathan kasi.."

"Tito Thomas hindi po ba proud si Mama saakin?"

Napabuntong hininga ako "Nathan, you need to talk to your Mother. Kung gusto mong maintindihan ay magpaintindi ka sa Mama mo"

"Makikita ko pa po ba ang Papa ko?"

"Baka"

"Bakit baka?"

"Wala pa kasing kasiguraduhan"

"Bakit po? May ibang pamilya na po ba? May ibang anak na po ba s'ya?"

"Teka teka, saan mo nalalaman 'yan?"

Hindi s'ya nakasagot.

"Nathaniel, saan mo natutunan 'yan?"may tapang na nasaad ko.

"Sa kaklase ko po, sabi daw po kasi ng Lola n'ya baka daw po ganon ang nangyari saakin kaya wala akong Papa"

What the hell?! Anong meron sa mga matatanda?!

"Huwag kang makinig sa sasabihin ng iba"saad ko "Ang pakinggan mo lang ay ang Mama mo, Lolo mo, Lola mo at ang mga tao sa bahay. Huwag kang makikinig at maniniwala sa sasabihin ng iba ha? Hindi maganda 'yan"

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga n'ya.

"Gusto ko na pong makita yung Papa ko"

Ang hirap talaga kapag bata na ang nagsalita.

"Talk to you Mother, okay? Kapag may oras kayo, pag usapan n'yo"

.

.

.

Nakarating kami sa bahay n'ya at natural, nabigla s'ya kasi si Nathan umuwing walang gana. Medyo nagalit kasi bakit daw ako lang ang sumundo. Bakit ganto. Bakit ganyan pero hindi na lang din ako sumagot.

Pumunta kami sa bahay nina Tito at pansin parin ang pagkatamlay ni Nathan. Kahit masarap ang niluto ni Tita Betchay at Tita Tess ay hindi parin naganahan si Nathan.

Nagtataka naman sila pero hindi naman na nila kinukulit si Nathan. Basta ang saakin lang, dapat si Ara na ang kumausap sa kan'ya.

Gabi na at konting ingay na lang ng mga bata ang naririnig. Kumakain kami ng buko salad na gawa ni Tita Betchay. Masarap kasi purong puro ang pagkakagawa.

"Asan nga pala sina Ara?"tanong ni Tito "Tawagin n'yo para makatikim nitong gawa ng Mama mo"

Napatingin naman ako sa paligid. Wala s'ya pati si Nathan.

"Kasama yata si Nathan"sagot ni Kuya Djun.

"Tawagin mo nga, para makakain nito"utos ni Tito.

"Umm, sige po Tito. Ako na lang po ang tatawag"pagboboluntaryo ko at tumayo sa sofa.

Tumingin naman ako sa labas at sa di kalayuan ay nakita ko silang dalawa.

Pumunta ako sa terrace at tinitigan yung dalawa. Nasa ilalim sila ng puno ng mangga, nakaupo doon sa damuhan. Nag uusap sila. Mas tinitigan ko pa ito at napansin kong seryoso ang usapan nila. Mukhang nag uusap na sila tungkol kay Teng.

Tahimik ang paligid, tanging hangin ang gumagawa ng ingay at kahit malayo ay narinig ko na umiiyak na pala si Ara. Hindi ko man maintindihan ang sinasabi n'ya kasi malayo ay alam kong umiiyak s'ya. Si Nathan naman ay nakatingin lang sa Mama n'ya at mukhang iniintindi kahit s'ya'y bata pa.

"Ang ganda nila pagmasdan no?"

Napalingon ako at nakita ko si Tito na palabas rin ng bahay.

"Ah, oo nga po"sagot ko at muling tumungin kina Ara. Tumabi naman s'ya saakin habang pinagmamasdan yung dalawa.

"Alam mo, matalino naman 'yang si Nathan eh"saad ni Tito "Si Ara lang talaga 'yung takot. Natatakot na baka hindi maintindihan ng anak n'ya ang lahat"

Napatango naman ako kasi sumasang ayon ako sa sinabi n'ya. Nagkaroon ng konting katahimikan. Medyo nakakakaba eh, si Tito kasi parang seryoso

"May balak ka ba?"

"P-po?"

Napatingin ako sa kan'ya. Tiningnan n'ya ako.

"May balak ka bang dumiretso?"

Napalunok naman ako sa tanong n'ya at napatingin kay Ara.

Meron nga ba?

"Sa totoo lang po Tito, di ko po alam. Ayoko naman po kasing biglain kasi halos mag da dalwang buwan pa lang po. Masyadong mabilis kung babalakin ko na,"paliwanag ko "Pero natutuwa po ako sa kan'ya. Natutuwa po ako sa anak ninyo. Masaya po ako kapag kasama ko s'ya"

Napangisi s'ya "Ganoon ba talaga ang sinasagot ng mga lalaki ngayon?"

Nagtaka naman ako.

"Maniwala ka at sa hindi, iyan din ang sagot ni Jeron saakin noon"

Oh shit.

Tumingin ako sa kan'ya.

"Alam mo hijo, mabuti kang tao. Mabait ka. At alam ko naman na walang magiging problema sa'yo pero kasi sa nakikita namin. May isang bagay na humahatak sa'yo palayo kay Ara. Alam ko gusto n'yo pang malapit sa isa't isa at pinipilit n'yo yun kaso, may nakikita kasi akong mali kapag pinilit n'yo 'yun eh"

Napatahimik naman ako sa sinabi ni Tito.

"Si Jeron, hindi naman sa pag aano pero may kasing tulad kayo eh. Ang pagkakaiba n'yo lang ay pakiramdam ko, mas nagbibigay halaga ka kay Nathan. Kasi si Jeron kasi, hindi n'ya gaano napapahalagahan ang anak n'ya. Tanging si Ara ang mas iniintindi n'ya pero ikaw, balanse eh. 'Yun lang ang pinagkaiba n'yo"

Katulad pala ako nung mokong na 'yun. Nakakalungkot kasi galing pa talaga si Papa ni Ara 'yun.

I'll prove him wrong.

"Thomas, hindi pa kita ganoong kakilala pero noong una palang kita makilala, lumaki kaagad ang tiwala ko sa'yo. Alam ko simula palang ito pero huwag kang mag alala, kung magkakaron man kayo ng problema iintindihin ko 'yun. Hindi ako magiging bias dahil anak ko si Ara. Hindi ako magiging one-sided para sa inyo"

Napangisi naman ako "Tito, why do I feel like you're already saying that me and Ara will work out?"

I smirk "Will the both of you aren't going to be?"

I stopped.

Shoot! That got me!

He chuckles "You two will work out,"he said "Tiwala lang"

Pumasok na ulit s'ya sa loob at ako ay napatulala na lang.

Ganoon ba talaga ang nasa isip nila? Sa tingin ba nila nagliligawan na? Na nandun na?

Hindi ba pwedeng Getting-To-Know-Each-Other pa lang? Well technically, para sa kanila pang ka-ek-ekan lang 'yun pero geez, I think wala pa kami doon.

Mutual Understanding ba?

Oh please, I don't know.

All I know is I'm happy with her.

.

.

.

10 PM

Pauwi na kami sa bahay ni Ara at 'yung dalawa tahimik lang sa likod. Mukhang nakapag usap naman sila ng maayos.

"Are you guys fine?"

Binasag ko na ang katahimikan. Ilang segundong walang sagot hanggang sa..

"Yes"

Si Nathan pa talaga ang sumagot.

"Ikaw Ms.Galang?"tanong ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga n'ya.

"Oo"sagot n'ya kasabay ng paglabas ng hangin sa bibig.

"Sure?"

"Oo"

Luh? Pakiramdam ko hindi. Nanatili na lang tahimik sa buong byahe.

Nung makarating kami sa bahay ay talagang tahimik lang. Dumiretso yung dalawa sa kwarto at ako naman ay umupo sa sofa, rito sa sala.

Pinagmasdan ang mga libro sa aklatan ni Ara at hinintay s'yang bumaba.

Magdaan ang kalhating oras ay bumaba s'ya.

"May ginawa ba akong mali?"

Kaagad na tanong ko kahit hindi ko s'ya tinitignan. Naramdaman ko na bumagal ang paglalakad n'ya. Halatang nagbigla rin.

"Why do I feel like you're mad at me?"I asked.

I look at her.

"Hindi ako galit"sagot n'ya habang nakahawak sa hand railing ng hagdanan "Nabigla lang ako sa ginawa mo"

"So galit ka nga?"

Inikot n'ya ng konti ang mata n'ya at lumapit saakin.

"May I?"she asked, referring to the space in my sit.

"Sure, sofa mo kaya 'to"sagot ko ng pabiro.

Napangisi s'ya at umupo ng sofa sa tabi ko.

"Nag alala lang ako kasi, binigla ako ni Nathan. Nagtanong na lang s'ya biglaan. Syempre ako, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Nathan 'yun. Hindi ko pa naman kasi naiisip na sabihin sa kan'ya"panimula n'ya.

"Lumalaki na 'yung bata, kailangan n'yang malaman 'yun"

"Oo nga, alam ko pero sana ako yung magdidisisyon kung kailan sasabihin 'yun. Hindi 'yung susunduin mo s'ya sabay sosolohin mong sabihan s'ya about sa Papa n'ya"

Ah, 'yun. 'Yun ang mali ko.

"Sorry"I whispered and look at her.

She shrugged.

"Ano napag usapan n'yo?"tanong ko.

"Well, he knows everything now. Sinabi ko lahat sa paraang alam kong maiintindihan n'ya"

"Naintindihan ba n'ya?"

"Oo naman daw, nagtatampo daw lang s'ya kasi hindi man lang s'ya hinintay na lumaki ni Jeron para kahit papano makilala n'ya. Pero anong magagawa? Ayan na eh, ayun na talaga 'yung ginawa ni Jeron"

Napatango naman ako.

"Is he mad at me?"

She smiles "You know he will never get mad at you" she said "As far as I remember, never namang totally na nagalit si Nathan sa mga tao. Tampo lang"

Tumango naman ako kasi naniniwala ako doon.

"Hmm, sorry for ruining the time"I said "Gusto ko lang talagang maliwanagan na si Nathaniel"

"It's fine"bulong n'ya.

Tumahimik naman nang sandali hanggang sa tinaas n'ya 'yung paa n'ya sa sofa at mukhang komportable na.

"Babalik ka na ba ng Manila bukas?"tanong n'ya.

"Babalik ka na ba?"tanong ko.

"Hmm, hindi pa siguro"sagot n'ya.

"Ako rin, hindi pa siguro"sagot ko.

Napatawa naman s'ya ng konti.

That laugh again.

Pinatong ko ang braso ko sa sandalan ng sofa.

"May I?"I asked.

Lumingon s'ya nang konti at mukhang naintindihan ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagngiti n'ya ng konti.

Akala ko naman ay sasagot s'ya ng 'oo' pero ang ginawa n'ya ay mas lumapit s'ya saakin at sinandal ang sarili n'ya sa akin.

Pinatong din n'ya ang ulo n'ya sa may balikat ko.

"Can I take that as a yes?"I asked.

She laugh and nodded.

Yes!

I wrapped my arms around her and pulled her closer to me.

Ipinatong ko na rin ang ulo ko sa ulo n'ya.

I love this position.

Ganito rin kami kagabi pero hindi nakakasawa, nakakakilig parin.

"Gusto kong ipakilala si Nathan"

"H-ha?"

Tumingala s'ya at tiningnan ako "Gusto kong ipakilala si Nathan"

"Kanino?"tanong ko.

"Sa lahat"

"W-what?"medyo natatawang tanong ko.

"Ipapakilala ko si Nathan sa lahat. Na may anak na ako. Na may anak ako. Na may Nathaniel Galang ako"

Oh shit!

"Yes!"sagot ko at natawa s'ya.

"Good thing! That's nice! Wow, are you sure?"

"Oo! Sa September na ang birthday ni Nathan and before that, gusto kong makilala ng lahat si Nathan. Ayoko na nang kami lang nina Mama ang magce-celebrate dun! Gusto ko lahat na! Lahat ng kakilala ko o lahat man ng gustong pumunta! Ang gusto ko lang, malaya na ako. Bahala na sila! Yung mga tsismosang amigas na 'yan bahala na sila! Mga pangit sila!"

Kaagad akong natawa at sinabayan naman n'ya ako.

"Gusto ko lang maging malaya na si Nathan, di ba?"tanong n'ya.

Ngumiti ako at tumango "That's right, beautiful"

Napangiti rin naman s'ya. Halatang kinilig. Namula s'ya eh.

I find it adorable.

"I want my son's 5th birthday will be very memorable for him"she said.

That made me a great idea.

"Why not only for him?"I asked "What if the celebration will be very memorable for us too?"

She got confused.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay n'ya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"I'll bring my family to meet your family on Nathan's Birthday" I said "Let's make it official"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

HI GUYS!

Ngayon palang, sasabihin ko na. Medyo hahakbang na tayo sa malayo layo ah. Kasi ayokong pahabain ng sobra itong story, gusto ko nga 40 chapters lang kaso naging imposible na. So, hahakbang na tayo next chapter kaya intindihin n'yo na lang kung may ilang pagbabago sa characters. Okay? 'Yun lang! May the God bless you guys!

Continue Reading

You'll Also Like

137K 3.3K 54
What will you do if you end up in someone else body?
16.4K 658 31
Naniniwala kaba na makakatuluyan mo yung crush mo na sobrang yung parang walang pakelam sayo. Nung una hindi ako naniniwala na magiging kami rin sa...
188K 3.8K 21
Naniniwala ba kayo na sa unang pagkikita nyo palang nahulog na agad ang puso mo sa isang taong hindi mo kilala?? Well,, naniniwala ako, dahil naranas...
87.7K 2K 32
Ampon si Aries ng mga Castañeda. Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung mahulog man siya sa kapatid niyang si Gian. Pakiramdam niya wala ng mas sus...