Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)

By swaegmonster

113K 4.4K 2.4K

(Completed) She's fixing him. He's breaking her... More

Prologue
Pyxis
Dedication
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
33.1
Chapter 34
Chapter 35
35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
38.3
Chapter 39
Chapter 40
40.4
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
45.5
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
June's Journal (20XX)
June's Journal (20XY)
Chapter 52
Epilogue
Breaking Mr. Perfect
Self-Publishing!

Chapter 14

1.5K 70 12
By swaegmonster


Chapter 14 - Don't assume


- AYU -


<"Ayu, are you listening?">

I take a deep breath before answering. "Yes, Mom."

<"As I was saying, he'll arrive at around six pm—">

I interrupt her, "Bakit hindi na lang ikaw ang sumundo sa kanya since you sound so excited?"

<"Ako ba ang boyfriend niya? Didn't you miss him? Dahil siya, siguradong miss na miss ka na."]

I don't answer.

<"You have to be there.">

"It's too early! May klase ako!"

<"Gawan mo ng paraan.">

"He's not a kid para sunduin ko pa!"

<"He will soon be your fiancé, Ayu!">

Hindi na naman ako nakasagot. Reality sucks. Hindi na ako sumagot at pinatay na lang ang phone ko.

Peste!

Wala akong choice kundi i-advance ang Arts ngayong araw.

Nagpaalam ako kay Sir Venegas, PE teacher at first subject ko sana ngayong hapon. Continuation lang kami sa volleyball kahapon. Naipanalo ko na nag team ko, at nakakuha ng perfect score.

I talk to Sir Jimenez next, the Art Teacher, at siya ring last subject ko dapat. Sinabi ko sa kanyang may kailangan akong puntahan sa oras niya mamaya kaya kailangan kong mag-advance. Pinaliwanag ko rin sa kanya kung bakit hindi ko na kailangang pumasok sa PE.

1-B pala ang hawak niya ngayon.

I smirk to myself.

I'm going to see Jacin.

Since papunta na rin si Sir Jimenez sa Art Room, sumunod na ako sa kanya.

Palapit kami sa Art Room nang makita ko 'yong annoying girl na madalas nakadikit kay Jacin, tumatakbo siya papasok ng room, si Jacin naman nakayukong naglalakad palabas. And there, nagkabungguan sila. Her forehead almost hit his chin but Jacin manages to hold her forehead first before it does.

"Tsk, tsk. Hindi pa magaling ang noo mo, magpapabukol ka na naman? And this time you're aiming at my chin."

"J-jacin! B-bakit hindi ka pumasok kanina?"

"Watched too many cartoon movies last night... woke up late... Bakit ba tumatakbo ka na naman?"

"L-late na ko!"

"Yup, same here."

Jacin even helps the annoying girl pick her things up and they both head inside.

Tsk, clumsy. I hate clumsy girls and so does he. He shouldn't have helped her.

Nauunang maglakad sa'kin si Mr. Jimenez, and I purposely stop nang makita kong palabas ulit si Jacin.

Hinintay ko siyang makalabas ng tuluyan, and just after a few seconds, our eyes meet.

He tries to hide his astonishment, pero alam niyang wala siyang maitatago sa'kin.

"Hi." I say with a taunting smile.

Hindi niya ako pinansin, at nilampasan lang ako.

"You're not avoiding me are you?" habol ko sa kanya.

Huminto siya paglalakad pero hindi ako hinarap. "I am."

"Why?"

"Do you really have to ask me?"

"Still affected?"

"What if I am?" hindi ko inasahan na haharap siya kaya napaurong ako ng hakbang. "You made a fool out of me. Are you happy now?"

A derisive laugh escapes my mouth. "Yeah, in fact I am."

Jacin doesn't answer, so I make my way inside the Art Room.




- JUNE -


"I believe nasabi ko na sa inyo last meeting ang dapat n'yong gawin?" tanong sa'min ni Sir Jimenez.

"Yes, sir."

"Alright, get started." Tumikhim ng malakas si Sir nang mapansin niyang na kay Ayu ang kalahati ng atensyon namin. "And before I forget sasabay pala sa'tin si Ms. Garcia ng 1-A. You all know her I suppose? She has some important matters to do sa oras namin mamaya kaya sasabay siya sa inyo ngayon."

"Yeah right, as if. It's obvious naman na gusto niya lang makita si Jacin, eh."

"She's the Highest One now, siguradong gusot niyang ipamukha 'yon kay Jacin."

"Gosh, she's so desperate! I don't like her."

"I don't like you either." Malakas at mataray na sabi ni Ayu sa mga classmate kong nagbubulungan.

Natahimik kaming lahat. Grabe ang impact ng boses niya. Nakakatakot. Kahit si Sir Jimenez, natahimik. Sakto pa sa muling pagpasok ni Jacin hawak ang materials niya.

Lalong lumaki ang tensyon ng magkatinginan ang dalawa. Nakangisi si Ayu habang wala namang emosyon si Jacin. Ilang seconds lang 'yon pero ramdam na ramdam namin ang tensyon.

Umupo si Jacin sa tabi ko at inayos ang mga gamit niya.

Tumikhim ulit si Sir. "What did I tell you? I said get started! Get to work everyone!"




- AYU -


Bakit ba siya nag-aaksaya ng oras kasama ang babaeng 'yon? Why does he keep looking at her? Pinagseselos niya ba ako? Akala niya ba magseselos ako?

Para ngang hindi niya namamalayan sa sarili niya na panay ang tingin niya sa babae.

And is that admiration in his eyes?

Jacin probably just pities her.

At 3 PM, nag-dismiss si Sir Jimenez. "To those who want to stay and continue their plates, you may do so dahil wala naman nang ibang gagamit nitong Art Room. Wala naman kayong klase after nito 'di ba? Wala si Ma'am Carabeo n'yo."

But everyone starts gathering and packing their stuff up.

Except for Jacin and that girl.

Natatawang umiling si Sir. "Sabi ko nga magsi-uwi na kayo."

The girl looks so absorbed sa ginagawa niya, and Jacin is still staring at her.

Why the fuck is he staring at her? Ano bang meron sa babaeng 'yon?

"Guys, tingnan n'yo si June nasa sariling mundo niya na naman."

"Look! Half-finished pa lang 'yan! Pano pa pagnatapos niya?"

"Quiet class. Hayaan n'yo siya." saway ni Sir Jimenez.

"She won't hear us Sir, believe me. Kasama ko siya sa art club, ganyan talaga siya."

"Alam ko, ako rin ang humahawa sa inyo sa art club 'di ba?"

Inayos ko ang mga gamit ko. Hindi pa rin ako natapos, kulang dalawang oras para gumawa at mag-drawing ng bahay.

Palabas ako ng marinig kong magsalita ulit si Sir.

"What about you, Mr. Mendes? Are you staying too?"

"Yes, sir. I'll wait for her."

"Hmmm. You're not making a certain someone jealous, are you?"

Of course he is. Pinagseselos niya lang ako, but Jacin would never admit that.

"I'm not, sir." I hear Jacin says. "June is my friend."

"She's so lost in her own world, nakakatuwa siyang panoorin, ano?"

Jacin doesn't answer.

Nang lingunin ko sila, Jacin is watching the girl with full attention.

Sir Jimenez clears his throat. "I might as well leave then."

Plugging my earphones, I take my leave too; head to my car and drive to the airport.




- ROXY -


Hindi pa rin ako maka-get over sa napagmasdan ng mga mata ko kanina sa gym. Nakakaloka, ang daming gwapo! Parang naging paraiso ang gymn!

At ngayong friends na si June sa Pyxis, kailangan palagi akong maganda at fresh dahil nitong mga nakaraan, palagi na lang silang sumusulpot sa harap namin! Ka-stress, hindi ako prepared palagi.

Kainis lang si Tyler, hindi ako nahintay! Ang bilis kasi ni Alisson! Imagine, kaka-transfer niya lang dito sa Luxford tapos mababalitaan namin na sila na agad?

Kaya kailangang bilisan din ni June dahil baka maunahan na naman siya ni Ayu! Tsk. Bruhang 'yon. Akala mo kung sinong matalino sa klase! Para siyang reyna, diyosa o whatsoever kung umasta sa A, sakit niya sa bangs.

"Roxy."

"Ay frog!" and I jump like a frog! Kaharap ko lang naman si Jacin Mendes. See? Sulputan ng sulputan! Hindi na naman ako prepared. Bakit kaya nandito 'to?

Oh no! Sakin ba siya na-fall sa halip na kay June?

This can't be!

"Nasa Art Room pa rin si June."

"Huh?" I check my wristwatch. "Almost five na! Hanggang 3 lang kayo do'n 'di ba?"

Tumango siya. "I wanted to wait for her but my friends are waiting for me too..." intense niya kong tiningnan. "Is she always like that?"

Napalunok ako. "Like w-what?"

"She's so serious, so focused, so absorbed, and so engrossed at what she's doing. As if everything around her doesn't exist."

I study his face. Whoa there...

Ang dami niyang sinabi ah! And his tone...

He sounds like...

Nope. Roxy, 'wag kang mag-assume para sa best friend mo. Kaka-break lang ni Mr. Perfect kay Ayu!

Bumuntong hininga ako."Well yeah, gano'n talaga si June once she focused or concentrated her mind on something. It always happens... mainly when she draws or paints or doing something she loves."

"Does everyone know she's like that?

"Yes. Almost everyone, pati 'yong mga kasama niya sa art club. They think she's weird, kaya madalas siyang ma-bully. Some admired her but they're only a few."

"Does she know she's like that?"

Bumuntong hininga ulit ako bago umiling.

Matagal bago siya nagsalita ulit. "It's getting late, puntahan mo na siya. May trabaho pa siya sa library 'di ba?"

Gosh, konti na lang kikiligin na ko para kay June! Worried si Jacin sa kanya! Haba talaga ng hair ng best friend ko! Maputulan na nga!




- JUNE -


"Bes!"

Ano pa bang kulang na design?

"June!"

Parang paling yata 'yong bubong na nagawa ko.

"ANDREA JUNE!"

Napatalon ako sa lakas ng sigaw ni Roxy. "Bes? A-anong ginagawa mo rito? Paano ka napunta d'yan?!" Nakaupo siya pwesto ni Jacin at nakapangalumbaba.

"Tumingin ka sa relo mo."

Ginawa ko ang sinabi niya. "Five na? Sira na yata 'to."

"Ikaw ang may sira! Na-dismissed na kayong lahat hindi mo pa rin alam?!"

Tumingin ako sa paligid.

Wala nang ibang tao sa loob ng Art Room bukod sa'ming dalawa ni Roxy. Wala na rin si Jacin, o kahit si Ayu o si Sir Jimenez.

"Saan sila nagpunta? I-niwan nila 'ko?"

Tumayo si Roxy at binatukan ako ng malakas. "Dismissed na nga kayo!"

Ang sakit! Nasapo ko na lang ang likod ng ulo ko. "B-bakit hindi ko alam? B-bakit hindi ko pansin?"

"Malay ko sa'yo!"

"Paano mo nalamang nandito ako?"

Tumikhim ng malakas si Roxy "Pinuntahan ako ni Jacin."

"Pinuntahan ka ni Jacin? Bakit naman?"

"Bakit niya ba ko pupuntahan? Alangan namang para isabay ako pauwi? Syempre dahil sa'yo!"

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang mga kamay ni Roxy. "B-bakit daw?" Pero hindi ko na narinig ang sagot niya nang mapatingin ulit ako sa relo ko.

5 PM na! Hinatak ko si Roxy palabas ng Art Room at nagulat pa ko dahil ang dilim na pala!

"Lagot ako kay Ms. Fe! Ang dami pa naman naming gagawin ngayon sa library!"


Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 315 37
Mahirap magmahal lalo na pag alam mong masasaktan ka lang. Mahirap magtago kapag sobrang sakit na ng nararamdaman. Mahirap magkunwari lalo na't alam...
231K 9K 53
The Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pamumuhay, simple lang din ang pangarap niy...
3K 229 39
Venice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She ne...
55K 2K 70
"Could you ever chase the sun enough to keep it from setting?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kamay at aktong inaabot ang araw. "No," sabi ny...